Three

1478 Words
Chapter Three Five years later “Ateeee!” patiling tawag ni Mace. Kalalabas ko lang ng banyo at katatapos maligo. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa labas ng banyo sa ayos ng pagkakaupo nito. “Galit na galit na naman si Mang Gustin!” tukoy nito sa kapitbahay naming nasa bandang likuran ang bahay. “Bakit daw?” “Hindi n’ya kasi mahanap ‘yong manok n’ya. Ang arte-arte. Galit na galit at ang ingay-ingay!” maarteng sabi ng kapatid ko at may papilantik pa ng mga kamay. “Bakit nag-iingay? Buti sana kung masarap ‘yong manok n’ya. Ang tigas-tigas naman. Ilang oras nang pinakuluan ni Papang ‘di pa rin lumambot.” Sabi ko rito sabay hakbang papanhik ng silid ko. “Muntik ko na ngang sabihin ‘yan, Ate, kaso naisip ko baka mas lalo s’yang mainis kapag nagreklamo pa tayo!” napahagikgik na lang ako. Sa galit ni Papang kanina, dahil sa mga nasirang halaman ni Mamang na sinabong-sabong ng manok ni Mang Gustin kinatay n’ya ‘yon. Sabi naman ni Papang binili n’ya raw eh. “Ate, paano n’ga ba binili ni Papang ‘yon? Bakit hindi alam ni Mang Gustin?” “Sabi ni Papang iniwan n’ya raw roon sa tungtungan ng manok ‘yong bayad. Keep the change na nga eh!” tugon ko. “Baka hindi pa nakita ni Mang Gustin! Bugnutin talaga ‘yong matandang ‘yon!” napailing pa ang kapatid ko na ikinatawa ko na lang. “Tapos mo na ba ‘yong assignment mo?” sita ko rito. “Sabi naman ni Kulas, sasagutan n’ya raw bukas!” “Ano?” salubong ang kilay na sabi ko rito “Gano’n talaga ate kapag may matalinong manliligaw! Palibhasa hindi naranasan!” sabi nito na mabilis nang tumalikod at pumanhik sa silid nito. Kung alam lang ni Mace. Sa sobrang ganda ng ate nito marami ang nagtangka pero hindi na pwede. Napabuntonghininga ako. Kasama sa kasunduan na ibinilin ni Attorney Tan ay hindi ko pakikipagrelasyon, iyon daw ang gusto ng lalaking pinakasalan ko. Mahigpit ang pagbabantay ni Papang. May susubok pa lang na lumapit sa bahay na may dalang halaman hinaharang na nito gamit ang itak. Naging maayos ang buhay namin simula nang makasal ako sa lalaking iyon. Sa pagkakaalam ko regular na may dumarating na pera kay Papang na ibinibigay nito kay Mamang pero kapag nag-aabot ang mga ito sa akin ay hindi ko tinatanggap. Nakapagtapos ako ng eduction course ko nang hindi humingi kina Papang ng pera para sa pag-aaral ko. Dalawang part-time job ang tumustos sa pag-aaral ko. Pero kahit pa graduate na ako, nakapasa sa exam hindi pa rin ako nagturo. Hindi ako masaya sa ginagawa ko, kaya naman humanap ako ng ibang trabaho. “Psst!” sinulyapan ko ang kapatid ko na nasa taas ng hagdan. May ngisi sa labi at mukhang may kalokohan na namang naiisip. Sa bahay na ito feeling ko ako lang ang matino. “Ano na naman?” nakaangat ang kilay na tanong ko rito. “Akyat sister! Dali, may chika!” senyas nito at dali-daling tumalikod. Nang marinig ko ang sinabi nitong ‘chika’ uminit agad ang tenga ko at dali-daling pumanhik sa second-floor ng aming bahay. Pumasok ako sa silid ko dahil doon ko nakita si Mace na pumasok. Inabutan ko itong nakasilip sa maliit na siwang ng pinto patungo sa balkonahe ng silid. “Anong tinitingin-tingin mo d’yan?” sita ko rito. “May tao sa bahay ni Lola Dahlia.” Mahinang sabi nito. Mabilis kong hinawi ito at pumalit sa pwesto nito. Tanaw mula roon ang paghahakot ng mga karton papasok ng bahay. “Ano bang sabi ni Lola Dahlia sa’yo?” “Sabi n’ya uuwi raw s’ya ng province tapos darating daw ‘yong apo n’ya.” “Baka ‘yan na ‘yong apo n’ya.” Sabi ko na umayos na ng tayo. Nangangawit ako sa ginagawa ko kaya naman binuksan ko na lang ang pinto at nagtungo sa balkonahe. Kung makikitsismis na rin lang naman bakit hindi pa lubos-lubusin. At gaya ng inaasahan ko may umpukan na naman sa tindahan katapat ng bahay namin. Ito ang trip ng mga kapitbahay namin. Ang pag-usapan ang mga bagay-bagay na kung tutuusin ay wala na dapat silang pakialam. “Si Lola Dahlia lang ang close natin sa lugar na ito. Sa tingin mo ate magiging close rin kaya natin ‘yang kapitbahay natin na 'yan?” “Siguro oo, siguro hindi.” “Ang labo mo talagang kausap.” Reklamo nito sa akin. “Naku! Ayan na naman nakasilip ang mga anak ni Jasmin, baka binabalak akitin ‘yong poging kapitbahay.” Talak ng ginang na nakasandal sa pasimano sa harap ng tindahan. “Hoy! Gurang na mabaho, baka ikaw. Bet mo?” sigaw ni Mace. “Stop!” saway ko sa kapatid ko. Pero pasimpleng nag-angat nang gitnang daliri sa mga tsismosa naming kapitbahay. “Pasok na nga tayo, Ate. Masisira lang ang gabi natin sa kanila. Mga pangit sila.” Sabi ni Mace at hinila na ako papasok sa aking silid. “Matulog ka na.” Bilin ko rito ng humakbang ito patungo sa pinto. “Oo ate, pagkatapos kong makipag-vc kay Kulas.” “VC?” tanong ko rito. “Video call, ate.” Sabi nito na napakamot sa ulo. “Sige, ‘wag ng magpuyat ha. Magsasayang ka lang ng load ‘di naman ‘yan ang makakatuluyan mo. Sige na paki-lock ‘yang pinto ko.” Utos ko rito. “Night, Ate!” sabi nito at mabilis ng isinara ang pinto. •••••••• Araw ng linggo. Tanghali na ako ng magising dahil ito lang ang araw ng pahinga ko. Sabi ni Papang ‘wag na raw akong magtrabaho pero never kong iaasa ang buhay ko sa asawang ‘di ko naman kilala. Siguro ang ikinaganda na lang ng nangyari ay natigil na sa pagbibisyo ang Papang ko. Narito na lang sa bahay at halos lahat ng gawaing bahay ay ginagawa na. Minsan nga nag-aaway sila ni Mamang dahil ang paghahalaman na libangan talaga ni Mamang ay gusto na rin nitong gawin. “Morning, guys!” patiling sabi ko sa mga tao sa kusina. “Kumain ka na rito, Jas. Gutom lang ‘yan dahil pati ang pagkakaiba ng umaga at tanghali ay ‘di mo na alam ang pagkakaiba.” Sabi ni Mamang na naghahanda na ng pagkain ko. “Aba’y, ‘wag ka namang ganyan Jasmin. Mahal kong anak na maganda at mabait maupo ka na.” Sabi ni Papang. Simula ng sunod-sunod na pagbabago sa buhay namin daig ko pa ang santo kung purihin nito eh. “Pasensya na, Mang.” Sabi ko sabay halik sa pisngi nito.”Kumain na ho ba kayo?” “Tapos na anak, kumain ka lang ng kumain d’yan.” Energetic si Papang. Mas nakakakaba talaga ang mga ganitong mood n’ya. “Si Mace?” tanong ko sa mga ito. “Nasa kapitbahay. Kumakalap ng impormasyon.” Mabilis na tugon ni Papang. “Impormasyon? Kelan pa naging imbestigador si Mace?” takang tanong ko sa mga ito. “Nakita kasi n’yang may bagong dating sa bahay ng Lola Dahlia. Kikilatisin n’ya raw kung mabuting tao.” Paliwanag ni Papang. “Tsk, ang tigas talaga ng ulo ng bunsong anak n’yo, Mang. Alam na agad kung kanino nagmana.” Sabi ko sabay tingin kay Papang na napakamot sa ulo. “Ito namang batang ito, nagbabagong buhay na nga.” “Sana nga, Pang, para hindi ko na kunin sa pinagpagawaan ko ng lapida ‘yong sa inyo.” Natawa si Mamang. Palagi ko iyong panakot kay Papang at mukhang effective naman. Habang kumakain ako patuloy kami sa kwentuhan nang dumating ang humahangos na si Mace. “Anong balita?” salubong ni Papang dito. “Gwapoooo, Pang!” excited na sabi nito. Pero bigla ring umayos ng tayo at sumimangot. “Oh, bakit?” tanong ko rito. “Ate, may bago tayong kapitbahay, yummylicious kaso mukhang beks.” Bagsak ang balikat na sabi nito at umupo sa bakanteng pwesto sa harap ko. “Ha? Beks?” “Parang tagilid, ate.” “Paano mo na sabi?” curious na tanong ko rito. “May gwapong kasama rin. Tapos nakita kong inabutan ng 150.” “Ha? 150?” bagsak ang pangang sabi ko rito. “Oo ate. Tapos tinapik n’ya pa ‘yong pwet noong lalaki.” Pagkwekwento nito. Kahit magpanggap na busy ang magulang ko sa mga gawaing nila. Obvious namang nakikinig rin ng chika ang mga ito. Pakunwari pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD