bc

Laurence Allen - LOVING YOU, WIFE

book_age18+
22.9K
FOLLOW
107.6K
READ
billionaire
possessive
drama
comedy
bxg
heavy
affair
discipline
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Rom-com

Dahil sa hirap ng buhay napilitan si Jas na sumang-ayon sa gusto ng kanyang tatay. Kailangan n'yang pakasalan ang taong pinagkakautangan nito, sa isang judge idinaos ang kasal nila ng lalaking tanging ang alam lamang n'ya ay ang pangalan nito, Laurence Allen Santorin. Nakaitim itong maskara na nagkubli sa mukha nito upang hindi n'ya makilala, at dahil sa galit na nararamdaman sa lalaki ay hindi na n'ya pinagkaabalahan pang kilalanin ito. Sa edad na 23 may isang lalaking umagaw ng inosenteng puso n'ya. Nagpakilala itong L.A, ang gwapong lalaki na bago nilang kapitbahay.

Maling umibig rito dahil sa s'ya ay naka tali na sa isang kasal sa lalaking hindi kilala. Pero paano n'ya pipigilan ang sarili kung ang lalaking kapitbahay ay di lang puso n'ya ang pinasok pati ang silid n'ya ay inakyat bahay na nito.

chap-preview
Free preview
One
Chapter One “Maghiwalay na tayo! Hirap na hirap na ako sa’yo! Hangang kailan mo kami pahihirapan ng mga anak mo? Sawang-sawa na ako, Bruno!” hiyaw ng aking ina na dinig na dinig ko na papasok pa lang nang kalawanging gate namin. Marami na ang nakapwesto sa tindahan sa katapat namin dahil sa pag-aaway ng magulang ko. Galing akong school, pagod at masakit ang ulo. Tapos ganito pa ang dadatnan ko. Napansin ko ang kapatid kong si Mace na nakasiksik sa malaking paso na takot na takot. Sampung taon lang ito pero ganito na ang kinalakihang environment. Sumenyas ako rito na magtungo sa kapitbahay naming si Lola Dahlia. Pagpasok ko sa bahay inabutan ko ang aking inang si Jasmin at amang si Bruno na nasa sala. May hawak na basag na alkansya ang aking ina. “Mang?” tawag ko rito habang titig na titig sa alkansyang pamilyar na pamilyar sa akin. “Ayan, ipaliwanag mo sa anak mo ‘yang kagaguhan mo!” sigaw ni Mamang na ibinato ang hawak sa paanan ni Papang. Sinulyapan ko si Papang na nanlulumong umupo sa upuang kahoy na s’ya mismo ang may gawa. “Pang? A-nong ginawa mo?” nangingilid ang luhang tanong ko at napasalampak habang nasapo ang bibig upang pigilin ang pag-iyak.”Pang! ‘Y-ong ipon ko! A-nong ginawa mo?” “Anak, patawarin mo ang Papang! Patawad!” “Patawad? Hoy! Bruno, ilang ulit na ba ito? Ninanakawan mo na ang sarili mong pamilya para lang d’yan sa bisyo mo! Walang-wala na nga tayo nakuha mo pang pakialaman ‘yang perang iniipon ng anak mo para pangsugal! Napakahayop mo! Maghiwalay na tayo!” sigaw ni Mamang na nasa pinto ng silid ng mga ito, at ngayon ay umiiyak na. “Mang!” sabi ko rito. Ayoko namang maghiwalay ang mga ito. May faith pa rin ako kay Papang na magbabago ito. “Hahanap ako ng pera pangpalit!” determinadong sabi ni Papang at akma ng aalis. “’W-ag na Pang, ako na ang bahala!” malungkot kong sabi. At saan ito pupunta? Mangungutang na naman sa mga kabaro nito sa sugalan? Tapos ano, susugod dito ang mga napag-utangan at kami nila Mamang na naman ang pagbubuntunan nila? “’Wag na kayong mag-away. Tayo na naman ang laman nang usapan sa labas!” bagsak ang balikat na pumasok ako sa silid ko. Kasama ko si Mace sa silid na ito. Dalawa lang ang kwarto malaki naman ang lote namin pero dahil kapos sa pera hindi namin maipagawa ang bahay. Sinilip ko sa bintana ang bahay ni Lola Dahlia. “Maceee!” halos pasutsot na tawag ko sa kapatid ko na nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdan kila Lolo Dahlia. “T-apos na ba silang mag-away?” naiiyak na tanong nito. Mabilis akong tumango at sinenyasan ito na umuwi na. Mabilis naman itong tumakbo pabalik sa bahay. Tiyak na ilang araw na namang bida ang pamilya namin sa umpukan. Sa hanay ng mga kabahayan dito, ang tahanan na lang namin ang mukhang gusgusin de-pintura na nga ang mga bahay rito kaya naman ‘eyesore’ ang tingin sa amin ng mga tao rito. Kami na lang daw kasi ‘yong natitirang ‘dukha’ sa lugar na ito. Gusto kong maging sikat na artista ngunit hindi related sa pangarap ko ang kursong kinuha ko. Feeling ko kasi sobrang ganda ko at nababagay ang mukha ko sa mga television. Pero dahil kapos hindi ko pwedeng unahin ang pangarap ko. Teaching course ang kinuha ko at 3rd year na ako na nairaos ko sa tulong ni Mamang at ng dalawang part-time job ko. Naririnig ko na ang paglilinis ni Papang ng kalat sa sala. Kahit nang mag-sorry ito kay Mace, pero hindi ko na rinig ang tugon ni Mace na ngayon ay papasok na ng kwarto ko. Nangingilid ang luha nito na yumakap sa akin. “Ate bad na ba ako kasi galit ako kay Papang?” “Galit ka kasi?” “Galit ako kasi ayaw n’yang magbago! Ate, pinagtatawanan ako sa school kasi raw purita tayo!” “Purita? Aba, dapat sinabi mo purita man tayo, ang mahalaga maganda tayo!” sabi ko rito saka sinapo ang pisngi nito at pinahid ang luha nito. “Mas importante ba ang ganda ate?” napaisip ako. “Ay, hindi pala mas importante pa rin ang pera!” sabi ko sabay kamot sa ulo. “Ate naman eh!” “Ano ka ba, pinapatawa lang kita! Hayaan mo na sila, darating din ang panahon na tayo naman ang titingalain nila!” “Kasi yayaman tayo?” “Hindi, kasi pagdating ng panahon malaki na ‘yong puno ng manggang tinanim natin sa bakuran. Pag-umakyat tayo roon edi titingalain na nila tayo!” “Ateeee!” napapadyak na ito sa sobrang inis sa mga sagot ko. Natawa na lang ako. “Dito ka muna kakausapin ko lang si Mamang!” sabi ko rito. Nagtungo ako sa silid ng magulang ko pero wala ang mga ito roon. Nang subukan kong tignan ang mga ito sa kusina inabutan ko ang mga ito roon. Habang naghuhugas si Mamang naka back hug naman si Papang dito. Naririnig ko na nag-so-sorry ito kay Mamang kaya naman hindi na ako tumuloy. Bumalik na lang ako sa silid. Ang kwento ni Mamang sa akin nagbago lang naman daw si Papang dahil sa nangyari noon. ‘Yong bisyo n’ya mas lumala. Hindi ko maalala kung ano ang sinapit ko noong 10 years old ako pero iyon daw ang dahilan kung bakit hindi na mapigil ni Mamang si Papang sa kanyang mga bisyo. Inabutan ko si Mace na hawak ang cellphone ko. “Ate, ‘yong cellphone mo matibay!” nakangiting sabi nito. “Ha?” takang sabi ko rito. Kinuha iyon at sinipat. Nokia 3310 ang brand ng cellphone ko. Matagal na ito at regalo ni Mamang noong 15th year birthday ko. “Well, sabi kasi ni teacher maging observant daw kami. Kung gusto naming malaman ang sagot sa tanong na nasa isip namin then subukan naming magsaliksik!” “At anong kinalaman ng cellphone ko sa sinabi ng teacher mo?” “Sabi kasi sa napanood ko sa tv ni Lola Dahlia matibay raw ang ganyang cellphone!” “Oh, tapos?” “Tapos ibinato ko sa pader---” sabay turo ang dingding ng silid naming magkapatid. “B---inato mo?” manghang tanong ko. Mabilis itong tumango na tuwang-tuwa. “Ang galing ate, nakalas lang s’ya pero no’ng binuksan ko umilaw pa rin!” napapalakpak pa ito sa tuwa. “Maceee!” frustrated na sabi ko sa kapatid na waring natigilan. “Galit ka, Ate?” huminga ako nang malalim. “Galit ba ako?” tanong ko rito. Muling huminga ng malalim. “Ewan ko po, sabi ni teacher ikaw lang ang makapagsasabi ng nararamdaman mo. So ate galit ka ba?” “Mace, ‘wag ka munang magpapakita sa akin! Dalian mo!” mahinang sabi ko rito. Humahagikgik na lumabas ito ng silid. Nanlulumong tinignan ko ang cellphone ko. Alamat din talaga itong cellphone na ito. Hindi lang si Mace ang na curious. Sa totoo lang sinubukan ko rin yun. At oo, matibay nga. Pagsapit ng gabi, surprise! Bati na ulit ang magulang ako. Tinalo pa si flash at ang flash ng toilet namin. Char, de-timba lang ho kami. Nagkwekwentuhan na ang dalawa habang kumakain kami. Nang biglang may sunod-sunod na katok sa pinto. “May inaasahan ka bang bisita, Bruno?” tanong ni Mamang kay Papang. “W-ala!” pero sa pagsagot pa lang nito alam kong may idea na ito kung sino ang kumakatok na waring plano ng gibain ang pinto namin. Tumayo ako at bahagyang binuksan ang pinto. “Yes, what can I do for you?” ingles na tanong ko sa lalaki pero ang idinikit sa noo ko ang nagpatuwid ng tayo ko at nagpaatras sa akin. Napahiyaw si Mamang at sa sobrang gulat ni Papang nahulog pa ito sa upuang kahoy. “Berting! A-nong ginagawa mo rito?” takot na sabi ni Papang. May mga kasama pa ito na armadong lalaki na kanya-kanya tutok ng baril sa pamilya ko. “Pang? Sino sila?” takot na sabi ko rito. “Pang, tropa ba sila ni Cardo? Pang!” sabi ni Mace na yumakap kay Mamang. “Ano na naman ito, Bruno!” naiiyak na sabi ni Mamang. “Naiinip na si Boss Kuto! Alam mo namang mabilis mainip si Boss bakit naman kasi hindi ka pa nagbabayad!” sabi ng lalaki at ikinasa ang baril. “’W-ag, ‘wag mong saktan ang anak ko! Kakausapin ko si B-osing!” sabi ni Papang. “Madali naman kaming kausap! Tara!” nanginginig man nakuha pa ring tumayo ni Papang at sumunod sa mga ito. Gusto ko s’yang pigilan pero hindi ko magawa dahil sa takot na ikilos ang katawan. “P-apang, sabihin mo tropa ba sila ni Cardo? P-apang! Para alam ko kung hihingi kami ng back up kapag kalaban s’ya ni Cardo!” naiiyak na sabi ni Mace. “Pang!” tawag ko rito. Ngunit muling nag-angat ng baril ang lalaki. “Tara na!” sabi ni Papang sa mga lalaki at naiwan kaming naiiyak sa sobrang takot. Sa paghihintay naming makabalik si Papang ay tulog na si Mace sa hita ni Mamang. Nailipat na rin ito sa silid pero wala pa rin si Papang. Hindi kami makahingi ng tulong sa pulis dahil tiyak na hindi magugustuhan ni Papang iyon. Alas dos ng madaling-araw dumating ito. Putok ang labi, may black eye at dumudugo ang braso. “Pang?” sabay kaming dumalo sa Papang ko na nanghihinang naupo sa upuan sa sala. “Ano na naman ito, Bruno?” tanong ni Mamang. Kumuha agad ako ng panlinis sa sugat nito. May kalaliman ang sugat nito sa balikat. At nagdedeliryo na ito pero hindi pa rin maampat ang dugo. “Mang dalhin na natin si Papang sa ospital!” “Sandali, tatawag ako nang maghahatid sa atin!” tarantang lumabas ito. Tinungo ko si Mace at mabilis na ginising ito. “Maceee, gising! Punta ka kay Lola Dahlia! Doon ka muna!” hindi na nagtanong si Mace na takot na takot nang lumabas ng silid, mas natakot pa ito nang kita si Papang. Tumakbo ito palabas patungo sa kapitbahay naming si Lola Dahlia. Dumating si Mamang kasama ang pupungas-pungas na kaibigan kong tricycle driver na si Mauro. Nakita nito ang ayos ni Papang na agad na nilapitan at inalalayan makatayo. Pinagtulungan naming maisakay ito sa tricycle. “Ateeee! Pinabibigay ni Lola Dahlia!” sabi ni Mace. Tinaggap ko ang inaabot nito. Pera iyon, at kahit na nahihiya tinanggap ko na iyon. At sinabihan ang kapatid na bumalik na sa bahay ng matanda. Pagdating namin sa ospital agad namang inasikaso ang Papang ko. Ang perang ibinigay ni Mace kanina ang ginamit ko na unang bayad. Hindi pa man ito tapos na gamutin ay nagpaalam na ako na maghahanap ng pera. Tiyak na ‘pag nalaman ng ospital na wala kaming sapat na pera ay baka pagtulakan pa kami palabas. “Ito gamitin n’yo na muna! Pambayad ko sana ‘yan sa second sem pero may ilang linggo pa naman bago ang enrollment!” sabi ni Mauro. Kaklase ko rin ito at ang kita nito sa pamamasada sa bakanteng oras ang ikinabubuhay nito. “Naku Bff, hindi na! May mahahanapan naman siguro ako!” “Arte mo, hindi mo ikinaganda ‘yan! Oh, ito na! Bayaran mo na lang ako kapag sumahod ka!” “S-alamat! Ang hirap talaga kapag mahirap. Nakaka-sad girl” naipaling na lang ito. “Tsk, ‘di mo bagay maging sad girl!” sabi nito na tinapik ang balikat ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
149.3K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
441.5K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.1K
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

My Son's Father

read
585.7K
bc

SILENCE

read
386.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook