Chapter Two
“Pang?” tawag ko kay Papang nang makauwi kami ng bahay. Nasa silid na si Mamang at si Mace ay ganoon din.”Usap muna po tayo!” sabi ko rito.
Mailap ito ngayon. Nakailang ulit ko na s’yang tinanong ngunit tikom ang bibig n’ya.
“Baka naman ho magulat na lang kami may mga susulpot na naman at baka masaktan na kami ng tuluyan! Pang naman, maganda lang ako pero hindi naman ako strong girl!” sabi ko rito.
“A—nak, may mas malaki pa akong inutangan. Naalala mo ba ‘yong pinangbayad natin sa ospital ng magkasakit si Mace? ‘Y-ong perang nahiram ko ay umabot na ng 350k tumutubo iyon, malapit na ang nakatakdang paniningil ni Sir Laurence!”
“350k? Pang, 50 thousand lang ‘yong nagastos natin sa ospital! Naisanla pa ‘yong papel ng bahay natin! Hindi ka nag-abot ni sinkong duling! Pang!” frustrated na sabi ko sa ama kong parang may hangin ang utak sa mga trip sa buhay.
“A—nak, itinaya ko kasi sa sabong. Nagbakasakali akong baka manalo iyon!”
“N-agbakasakali? P-ang?!” napapadyak ako sa sobrang inis. Nasaan ba ang utak ng Papang ko? Nasa kuko sa paa?
“K-apag hindi ko iyon na bayaran ipapatay n’ya raw ako!”
Bagsak ang balikat ko nang talikuran ko ito at nagtungo sa pintuan. Bago ko pa naitulak ang pinto pabukas muli itong nagsalita.
“Jas, anak!” tawag nito.
“Ipapahanda ko na ‘yong lapida mo, Pang!” matamlay kong sabi rito. Saan namin kukunin ang 350k at ang tubo noon. Mas mura ang lapida kesa sa halagang iyon.
Inabutan ko sa labas ng gate si Mauro na nakaupo sa tricycle nito. Kumakain ng barbeque.
Inagaw ko iyon dito at kinain.
“Magkano pagawa ng lapida?” seryosong tanong ko rito.
“Bakit? Sinong namatay?” takang tanong nito sa akin.
“Ihahanda ko lang malapit na kasing mamatay si Papang!” pinitik nito ang ilong ko.
“Aray ha!” reklamo ko rito. Sabay irap.
“Puro ka kalokohan!” sermon nito sa akin.
“Saan kami pupulot ng 350k plus interes? Sabihin mo sa akin!” problemadong tanong ko sa lalaki.
“Pwede mo namang kitain ‘yan! Medyo mahal ang kidney, pati mata mo---”
“Gagi!” sabi ko na bahagyang na tawa.
“Kelan ba magtitino ‘yang Papang mo! Binabaon na kayo sa utang, baka unang loan mo kapag nakapasok ka bilang guro kulang pa sa pambayad!”
“Kaya dapat makapasok na ako sa susunod na season ng PBB o kaya kahit maging leading lady lang ni Papa P!”
“Asa!” sabi nito sabay iling.
“Mag-asawa na lang kaya ako ng Afam? Tingin mo?” sabi ko rito.
“Tsk, nangangarap ng gano’n kahit nga tambay sa kanto hindi ka type sila pa kaya!” pambabara nito sa akin.
“Umuwi ka na nga, walang pagkasuporta!” sabi ko na inagaw muli rito ang plastic na may lamang soft drinks.
“Ikaw kasi feeling maganda ka!”
“Maganda naman talaga ako! Ikaw lang itong nagsasabing pangit ako eh!” totoo naman, mestiza kami nila Mace. Ang buhok ay light blonde. Alon-alon rin iyon at kahit minsan bareta lang ang gamit na sabot ay makinis pa rin ang kutis.
Kaya nga kami pinag-iinitan din dito ay dahil magaganda kami.
“Asa!” labas sa ilong na sabi ni Mauro. Napipikong inirapan ko ito.
“Umuwi ka na!”
••••••••
Malapit lang ang pwesto ng kulay itim na kotse na kinalululanan ko. Habang nasa tapat ng bahay ni Lola Dahlia ang isa sa pinagkakatiwalaan n’yang kasambahay na ngayon ay nagretiro na.
“Sino ang lalaking iyon?” tanong ko sa tauhan na s’yang nagmamatyag kay Jas.
“Matalik na kaibigan ho ni Ma’am Jas! Mauro ang pangalan!”
“Ayokong umaaligd-aligid s’ya sa anak ni Mauro. Gawan mo nang paraan na mawala sa landas ni Jas ang lalaking ‘yan!”
“Yes, boss!”
“Kumusta si Bruno?” tukoy ko sa ama ng dalaga.
“Kalalabas lang ng hospital, nakausap ko na ang napag-utangan n’ya na gumawa no’n sa kanya. Hindi na ho nila guguluhin ang pamilya ni Bruno. Binayaran ko na rin!”
“Good!” sabi ko rito.
“Pasimulan n’yo ng ayusin ang bahay ni Dahlia. At tiyakin mo ang kaligtasan ni Jas at ng pamilya n’ya!”
“Oho, Sir!” yumukod pa ito at mabilis na umalis sa harap ko.
Kailangan kong umalis pansamantala ng bansa. Pero hindi pwedeng umalis na lang ako basta. Jas is mine. At bago man lang ako umalis titiyakin kong magiging akin s’ya. Ang ang Mauro na ‘yan, titiyakin kong hinding-hindi magiging balakid sa tunay kong intensyon sa dalaga. Kahit pa ang buhay ng lalaking ito ang maging kapalit. Kahit anong gustuhin ko, makukuha ko iyon. Kahit pa sa paanong paraan.
•••••••
“Pang?” sita ko kay Papang na tulala sa kaharap nito. Pormal na pormal ang ayos ng lalaki. Halatang mamahalin ang suot at kagalang-galang.
“Sino ho kayo?” salubong ang kilay na tanong ko rito.
“J-as!” tawag ni Mamang na luhaan na nanggaling ng silid nila. Lumapit ako rito at niyakap ito.
“Pang, ano na naman ‘yan?”
“Hija, I’m Attorney Tan ako ang abogado ng pinagkakautangan ng tatay mo!”
“Utang? Magkano naman ho?”
“Umabot na ito ng isang milyon dahil sa tubo at tagal na ‘di nakapagbayad ang iyong ama. Lahat ay legal dito, hija. Pumirma ang iyong ama sa kasunduan. Medyo naiinip na ang boss ko at alam ng tatay mo ang posibleng mangyari sa kanya.” Seryosong sabi ng lalaking nagpakilalang Attorney Tan.
“I-sang milyon? Seryoso ka d’yan?”
“Oo, hija! Heto ang patunay!” iniabot nito iyon sa akin.
“Tang’na, seryoso nga! Pang, ano ba? Mas mura ang lapida ipapahanda ko na ba?” mas lalong umatungal ng iyak si Mamang.
“May paraan naman, hija!”
“Paraan? Pagbebentahin n’yo na ba kami ng laman loob namin? Anong paraan?”
“Kailangan mong sumang-ayon sa kondisyon ng boss ko!”
“Ako? Ba’t ako? ‘Di ba dapat si Papang?” umiling si Attorney Tan.
“Ikaw ang hinihinging kapalit ng boss ko!”
“A-no?” sinulyapan ko si Papang na ngayon ay umiiyak na. Ano ba namang buhay ito. Bakit kailangan maging ma-drama ‘di ba pwedeng comedy lang tapos may lalabas sa pinto sisigaw ng ‘it’s a prank’ lang. ‘Di ba pwedeng gano’n?
“A—nak, ang gusto raw mangyari ni Boss pakasalan mo raw s’ya kahit sa papel lang!”
“Gago ka ba, Pang? Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo? Seryoso ka d’yan?”
“A—nak, papatayin ako ni Bossing kapag hindi na sunod ang gusto n’ya!” nagulat ako ng biglang lumuhod si Papang sa harap ko at waring nagmamakaawa. Nakadama ako ng lubos na pagkahabag sa ama.
“Kasal sa papel lang, hija. Magkakaroon kayo ng maayos na buhay kapag sumang-ayon ka. Hindi na rin magsusugal ang iyong ama oras na pumayag ka. Makakapagtapos ka ng pag-aaral ng hindi inaalala ang pera. Maipapaayos mo rin ang bahay na ito kung gugustuhin mo.” Masyadong tempting ang offer nito.
“Sino po ba ang mapapangasawa ko kung sakali?” kagaya ba noong mga thunders na napapanood ko sa tv? Tapos ma-de-deads at lahat ng datong nito ay mapupunta sa akin? Oh my gosh, bet na bet. Pak na pak.
“He’s Lawrence Allen Santorin, my boss.” Nice name pero siguradong gurang na.
“Pwede ko ho bang makausap?” tanong ko rito. Baka sakaling mapakiusap ang boss nito.
“Hindi hija, kung sasang-ayon ka sa kasal. Sa araw na kayo nang kasal magkikita.”
“Anak, parang-awa mo na.” sabi ni Papang na ginagap ang kamay ko ng paluhod na lumapit ito sa akin. Binawi ko ang kamay ko at hinarap ang abogado.
“S-ige, kailan po ang kasal?” tanong ko rito. Sunod-sunod ang pagtahip nang dibdib sa sobrang galit na nararamdaman dahil sa sitwasyong kinasasadlakan.
“Sa lalong madaling panahon.” Sabi NG abogado.
“Huli na ‘to, Pang. Oras na ‘di ka pa nagpakatino. Lalayasan ko na kayo.” Nakakapagod maging anak ng ama ko. Palagi na lang kaming inilalagay sa alanganing sitwasyon.
“O-oo, pangako ko ‘yan sa’yo. Magpapakatino na ako.” Dinig kong sabi nito bago sumara ang pinto. Ang sarap talagang magsako ng Papang na matigas ang ulo.
•••••••••
Isang kasal sa harap ng isang judge. Bilang lang sa kamay ang witness. Katatapos lang naming pumirma. Ilang parte lamang ang sinunod sa seremonya. Sinulyapan ko ang lalaking nakaitim na maskara. Matangkad ito, halata rin ang matipunong katawan. Pero pagkatapos na mapirmahan lahat ay nauna pa itong umalis. Hindi man lamang kami mabigyan nang pagkakataong makapag-usap.