Chapter 4: Kenji

2811 Words
"Hi, Lolo," bati ko sa lapida ni Kenth Kaide. Sumalampak ako ng upo sa damuhan pagkatapos kong mailagay ang mga naipon kong bulaklak sa tabi ng lapida niya. Ilang beses na akong nakadalaw sa kanya sa loob ng dalawang linggong pananatili ko sa tahanan ng mga Kaide. Actually, naging practice ko na ang magpunta rito sa tuwing nagigising ako nang maaga. Minsan nga naaabutan ko pa si Tito Isly na naglalagay rin ng mga bulaklak rito at binibisita ang nakalakihan niyang ama. Nakaugalian ko na rin ang kausapin siya gaya ng ginagawa ko ngayon. "Sayang, Lolo, hindi man lang kita nakilala ng personal. How I would love to meet you sana to prove that what they say about you is true. For sure, marami akong matututunan sa'yo." Napangiti ako habang pinapasadahan ng tingin ang bawat letra ng kanyang pangalan. "They said you were cold, calculating, heartless and ruthless. But Tito Isly said you were the warm, comforting and loving father who nurtured him since his birth. Nakita naman iyon ng lahat especially on the way Tito raised his own children with you being his model. Not that Lolo Francis and Lolo Marcus treated him otherwise. Sabi ng Papa, Lolo Marcus loved Tito Isly on his own ways. But that love never made Tito Isly turn his back on you. Instead he was still very proud of claiming you as his father. And not just because of the Kaide name but because he put you in the pedestal of being the best father in the world." "Nakakainggit, Lolo. Minsan iniisip ko na kung lumaki sana si Daddy sa'yo, would he be as great as Tito Isly in being a father to me and kuya? Siguro kung buhay ka pa, you would have taught me how to be strong like you. Siguro mas nakaya kong harapin ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. Maybe, ang dahilan kung bakit naisumbat ko ang Yakuza kay Sachi noon was because deep inside, I wanna follow your footsteps. I wanna be someone like you and Tito Isly. I'm sorry, Lolo. I never wanted to hurt them. I never wanted to replace them. I just... I just wished that I was as strong as them. Nakakapagod na rin kasing maging mahina, Lolo." Kaagad kong pinunasan ang mga luhang bumasa sa mga pisngi ko. "Kenji." Kaagad akong napadiretso ng upo nang marinig ko ang boses ni Tito Isly.  Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong naglagay rin siya ng mga bulaklak sa puntod ng ama at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. "Do you know what my Papa used to tell me?" panimula niya kaya napatingin ako sa kanya. "A Kaide never cries." Lalong nanhapdi ang mga mata ko nang makita kong namumuo na rin ang mga luha sa mga mata niya. "Growing up, I never really cried. It was plastered on my heart and mind that crying was a sign of weakness. Kaya kahit anong hirap ng mga trainings na pinagdaanan ko noon, kahit maraming beses kong gustong gamitin ang mga luha ko para makuha ang mga gusto ko, I never dared cry sa harap man ni Papa o kapag mag-isa na lang ako. Do you know when was the first time I cried? It was the day I watched him took his last breath while saying how much he loves me. Na hanggang ngayon kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon, kusa na lang na lumalabas ang mga luha ko para sa kanya." Nakangiti man si Tito Isly ngunit dama ko pa rin ang sakit sa kanyang bawat salita. "And I can still vividly remember the tears that fell from his eyes that day. They were tears of love. So I realized, hindi lang weakness ang rine-represent ng pag-iyak. Ang mga luha ay simbolo rin ng pagmamahal, ng tapang, ng pagsisisi, at ng lakas ng loob. At ilang beses ko nang ginawa iyon. Ilang beses na akong lumuha sa harap ni Papa. Noong naging mahina ako, noong pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa akin, noong tinalikuran ako ng taong natutunan kong mahalin, naririto ako at umiiyak sa harap niya. Those were my tears of pain. At noong muli akong lumakas, noong makamit ko na ang lahat ng gusto kong mapagtagumpayan, noong maipanganak si Sachi, naririto akong muli at umiiyak muli sa harap niya. Those were my tears of joy, happiness and gratefulness. Hindi na ako natatakot umiyak sa harap niya. Hindi ko na iniisip na ang pag-iyak ay simbulo ng pagiging mahina. Instead, crying is a symbol of strength. Pinalaki ako ni Papa sa paniniwala na gusto niyang mapatunayan ko through my own experiences. And I know natututunan mo na rin iyon, Kenji." "Tama ka, Tito and I know marami pa akong matututunan sa pananatili ko rito." Napangiti na si Tito Isly sa sinabi kong iyon. Bukod kasi sa pakikipag-bonding ko sa pamilya niya at pakikipag-asaran sa bisita nila, nagsimula na rin akong mag-training ng self-defense and si Tito Isly mismo ang nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban, paggamit ng katana at maging sa paggamit ng baril. Sa loob ng kulang dalawang linggo ay marami na akong natutunan na magagamit ko para ipagtanggol ang sarili ko at sa bisita namin kapag hindi na ako nakapagtimpi sa kanya. "Kung pwede lang ay habambuhay na ako rito, Tito." I wistfully said.  Basta umalis na ‘yung bisita ninyo.  Gusto kong idagdag pero ayokong iba ang isipin ni Tito kung sakaling masasabi ko iyon. Teka nga, bakit ba kanina ko pa isinisingit ang damuhong bata na iyon? Siguro dahil hindi na ako makapaghintay na umalis siya. Paano nga kasi nakailang tawag na sa kanya ang pamilya niya at pinababalik na siya sa Russia ngunit ayaw nitong umalis. Tila nakikipagpatagalan ito ng pagbabakasyon sa akin. Nakikipagkompetensiya. "Welcome ka rito kahit gaano katagal, Kenji. Ipinatayo ito ng Lolo Kenji mo para sa ating lahat lalo na sa inyong mga tunay na kadugo niya." "Tito, kadugo ka na rin namin at mas ikaw ang pinahalagahang anak ni Lolo Kenth. Wala iyong halong selos o bitterness, ha? Konting inggit lang," pagbibiro ko kay Tito Isly. Natawa naman siya. "That's probably my edge," pakikipagsabayan niya rin sa biro ko ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay sumeryoso siya ulit. "Kenji, magkaiba kami ng Daddy mo. Magkaiba kami ng uri ng pamilya at pangdidisiplinang kinalakihan. Kung ako ay lumaking matapang at malakas simula nang magkaisip ako, kabaliktaran iyon ng ama mo. Your Dad grew up weak because of the thought that he is adopted. Wala siyang self-confidence at lalo pa siyang pinahina ng bullying coming from the person he has learned to love. Noong matuto siyang magtiwala, ipinahamak at tinalikuran siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya. He was abused. He became vengeful. And I believe hanggang ngayon ay nagbabayad pa ang Papa mo sa mga naging kasalanan niya sa Daddy mo." Itinanim ko sa puso't isipan ko ang bawat salitang sinasabi ni Tito. Alam kong binubuksan niya ang nakaraan upang maliwanagan ako at may matutunan. "Your Papa didn't grow up in a perfect environment as well. Kahit na lumaki siyang alaga sa pagmamahal ng Lolo Francis mo, iba pa rin kung pati ang Lolo Marcus mo ay gano’n din ang trato sa kanya. Your Lolo Marcus was ruthless too, even to his own son. He hated Jarius's presence because he reminds him of the woman who almost ruined his life. At noong dumating ang daddy mo sa buhay nila, mas lalong lumayo ang damdamin ng mag-ama sa isa't isa. So you see, your fathers have their own skeletons in their closets that until now, they are not confident on how they will perfectly treat their own children. So instead of hating them for not being the perfect parents, ikaw na anak na nakakaunawa sa pinagdaanan nila ang umintindi sa kanila. Once you're over your own problems, you still have a lot of chance to make it up to them at sila sa'yo." "Hindi ko naman sila gustong palitan, Tito. I never thought of that. But now that you are helping me understand their circumstances, mas nauunawaan ko na kung bakit ganon sila. Hindi perfect na katulad mo," natawa si Tito sa tinuran kong iyon. "Hindi ako perfect, Kenji. I have my own hidden skeletons as well. There's blood on my hands tainting my soul. I am a murderer. I've already killed hundreds of men. I've killed them without mercy, torn their bodies into pieces, I bathed in the blood of my enemies and I won't regret what I've done because a sick part of me enjoyed it. At muli kong gagawin iyon kung malalagay sa peligro ang mga taong mahal ko. Hindi ako perpektong tao. Hindi rin ako perpektong ama. Lumaki rin akong walang ina. Nakakulong. Hindi na-enjoy ang kabataan ko. At iyon rin ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko maibigay ang kalayaang gusto ng mga anak ko at ang mga dapat nilang maranasan. Walang perpektong magulang, Kenji. May mga mas marunong lang talagang magdala." Mahabang paliwanag ni Tito at aaminin kong sa mga sinabi niya ay mas lalong lumawak ang pang-unawa ko. "Thank you, Tito. I needed to hear those," pagpapasalamat ko sa kanya na sinuklian niya ng pag-akbay sa akin. "You will learn as you grow old, Kenji. You will learn once you fall in love and fall out of love. When you will have your own children, when you already have your own family. No one and nothing could bring a good man down. And you're a good man. Kapag hinayaan mong natatalo ka sa ilang laro ng kapalaran, matuto kang tumayo at muling lumaban. Huwag kang titigil hanggang hindi ka nakokontento, hanggang hindi mo natatatalo ang mga pagsubok ng kapalaran sa'yo. You've survived some of those. Gumaling ka sa cancer mo at pinakawalan mo ang taong mahal mo pa rin. And I am confident there would be more challenges you will get through." I happily nodded at him, thankful that he boosted my ego once again. "Mauna na ako sa'yo. Tutulungan ko pa ang Uncle mo sa pagluluto ng breakfast natin," pagpaalam niya sa akin. "Susunod na po ako maya-maya, Tito," sabi ko naman sa kanya bago niya ako iwan. I spent some more minutes reflecting my talk with Tito before deciding to go back to the house. Sa dining room na ako dumiretso dahil nagkakaingay na roon noong pumasok ako. As usual, masagana at masayang breakfast na naman ang naghihintay sa aming lahat. Perfect na sana kung hindi ko lang makikita ang nagpapapangit sa maganda ng araw ko. Ayun, nakasimangot na naman siya nang makita ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Umupo na ako sa puwesto ko at tila wala siya sa harap ko na umakto ako. Sa dalawang linggo ko rito, nasanay na akong kumain ng kanin sa almusal. Pagkatapos ng almusal at nakapagpahinga na ay sasabak ako sa training kay Tito Isly. Then, lunch na naman. Makikipag-bonding sa mga pinsan ko hanggang gumabi, then dinner with the family. Minsan, nanunuod kami ng mga movies bago matulog. Gano’n ang araw-araw na routine ko rito sa Japan. "Kenji, si Adrian nga pala ang magbabantay sa training mo ngayon. May mga lalakarin kaming papeles ng Uncle Luis mo." "Sige po, Tito," pagsang-ayon ko. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil ang Adrian na tinutukoy ni Tito ay ang anak ng kaibigan ng pamilya. Isa ito sa mga mataas ang posisyon sa grupo ni Tito Isly. And I've heard, ang ama nito ang legal na tagapag-mana sana ng mga Nishiguchi ngunit ibinigay na ang pamamahala kay Tito kaya naman napakarami talagang kalaban si Tito Isly. Bukod sa malakas na ang Kaide Group, siya pa ang pinuno ng mga Yakuza sa buong Japan. Ngunit gaya nga ng sinabi niya sa akin kanina, no one and nothing could bring a good man down. And Tito Isly is way, way better than any of them. Pagkatapos ng breakfast ay nagpahinga na muna ako sa kuwarto ko then naligo na ako at naghanda para sa training ko. May sariling gym ang isa sa mga mansiyon at doon ako nagtungo. Naabutan ko na si Adrian Nishiguchi roon na malugod akong binati. Ipinaliwanag niyang techniques sa Mixed Martial Arts ang ituturo niya sa akin na ikinatuwa ko naman. At kahit ilang beses akong nadapa, nadaganan at naipit ni Adrian during the training, hindi nabawasan niyon ang kagustuhan kong matuto. Pagkaraan ng halos dalawang oras ay may mga natutunan na akong techniques. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsubok sa isang killer move nang magkaroon kami ng ‘di inaasahang bisita kaya naman pareho kaming natigil sa pag-eensayo ni Adrian. Tumaas ang kilay ko nang very confident pang maglakad papunta sa amin ang aming unexpected na bwisita. "I wanna learn that, too," pormal nitong sabi kay Adrian. Namewang si Adrian sa harap niya. "Tito Isly said that I will only train Kenji-san here." "Oh, c'mon, dude. I have a little knowledge of Mixed Martial Arts. You won't sweat teaching me." Tulad ko ay pinagtaasan din siya ng kilay ni Adrian. Tumingin muna si Adrian sa akin na tila humihingi ng permiso at nang makitang deadma lang ako ay pumayag na rin siya. "Well, it seems that this could be a test for you to demonstrate what you have learned, Kenji-san. It would also let me see what techniques Damon-san knows." "See? It's like hitting two birds in one stone. Instead of getting tired in teaching him, all you have to do now that I am here is watch," nagmamalaking sabi ni Damon that made me roll my eyes. And I will hit your bird with one kick. A vengeful thought entered my mind. "Let's do it then." Nag-signal si Adrian kaya naman pumuwesto na kami ni Damon sa gitna. At dahil balibagan, daganan, at ipitan ang mostly gagawin namin, nasasapinan ng may kakapalang kutson ang sahig ng gym kung saan kami nagte-training. Nagsimula ako sa mga striking techniques na itinuro sa akin ni Adrian kanina. Magkakasunod na sipa, knees and elbows strikes ang ibinigay ko kay Damon na walang ibang ginagawa kundi ang manangga. Busy ako sa kakasipa sa kanya nang walang babalang hinawakan niya ang binti ko at hindi na binitawan iyon. Sinubukan ko siyang suntukin ngunit sa isang pag-ikot niya ay natumba kaming pareho sa sahig. Napaigik ako nang malakas nang dumagan sa akin ang may kabigatang katawan niya At dahil hindi pa rin niya binibitawan ang binti kong iniipit niya ay pinaikot ko ang mga braso ko sa leeg niya at sinakal siya. "Kenji-san!" Sigaw ni Adrian ngunit hindi ko ito pinansin dahil nagpupumiglas si Damon at hindi pa rin binibitawan ang binti ko. Nagulat pa ako nang magpilit bumaba ang katawan niya at itiklop ang tuhod ko. Itinaas niya ang binti ko at ilang saglit pa ay kinikiliti na ng tarantado ang talampakan ko. Hindi ko napigilan ang mapatawa nang malakas dahil sa nakakakuryenteng pangingiliting ginagawa niya sa talampakan ko. "Stop it!" sigaw ko habang tumatawa pa rin. At dahil nakahulagpos na ang leeg niya sa mga braso ko ay inabot ko ang buhok niya, hinila iyon, at saka gigil na sinabunutan. Kulang na lang ay iuntog ko ang ulo niya sa tuhod ko. "Ouch, f**k my haaaiiir!" sigaw niya at gigil din na mas pinagbuti pa ang pangingiliti sa paa ko. I tried to kick him ngunit dahil dagan pa niya ang isang bahagi ng katawan ko ay hindi ko magawa iyon. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at itinulak ko ang katawan niya paalis sa ibabaw ng lower region ng katawan ko. But he didn't even budge! Maiihi na ako sa katatawa at hindi ko siya mapatigil sa pangingiliti sa akin kahit maraming buhok na ang nalagas sa kanya kaya iniuklo ko ang katawan ko at inabot ng isang kamay ko ang ilong niya at pinisil iyon ng buo kong lakas. "Aaahng!" sigaw niya ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang paa ko. Kung hindi ako makakagawa ng paraan para matigil ang pangingiliti niya ay maiihi na talaga ako sa katatawa and that would be very embarrassing in front of Adrian and Damon! Kaya kahit against sa rules ay ginawa ko na tanging paraan na naiisip ko. Hindi ba ako nag-isip pa. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shorts niya and I pinched his ass as hard as I could sabay sa gigil na pagkagat ko sa balikat niya. "Fuckkk!" sigaw niya sabay gulong palayo sa akin. Humihingal rin akong gumulong palayo at pagod na pagod na tumayo. Nagmamadali rin siyang tumayo habang pinapagpag ang balikat niyang kinagat ko. Masakit na tingin ang ibinigay niya sa akin na sinagot ko lang ng pagkikibit-balikat. "Ahem!" Sabay kaming napatingin sa nakapamaywang na si Adrian na pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Nang mapansin kong bumaba ang tingin niya sa shorts ni Damon ay napatingin din ako sa tinututukan ng mga mata niya. Napatakip ako sa bibig ko nang makita kong may tent sa loob ng shorts ni Damon. Gusto ko ulit gumulong sa sahig. Gumulong sa katatawa. Nang lingunin ako ni Damon at makita na sa shorts niya rin ako tumitingin ay kaagad niyang tinakpan ng dalawang kamay niya ang tent doon. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. "Damn it!" gigil niyang sigaw. Nang makalabas na siya sa gym ay ginawa ko na ang gusto ko. Literal na gumulong ako sa sahig sa katatawa. Nang maubos na ang tawa ko ay muli akong tumayo at pinunasan ang mga pisngi kong puno ng mga luha dahil sa katatawa ko. Naiiling namang napangisi si Adrian sa akin nang mapatingin ako sa kanya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD