Chapter 5: Kenji

2892 Words
"*を*ます, Kenji-san! Wake up!" Ang matinis na boses ni Yuri ang gumising sa akin ng umagang iyon. Pupungas-pungas akong bumangon. Kinukusot ko pa lang ang mga mata ko nang bigla siyang tumalon sa kinaroroonan ko at yumakap sa akin. "Happy birthday, Kuya Kenji!" masaya at masigla niyang bati sabay yakap sa akin. Napayakap ako pabalik sa kanya at napangiti. Ahh, ang batang ito talaga. Napakalambing at napakamaaalahanin. Siya talaga ‘yung nagpapasaya sa akin sa araw-araw. Madalas na siya ang nag-aalis ng pagkainip ko. "Thank you, Yuri!" pagpapasalamat ko sa kanya nang magkalas na kami sa aming pagyayakapan. "We have something for you today, Kenji-san! C'mon, let's go!" Sinimulan na niya akong hilain patayo ngunit natatawa akong kumalas sa kanya. "Okay, okay. Let me clean first, please? I need to pee," pagbibiro ko sa kanya na may halong pakiusap. Ayoko namang humarap sa buong pamilya na hindi pa nakakapag-toothbrush o hilamos man lang. "Okay, I'll wait for you! Do it fast, okay?" "Okay!" natatawa kong pagpayag sa demands niya. Alam ko namang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko siya napagbibigyan. It's my 25th birthday today. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahang maaalala iyon ni Tito Isly. I was expecting my parents to call me or for Tito's family to just greet me that's all. Ngunit sa nasaksihan kong sigla ni Yuri kanina, sigurado na may inihanda para sa akin si Tito Isly. Marahil ay nagluto siya o ‘di kaya ay bumili ng cake. Kung ano man iyon ay ipinagpapasalamat ko na. Halos isang buwan na ako rito sa Japan. Gamay ko na rin ang routine ng pamilya at nakakasabay naman ako. Sa totoo lang, mas gumanda  ang hubog ng katawan ko mula nang manatili ako rito. Nagkalaman na ako at may kalamnan na rin. Muscles. Hindi man katulad ng sa iba, at least meron na. Nahiyang ako rito sa Japan. Sa totoo lang, gusto ko rito. Maasikaso sina Tito at Uncle Luis. Mababait na sa akin ang mga pinsan ko kahit na si Ryeo na dati ay civil lang ang pakikitungo sa akin. Maayos na rin ang relasyon namin ni Sachi. Minsan, nakikipagkuwentuhan pa ako sa kanya bago ako pumasok sa kuwarto ko para matulog. Of course, walang bumabanggit kay Azyra sa aming dalawa. At kahit papano, masasabi kong sa mga oras na ito ay nakapag-move on na ako. Masasabi kong handa na akong muling harapin ang buhay ko. Actually, isa sa nga araw na ito ay magpapaalam na ako kay Tito. Pupuntahan ko na si Barbie sa US. Matagal na niya akong kinukulit na siya naman raw ang puntahan ko. Sa kanya naman daw ako magbakasyon. Kunsabagay, doon naman talaga ako sa kanya tutungo once na matapos na ang bakasyon ko rito sa Japan. Hindi sa tinitikis ko ang mga magulang ko or anything pero ang gusto ko pagbalik ko sa Pilipinas ay ibang Kenji na ang haharap sa kanila - iyong Kenji na hinahangad nila. Balak kong mag-aral kahit isang taon sa America. Kumuha ng refresher course dahil sa pagbabalik ko sa Pilipinas ay tutulungan ko na ang parents ko sa pagpapatakbo ng mga businesses namin. Hindi pa naman namin mapapauwi sina Kuya Akira sa Pilipinas kaya ako lang ang inaasahan nina Dad na makakatuwang nila. Nasa loob pa rin ng kuwarto ko si Yuri nang matapos ako. At talagang hinintay niya akong makapagbihis at makapag-ayos at saka niya ako hinila papalabas sa kuwarto ko. Halos buhatin na nga niya ako makarating lang kami agad sa dining room. At doon, naabutan ko ang lahat. Na-touch ako nang makita ko ang mga nakangiti at excited na mukha ng lahat ng naghihintay sa pagdating ko. Na-touch rin ako nang makitang pinaghandaan nila ang araw na ito. Maraming pagkain sa mesa, may dalawang cakes at may mga dekorasyon na nagpapakita kung ano ang ise-celebrate namin sa araw na ito. "Happy birthday, Kenji," nakangiting bati ni Tito Isly sa akin.  Lumapit siya at yumakap. Ganon rin ang ginawa ni Uncle Luis. Sunod na lumapit si Sachi na tulak-tulak ni Ryeo ang wheelchair na kinauupuan . "Happy birthday, Kenji!" Masaya niyang bati, nakataas ang kanyang mga braso. Yinuko ko siya at yumakap ako sa kanya. "Thank you, Sachi! Thank you, Ryeo." "Welcome!" halos magkasabay na sambit ng magkapatid. "Aren't we going to sing Kenji-san a birthday song?" singit ni Yuri na ikinatawa naming lahat. "We will, anak. Pero wala pa si Kuya Damon mo eh," sabi ni Uncle Luis na binuhat ang anak. Damon? Anong kinalaman ng lalaking iyon sa akin? Siya ba ang magli-lead ng birthday song ko? Natawa ako sa kalokohang pumasok sa isipan ko. Hindi naman siguro. ‘Yun pa eh may HG ‘yun sa akin. Hidden Galit. Ano na nga ang sinabi niya sa akin noon? Wala siyang pakialam sa sakit na naranasan ko. Ano ba naman ang aasahan ko sa taong in love sa pinsan ko? Siyempre, ituturing akong mortal na kaaway dahil ako ang sumira sa relasyon ng pinsan niya at ng mahal niyang si Sachi. Kunsabagay, pagkatapos na talikuran ko siya at iwan noong gabing iyon ay hindi na siya lumapit sa akin. Nag-lie low na ang pagpapakita niya ng inis sa akin. Minsan-minsan ko na lang siyang nahuhuling matatalim ang mga tingin na ibinabato sa akin. Natatawa na lang ako sa kanya. Kung ako ay unti-unti nang nakaka-move on sa hiwalayan namin ni Azyra at sa naging lamat sa relasyon namin ni Sachi, siya ay hindi pa rin makapag-move on na nasaktan ang taong mahal niya ng dahil sa akin. Hindi ko rin maiwasang bumilib sa kanya. Paano kasi, alam naman niyang wala siyang aasahan na kapantay ng pagmamahal niya kay Sachi ay naririto pa rin siya. Nag-aalaga at sumusuporta sa pinsan ko. Naiisip ko rin minsan kung paano na siya kapag dumating na rito si Azyra? Aalis na ba siya? Babalik sa Russia? I heard from their conversation last night na two weeks na lang ay resume na ng klase niya sa university. Handa ba niyang isakripisyo pati ang pag-aaral niya alang-alang sa taong minamahal niya ngunit hindi naman siya minamahal? Alam kong hindi ko na concern iyon. Hindi ko lang kasi maiwasang isipin. Nagkasama rin naman kami ng isang buwan Japan. Hindi man kami naging magkaibigan, at least nagkasama kami. "Good morning, everyone!" Napalingon ako sa boses na iyon. Bumungad si Damon sa amin. Tulad ko ay bagong ligo rin at bihis na bihis. "Happy birthday, D!" Gulat na napalingon ako kay Sachi at pagkatapos ay bumalik ang mga mata ko kay Damon na nakangisi.  Aba, magka-birthday pa pala kami. Kaya pala dalawa ang cakes na nasa mesa. Bakit kasi hindi ko man lang nagawang basahin muna ‘yung mga nakalagay na pangalan bago ako nag-assume na para sa akin ang dalawang cakes na ‘yun? "Thank you, Sach!" Pagkatapos niyang magpasalamat kay Sachi ay isa-isa rin siyang binati ng pamilya ni Tito Isly. Tinapik pa siya sa balikat nina Uncle Luis at Ryeo. "It's time to sing the birthday song!" Hiyaw ni Yuri kaya napatawa sila. Ako naman ay pailing-iling sa kinatatayuan ko. Tignan mo nga naman talaga ang pagkakataon. "Wow, I feel so special. Dalawa pa ang cakes ko. Wow!" Damon exclaimed. Natawa sina Tito Isly at Sachi sa kanya. "Actually, D, ‘yung isang cake ay para kay Kenji. Magka-birthday kayo!" natatawa pa ring pagpapaliwanag ng pinsan ko. Nanlalaki ang mga mata ni Damon na napatingin sa akin. Sinalubong ko naman iyon ng isang nakakalokong ngiti. Napasimangot siya nang makita niya iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit namula ang magkabilang pisngi niya. "Ahem!" Napalingon ako ulit kay Sachi sa eksaherado niyang pagtikim. Nanunuksong ngiti na ang nasa mga labi ng pinsan ko habang pinaglilipat-lipat niya ang tingin sa amin ni Damon. "C'mon, guys! It's time to blow your candles." Ako naman ang namutla sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Parang double meaning kasi ang ginawang pagsambit ni Sachi sa salitang candles. Walang imik na lang akong lumapit kahit na nakakaramdam na ako ng awkward feeling lalo na nang halos magkadikit na ang mga balat namin ni Damon sa ginawa ni Uncle Luis na pagtatabi sa amin dahil kukunan niya raw kami ng larawan. Nararamdaman kong ganon din ang feeling ni Damon lalo na nang magsimula nang i-manipulate ni Uncle Luis ang lahat. Pinapangiti kami sa camera para sa picture taking, pinayuko nang sabay, at sabay ding ipinaihip sa amin ang kandila sa aming mga cakes. Tuwang-tuwa ang buong pamilya niya habang kami ni Damon ay pareho nang naliligo sa malalamig naming pawis. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang maupo na ang lahat sa kani-kanilang puwesto para pagsaluhan ang handa namin ni Damon. Masaya at masigla ang lahat kaya nakisabay na lang ako. ... Pagkatapos naming pagsaluhan ang masaganang handaan ay nagkanya-kanya na kami ng ginawa. Nag-therapy si Sachi, nag-lesson sina Ryeo at Yuri. Umalis ang mag-asawa dahil may importanteng lalakarin. Ako naman ay nakipag-overseas call muna kina Papa at Daddy bago dumiretso sa training ko. Tatlong oras na training at nang matapos iyon ay magalang akong nagpaalam sa naging mga guro ko. Nalungkot sila nang malamang aalis na ako. Nagpasalamat naman ako sa kanila at sinabing malaki ang nagawa at magagawa ng mga trainings na pinagdaanan ko sa kanila sa panibagong yugto ng buhay ko. At dahil wala ang mag-asawa, nagpadala na lang ng lunch nila ang magkakapatid sa lugar na kinaroroonan nila at ganon na rin ang ginawa ko. Nang matapos ako ay nakipag-chat na ako kay Barbie. Ken, I miss you! Iyan agad ang bungad niyang mensahe na ikinatawa ko. Greet me today, Jane. It's my birthday. Nagbibirong utos ko sa kanya. OMG! Happy birthday, Kenji. I love you!  Natawa ako sa napakaraming heart emoji na ilinagay niya kaya sinagot ko rin iyon ng napakaraming heart emoji. Btw, Ken. I already have a lot of plans when you come here. Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Jane. Nakaramdam din ako ng excitement sa pagpunta ko roon. Speaking of which, I am going to book my flight later. Sagot ko sa kanya. Do it NOW! Natawa ulit ako sa demand ni Jane kaya naman ginawa ko na agad iyon. Laking tuwa niya nang ipadala ko sa kanya ang detalye ng flight ko. Bukas na iyon ng hapon. Mamaya ay magpapaaalam na ako kina Tito, magpapasalamat sa isang buwan na pagkupkop nila sa akin. After talking with Jane for one more hour, kay Daddy naman ako tumawag. Sinabi kong nakapag-book na ako ng flight papuntang US at balak kong doon muna manatili ng ilang buwan. Nalungkot si Daddy. Ramdam ko iyon dahil nalulungkot rin naman ako. Kahit na malaki ang naging galit at pagtatampo ko sa kanila noon, iba pa rin talaga kapag kasama ko ang parents ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na ginagawa ko iyon para sa sarili ko. Sinabi niyang naiintindihan naman niya at ibinilin niyang tumawag-tawag din naman ako sa kanya kahit papano. I assured him bago ako nagpaalam sa kanya. Inayos ko na ang ibang gamit ko at nang matapos ako ay nagpahinga muna ako at saka lang bumaba nang ipatawag ako for dinner. "Tito, aalis na po ako bukas." Napatingin sa akin ang lahat. Naramdaman kong nalungkot silang lahat sa sinabi ko, except for Damon of course na nasulyapan kong tila natigilan sa kanyang narinig. "Ganon ba, Kenji? Parang ambilis ng isang buwan," may himig panghihinayang niyang sabi. "Aww, you're leaving already?" singit ni Yuri. "Opo. Doon naman po ako sa kaibigan ko sa US magbabakasyon ng ilang buwan. And don't worry, Yuri. Before going back to the Philippines, I am going to come here again." Pagsi-share ko sa kanila ng mga plano ko at pag-a-assure ko sa pinakabatang pinsan ko. "Oh, narinig mo iyon, Yuri kaya huwag ka ng magmaktol diyan. Kenji, maganda yan. Madadalaw at makakasama mo ang kuya mo at ang pamilya niya roon." Uncle Luis said. "Oo nga po, Uncle. Babawi ako sa pag-aalaga kay AZ habang naroroon ako. Hindi ko kasi masyadong naalagaan ang batang iyon noong magbakasyon sila sa Pilipinas." "Sabay pala kayong aalis ni Damon, Kenji." Napatingin kaming lahat kay Sachi dahil sa sinabi niyang iyon. "You're leaving, too?" "Yes, Tito. My dad says if I won't be home within three days, he's gonna come here to drag me back to Russia." "Wooh!" kantiyaw ni Ryeo kay Damon.  Lihim naman akong napailing. Ang pagkakataon nga naman talaga, ano? "Naunahan ka lang ni Kenji na magpaalam," natatawa ring sabi ni Uncle Luis. "Yes, uncle. I was planning to tell you after dinner but since Sachi already spilled it out, I will be thanking you now for taking me in for the past couple of months," sinsero niyang sabi sa mag-asawa. "Having you here didn't give us any problems, Damon. Your family took care of Sachi when he was there so we are just returning the favor. Be back anytime. You are very welcome here. You are already a part of our family." Napangiti si Damon sa isinagot na iyon ni Tito Isly. "Anong oras ba ang flight mo bukas, Kenji?" tanong naman ni Uncle Luis sa akin. "2 pm po, Uncle." "How about you, Damon?" Napatingin muna ito sa akin bago sinagot ang tanong ni Uncle Luis "3 pm, Uncle." Ako naman ang nanlaki ang mga mata. Mabuti na lang at walang nakatingin sa akin sa mga oras na iyon. "Uy, tignan mo nga naman. Magkasunod lang naman pala ang flights ninyo. Bakit ‘di na lang kayo magsabay na pumunta sa airport?" Muli kaming nagkatinginan ni Damon at sabay din na nag-iwasan ng tingin. "Hindi na po, Uncle." "Why not, Uncle?" Sabay din naming sabi. Napatawa tuloy ang mag-asawa sa aming dalawa. "Magsabay na kayo," may pinalidad na sabi ni Tito Isly. "Do you think hindi namin napapansin na halos hindi kayo nag-uusap sa isang buwan na pananatili ni Kenji rito? It's time for you two to have closure, too. Ayusin ninyo yung differences ninyo habang bumibiyahe kayo papunta sa airport. Mahirap ang magpatuloy sa buhay na may kagalit ka." "Tito, hindi naman po ako galit sa kanya." I defended my self. Nang kay Damon naman mapatingin si Tito Isly ay nagkibit-balikat ito na ikinailing ni Tito. "Okay, sasabihin ko na sa ilang tauhan na ihatid kayo sa airport bukas. Pasensya na Kenji kung hindi ako makakasama. May naka-schedule na kasi akong meeting bukas. Don't worry, may mga ia-assign naman akong bodyguards sa inyo hanggang sa maihatid kayo sa airport. "Thanks po, Tito," pagpapasalamat ko kay Tito at nang matapos ang pag-uusap naming iyon ay natapos na rin ang dinner. Maaga akong natulog ng gabing iyon. Excited akong ma-meet sa unang pagkakataon ang taong naging kaibigan at itinuring ko na best friend sa loob ng ilang taon. Ilang oras na lang ang hihintayin ko at mayayakap ko na siya. Magpapasalamat dahil siya ang naging lakas ko sa mga panahong gumugulong na ako dahil sa mga kabiguang naranasan ko. And since maaga akong nakatulog ay maaga rin akong gumising. Sumalo sa breakfast at lunch ng pamilya. Sinigurado nila Tito na masasaluhan nila kami sa lunch sa araw na iyon. Tinulungan pa ako ni Ryeo na ibaba ang maleta ko at isakay sa kotseng gagamitin para maihatid kami ni Damon sa airport. Yumakap sa akin at kay Damon ang lahat. Habang umiiyak si Yuri sa balikat ko ay nasulyapan ko pa ang mahigpit na yakap ni Damon kay Sachi. Hindi ko ulit maiwasang makadama ng awa kay Damon. Bagay na bagay kasi sila ng pinsan ko. Magkasundung-magkasundo. Iyon nga lamang ay iba ang laman ng puso ni Sachi kahit na siya lang ang laman ng puso ni Damon. Magkasunod kaming sumakay sa sasakyan at magkatabi kami sa gitnang bahagi ng sasakyan. Ayoko sanang makatabi siya ngunit nakapuwesto na ang mga tauhan no Tito sa loob at kami na lang ang hinihintay nila. Tahimik lang kami sa biyahe. Binubusog ko ang mga mata ko sa mga nadadaanan namin. Noong dumating kasi ako rito ay gabi na at walang pagkakataon na nakapasyal ako dito sa Japan sa isang buwan ko kina Tito dahil nga sa mga threats na natatanggap ng pamilya. Si Damon naman ay dedma lang sa tabi ko. Oh well, wala akong pakialam sa kanya. Hinding-hindi ko siya kakausapin. Hinding-hindi ako ang mauuna. Wala akong kasalanan sa kanya kaya walang dahilan para magalit at magmataas siya sa akin. Wag niyang ipagmalaki sa akin ang height niya. Wala pa yatang 30 minutes ang biyahe nang bigla na lang magkagulo sa loob ng sasakyan. Kinabahan ako nang todo nang maglabas ng mahahabang baril ang mga tauhan ni Tito na kasama namin sa loob ng sasakyan. May mga sinasabi silang hindi ko maintindihan at tila ganon din si Damon na magkadikit na magkadikit ang mga kilay. Ilang sigaw ang narinig ko bago ko naramdamang itinutulak akong payuko at patago sa sahig ni Damon. Hindi na ako nakapagsalita nang yakapin niya ako dahil magkakasunod na putok ng baril ang pumailanlang na sa paligid. Napasigaw ako sa sobrang takot. Nanginig ang buong katawan ko na tila gustong kumawala ng kaluluwa ko. Nakakabingi ang pakikipagbarilang ginagawa ng mga tauhan ni Tito. Nakakatakot na anumang sandali ay tamaan ako ng mga bala ng baril. Halos hindi ko na rin napapansin na humihigpit nang humihigpit ang pagkakayakap sa akin ni Damon at napayakap na rin ako sa kanya. Pagkatapos na mahaba-habang oras ng putukan, biglang natahimik ang lahat. Nang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Damon sy nag-angat ako ng luhaang mukha. Sinundan ng mga mata ko ang tinitignan niya. Nanlaki ang mga mata ko at gimbal na gimbal na naitakip ko sa bibig ko ang aking mga palad upang hindi ako mapasigaw sa tindi ng hilakbot ng nararamdaman ko. Halos himatayin na ako sa nakakakilabot na eksenang nakikita ko. Patay na ang lahat ng kasama namin sa loob ng sasakyan. Napakaraming tama ng baril sa katawan nila. Nanlalamig ako. Gusto kong masuka. Ang mahimatay. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan. Sabay kaming napatingin ni Damon sa mahahabang baril na nakatutok sa amin at sa mga mukhang nakabalot ng stockings na itim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD