"Sachi." I greeted my cousin once I was allowed entrance to his room by the guards posted outside.
Sinalubong naman niya ako ng isang kabadong ngiti. That gave me an idea na tungkol kay Azyra ang pag-uusapan naming dalawa.
Lumapit ako sa kinahihigaan niya at habang naglalakad ako papunta roon ay naririnig ko pa ang boses ni Damon na nagrereklamo kung bakit hindi siya hinayaang pumasok kasunod ko. I even saw Sachi flinch nang marinig namin ang pag-iingay nito.
I sat in front of him and saw how he sighed in relief nang tumahimik na sa labas ng kanyang kuwarto.
"Kumusta ang therapy mo?"
Ako na ang naunang magsalita. He smiled at me before replying.
"Mahirap pero kinakaya. Two months from now I'll go thru an operation para maisaayos iyong naapektuhang nerves sa ulo at katawan ko. Then months of physical therapy again hanggang makapaglakad na ako," pagbabalita niya sa akin.
His voice was laced with fear but at the same time with determination. It would be hard but I am confident that he'll get through it. He is still young kaya mas mabilis na mag-heal at ma-develop ang mga buto niya compared sa mga mas matanda sa kanya na katulad niya ng condition. Besides, I know that Tito Isly will spend all his fortune para lang makapaglakad ulit ang anak niya.
"Kenji, what happened during the wedding ceremony?"
Lihim akong napangiti sa katanungang iyon ni Sachi. My instinct didn't fail me this time.
"Actually, I was ready to marry him at that time. My heart was screaming at me to be married to him. But then all of a sudden, my mind refused. There was an internal battle until my mind won, Sachi. I just saw my future with him. Mahal ko siya, mahal niya nga ako pero may mahal pa siyang iba. At mas mahal niya kesa sa akin ang taong iyon, iyon ang masakit na katotohanan," napayuko siya sa sinabi ko.
"Hindi mo ba naisip na makakalimutan niya rin ang tao na iyon as you spend years with him as his husband?" nakayuko pa ring tanong niya
"No. I knew he would always compare me to you, Sachi." I frankly told him.
Napapahiya siyang napailing ngunit inabot ko ang mukha niya at iniangat iyon upang magkasalubong ang aming mga mata.
"I knew he would always find ways to see you in me. At ayoko ng ganon, Sachi. I love Azyra at ang akala ko ay wala nang hanggan iyon. Nagkamali ako. Hindi ko pala kayang basta na lang tanggapin na may mahal siyang iba. Lumaban ako para sa aming dalawa pero hindi kailanman magtatagumpay iyon kung ako lang ang lumalaban. I have to accept the painful truth that I already lost him a long time ago. Oo nga at mahal pa rin niya ako ngayon pero hindi na iyon katumbas ng pagmamahal niya sa akin noon dahil ibinigay na niya ang pagmamahal na iyon sa'yo. At hindi basta-basta mabubura iyon, Sachi. Hindi basta-basta madidiktahan si Azyra na tumigil na sa pagmamahal sa'yo, ilipat sa akin ang pagmamahal na iyon at kalimutan ka na niya. He loves you so much that he was willing to sacrifice his own happiness for you, Sachi. At alam kong hindi ko mapapantayan iyon. Ayoko rin na habambuhay na magsasakripisyo tayong tatlo para lang sa inaakala nating tama sa mata ng lahat." Huminga ako nang malalim at hinawakan ang mga kamay ni Sachi.
"I have been blind, Sachi. I dictated my mind and heart na ako at si Azyra ang dapat na magkatuluyan sa huli anumang pagsubok ang kahaharapin namin gaya nina Lolo Marcus at Lolo Francis, ng parents mo at ng parents ko. Ayokong ako lang ‘yung maiba ang plot ng love story. Gusto kong kung sino ang first love ko ay siya pa rin ang magiging ka-forever ko gaya nila. How fool I had been for believing in that crap. I lost a lot of opportunities because of that belief. Then during the wedding, I realized, walang mali kung ako ang maiiba ang love story. Hindi ko ikamamatay kung hindi ang first love ko ang makakatuluyan ko. Hindi sumpa ang magmahal ng iba bukod sa taong unang minahal ko. Look at Azyra, he found the love he deserved. He became a better man. Kaya sinabi ko sa sarili ko na may tao ring nakalaan sa akin. At iyong taong iyon ang magpapadama sa akin how I deserve to be loved. Someone who will make me a better person and would love me without conditions. I deserve that, hindi ba?"
He smiled at me and nodded.
"And Azyra deserves you, Sachi. Don't doubt it. Marami siyang kinalimutan para paulit-ulit na patunayan sa'yo, sa akin at sa lahat kung ano ang kaya niyang gawin because he loves you so much. Tama na ang pagiging selfless, Sachi. Sometimes we need to be selfish too. Dapat alam natin kung kailan magbibigay at kung kailan magdadamot," lumuluhang ngumiti siya sa akin.
"I am really sorry for causing you so much pain, Kenji. I'm sorry for loving him."
"No, Sachi, ‘wag kang mag-sorry dahil minahal mo siya. Mag-sorry ka na hindi ka gumawa ng paraan upang masabi sa akin ang relasyon ninyong dalawa bago pa man ito mag-umpisa. It is the unspoken rule, Couz’. Ngunit ang magmahal sa taong pinili mong mahalin ay hindi kailangang pagsisihan dahil noong pinili mo siya, minahal mo na ang lahat sa kanya: ang mga mabubuti at ang mga hindi magandang parte niya."
"You're right, Kenji. But still, I will apologize for my sin," pagpapakumbaba niya.
"Apology accepted, Sachi. Ang again I am as well saying sorry for the bad things I've said na siyang dahilan ng paghihirap mo ngayon. What happened sa ating tatlo ay isang leksiyon na siyang gagabay sa atin upang mas maging matapang pa sa pagharap sa mga susunod pang pagsubok sa atin ng buhay."
"Apology accepted too, Kenji. And thank you for paving the way for the both of us to fix our problems."
"And to fix our relationship as cousins, Sachi. Gano’n din ang relasyon ko kay Tito Isly. I can't afford to lose you. We are family and forever that will remain."
"Sana makatagpo ka na rin ng tao who will help you heal, Kenji-san."
"I am confident I will, Sachi-san. Pero hindi pa siguro ngayon. Kapag tuluyan nang nabura ang pagmamahal ko kay Azyra ay saka ako magsisimula sa paghihintay sa taong totoong nakalaan para sa akin. I stopped the wedding not only for you and Azyra but mostly for my self… Because I deserve a better man than the almost perfect man I see in Azyra."
"I will look forward to that," hopeful niyang sabi which gave me courage to face whatever awaits me in the future.
"Yeah!" Masigla ko namang sagot sa kanya at saka kami nagkatawanan.
Marami pa kaming napagkuwentuhang dalawa. Ipinakita rin niya ang mga larawan niya na masinop na itinago ni Tito Isly sa mga albums. Maging ang mga larawan niya sa university sa Russia kung saan siya nag-aaral ay ipinakita niya sa akin. Alam kong sadya niyang hindi ipinakita sa akin ang mga larawan niya kasama si Azyra o ang sinuman sa mga kapamilya nito. Ayaw lang niyang masira ang maganda naming bonding dahil alam niyang nasasaktan pa rin ako sa ending naming dalawa ni Azyra. Hindi naman kailangang itago iyon. At nagpapasalamat ako sa pagsasaalang-alang ni Sachi sa damdamin ko.
Dinner na nang ipatawag kami sa isa sa mga tauhan nila. That was the time na pinayagan nang pumasok si Damon sa kuwarto ni Sachi. And wow, parang bumagsak ang buong bigat ng planetang Earth sa mismong mukha niya dahil sa sobrang inis na naka-plaster dito nang makita niya ako. I sweetly smiled at him in return and would you believe, inirapan ba naman ako ng loko-loko?
Gusto kong matawa sa mga sandaling iyon pero nang makita ko ang pag-transform ng mukha niya mula sa pagiging bayolente hanggang sa maging puno ng pag-aalala habang pinapasadahan niya ng tingin si Sachi na tila naghahanap siya ng ebidensiyang sinaktan ko ito ay hindi ko maiwasang pag-aralan siya.
Best friend lang ba talaga ang pagtinging meron siya kay Sachi? Pero bakit kumikislap ang kanyang mga mata when Sachi assured him something?
Oh, I get it. Now that he was like a cute puppy in front of my cousin, I realized na hindi lang pagmamahal ng best friend ang meron siya para sa pinsan ko. He is in love with my cousin! Kaya naman pala gano’n siyang maka-react sa akin. No wonder he hates me to his bones. Iniisip niyang ako ang dahilan ng mga pasakit ni Sachi or even Azyra. Ako ang kontrabida sa mga mata niya. Ako ang masama.
Oh, well. Wala akong panahong itama ang maling paniniwala niya. Lalong wala akong time na paniwalain siya na mali ang iniisip niya sa akin. He could kiss my ass pero never akong magpapaliwanag ng anuman sa kanya. And now that I realized the reason for his animosity towards me, mas lalo ko siyang iinisin hanggang magkusa na siyang umalis dito. Istorbo siya sa pagbo-bonding naming magpinsan. Isa pa, para na rin akong nakaganti sa kanya sa tuwing naha-highblood siya ng dahil sa akin.
During dinner, hindi ko ipinahalatang inoobserbahan ko siya. Masaya akong sumasagot sa mga tanong nina Uncle at Tito at minsang nakikipagkulitan kay Yuri. I can't help but be envious again sa closeness ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Uncle Luis was always eager to serve his children even Sachi who was not biologically his. Tito Isly was the silent type pero makikita sa mga kilos niya how he cared for each of his children, kahit na hindi rin sila biological na galing sa kanya. He would surely die for them.
No wonder kahit mawala sa kanya si Azyra, Sachi would survive. Isama pa na nariyan si Damon. Hindi katulad ko na kay Azyra lang naranasan ang totoong pag-aasikaso ng isang kapamilya. Tila ako lobo na nawalan ng hangin noong mawala siya. Nawalan ako ng direksiyon.
I grew up almost alone dahil may mga mas importanteng bagay pa bukod sa akin sa mga mata ng mga magulang at kapatid ko pero hindi ako natutong maging independent sa totoong kahulugan ng salitang iyon. I may be a grown up man but my shadow was still that of a child.
Alam kong hindi ako dapat mainggit pero nanghihinayang ako sa mga pagkakataon at panahon na sana ay natuto ako.
After the sumptuous dinner, pumunta kami sa entertainment room. Isinalang ni Uncle Luis ‘yung mga nai-record nilang videos noong umuwi sila sa Pilipinas bago sila pumunta sa amin for my supposed Thanksgiving Party. Tawang-tawa ako sa mga kalokohan ni Uncle Luis sa mga anak niya. Naroong takutin niya silang may crocodile sa ilog kung saan sila naligo, pinasakay niya ang magkakapatid sa kalabaw, nag-harvest sila ng mga itlog sa poultry nila at nag-akyatan sa mga puno.
Malungkot akong napangiti habang pinapanuod ang masaya nilang paghaharutan. Naaalala ko na ilang beses din kaming nagbakasyon ng pamilya ko but during those times, kung hindi sa laptop nakatutok sina Papa at Daddy, ang isa't isa naman ang inaasikaso nila. Kuya Akira naman would always want to be alone na noong mga panahong iyon ay na kay Kuya Zion naman ang isip at kaluluwa. I was always left at the mercy of my Yaya. Saka lang kami napapansin ng mga parents namin noon kapag may nagawa kaming kasalanan.
Mayaman nga kami at nakukuha ang lahat ng materyal na bagay but namamalimos naman kami ng pagmamahal at atensiyon sa mga parents namin unlike the Kaide children who have all the material things money can buy including the love and attention of their parents. Napakasuwerte talaga ng ibang anak.
Wala sa loob na napatingin ako sa kinaroroonan ni Sachi. Nasalubong ng mga mata ko ang mga dark brown na mga mata na tutok na tutok sa akin habang magkadikit na magkadikit ang mga kilay sa taas ng mga ito. Tila ba matagal-tagal rin itong nakatitig sa akin at pinag-aaralan ako. Biglang nanlaki ang mga matang iyon nang makitang nakikipagtitigan na ako rito.
Napangisi ako nang dagling umiwas ang mga matang iyon na tila hindi ko sila nahuling pinag-aaralan ako. Lalo pa akong napangisi nang makitang namula nang todo ang mga pisngi ng Damon na iyon.
Huli kang bata ka.
Kaya ang ginawa ko imbes na ibalik ang mga mata ko sa tv kung saan nagsisigawan na ang magkakapatid habang nagpapaanak sina Uncle Luis at Tito Isly ng inahing baboy, ay ako naman ang nag-aral sa kabuoan nito. Halatang dugong Russian ang loko. Matangkad din ito ngunit hindi pa umaabot sa height ni Azyra, matangos ang ilong, matapang ang jawline and manly lips.
Hmm. Base sa nakikita kong pangangatawan nito, may mga itinatago rin itong muscles sa katawan. Nagti-training din marahil ito sa Vladimier Group. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay yung buhok niya. Parang masarap sabunutan, eh. At gamit ang buhok niyang sinasabunutan ko ay saka ko siya ibabalibag.
Nang maramdaman niya sigurong pinag-aaralan ko siya ay lumingon siya sa akin gaya ng inaasahan ko at talagang gusto kong mangyari. But unlike him, hindi nanlaki ang mga mata ko nang mahuli niya ako. Instead, I smiled at him, a kind of smile intended to seduce someone. At sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki na naman ang mga mata niya, nag-iwas na naman siya ng mukha at muling namula ang mga pisngi niya.
"Excuse me," pagpapaalam ko at saka patakbong lumabas ng entertainment room.
Tiniyak ko munang nakalayo na ako bago ako humagalpak ng tawa.
"Ouch!" natatawa pa ring sinapo ko ang tiyan ko.
Hindi yata ako matutunawan sa kinain ko kanina dahil sa katatawa.
"Having fun at my expense, huh?!"
Nagulat man ay hindi ko iyon ipinahalata. Natatawa pa ring nilingon ko ang pinaggalingan ng paninitang iyon.
"Yeah!" pag-amin ko sa kanya na ikinausok ng ilong niya.
Ginaya ko ang asta niyang nakapamaywang sa harap ko.
"After what you've done to Sachi, you have the nerve to come here!" nawala ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon.
"Whatever happened between me and Sachi or even what happened between me and Azyra is none of your damned business, Vladimier," matigas at pormal kong sinabi sa kanya.
"And you do not have any right, not a pinch of right to question my presence here. This property belongs to my family. And may I remind you again, that between us? I have the right and you have not. Unlike you, who do not have any mere right to question my presence, I have that right to question yours. ‘Wag kang umasta na tila ikaw ang may-ari ng lugar na pareho nating kinatatayuan ngayon, bata. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang bisita."
Dagdag ko dahil tila nagulat siya sa pormalidad na ipinapakita ko. Lalo siyang napipilan sa mga sinabi ko.
Pagkaraan ng ilang sandali ng paglalaban ng tingin ay humirit siya.
"I am here because Sachi is here. He is my... my..."
"Your what? Boy friend? No one owns Sachi but Azyra."
Masakit man ang katotohanang iyon na sumampal sa aming dalawa, he has to know that too.
"You don't know the pain you made Sachi suffer," muli niyang hirit. This time, I smirked at him.
"And do you know my pain because of Sachi? Because of Azyra? You don't know anything about me, Mr. Vladimier. You don't know anything about my sufferings and my pain kaya bago ka manumbat na tila may karapatan kang gawin iyon, do some research. It would make you less stupid and wouldn't look like an idiot that you already are."
Tinalikuran ko na siya nang mapanganga siya sa maanghang na mga salitang ipinakain ko sa kanya hoping na maempatso siya sa mga iyon. Ngunit bago ako tuluyang makalayo ay may pahabol pa ang tarantado.
"I don't give a s**t about your pain!"
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad palayo. I bitterly smiled and I replied in a voice that was impossible for him to hear.
"I know because nobody does."