Naalimpungatan ako sa lamig na nanunuot sa aking buong katawan. Ngunit hindi gaya ng dati na nagigising ako sa loob ng kumportable nga ngunit malamig namang kuwarto, ang lamig na nanunuot sa akin ngayon ay kumportable. Masarap iyon sa pakiramdam dahil may init na sumisingaw sa katawan ng taong nakayakap sa akin ngayon. Hindi ko mapigilang ang mapangiti nang malungkot. A long, long time ago, I was used to waking up with this warm feeling. Hindi man araw-araw ngunit every now and then ay nararamdaman ko iyon. Until five years ago nang mawala ang pinanggagalingan ng kumportableng init na iyon. Nagsimula akong maging manhid, nagsimula akong masanay sa lamig na dulot ng aking pag-iisa. At alam na alam ko kung gaano kahirap ang puwersahin na sanayin ang sarili na wala na yung hinahanap-hanap k