"Damon, malapit nang magdilim. Paano na tayo nito?" tanong ni Kenji pagkatapos kong ibagsak ang mga dala-dala kong tuyong mga kahoy. Sadya ko silang inilagay sa ilalim ng araw kanina pang umaga para kapag malapit ng magdilim ang kalangitan ay handa na sila sa paggagamitan ko sa kanila. "Don't worry. I've got something we could use." Kumuha ako ng dalawang kahoy at sinimulang pagkiskisin ang mga ito upang makagawa ng apoy. Very boy scout. Wala naman akong pagpipilian kundi gawin ito dahil alam kong hindi ito kayang gawin ni Kenji. Sa totoo lang, kanina pa nananakit ang mga kamay ko. Nabawasan man ang panginginig na nakuha ko sa puwersahang pagbubukas ng mga buko na kinain namin kanina, masakit pa rin ang mga maraming sugat na natamo ng mga kamay ko. Sinimulan ko nang gawin ang dapat k