Chapter 2: Kenji

1572 Words
Nang magmulat ako ng mga mata kinabukasan ay saglit akong nanibago sa higaang namulatan ko. Napalo ko ang noo ko when I realized na naririto na nga pala ako sa bahay ni Tito Isly dito sa Japan. Kababangon ko pa lang nang makarinig ako ng mga katok sa pinto na kuwarto kaya naman tinakbo ko ang banyo upang maghilamos at magsepilyo bago ko pinagbuksan ang kumakatok. "You're really here!" masayang bati sa akin ng bunsong kapatid ni Sachi na si Yuri. Bago ko pa siya masagot ay yumakap na siya sa bewang ko. "Thank you for the very warm welcome, Yuri!" bati ko pabalik sa pinsan ko. "I am really surprised, Kenji-san!" masiglang pakikipag-usap niya. Nawala ang ngiti ko nang may boses na sumingit sa alaala ko. "What a pleasant surprise." Hay, naman. Umagang-umaga, iyong walang kuwentang boses na iyon pa ang agad na naalala ko. "Kenji-san, is there something wrong?" Ang nagtatakang boses ni Yuri ang pumukaw sa saglit na pagkatulala ko. "Nothing, Yuri. Are they all having breakfast now?" tanong ko sa kanya. "That's why I am here, to invite you to join us for breakfast." Bumalik na ang sigla nito at hinawakan na ang kamay ko sabay hila sa akin. "But I haven't bathed yet." Humagikgik siya sa sinabi kong iyon. "That's not a problem. You can bathe later. C'mon! Everyone's waiting for you downstairs." Hindi na ako nakahirit pa. Hila-hila na ako ng pinsan ko hanggang sa makarating kami sa 1st floor ng bahay at pumasok sa dining area rito sa ikalawang mansiyon. At gaya ng sinabi niya, naroroon na nga ang lahat. And of course, pati na rin ang antipatikong pinsan ni Azyra na salubong na salubong ang mga kilay. "Kenji?" Napatingin ako kay Sachi na siyang tumawag sa akin. Nakita ko ang surpresa sa kanyang mga mata. Mukhang hindi nabanggit ninuman sa kanya na naririto ako ngayon. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Yuri at diretsong naglakad papunta sa kanya. Kaagad ko siyang niyakap nang marating ko siya at hindi pinansin ang taas-kilay na si Damon na nakaupo sa tabi niya. "I am sorry, Sachi. Sorry for everything. I am here to help you get well," sinsero kong sabi sa kanya. Umangat ang mga kamay niya at humawak sa mga braso ko hindi para hawiin ang mga iyon kundi para mas lalo silang iyakap sa katawan niya. "I am so sor---!" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang napaiyak. "Shh! Let's start all over again, Sachi. Until Azyra comes for you, I will be here for you," muli kong bulong. Tinulungan ko siyang punasan ang mga luha sa mga mata niya at pagkatapos ay ang mga pisngi ko naman ang pinunasan ko. Everyone was happily looking at us. Well, except for one who was giving me a glare. "Halika na, Kenji. Mag-almusal na tayo. Mamaya na kayo magkuwentuhan ng pinsan mo," pag-iimbita sa akin ni Uncle Luis. Malugod ko naman siyang tinanguan at naupo na sa tanging bakanteng upuan... sa tabi ni Damon Vladimier. Wait, uulitin ko iyon. Sa tabi ng antipatikong si Damon Vladimier. Unlike ng nakasanayan kong almusal, may kanin na nakahain sa mesa bukod sa Filipino breakfast na tocino, longganisa, at tapang isda. May tinapay rin naman ngunit kanin na ang inilagay ko sa plato ko nang makitang kanin ang kinakain ng lahat. Mayroon ding tuyo na galak na galak na kinakain ng mga anak ni Tito Isly. Nagulat ako na nagkakamay sila maging ang aking tiyuhin. Kami lang ni Antipatiko ang gumagamit ng kutsara at tinidor. No wonder nasanay si Azyra sa heavy breakfast. Bulong ko sa sarili ko habang pinapanuod ang magana na pagkain ng mag-anak. Hindi sinasadyang napasulyap ako sa katabi ko. It's my turn to raise my brow sa nakikita kong pag-aasikaso nito kay Sachi. Kulang na lang kasi ay subuan niya ang pinsan ko. Sinasaway na nga siya ni Sachi pero nakikipagkulitan pa rin ito. I was undoubtedly amused nang makita ko ang mga totoong ngiti na umaalpas sa mga labi ni Damon habang nakikipagkulitan kay Sachi. Kahit na halatang may lungkot pa rin sa mga mata ng pinsan ko, balewala lang iyon sa binata. Pilit itong nagpapakenkoy upang mapangiti ang pinsan ko. Hindi rin ito sinasaway nina Tito. Maybe because ito lang ang nakakapagpangiti kay Sachi. After naming makakain ng masarap na almusal ay may mga kasambahay sina Tito na naglabas ng hinog na manga na nilantakan na naman ng pamilya. Napapatawa na lang ako dahil tila nagkokompetensiya ang mga ito kung sino ang pinakamarami ang makakain. Nagmamalaki ring sinabi sa akin ni Uncle Luis na ang mga manga raw ay galing pa sa farm niya sa Pilipinas. Nang sina Sachi at Damon naman ang sulyapan ko, sinasubuan na ng binata ng kinutsara nitong manga ang pinsan ko. Mata-touch na sana ako sa ginagawa niyang pag-aasikaso sa pinsan ko ngunit nang saglit siyang mapasulyap sa akin, aba, binelatan ba naman ako? Gosh, hindi lang pala ito antipatiko. May pagka-abnormal din pala siya. As if naman maiinggit ako sa ginagawa niyang pagpapakain ng manga sa pinsan ko, ano? Muli kong ibinaling ang mga mata ko sa pamilya ni Tito Isly. Truly, nakakainggit ang pamilya nila. Hindi magkandatuo si Uncle Luis sa pag-aasikaso sa mga anak niya habang masaya silang pinapanuod ni Tito Isly. Marahil kung wala si Damon na nag-aasikaso kay Sachi, si Uncle Luis ang gagawa ng ginagawa nito ngayon sa pinsan ko. I sighed. How I wish na sa ganitong klaseng pamilya kami lumaki ni Kuya Akira. Ngunit kahit naiinggit ako, I never wanted a different set of parents. Mahal ko ang pamilya ko and I never wanted to have another family. Isa na lang ang magagawa ko - ang ipangako sa sarili ko na sa sandaling bumuo ako ng sarili kong pamilya, sa ganitong set up ko palalakihin ang mga magiging anak ko. After breakfast ay muli akong nagtungo sa kuwarto ko upang maligo. Balak kong tumulong sa anumang maitutulong ko kay Sachi. Nakaligo na ako nang muli akong bumaba. Nasa isang kuwaro na sila kasama ang stay in physical therapist ni Sachi. Pinanuod ko ang isinagawa nitong treatment kay Sachi. Nakakanerbiyos dahil hindi mapigilang mapangiwi ni Sachi sa sakit habang isinasagawa ang mga ehersisyo niya. Sa unang pagkakataon ay natuwa ako na si Damon ang nakaalalay sa kanya. Inaral ko muna ang ginagawa nila upang kapag kaya ko na, ako na ang totoka para i-assist si Sachi. Ilang oras din ang nagdaan and the next thing I know, kumakain na naman kami ng lunch. At gaya kanina, parang may handaan ulit sa mesa. Masasarap ang ulam kaya naman ginanahan na akong kumain. For siesta, muli akong umakyat sa kuwarto ko and decided to chat with Jane. I am so happy with your decision, Ken. Bati niya sa akin nang ibalita kong hindi ko itinuloy ang kasal namin ni Azyra at naririto ako ngayon sa Japan para sa pinsan ko. That was so brave of you. I am sorry for Azyra. He didn't see your worth. Napangiti ako sa sunod na sinabi niya. Of course he did. It was just, he saw and loved someone better. Sagot ko kay Jane. He is blind, Ken. Love is blind, Barbie. Palitan namin ng chats. So how long will you stay there? Tanong niya. Sa pagkakataong iyon ay napangiti ako. I am planning to stay here for a month. Hopefully by then, Sachi can already walk. Sagot ko habang nasa mga labi ko pa ang isang tipid na ngiti. Where do you plan to go next? Muli niyang tanong. I might go there and meet you. Finally, Ken! That news got me so excited! Natutuwang chat niya sa sinabi ko. It's time for me to meet my doll. Pagbibiro ko naman sa kanya. Aside from me, there's someone else I'd like you to meet. Na-curious ako sa kindat ng emoji niya. And who? Tanong ko. My brother. Here, let me send you his pic. Ilang saglit pa ay nakita ko na ang tinutukoy niyang kapatid. Guwapo ito at gray ang mga mata. Ngunit habang tinititigan ko ang larawan, isang mukha ang pilit na sumisingit sa utak ko. No. It's not Azyra. It's... Limang malalakas na katok na halos gibain na ang pintuan ng kuwarto ang sumunod na narinig ko. Saglit akong nagpaalam kay Barbie bago ako tumayo at tinungo ang pinto. Nagdikit ang mga kilay ko nang makita ko kung sino ang walang modong nais manira sa pintuan ng kuwarto ko. "What?!" sikmat ko sa kanya. Akala naman niya ay masisindak niya ako sa umuusok na ilong niya. "Sachi wants to talk to you!" pagalit ding sikmat nito pabalik sa akin. Ansarap niyang sapakin at ingudngod sa pinto, in fairness. "I'm going! Where can I find him?!" Aba, hindi rin ako nagpatalo. Tumaas ng ilang decibels ang boses ko. "In his room, damn it!" Tumaas din ng ilang decibels ang boses niya. Tss. Gaya-gaya. Hindi ko na siya pinatulan pa. Hindi ako pumapatol sa bata. Akma ko nang isasara ang pinto nang pigilan niya iyon. Magkadikit ang mga kilay na tinignan ko siya habang naghihintay ng paliwanag niya. "He wants me to bring you there." Mababa na ang boses nito hindi gaya kanina ngunit matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hindi nagsasalitang tinalikuran ko siya. Pinuntahan ko ang laptop ko at nag-chat ng pagpapaalam kay Jane. Ini-off ko ang laptop at lumabas na sa kuwarto ko upang sumunod kay Damon-yo. "Was that your new girl friend?" Aba, atribido pa ito, ha? Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Walakampake." Mahina ngunit mariin kong sagot sa kanya na nagpadilim sa mukha niya. "What the f**k did you say?!" "I said move faster. You're delaying me." Sagot ko sa kanya kahit na sa loob ko ay lihim akong nagbubunyi sa nakikitang pagkainis nito sa akin. Isang masakit na tingin muna ang ibinigay niya bago na siya nagpatiunang naglakad patungo sa kuwarto ni Sachi habang ako naman ay tatawa-tawang nakasunod sa likuran niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD