I can see that I made Damon so happy mula nang magkaaminan kami at ngayong officially ay tinanggap ko na ang damdamin niya. I dreamily sighed as I watch him swim away from me. Masaya rin ako. Sa totoo lang ay masaya ako. Muli kong nararamdaman ang kilig at kiliting dala ng isang relasyon. Napakarami mang issue na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natutuldukan, ayoko nang isipin na muna ang mga iyon. Ayokong sirain ang mood naming dalawa lalo na ngayong nag-uumpisa pa lang kaming dalawa. Siguradong marami ang magugulat kapag nalaman na nila ang namamagitan sa amin ni Damon. Siguradong marami ang mangunguwestiyon. Sa pamilya ko pa lang, eh. Lalo na siguro sa pamilya ni Damon. Sigurado, maraming magiging tanong si Dad. Siguradong puputaktihin ng tanong si Damon ng mga pinsan niya lalo