Dalawang araw ang mabagal na lumipas at sa umagang iyon na gumising ako ay may kakaibang kaba ako sa dibdib na nararamdaman. Luminga-linga ako sa paligid habang nakayakap ang tulog na tulog na si Damon sa akin. "Why are you already awake? It's still early," pagrereklamo niya dahil nagising na siya sa likot ko. "Damon, parang may naririnig ako," kinakabahang sagot ko sa kanya, malikot pa rin ang aking mga mata. "Wala naman," he said at mas isiniksik pa ang ulo niya sa may balikat ko. Ngunit sabay kaming napabalikwas ng bangon nang may mga sigawan kaming narinig. Kumilos si Damon palapit sa mga dahon na ginawa naming tabing. "’Wag! Baka ‘yung mga kumidnap sa atin ang mga ‘yan!" pagpipigil ko sa kanya sa impit na boses. Baka marinig nila ako at ikapahamak pa namin iyon. "No, they're