Inosente 22

1330 Words
Habang papalapit sa kama ni Kenta ay gusto ko nang magback-out. Nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa nakikitang umbok ng kanyang puwet. Hala! Ganito din kaya ang makikita kong katawan kapag naging nurse na ako? Baka naman lahat ng pasyente ko ay pagnasahan ko. Bigla kong ipinilig ang aking ulo. Bakit ba napunta na naman sa pagnanasa ang isip ko. "K-kuya Ken, m-may massage oil ka ba dito? H-hindi k-ko na dinala ang.. g-ginamit ko noong nakaraan dahil iba ang amoy no'n." Nauutal kong tanong. "Kunin mo sa loob ng bedside drawer ko." Nakapikit na sabi ni Kenta. Nakaturo ito sa drawer na nasa tabi ng kama nito. Pumunta ako drawer at binuksan iyon. Kinuha ko ang massage oil sa loob at pinatakan ang aking kamay. "Usog ka dito sa gilid, Kuya Ken." Tinapik ko ang likod nito para umusog sa gilid. Umusog naman ito sa gilid ng kama. Huminga muna ako ng malalim. Mas malakas pa 'ata ang t***k ng puso ko kesa sa paghinga ko. Isipin mo na lang Chin-chin na pasyente si Kenta. Huwag mong lagyan ng malisya ang pagmamasahe mo sa kanya. Tinatak ko sa aking isip. Tumayo na ako sa gilid ng kama at sinimulang patakan ang likod ni Kenta at minasahe na ito. "Paano ka pala natutong magmasahe? Hindi kasi kapani-paniwala sa hitsura mo." Tanong ni Kenta habang nakapikit ito. "Hmmm... taga-hilot kasi sa amin ang lolo't lola ko. Noong bata pa ako ay lagi akong pumupunta sa kanila at tinitingnan ang kanilang ginagawa tapos ginagaya ko. Hanggang sa ginagawa na nila akong assistant. Sa amin, ang tawag namin sa masahe ay hilot. Pero noong nagdalaga na ako ay hindi na ako nakakapunta sa lolo't lola ko kaya si Tatang at sina manong na lamang ang hinihilot ko." Paliwanag ko dito. "Ah kaya pala. So how's your study? Bakit naman Nursing ang pinili mong course." "Okay lang. Nag-aaral ng mabuti para kapag naka-graduate ako ay makatulong ako sa aking pamilya. Atsaka gusto kong mag-abroad dahil malaki ang sahod doon. Iyong mga kapitbahay namin na may mga nurse na kamag-anak, malalaki na ang bahay kaya naman iyon din ang naisip kong kunin para naman guminhawa kami." Paliwanag ko dito habang pababa na ang aking kamay sa likurang bahagi nito. "That's good at iniisip mo talaga ang iyong pamilya. Kaya huwag kang mag-boyfriend boyfriend muna para maka-graduate ka. Mahirap na at baka buntisin ka lang nila." Napatigil ako sa pagmasahe sa likod nito. "Hhmmm...baka nga ikaw ang maka-buntis sa akin eh..." Bigla ko na lamang nasambit sa kawalan. Huli na nang marealize ko ang aking nasabi. Bigla kong natutop ang aking bibig. "I'm hundred percent sure na hindi kita bubuntisin, Chin-Chin. I told you that I will teach you on kissing.. or more than that pero rest assured na makakauwi kang virgin sa inyo katulad ng hiniling mo sa akin." Bigla ang pagbalikwas ni Kenta kaya naman nakita ko tuloy ang hindi ko dapat makita. "Ay! Ano ba 'yan, Kuya Ken. Bumalik ka sa pagtalikod. Huwag kang tumihaya at nakikita ko naman 'yang pototoy mo eh. Hindi pa nga ako tapos sa likod mo." Bigla kong natakpan ang aking mata pero nahagip ko pa rin ang natutulog nitong alaga bago ulit ito bumalik ng patalikod. "Sorry kung malikot ako. So how do you rate my kiss?" Bigla ay tanong nito. Saglit akong napatigil sa pagmasahe ng likod ng binti nito at namula ang aking pisngi. "Hhhmm... sa unang halik.. p-parang zero..." "What? Zero?! Bakit?" "Eh kasi nga wala talaga akong maramdaman. Hindi siya masarap." Totoo naman 'yon. "And how's the second time?" "Hmmm..." napangiti ako at hindi nakasagot. "I think you like the second one. See.. because you don't know that I'm gonna kiss you. It adds excitement not knowing na hahalikan kita. Hindi mo pa rin naman alam kung paano magrerespond but eventually ay matututo ka din. Chin...?" "Hmmm.. ano 'yon?" "Papayag ka ba kapag lampas pa sa halik ang gagawin ko sa 'yo? I mean touching and feeling your body?" medyo paos na sabi nito. Hindi ako nakasagot. Anong klaseng touching and feeling kaya iyon? Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita ulit ito. "I could not understand myself. You're the only girl that I asked this. I have dated alot of girls and.. hindi naman sa pagmamayabang but I did not ask them for a kiss. They're the one whose coming at me and kissed me. Pero sa 'yo.. it's different. Kaya sana.. huwag kang mag-isip na pinagsasamantalahan kita. I know that Sunday would k*ll me if he knows what I'm doing to you. Even me, I'm still trying to figure it out that myself.." Parang wala sa sarili na sabi lang nito. Hindi kaya may gusto ka din sa akin? Gusto ko sanang isatinig pero nabitin lamang iyon sa lalamunan ko. Magkatulad pala kami na hindi namin alam kung bakit niya ako inaya at kung bakit ako pumayag. Pareho kaming sira. "Okay.. hindi naman ako nag-iisip ng masama dahil wala naman kasi akong maramdaman na bad intention galing sa 'yo. Siguro pareho lang din tayo nang nararamdaman, hindi ko ma-explain sa aking sarili kung bakit ako pumayag sa pinapagawa mo. Pareho natin itong ginusto kaya hindi kita sinisisi." Tanging nasabi ko lamang. "That's good to hear. Akala ko kasi ay nag-iisip ka nang masama sa akin." Bahagya itong tumihaya ng tinapik ko ang likod nito. "Hhmm... Kuya Ken. Takpan mo na lamang ang iyong harapan at tumihaya ka na. Tapos na sa likod." "Nope. May nakalimutan kang masahiin. Hindi ako titihaya kapag hindi mo tinapos ang likod ko." Nagulumihan ako sa sinabi nito. Tapos ko namang masahiin lahat ah. Tiningnan ko ang likod nito. Hanggang sa mapadako ang tingin ko kanyang puwet. "Huwag mong sabihin na gusto mong masahiin ko ang p-puwet mo?" Hindi kaya ako nagmamasahe ng puwet. "Yup." "Ayoko nga. Hindi naman minamasahe ang puwet ah." Reklamo ko. "Anong hindi. Minamasahe kaya sa spa ang puwet ko. Sige na para matapos na tayo. Kapag hindi mo minasahe ang puwet ko hindi ka makakaalis dito at hindi din ako titihaya." Matigas na sabi ni Kenta. "Hmmp... sige na nga." Nakangusong sabi ko. Pinatakan ko ng kaunti ang aking kamay ng massage oil at sumampa sa kama ni Kenta. Pumuwesto ako sa may pagitan ng binti nito at umupo. Pagtingin ko sa puwet ni Kenta ay hindi ko maiwasang humanga. Grabe sobrang kinis ng puwet nito. Sakto lamang ang umbok at nasa saktonbg lugar ang mga masel. Paglapat ng kamay ko sa puwet nito ay napapiksi ito. "Kuya Ken, ha. Baka tumigas 'yang pototoy mo sa pagmamasahe ko, hindi ko mamasahiin 'yan." Biro ko sa kanya. Ang totoo ay may parte ng isip ko na gustong makita ng malapitan ang pagtayo ng sandata nito. Kahit kasi nakita ko na ito ng mga ilang beses pa lang naman ay tulog naman iyon. Siyempre iba na ang hitsura nito kapag nakatayo. "Kung sakali ba at gusto kong masahiin mo, okay lang ba sa 'yo?" May panunudyo sa tinig nito. "Hala ay! Ayoko na..." Tinampal ko ang puwet ito at akmang bababa. "Hindi ka ba natutuwa na chance mo nang makakita at makahawak ng totoong ari ng lalaki. Kapag naging nurse ka, iba't ibang ari ng lalaki ang makikita mo. Ngayon pa lang ay dapat masanay ka na para hindi ka ma-shock kapag nagkaroon kayo ng practical lesson. Kapag pinadala kayo sa mga medical mission katulad ng mga circumcision, makakakita ng iba't ibang ari doon. Eh kung first time mo tapos nanginginig pa ang kamay mo.. tapos mamamali ka pa ng pag-cut. Kawawa naman ang mga magpapatuli sa 'yo. Willing na nga akong ipakita sa 'yo ang katawan ko. Kumbaga ako ang iyong fine male specimen. Anything about male anatomy, pwede mo 'kong pag-aralan." "Inuuto mo 'ata ako eh. Gusto mo talagang ipagduldulan sa akin 'yang pototoy mo. Malaki ba 'yan?" "Ha..ha..ha.." tumawa ng malakas si Kenta atsaka ito humarap sa akin. "Ano sa tingin mo 'yan? Malaki ba or katamtaman lamang?" Nakangising sabi ni Kenta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD