Inosente 21

1177 Words
Unang halik... Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi ni Kenta sa akin. Nakamulagat pa ako dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Ito pala ang halik. Hindi naman masarap dahil wala naman akong maramdaman. Masarap daw? Parang hindi rin. Matamis daw? Bakit parang hindi rin. Parang may dumampi lamang sa aking labi. Ilang segundo ko munang pinakiramdaman ang aking sarili kung ano ang mararamdaman ko sa halik ni Kenta. "So, how does it feel?" Hindi ko namalayan na tapos na pala akong halikan ni Kenta. Kumurap-kurap pa ako. Nakangiti ito habang nakatunghay sa akin. Nakatingala pa rin ako dito. "Ahhh.. 'y-yon na 'yon??? B-bakit p-parang hindi ko naman naramdaman 'yong katulad sa nababasa ko sa mga pocketbook na.. na m-masarap ang halik." Nahihiyang sabi ko kay Kenta. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang nanunudyo nitong titig. "Huwag kang maniwala sa mga nababasa mo sa pocketbook. It was just a lie. Of course it's not sweet dahil hindi ka pa marunong humalik. And, dahil na rin mabilis lang at wala ding emotion. We both anticipate that kiss kaya parang akward ang dating, hindi siya spontaneous." Paliwanag pa nito. Akala ko masarap ang kiss. Nasayang lang pala ang first kiss ko. "Hmp.. eh huwag mo na lang akong turuan, Kuya Ken, kasi hindi pala masarap. Ang taas pa man din ng expectation ko dahil sa mga nababasa ko before." Nakangusong sabi ko. "Don't worry dahil tuturuan naman kita 'coz I'm your teacher. It was only a preparatory kiss para at least alam mo na may mga bagay minsan na akala natin ay totoo pero hindi pala katulad ng mga nababasa mo sa pocketbook.. akala mo kapag first kiss, masarap kaagad. Now you know that kissing is not all sweet and tasty the way all those authors wanted us to feel. They only want their readers to feel the kilig and feel the love kasi 'yon ang gusto nilang maramdaman ng readers. But lahat ng iyon ay fiction lamang, created from a fantasy. Fantasy is far from reality.." "Ang haba ng explanation mo, Kuya Ken. Basta ayoko na---" Natigil ang pagsasalita ko nang bigla nitong sinapo ang aking mukha. Sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan ulit ako ni Kenta. Nakamulagat pa rin ako dahil biglaan lamang ang ginawa nitong paghalik pero ibang-iba na ang paraan nito hindi kagaya sa una. Masuyo na at banayad na parang ingat na ingat ang bawat paghalik nito. Ito ang tipo nang halik na mapapapikit ka na lamang at nanamnamin ang labi ng iyong kaulayaw. Unti-unti ay kusa na ring ginagaya ng aking katawan ang paraan ng paghalik ni Kenta. Kumikibot ang aking labi ayon sa gusto nitong mangyari. Marahan nitong kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Napaawang na lamang ako at hinahayaan siya sa kanyang ginagawa. Namalayan na ko na lamang na para na akong nadadarang. Nag-iinit ang aking katawan. May namumuong kung ano sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay nasasarapan na ako at kailangan ko ng makakapitan dahil ano mang oras ay babagsak na ako sa aking kinatatayuan. Akmang itataas ko na sana ang aking kamay para mangunyapit kay Kenta nang magsalita ito. "Kuso! Argh... Let's stop this, Chin-chin. That's enough for today dahil e-mamassage mo pa ako. Follow me." Marahas na sabi nito at biglang tumalikod. Napaawang tuloy ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa oras na 'yon. Wala man lamang siyang paliwanag kung bakit bigla niyang tinigil ang paghalik sa akin. "Huwag kang magtaka kung bakit ako tumigil, the problem is me." Narinig kong sabi nito. Kung kailan ay parang nasasarapan na ako sa aming halikan ay saka naman niya ako iniwan sa ere. Gano'n ba talaga kapag naghahalikan, titigil at basta ka na lamang bibitinin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis kay Kenta. Hinayupak na lalaking 'to. Gayumahin ko kaya para tuluyang ma-inlove sa akin. Dapat pala nagpaturo ako sa lolo't lola ko kung paano manggayuma bago sila namatay. "Hey! Bakit nakatayo ka pa rin diyan. Magbanlaw ka na. Kissing session is done for today. Sa susunod na ulit." Hindi ko alam kung galit o pagtitimpi ang nakikita ko sa mukha ni Kenta. Samu't saring emosyon na hindi ko maipaliwanag. Siguro iyon ay dahil sa sinabi ko sa kanya bago niya ako halikan kanina. Kahit na inis ay hindi ko iyon pinahalata dahil baka sabihin pa ni Kenta na atat akong magpahalik sa kanya kahit totoo naman. Hindi ko nga alam na mayroon din pala akong side na ganito. Malandi na ba ako dahil nakakaramdam ako ng kasiyahan sa ginagawa namin ni Kenta? Habang nagbabanlaw ay napapaisip din ako. Bakit nga ba pumayag ako magpahalik at magpaturo kay Kenta? Wala naman kaming relasyon. Hindi ko din tinatanong kong may girlfriend ito. Sa hitsura nito imposibleng wala. Ako na rin ang sumagot sa gumugulo sa aking isipan. Ayokong magtanong dahil takot ako sa katotohanan. Takot ako dahil may namumuo akong pagtatangi kay Kenta kaya naman napapasunod niya ako sa kanyang nais gawin. Kahit alam kung mali ay hindi ko siya kayang tanggihan. Ayoko din siyang tanungin tungkol sa kanyang personal na buhay dahil paano nga kung may girlfriend pa siya. Okay pa rin ba sa akin na maghalikan kami? Nabanggit na dati ni Tiyo Dominggo na bata pa ang amo nito at may girlfriend pero hindi niya binanggit na kasal na. Matagal na iyon kaya hindi ko din alam baka nagkahiwalay na ang dalawa dahil nga hindi din naman nag-oopen up sa akin si Kenta. Ayoko din namang magtanong sa kanya dahil nahihiya ako. Siguro sa sa ngayon ay bahala na. Go with the flow na lamang ako. Bahala na kapag nasaktan ako. Saka ko na lamang iisipin iyon. Sa ngayon ay eenjoy ko na lamang ang panahon na magkasama kaming dalawa. Ngayon lamang kasi ako nakaramdam ng sobrang atraksiyon sa lalaki at hindi ko pa alam kung paano ihahandle ang aking sarili. Nang matapos akong magbanlaw ay dumaan muna ako sa aking kwarto para dalhin doon ang aking basang damit. Hindi na ako nagdala ng Omega dahil siguro naman ay may massage oil naman si Kenta. Kumatok muna ako sa kwarto ni Kenta bago pumasok. "Come in." Nang marinig ang boses ang Kenta ay pumasok na ako. Dim na naman ulit ang ilaw sa loob ng kwarto ni Kenta. Tanging mga LED light sa gilid ng kisame ang nagliliwanag. Nakita ko si Kenta. Nakahiga ito ng patalikod sa gitna ng kanyang kama. Hubo't hubad kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng katawan nito. Ang macho talaga. Parang nililok sa kahoy ang buo nitong katawan. Maputi, mamasel at mahahaba ang biyas. Tamang-tama lamang at hindi sobrang namimintog na parang body builder ang katawan nito. Napaswerte ko talaga dahil mahahawakan ko iyon. Ngayon pa lang ay parang nabasa na ang panty ko. Hindi pa nga ako umaalis sa kinatatayuan ko, tingin pa lang 'yon. Paano na kapag mismong dumampi na ang balat ko sa katawan niya. Baka mangisay ako sa kilig. Para tuloy akong lalagnatin sa pinag-iisip ko. Huminga muna ako ng malalim atsaka naglakad palapit sa kama ni Kenta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD