Inosente 2

1470 Words
Allegra Garden Residences VIP Room 002 Malate, Manila Ito ang address na nakalagay sa maliit na papel na hawak-hawak ko. Pinicturan ko muna sa aking cellphone at ibinalik sa loob ng aking backpack ang papel bago bumaba ng bus. Pagkababa sa bus ay namangha ako sa paligid. Hindi dahil sa kagandahan kundi dahil sa sobrang dami ng taong paroo't parito. Bakit hindi naman mukhang pang-mayaman itong lugar na 'to. Iyong address kasi na hawak ko, tunog pa lang ay mukhang rich neighborhood na, samantalang ang lugar na binabaan ko ay walang matayog na building na masasabi kong condo o apartment. Mali 'ata ang binabaan ko. Kasalanan ko din naman 'to kasi noong narinig ko ang konduktor na sumigaw ng Malate! Malate! ay kaagad akong bumaba, hindi ko muna tiningnan sa bintana kung ito na nga ang lugar na pupuntahan ko. Bahala na nga! Magtatanong-tanong na lamang ako sa mga tao dito. Naglakad-lakad muna ako sa nakabukas na tindahan at may nakita akong nagtitinda ng kakanin doon. Nagtanong ako kung alam ba niya ang Allegra Garden Residences. Umiling lamang ang tindera kaya naman nagpasalamat na lamang ako at umalis. Luminga ako sa paligid at napansin ko na may mga nagtataasang building na kung hindi ako nagkakamali ay siguro condo pero kailangan ko pang sumakay ng jeep o pwede ko ding lakarin pero mukhang isang kilometro pa ang layo nito sa kinatatayuan ko. Napagpasyahan ko na lamang na lakarin ito dahil nagtitipid ako ng pera. Hindi ko pa alam kung narito nga si Tiyo Dominggo sa Manila, baka kasi wala at kailangan ko ng matitirhan kaya kailangan kong tipirin ang aking dalang pera. Nag-umpisa na akong maglakad dahil hapon na. Hindi naman siguro ako aabutin ng gabi papunta sa mga building na nakikita ko. Ilang minuto na akong naglalakad at nakalampas na ako sa unang eskinita at ngayon ay nasa pangalawang eskinita na. Tingin ko ay ay tatlong eskinita pa ang lalakarin ko para marating ang unang building na nakikita ko. At dahil nakaramdam ako ng gutom ay pumasok na ako sa isang kainan na sa tingin ko ay mura lamang. Pagpasok sa loob ng kainan ay pumwesto ako sa isang gilid kung saan nakikita ko ang kalsada sa labas. Medyo madilim na pala. Baka abutin ako ng gabi sa daan, kaso gutom na talaga ako kaya mas mabuting kumain na muna ako. Mas mahirap namang maglakad ng gutom at baka himatayin pa ako sa daan, hindi pa naman ako sure sa pupuntahan ko kung isa na ba sa mga building na 'yon doon nakatira si Tiyo Dominggo. Nang dumating ang in-order kong pagkain ay kaagad ko itong nilantakan. Mainit-init pa kaya naman masarap talaga. Malapit ko nang maubos ang kinakain ko nang may isang gusgusing batang lalaki ang lumapit sa akin at nanghingi ng pera. "Naku, bata, pasensiya ka na kasi wala akong perang maibibigay sa'yo. Kung gusto mo kumain ka na lang, ito may tira pa ako." Alok ko sa bata kahit ang totoo ay kulang pa nga sa akin ang pagkain. Malakas kasi akong kumain pero hindi naman ako tumataba dahil mabilis ang metabolism ko. "Miss, bigyan mo naman ako ng pera. Pambili ko lang ng gamot para sa nanay ko. Busog pa po ako, hindi po ako kumakain ng tira-tira." Pangungulit ulit ng bata. Hay, naku! Kawawa naman 'tong batang 'to. Buti pa talaga sa probinsiya dahil kahit mahirap ka ay may makakakain ka at hindi ka mamalimos sa ibang tao. Kahit na nagtitipid ay kumuha ako ng pera sa aking wallet. "Bata, oh ito, singkwenta pesos 'yan ha. Malaki na 'yan sa amin sa probinsiya kaya 'yan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo." Binigay ko ang pera sa bata at kaagad naman nitong kinuha ang pera at ngumiti. Kaagad na itong tumalikod pero tinawag ko ulit ito. "Umupo ka na diyan. Mukhang hindi ka pa kumakain." Tinawag ko ang waitress at um-order ng pagkain para sa bata. Inubos ko na lamang ang pagkain ko kasi nga gutom talaga ako. Okay lang kahit mabawasan ko ang ang aking pera, naaawa lang talaga ako sa bata. Sa amin kasi sa probinsiya ay hindi ako nakakakita ng mga ganito. Sa city, oo, pero sa amin sa Capiz ay wala. Kahit na may chance na baka hawak ng sindikato ang bata ay binigyan ko na lamang ito. At least nakatulong din ako sa mga sindikato. Nang dumating ang pagkain ng bata ay nagliwanag ang mukha nito. Walang sabi-sabi ay kaagad nitong nilantakan ang pagkain na sinerve ng waitress. Nang matapos itong kumain ay nagpaalam na ito sa akin. Nagpasalamat na ito ngayon at mukhang natuwa kahit singkwenta lang ang binigay ko sa kanya. Nag-order pa ako ng take-out para dalhin sa nanay niya kasi may sakit nga daw. Doon ay nakita kong para na itong maiiyak kaya napagtanto kong hindi ito hawak ng sindikato. Nang makaalis na ang bata ay nagpahinga lang ako saglit atsaka nagbayad. Paglabas ko ng kainan ay kalat na ang dilim sa paligid. Tanging ang maiingay na sasakyan at street lights ang nakikita ko. Nagsimula na ulit akong maglakad. Kasalukuyan akong naglalakad sa pangatlong eskinita nang mapansin kong parang bakanteng lote pala ito. Walang mga street lights sa bandang kalsada dito kaya medyo kinabahan ako. Pagtingin ko sa kasunod nitong eskinita ay may maraming ilaw at mga shop kaya nawala na ang kaba ko. Nasa bandang gitna na ako ng eskinita ng maramdaman kong may biglang humablot sa akin papasok sa loob ng isang makipot na daanan. "Tabang! Tabang! Ay--- Tulong pala! Tulong! Tulungan niyo ako." Nagsisigaw ako at pinagsisipa ang lalaking humila sa akin. Nang matamaan ko ang harapan nito ay kaagad ako nitong nabitawan. "Aray! P-p*tang *na k-kang babae ka! Humanda ka sa akin!" Napahawak ito sa kanyang harapan at unti-unting napaupo. Kaagad naman akong tumakbo para makalabas sa lugar na 'yon. Pero bago ako tuluyang makalabas ay may isang anino pang tumambad sa aking harapan. "Akala mo ay makakatakas ka ha. Wala pang may nakakatakas na babae sa aming dalawa ni Paring Oming. Ang swerte namin ngayon dahil mukhang sariwa ka pa, huwag kang mag-alala dahil masasarapan ka rin sa gagawin namin sa'yo." Nagulat ako ng may isa pang lalaki ang sumulpot sa labasan. May hawak itong kutsilyo kaya gano'n na lamang ang takot na naramdaman ko. Unti-unti na itong lumalapit sa akin. "H-huwag po, manong. I-ito po ang bag at maleta ko. Sa inyo na lamang po 'to. Palabasin niyo na po ako. Kailangan ko pong mapuntahan ang Tiyo Dominggo ko dahil may sakit ang nanay ko sa probinsiya." Sa takot na nararamdaman ko ay umiiyak na akong nakikiusap sa dalawang lalaki. "Walang kaming pakialam sa tiyo at nanay mo. Hahaha.."Atsaka malakas na tumawa ang lalaking nasa harap ko. "Tulong! Tulong!" Nagsisigaw na ulit ako ng bigla ako nitong sinunggaban. Kaagad akong umilag at nagtatakbo pero kaagad ako nitong hinablot sa buhok dahilan para mapasigaw ako sa sakit. "Aray! Mga gag*! Mga manyak!" Pinagmumura ko na ang dalawa dahil napansin kong nakatayo na ng maayos ang lalaking sinipa ko kanina. Papalapit na rin ito sa amin ng kasama niya. Paglapit nito sa amin ay kaagad ako nitong sinampal. "Letse kang babae ka! 'Yan ang bagay sa'yo. Papalag ka pa eh wala namang kawala sa amin. Walang tutulong sa'yo dito dahil kami ang hari sa lugar na 'to!" Malakas na sabi nito atsaka sinampal pa ulit ako dahilan para tumilapon ako sa lupa. Kahit hilong-hilo na ako at halos mawalan ng malay ay pinipilit ko pa ring tumayo dahil alam kong nasa panganib ako. "T-tulong! T-ulungan niyo po ako!" Namamaos kong sigaw. Pinapanalangin ko na sana ay may makarinig sa akin at tulungan ako. "Pari, jackpot tayo dito sa babae. Ang cute at ang ganda pa, sariwang-sariwa. Hindi kagaya sa mga nauna nating nabiktima na bilasa na. Hahahhahah...." Tawa pa ng dalawa. "Hawakan mo ang kamay niya at ako muna ang mauuna sa kanya." Hinawakan na ng isang lalaki ang dalawa kong kamay pataas para hindi ako makapalag at sa nanlalabo kong mata ay nakita kong naghubad na ang lalaking humablot kanina sa akin. Dahil panay ang sigaw ko ay nilagyan ng lalaki ng kanyang damit ang aking bunganga para walang may makarinig sa akin. Lalo tuloy akong naawa sa aking sarili dahil hindi ko aakalain na ganito ang sasapitin ko lugar na 'to. Ang nais ko lang naman ay puntahan ang aking Tiyo Dominggo pero bakit sa mga kamay ng masasamang tao ako napunta. Habang humahagulgol ay nanalangin pa rin ako na may tutulong sa akin para makawala ako sa mga manyakis na 'to. "Ahhhhh.... T-tuuu-l-llongggg..." Sigaw ko ng kinubabawan na ako ng lalaki at pinunit ang aking t-shirt. Mas lalo akong nahindik ng ang pantalon ko naman ang pinipilit nitong ibaba kaya panay ang sipa ko. "Lumalaban ka pa rin ha. Ito ang bagay sa mga matatapang na babaeng kagaya mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD