Chapter 4.2: First Day

2064 Words
“COME HERE, DAPH.” Napalabi siya nang hilahin nito ng kamay niya. Mabilis ang paghila nito kaya hindi niya nakontrol ang sarili, napakandong siya sa asawa. “Perfect,” ani pa nito habang may hawak na selfie stick na may camera. Tumingin ito sa kandungan nito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng asawa na perfect. “Smile, baby.” Tumingin siya sa camera nito pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment nito sa kan'ya. Napangiti siya sa loob-loob niya. Shit! Ang pogi ng asawa niya talaga ‘pag nakangiti! Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ngumiti dahil naiilang siya sa posisyon nila. Nakayakap pa ito sa beywang niya, at damang-dama niya ang hita ng asawa na mabalbon. Sumusundót din ang naninigas nitong kaibigan sa pang-upo niya, kaya para gustong nanginig ng katawan niya. Nakakawala ng katinuan. Ikaw na kasi nakasuot ng two-piece. Pakiramdam niya nga, wala siyang suot ni isa mang saplot. "Say kimchi!" utos nito sa kaniya na ikinakunot-noo niya. "Bakit kimchi?" baling niya sa asawa. "Gasgas na kasi ang say cheese. Say Kimchi naman, baby!" natatawang sabi nito na ikinangiti niya. "Okay." Tumingin siya sa camera nito. Sabay pa silang nagsabi ng salitang iyon. Tiningnan nila ang shots nilang iyon. Nasa kandungan pa rin siya nito habang sabay nilang tiningnan ang mga kuha nila. Parehas silang nakangiti, kaya kung makikita sa malayo, para silang mag-asawa o magnobyo. Natural na kilos lang silang mag-asawa. Pero ang totoo, show lang para may maipakita sa magulang ng asawa pag-uwi. Hindi inaasahan ni Daphne ang susunod nilang acting, kiss naman daw. Mukhang seryoso ito. Mainit na nga, mas lalo pang uminit dahil sa sinabi nito. Parang gusto niyang tampalin ang sarili. Masyado siyang green ngayon. Hindi niya alam kung saan nangagaling ang ganitong idea. Napailing siya. Kay Amelie yata. Magka-chat kasi sila nito kagabi. Kung anu-anong pinagsasabi nito. Ang kaibigan lang talaga ang nakakaalam sa side niya, ewan kay BK. Baka wala itong pinagsabihan sa set-up nila. “Seryoso?” aniya sa asawa. “Yes. Para kapani-paniwala, my dear wife.” “Ilalapat mo lang naman, ‘di ba?” Napakunot ang noo nito sa sinabi niya. “No. Hindi ‘yan kiss, Daph. Tayo ka at humarap sa akin,” utos nito kapagkuwan. Kunot-noong sinunod niya ito. Napalunok siya nang tamapalin nito ang kandungan nito. “Sit.” Hindi niya maintrindhan kung utos ba ‘yon o hindi. Shit! Anong gusto ng asawa niya? Maupo siyang nakaharap dito? As in nakabukaka? Pero, nakabikini lang siya! Kung naiilang na siya kanina, mas lalo yata siyang mailang ngayon. “B-BK…” “What?” “Puwede naman yata sa posisyon natin kanina, a.” Umiling-iling ito. “Yeah. Pero hindi magiging maganda ang angulo kapag tagilid.” “P-pero—” “I won't accept any buts!” Inayos nito ang camerang hawak nito bago tumingin sa kan’ya. “Sit down,” ani ulit nito at hinawakan ang kamay niya para igiya siya nito paupo. Wala na siyang nagawa, dahan-dahan siyang naupo sa kandungan nito paharap dito. Napasapo siya ng mukha kapagkuwan. Siya talaga ang naiilang sa pinaggagawa nila. “Good,” anito at ngumiti sa kan’ya. “Look at me, Daph. Imagine that you and I are in love with each other.” Gusto niyang papaniwalain ang sarili kaso may salitang imagine. Panira. Pero sige, iisipin niya para matapos na ang palabas na ito. Pagod na pagod na siya. Ang dami na nilang napuntahan na spot at may mga pictures na din sila na magkahawak kamay, magkayakap at kung anu-ano pa maliban nga lang sa kiss. Talagang sa yate nito pala gustong gawin. Mabuti na ito, walang audience. Sinalubong niya ang titig ng asawa. Iniyakap niya ang mga kamay sa batok nito at umusod para lalong magdikit ang katawan nila. Talagang niyakap niya ang mga binti niya sa beywang nito. Bahala na. Wala namang tao, kaya okay lang sa kan’ya. Isa pa, malayo sila sa mga tao. Malay ba ng mga ito kung ano ang ginagawa nila sa may deck ng yate. “F*ck!” biglang sambit ng asawa sabay tingin sa pagitan niya. Napasunod rin siya ng tingin sa baba niya. Saka lang niya napagtantong saktong-sakto sa pagitan ng hita niya ang umuumbok nitong kaibigan. Bakit naman kasi ang nipis ng swimming trunks nito? “Sorry,” aniyang nakangiwi. Natamaan yata ng bongga ang kaibigan nitong naninigas. Mukhang lalo yatang nagalit dahil sa kalikutan niya. Umusod siya paatras pero bigla siyang hinapit nito para ilapit ng husto sa katawan nito. Nagkatitigan pa silang mag-asawa. Ang hindi niya napaghandaang ang biglang pagkabig nito sa batok niya sabay sakop sa labi niyang bahagyang nakaawang. Pakiramdam niya napaso ang labi niya sa mainit na halik nito. Iba pa ang init na hatid ng haring araw sa kaniya. Masyado siyang nadala sa ginagawa ng asawa sa labi niya kaya napatugon siya kasabay niyon ang malakas na ungol niya dahil sa pagmasahe nito sa kaliwang dibdib niya. Bahagya ng nakalitaw ang dunggot niya ng mga sandaling iyon. Lalong nadagdagan ang init na nararamdaman niya dahil sa kalikutan ng kamay ni BK. Kaya, lalong naging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila sa ilalim ng haring araw. Ang hindi napansin ni BK, may napindot ang daliri nito kanina sa screen ng camera nito, at nagsimulang nag-record iyon bago pa man lumalim ang halikang iyon. Hindi nito napansin dahil abala sila sa bugso ng damdamin. Napaliyad si Daphne nang bahagyang bumaba ang labi ni BK sa chin niya, papuntang leeg niya. Hindi niya namalayan ang pagtanggal ng asawa sa pagkakabuhol ng top niya hanggang sa tuluyan nang lumantad sa asawa ang dalawang bundok niya. Napakagat labi siya nang biglang sakupin ng maiinit nitong labi ang isang dunggot niya habang ang isang kamay nito ay malayang nakakapisil sa kabila. “Oh, BK!” hindi niya mapigilang unmugol ulit dahil sa kiliting nararamdaman ng mga sandaling iyon. Mainit ang dila nito para sa kan’ya kaya lalong naninigas ang dunggot niya at binubuhay niyon ang nakatagong pagnanasa niya. Naging malikot ang kamay ng asawa ng mga sumunod na sandali. Halos lahat yata ng mahawakan nito ay may kasamang pisil at gigil. Pigil ang hininga niya nang dumausdos ang kamay ng asawa sa puson niya. Bumaba pa iyon kaya hindi niya maiwasang mapanganga. May kung sinong bumulong sa kan’ya para pigilan ito. Akmang ipapasok nito ang kamay sa bikini niya nang bigla niya itong pigilan. Nagtama ang paningin nila nang mag-angat ng tingin sa kan’ya. Halata ang disappointment sa mukha ng asawa kaya nag-iwas siya ng paningin sabay ayos ng sarili. Nahihiya rin siya sa ginawa nila. Muntik na siyang makalimot. Kaya hinigit niya ang roba sa gilid ng asawa bago umalis sa kandungan ng asawa. Dinig niya ang sunod-sunod na mura nito. Dumeretso siya sa cabin at doon nagkulong. Iginiya niya rin ang sarili papasok ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Pulang-pula siya dahil sa kahihiyan. Muntik na. Sa pagkakatanda niya, kapag nagpumilit lang ang magulang nito, saka nila gagawin ang bagay na ito. Masyado pang maaga. Hindi pa niya kilala ng lubusan si BK. Mukhang ang dami pa naman nitong babae. Hindi siya puwedeng makilinya sa mga ito. Wala silang imikan ni BK hanggang makabalik ng hotel. Maging sa pagbalik ng Pilipinas ay ganoon din. Papansinin lang siya nito kapag oras ng kain at nang dumaan sila sa mansyon ng mga ito. Sweet ito sa kan’ya habang kausap ang magulang nito. Panay lang din ang ngiti niya at sang-ayon sa tuwing magkukuwento ito tungkol sa nangyari sa Hawaii, dahil baka mahalata ng magulang nito na hindi naman sila nag-honeymoon doon. Nagbakasyon lang sila. Akala niya ay papansinin na siya nito pero nang pauwi na sila ay nagbago na naman ang mood nito. Hindi na naman siya pinapansin nito. Nakaramdam siya ng lungkot. Iniisip niya tuloy baka sumama ang loob ni BK sa kan’ya dahil sa nangyari sa Hawaii. Nakapikit ito nang lingunin niya. Papasok sila sa isang magarang subdibisyon ngayon. Magulang ni BK ang nagregalo ng bahay na uuwian nila ngayon. Dito na sila dumeretso dahil narito na ang ilang gamit na niregalo sa kanila noong kasal. Excited kasi ang magulang ng asawa na magkaroon sila ng anak which is imposibleng mangyari. Napaawang siya ng labi nang makita ang kabuuan ng bahay na hinintuan nila. Ang laki ng bahay tapos silang dalawa lang ni BK? Aalog-alog sila nito. Napailing siya kapagkuwan. “Nandito na po tayo, Sir, Ma’am!” anunsyo ng driver ng mga Hernandez. Papungas-pungas na nagmulat ng mata si BK. Tumingin ito sa labas saka bumaling sa kan’ya saka hinawakan ang dahon ng pinto para igiya ang sarili sa labas. Nang lumabas ito ay lumabas na rin siya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito. Isang bag lang ang dala niya. ‘Yong kan’ya lang. Ang driver na kasi ang nagbaba ng iba. ‘Di man lang talaga tumulong si BK. Sabagay, lumaking spoiled at hindi yata ‘to nagbubuhat sa mansyon ng mga ito. Wala man lang sumalubong na katulong sa kanila dahil ayaw ni BK ng may ibang tao sa bahay nila. Palusot lang nila, gusto niyang pagsilbihan si BK. Wala naman kasi siyang trabaho ngayon. Kaka-end of contract lang niya sa trabaho bilang cashier. Gusto niya sanang bumalik sa trabaho pero hindi niya alam kung papayagan siya ni BK. “There are two rooms here na malaki. Mamili ka na lang kung saan mo gusto.” May tinuro ito mula sa sala. Nagbukas ito ng TV para manood at prenteng naupo sa sofa. Hindi ba siya nito sasamahan sa itaas? Gentleman talaga. Iniwan niya ito at umakyat mag-isa. Talagang bukod sila ng higaan nito. Sabagay, napag-usapan na nila ito noon. Mas pinili niya ang maliit na silid. Actually, may ibang room pa. Ang gusto kasi ni BK magkatabi ang room nila. Sa pagkakaalam niya, magpapagawa si BK ng adjacent door para incase na bumisita ang magulang nito hindi sila mahuli. Dadaan lang sila sa sa adjacent door na ipapagawa ng asawa. Lahat na ‘yan naplano na ni BK. Pulido nga ang pagkakaplano, e. Galingan na lang nila sa pag-arte, dahil lagot sila ‘pag nagkataon. Bumaba siya at sinabi kay BK na sa kaliwa banda ang pinili niya. Higit na mas malaki kasi ang kanan. ‘Yon yata ang masters’ bedroom. Ilang sandali lang ay nagpaalam si BK na aalis. Hindi na siya nagtataka. Malamang na gigimik pa ito o makipagkita sa babae nito. Ilang beses naman na kasi nabanggit nito na laging wala ito kapag gabi sa bahay o sa condo nito. Kaya, dapat masanay na siya. Inilinga niya ang paningin nang lumabas ng bahay nila ang asawa. Siya lang ang naiwan ngayon mag-isa. Hindi man lang talaga nito inisip na baka matakot siya dahil mag-isa lang siya. Bukas na lang siya mag-aayos ng bahay dahil sobrang late na, kaya kobre kama lang ni BK ang pinalitan niya at mga punda ng unan na gagamitin nito. Sinunod niya ang kan’ya pagkatapos saka napagdesisyunang matulog na rin. Pero bago iyon, naglinis muna siya ng sarili. Nagising siya kinabukasan sa ingay. Malakas kasi ang tawang naririnig niya, hindi ng lalaki kun’di ng tawa ng babae, kaya lumabas siya para alamin kung sino iyon. Napatigil siya sa paghakbang nang makita si BK at isang magandang babae na naghahalikan. Hubo’t hubad pa ang asawa niya habang ang babae ay bagong paligo at mukhang pauwi na. At sa pintuan ng silid ng asawa nag-goodbye kiss ang mga ito. Hindi niya alam kung paano aalis dahil baka marinig ng mga ito kapag nagsara siya ng pintuan. Kumunot ang noo ni BK nang makita siya. Tumigil ito sa pagtugon sa halik ng babae kapagkuwan at tumingin sa kan’ya. Napalunok pa siya dahil sa tingin nito. Saglit na nagtama ang paningin nila. Siya ang unang bumawi, nagmadali siyang bumalik papasok sa sariling silid. Napasandal siya sa dahon ng pintuan ng silid niya. Isa pa ‘yon. Nabanggit na ni BK na nagdadala talaga ito ng babae, kaya wala silang kasambahay. Ayaw nitong malaman ng mag-asawang Hernandez. Dapat ihanda na niya ang sarili sa mga susunod na araw hanggang sa matapos ang pagsasama dila. Kung hindi lang talaga dahil sa ama niya, hindi siya papayag na ganito ang mararanasan niya. Pangarap niyang ikasal at magkaroon ng masayang pamilya pero hanggang pangarap lang talag a iyon. Dapat ring ihanda niya ang araw na maghihiwalay silang mag-asawa at magkani-kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD