Chapter 1: Meet Up
"STOP IT, MAMA! I already heard this for the ninth time. For God's sake!" Hindi maiwasang mapataas ang boses ni BK matapos marinig ang sinabi ng ina. Tumayo siya mula sa kinauupuan at pinunasan ang bibig ng tissue. Hindi pa siya tapos kumain pero tinatapos na niya.
"BK!" dinig niyang sigaw ng Papa niya. Maging ang pagbasak ng kutsara at tinidor. Ito pa naman ang pinakaayaw ng ama niya, ang umalis na hindi pa tapos kumain.
"What? Araw-araw ko na lang naririnig 'yan! Hindi ba puwedeng ako mag-decide kung kailan ko gustong mag-asawa? I'm only 26!" Tumingin siya sa ina na malungkot.
"Anak, matanda na kami. Siyempre, gusto naming makita ang magiging apo namin sa’yo," anang ina na masuyo pa rin. May lungkot ding mababanaag sa mukha nito. Hindi pa naman niya matiis ito.
“I told you, ‘Ma, may girlfriend na ako. Hindi pa kasi siya handa para makilala kayo. I need you to be patient with me. Please?” Sana maniwala ang mga ito sa kan’ya. Lalo na ang ina niya. Dito pa naman nakasalalay ang kaligayahan niya.
“Hindi ako naniniwala sa’yo, BK.” Seryoso na ang ina niya. “‘Wag mong hintayin na akong maghanap ng mapapangasawa mo. Sinasabi ko sa’yo!” May himig na pagbabanta iyon.
Patay na!
Mabilis na humalik siya sa ulo ng ina bago umalis sa hapag. Sign of respect kasi nila iyon kahit na naiinis na. Nakaisang tawag pa ito sa kan’ya pero hindi niya iyon nilingon.
Wala siyang ginawa kung hindi ang magmukmok sa silid ng mga sandaling iyon.
Nang maalala si Kevin, na mahilig sa mga dating app ay tinawagan niya iyon. Mukhang kailangan na niyang ipakilala ang babaeng papakasalan sa ina. Baka mamaya, hindi niya magustuhan ang makuha nito.
Sunod-sunod ang naging mensahe ni Kevin. Ginawan raw siya nito ng account sa MatchYeah app. Isa iyong dating app. BK lang daw ang nilagay nitong pangalan niya. Sinend rin nito ang ibang detalyeng ginamit nito.
Hindi naman siya gumagamit ng app na iyon, kaya, nangapa siya. Ang dami na niyang inadd at minessage pero hindi niya nagustuhan ang mga sagot nang magpalitan sila ng mensahe.
Napatigil siya sa pag-scroll nang makita ang full view ng litrato sa kaniyang timeline. Ang cute nito sa long hair na kulot. Pinkish din ang pisngi dahil maputi. Napangiti siya nang mabasang naghahanap ito ng kaibigan, na hindi ito iiwan sa oras ng kagipitan. Nahulaan naman na niya ang nais nito kagaya ng iba. Pera pera lang talaga. Pero at least para sa kan’ya nasabi na agad nito kung ano ang hanap mismo nito. Hindi na kailangang itago pa ang totoo.
Mukhang magkakasundo sila nito.
Mabilis na pinindot niya ang add button. Mabilis naman nitong inaccept kaya napangiti siya. Nagpadala siya dito ng mensahe na gusto niya itong maging kaibigan. Mabilis namang nag-reply ito sa kan’ya. At, doon na nagsimula ang lahat. Hanggang sa dumating na sa puntong kailangan nilang magkita in person para magkakilala.
Nasa Metro Manila rin ito kaya kaagad na nag-set sila ng date. Coffee shop ang napagkasunduan nila.
Apat na araw na silang magka-chat sa dating app na iyon, mukhang mabait naman ito. Sana pumayag agad ito kapag sinabi niya rito mamaya. Yes, mamaya na ang nakatakdang pagkikita nila. May halong kaba siya dahil baka mamaya, hindi naman pala nito iyon picture tapos ka-gender niya pala ito. Pero sana maging maganda ang lakad niya. Dahil nabanggit na naman ng ina kanina sa kan’ya ang tungkol sa pag-aasawa.
Gray shirts, black jacket at black pants, ‘yan ang suot niya. Casual mix and match na fashion shoes ang ipinares niya. Masculine lang tingnan. Sana magustuhan nito. Dagdag pogi-points din. Kailangan niya ito kaya dapat galingan niyang umarte. Pero kung makakaintindi naman ito ng sitwasyon niya, e ‘di mas maganda. Wala na siyang problema.
“I have a date with Daphne, ‘Ma,” imporma niya sa ina nagdidilig ng halaman.
“Who’s Daphne?”
“My girlfriend,”
Saglit na natigilan ito at inaral ang mukha niya. Magaling pa namang bumasa ito ng tao.
“Okay. Seryoso na ba ‘yan?”
“Yes, ‘Ma. Siya ang sinasabi ko sa’yo na girlfriend ko.”
“I’ll buy it, baby. Pakilala mo na siya at naiinip na ako.” Ngumiti ito sa kan’ya kapagkuwan bago ibinalik ang sarili sa pagdidilig.
“Bye, ‘Ma!”
“Bye!” anito na hindi tumitingin sa kan’ya pero kumakaway ang kaliwang kamay.
Alas-diyes naman ang usapan nila ni Daphne pero maaga lang siyang umalis para dumaan sa barbershop. Isang buwan na siyang hindi nagpapa-gupit.
Quarter to ten nang umalis siya sa mall. Malapit lang naman doon ang MoonCup Cafe na pagmamay-ari ng kaibigan rin niya.
Napatingin siya sa inbox niya nang makatanggap ng text mula kay Daphne. Ibinigay niya rin kasi ang numero niya dito, in case na hindi siya online. Binanggit lang nitong malapit na ito sa lugar na napagkasunduan.
Hindi niya maiwasang kabahan. Nag-send pa naman siya ng totoong picture niya rito, kahapon lang. Maging ito rin. Kung ano talaga ang mga nasa gallery nito ay ganoong mukha rin ang isinend sa kan’ya. Sana, totoo rin ito. Dahil kung hindi, baka magsisimula na naman siya sa paghahanap ng babae.
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa dibdib. Kinakabahan siya sa date na ito. Unang beses niya lang itong makipag-meet sa estranghero. Kung hindi lang dahil sa pera, nunca siyang makikipag-date.
“Scandinavia, here I come!” aniya sa sarili. Kung hindi lang dahil sa kagustuhang makapunta ng Scandinavia hindi siya magre-register sa dating app na iyon. Kapit na sa patalim. Kasi, hindi naman sila ipinanganak na mayaman. Ito lang ang paraan niya para makapunta roon, at para mahanap ang matagal ng gustong makita.
Napapitlag siya nang biglang tumunog ang telepono niya.
“Hoy, gaga! Siguraduhin mong makakauwi ka ng buhay at buo, huh?” bungad ng kaibigang si Amelie sa kan’ya. Naikuwento na niya kasi rito na makikipagkita siya sa isang lalaki na kakakilala lang niya sa MatchYeah app. Isang dating app ito para sa mga taong naghahanap ng mapapangasawa. Pero minsan hindi naman daw nangyayari dahil naghihiwalay din at hindi nauuwi sa kasalan. Trending lang kasi kaya doon siya napa-sign-up.
“Yes, Ma’am!” biro niya dito. May ipinadala itong taser sa kan’ya. Pang-self defense niya kung sakali. Kapag may ginawa raw na masama ang lalaking ka-date, gamitan niya raw ng taser. At, nasa bag niya iyon.
“Hindi ko talaga gusto ‘yang idea mo, e. Basta tumawag ka, huh?” halata pa rin sa boses nito ang pag-alala.
“Opo, Ma’am!” Ngumiti pa siya rito bago iyon pinatay. Nasa tapat na kasi siya ng Cafe. Naka-reserve na raw ang isang table para sa kanila. Sabihin lang daw niya ang pangalang BK.
Ilang beses siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago lumapit sa guard. Tinanong niya rito kung saan puwedeng itanong kapag may reservation. May itinuro itong lalaking matangkad, kaya, nilapitan niya iyon.
“Hi! May reservation kami, under BK’s name. Saan po kaya-”
“Ah, yes! Meron. You’re Daphne, right?” anito na ikinaawang niya ng labi. Hindi niya alam kung paano nito nalaman pero tumango siya. “This way,” ani pa nito at iginiya siya palapit sa dulong bahagi. Mukhang pang-VIP na puwesto iyon.
“Thank you,” aniya rito nang ipaghila siya nito ng upuan.
Inilinga niya ang paningin. Maraming customer. Mukha namang safe rin ang lugar.
Inilabas niya ang telepono at nagtipa ng mensahe para kay BK, na nasa Cafe na siya.
Ilalapag niya sana ang telepono nang may umupo sa harapan niya. Hindi niya maiwasang mapatulala nang mapagsino iyon.
Si BK iyon!
Ang pogi pala nito sa personal. Isa rin talaga sa rason kung bakit pumayag siyang makipagkita ay dahil sa itsura nito.
“Hi!” nakangiting bati nito sa kan’ya.
“H-hello,” medyo nauutal niyang tugon sa binata.
“BK.” Naglahad ito ng kamay kaya tinanggap niya iyon.
“Daphne.”
Bigla siyang nailang ng mga sumunod na sandali dahil sa paraan ng titig nito. Sumandal pa ito sa upuan at hindi inaalis ang tingin sa kan’ya. Buti na lang dumating kaagad ang order nila. Sa pagkain na natuon ang atensyon nito.
Lumagok ito ng kape bago ito nagsalita. “So, totoo lahat ng mga sinabi mo sa chat? Gaya ng pangalan mo?” panimula nito.
Tumango siya rito. “Ikaw ba?” balik-tanong niya dito.
“Almost. Gusto ko kasi sabihin sa personal ang iba. Alam mo naman siguro kung para saan ang app ‘di ba?” seryosong tanong nito.
So, tama ang hinala niya. Babaeng pakakasalan ang hanap nito doon talaga. Malamang na ‘yon ang ibig sabihin nito.
“‘Y-yon ang dahilan kung bakit ka sumali sa MY?” MatchYeah ang ibig niyang sabihin.
“Yes, and I’m f*cking serious, Daph,” may himig na pagmamakaawa iyon.
“Bakita ka naman mag-aasawa kaagad? ‘Yong iba diyan ini-enjoy pa ang buhay pagkabinata. Ikaw naman tinatapos mo kaagad,” komento niya.
Natawa lang ito sa sinabi niya. “‘Pag ikaw ba napangasawa ko, hahayaan mo lang ako sa mga ginagawa ko?”
Napaisip siya bigla. Pero hindi niya maiwasang mag-isip talaga. Mukhang nagpaparinig na ito. “‘Pag ako rin ba mapapangasawa mo, hahayaan mo lang ako sa mga gusto ko? Maibibigay mo rin ba ang lahat ng gusto ko?” sunod-sunod na tanong niya rito.
“Financial? ‘Wag kang mag-alala, I can provide you with whatever you need.”
Napunto nito ang gusto niya. Kapag may pera, may pag-asa siyang maka-alis ng bansa papuntang Scandinavia. Nahulaan naman niya ang nais nito. May malalim na rason lang ito kung bakit gusto nitong magpakasal ng maaga. Kung anuman ‘yon, tatanggapin niya ng buo, matupad lang ang pinapangarap na trip. At, kung magka-sundo sila, magiging masaya ito, panigurado.
“Talaga?”
“Uhuh. Sabihin mo lang, Daph. I don’t care about your reason. Pero may mga kondisyon nga lang ako. Interested? For sure, magugustuhan natin pareho ang ilalatag kong kondisyones,”
Napatitig siya rito. Desidido nga ito. Actually, nakita na niya and sinend nitong profile nito. Talagang mayaman nga ito.
Pero bigla siyang natigilan nang maalala ang ina. Sana, hindi magalit ang ina sa desisyon niya kung sakali. Para naman ito sa pamilya nila. Para mabuo na rin ang pinapangarap niyang pamilya. Siya, ang ina, at ang ama niyang nasa Scandinavia.
“Sige,” tugon niya kapagkuwan.