Chapter 4: Angry

1282 Words
NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya. Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK. “Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat. Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad. “Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya. “Okay. Thank you.” Pagkasabi niya ay tumalikod na ito. Napailing na sinundan niya ang asawa. Ini-expect na niya na mangyayari ito. Kaagad na sinara niya ang pintuan at naupo sa kama. Inilapag niya ang pera, credit at debit card. Sigurista rin si BK. Baka nga naman hindi siya makabalik ng Pilipinas. Paniguradong uulanin ito ng sermon ng ina kapag nawala siya. Kinuha niya ang planner at notebook niya. Mukhang kailangan na niyang planuhin ang trip papuntang Scandinavia. Hinigit niya ang teleponong regalo sa kaniya ni BK. Para naman daw maganda pang-display. ‘Yon ang rason nito. Baka kasi mahiya ito kapga nakita ng iba na ganoon ang telepono niya. Jot down. ‘Yan ang ginawa niya nang makabasa ng mga blog articles tungkol sa kung paano ba mag-travel pauntang Scandinavia. Kung saan unang pupunta. Nagtigin-tingin na rin siya ng may pinakamurang hotel. Pag-sure na talaga, ibo-book na lang niya talaga. May itinerary na naman na siya. Kahit ang origin ng apelyido niya ay hinanap na rin niya. Kaya alam niya kung saan agad magta-tanong-tanong. Pangalan lang ng ama ang meron siya. Marami na siyang nakita sa ilang social media na kapangalan ng ama niya. Inaral na rin niya kahit basic language. Ang laki ng Scandinavia, pero sa Norway talaga ang pinaka-routa niya. Sanay lang siya sa Scandinavia kasi ‘yon ang laging sinasabi ng ina. Pero noong nagdalaga siya, hinanap niya talaga sa mga gamit ng ina kung taga-saang ba talaga ang ama niya. Ang Scandinavia ay sub-region ng Nothern Europe. Tatlong kingdom ang bumubuo sa Scandinavia. Isa na roon ang Norway, kung saan naroon ang ama, Sweeden, at Denmark. Malalamig na lugar. Sanay siya sa lamig, pero ‘pag ganoon kababang klima? Naku, mukhang kailangan niya ng makakapal na jacket. Sana, makakita siya ng Northern Lights pagpunta. Basta, itatapat niya dapat para sulit naman ang pagpunta niya. Inabot siya ng ilang oras sa telepono. Marami na siyang naisulat sa notebook niya maliban sa itinerary na naisulat niya. Nakalimutan niyang sabihin kay BK na baka abutin siya ng isang buwan. Siyempre, hindi ganoon kadali maghanap ng taong ayaw magpakita. Hindi siya nakaramdam ng gutom kaya itinulog na lang niya ang pagod. Sa isip lang naman. Feeling niya kasi, pati katawan niya nag-travel din. Nagising siya, gabi na. Napahawak siya sa tiyan niya nang makaramdam ng hapdi sa tiyan. Gutom na siya! Mabilis na ngbihis siya ng summer dress at bumaba. Nagtanong siya sa staff kung saan may kainang malapit. Sinabi nitong puwede naman daw siyang magpaluto pero tinanggihan niya. Kailangan niya ding mag-unwind. Si BK nga kung saan-saan na siguro nagpupunta tapos siya, dito lang? Dahil talagang gutom na siya, lakad takbo ang ginawa niya. Hindi niya tuloy nakita ang paghinto ng nasa unahan. Nakabunggo tuloy siya. “Aray!” Sapo niya ang noo nang lingunin siya ng matangkad na lalaki. “s**t! I’m sorry. Did I hurt you?” anang baritonong boses nito. “Hindi naman— I mean, no!” bawi niya. Nakalimutan niyang nasa Hawaii siya! Tagalog pa more! “You're Filipino, I see! Akala ko nabingi lang ako sa sinabi mo’ng aray. I’m Max,” anito sabay lahad ng kamay. Saglit na tinitigan niya ito. Mukha namang matino. “Daphne,” pakilala niya rito sabay tanggap ng kamay nito. “Saan ang punta mo at nagmamadali ka, Daphne? Nice name, anyway.” “Thank you. Doon lang.” Tinuro niya kapagkuwan ang floating restaurant ng hotel nila BK. “Wow. Papunta rin ako. Mind if I join you? Oops, may kasama ka?” anito. Ngumiti siya rito. “Sure. Wala akong kasama.” Hindi niya alam kung puwede bang ipagsabi na asawa siya ng may-ari ng hotel and resort na kinatatayuan nila. “Let’s go,” yakag nito kapagkuwan. Magkalayo silang dalawa na naglakad. Gusto niya sanang bilisan, kaso baka sabihin ni Max, PG lang. As in patay gutom. Pilit na tiniis ni Daphne ang tiyan na tumutunog na. Gumagawa pa siya ng sound kapag nararamdaman niyang tutunog ang tiyan. Napangiwi siyang tumingin kay Max nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Paupo na siya noon. “I’m sorry. ‘Di na nakaya. Maghapon kasi’ng walang kain. Na-busy kasi,” paumanhin niya rito. Natawa lang ito ng bahagya. “It’s okay. Mas malakas pa nga ang tunog ng tiyan ko diyan, e.” Tumawa ito. “Bakit ka nga pala narito? Business or whatever?” Alanganing tanong nito. “Puwedeng secret muna?” aniya rito. “Okay. Chismoso lang talaga ako minsan.” Sabay silang natawa nito. Mayamaya lang ay dumating na ang inorder nila. Filipino food ang inhahain dito kay sigurado siyang mapapasarap ang kain niya. “Thank you,” aniya rito nnag iabot nito ang para sa kan’ya. Actually, ang usapan nila ay hati sila sa gagastusin pero pagdating sa restaurant ay hindi na ito pumayag. Nahiya tuloy siya. Hindi na siya umorder ng madami kahit gusto niyang marami pang kainin. Akmang susubo siya nang may napansing nakatayo sa gilid nila. Napataas siya ng tingin. Napalunok siya nang makita ang asawang hindi na maipinta ang mukha. Problema kaya nito? Tumingin pa ito kay Max at nakipagsukatan ng tingin. “Can I borrow my wife?” deretsahang tanong ni BK kay Max. “W-Wife? Si Daphne?” puno ng pagatatakang tanong ng kaharap. “Yes. May iba pa bang babae sa harap mo?” “Oh.” Tumingin sa kan’ya si Max. Nginitian niya ito ng pilit. “S-Sure!” anito. Pagkarinig ay hinigit ni BK ang kamay niya at hinila siya palabas. Nilingon niya si Max na tumango lang. Para bang sinasabi nitong okay lang. Inalalayan naman siya ni BK makababa lang sa floating restaurant. Hinarap siya ni BK nang makalayo sa restaurant. “Wow! Ano ‘yon, Daph? Care to explain, my dear wife!” halata sa boses nito ang inis. “Grabe ka naman. Kumakain lang naman-” “Naman? Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung ma-picturan ka doon, na may kasamang ibang lalaki? Tapos i-send kila Mama. Anong gagawin mo, aber?” May punto naman ang asawa niya. Pero, kain lang naman talaga ang pinunta niya roon. “Sorry,” aniya sa mahinang himig. Napahawak pa siya sa tiyan dahil gutom na talaga siya. Matagal bago nakaimik si BK. “Ano’ng gusto mong kainin?” anito kapagkuwan na nakatingin sa tiyan niya. “Kahit ano.” Hinigit ulit ni BK ang kamay niya at iginiya pabalik sa hotel. Pagdating doon ay nagsabi itong magpa-akyat ng pagkain sa silid niya. Pinapili srin siya nito bago sila tuluyang umakyat. “Bukas ka na mamasyal. Gabi na ngayon. Hintayin mo na lang ang pagkain. Magpapahinga na ako,” anito sabay talikod sa kan’ya. Lagi na lang ganoon ang asawa niya. Tatalikuran kaagad siya. Wala siyang nagawa kung hindi ang manood na lang movie habang hinihintay ang inorder ng asawa niya. Ilang sandali lang din ang hinintay niya bago dumating ang pagkain. Saka lang niya napagtantong, napakarami pala ng pagkain. Tumingin siya sa pintuan ng silid niya. Sana saluhan siya ni BK.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD