Chapter 3: Honeymoon

1511 Words
TININGNAN NI DAPHNE si BK matapos siya nitong batiin. As if naman, siya lang ang ikinasal. “‘Yong usapan natin, huh?” Tinutukoy niya ang trip niya papuntang Scandinavia. Excited pa naman siyang mag-ayos ng mga papeles. “Don’t worry, kahit saang bansa mo pa gusto, mapupuntahan mo. Basta ‘wag mong kalimutan ang usapan natin.” Napangiti siya sa narinig. Siya pa ba? Kahit anong gawin nito wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kan’ya makapunta ng Scandinavia. Mabilis naman ang annulment kapag may pera. “Congratulations, bunso and Daphne!” masayang bati ni Andy sa kanila. Kasama nito ang asawa at mga anak nito. Gumanti rin siya dito ng yakap nang yakapin siya nito. “Thank you,” nahihiyang sabi niya rito. “Congratulations on getting married,” dinig niyang sabi ng asawa ni Andy sa asawa niya. Tumingin ito sa kan’ya kapagkuwan. Nakipagbeso din ito sa kaniya bago siya binati. Mayamaya lang din ay lumapit sa kanila ang panganay na kapatid ni BK na si Astin. Kamukha rin ama nito pero mas kuhang-kuha ng asawa ang lahat ng features a ng ama nito. Pakiramdam niya dumidikit na sa mukha niya ang mga pisngi ng kamag-anak ni BK. Ang dami naman kasi. Sa tingin niya, hindi lang kamag-anak ang naroon, mga malalapit na kaibigan din yata. Pero hindi magugulo tingnan. At galing din sa buena familia ang mga ito. Siya lang yata ang pulubi sa mga naroon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya. Napangiti rin siya sa sarili, umalis siyang single kanina tapos uuwi siyang may asawa na. Paniguradong magtatampo ang kaibigan niya dahil hindi ito naimbitahan. Nakakapagod pala kapag ikinasal. Kakabihis lang niya at damit muna ni BK ang suot niya. Wala naman kasi siyang dala. Napatingin siya sa sala ng mansion ng mga Hernandez. Nagsi-uwian na ang mga bisita. Ang daming regalo. Hindi niya akalaing prepared ang mga bisita sa regalo. Ibig sabihin, naabisuhan na ang mga ito ng maaga. Napatingin siya kay BK nang lumapit ito sa kan’ya. Inakay siya nito papasok ng silid nito kapagkuwan. “Nasayo ba ‘yong sobre na galing kay Mama?” anito ng asawa nang makapasok sila. Kinuha niya ang sobre'ng ipinasok kanina sa dibdib. “What the f*ck, Daph! Diyan mo talaga nilagay?” ani ni BK na hindi makapaniwala. "Mabango naman 'to, e!" Inabot niya dito ang envelope na medyo nayupi na. "Damn! Gusot na rin." Sinipat nito iyon sabay iling "Ano ba kasi 'yan?" Lumapit siya rito para tingnan iyon. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makitang ticket iyon papuntang Hawaii. "Oh my God! Hawaii?!" bulalas niya nang makita iyon. “Yeah. Gusto nilang mag-honeymoon tayo d’yan. At ini-expect nilang may laman na ‘yan pagbalik natin.” Ngumuso pa ito sa tiyan niya. “Aww! Gano’n? Paano ‘yan?” bahagya siyang nalungkot. “Siyempre, sabihin nating oo. Malay ba naman nila kung ginawa talaga natin o hindi. 'Di ba? ” Ngumisi ang asawa niya at kinurot siya nito sa pisngi. "Aray ko naman!" Tiningan niya ito ng masama. "'Yong trip ko, huh?!" paalala niya rito. Pumorma lang kamay nito ng heart at nagpatihulog na sa kama. Naiiling na sinundan niya ito ng tingin. Pagod na siguro. Late naman na talaga kasi. Kahit siya, pagod na rin gusto na niyang mahiga. Nang maalala ang mga regalo ay ginising niya ito. "Paano pala 'yong mga regalo sa sala?" "Hmmn… Bukas na 'yon. Matulog na tayo," anito sabay kabig sa kan'ya pahiga. Hindi na siya nito pinakawalan. Mahigpit na niyakap siya nito habang nakapatong sa hita niya ang binti nito. Awkward tingnan pero hinayaan na ang niya. Nagising sila kinabukasan sa sunod-sunod na katok. Siya na ang nagbukas dahil tulog na tulog pa si BK. "Anong oras na, anak. Bakit hindi pa kayo nakahanda?" anang ina ni BK nang pagbuksan niya. "P-po?" aniyang naguguluhan. "Hindi ba nabanggit sa'yo anak ni BK, na bukas ang alis niyo papuntang Hawaii? Aba'y kailangan niyo ng mag-ayos ng mga gamit niyo. May passport ka naman yata, 'di ba?" Napaawang siya ng labi. Bukas na kaagad? Ang bilis naman yata. Pero, sabagay, kinabukasan talaga ang alis ng mga honeymooners. O 'di kaya, after ng ceremony kung local lang. "Opo, meron po." Naman, may passport na talaga siya dahil sa nakatakdang trip niya pa-Scandinavia. Malakas kasi ang kutob niya noon na makakagawa siya ng paraan para makapunta doon. Kaya, inuna niya ang passport since matagal naman ang expiration. "Good. Gisingin mo na si BK para makapamili na kayo ng mga dadalhin. Nakahanda na rin ang almusal. Okay?" "Sige po, Ma'am." Ngumiti siya dito pero napalis nang mapansing hindi ito gumanti. "I told you, hija. Mama. 'Yan na ang itatawag mo sa akin since mag-asawa na kayo ng anak ko." "Mama," aniya na lang. Ngumiti ang ginang sa kan'ya. "See? Masarap pakinggan, hija. O siya, sunod kayo, huh? Pababa na rin ang Papa niyo." Napangiti siya sa sinabi ng ginang. Wala talaga siyang masabi rito. Napakabait kasi at tanggap siya. Malambing pa magsalita. Hay… KAAGAD na ginising niya si BK para sabihin ang lahat ng napag-usapan nila ng ina nito. Hindi raw natandaan ni BK na kinabukasan ang biyahe nila para mag-honeymoon. Naging sunod-sunuran lang sila sa ina nito. Sumama kasi ito sa kanilang mag-asawa. Namili sila ng mga gagamitin sa Hawaii, especially mga beach wear, na kailanman ay hindi siya nakagamit. Kung maliligo kasi sila sa dagat, shorts at T-shirts lang sapat na. Pero itong pinili ng ginang? Mga swimsuit! Kita na Ang kinabuhi niya. Nakakahiya magsuot niyon. "Paano 'yan, hindi ako nagsusuot ng mga ganiyan?" aniya sa asawa nang bulatlatin niya iyon sa harap ni BK. Tinawanan lang siya nito. "Seriously?" anito kapagkuwan. "Oo. As in, BK!" "Bakit?" "Siyempre, mahirap lang kami. Tsaka sa probinsya, hindi uso 'yan." Tumango-tango naman ito sa sagot niya. "Try mo kayang sukatin kung bagay sa'yo," suhestiyon nito. Napaangat siya ng kilay. "Sigurado ka? Baka masagwaan ka," "Tsk. Ako pa ba, Daph? Sanay akong makakita ng húbo't-húbad. Remember, honeymoon natin 'yon. At ini-expect nilang magsu-suot ka niyan, lalo na si Mama dahil siya ang bumili niyan. Sige ka, magtatampo 'yon. Malambot pa naman 'yon." Napaisip siya bigla. Oo nga naman, ang ginang ang bumili, dapat lang na suotin niya. "Sige na nga. Ta-try ko lang kung bagay." Naglakad na siya papasok ng banyo para magbihis. Napangiwi siya sa harap ng salamin nang makita ang kabuohan niya. Bagay sa kan'ya pero nakakahiya dahil ito ang unang beses na magsusuot siya ng ganito ka daring na suot. Two-piece suit kaya halos kita ang kaluluwa niya. Kahit na natatakpan ang pang-upo niya, nakakailang pa rin. "Are you done, Daph?" Napatingin siya sa pintuan nang tawagin siya ni BK. Kasabay kasi niyon ang katok nito. Napalunok siya. Parang ayaw niyang lumabas ng banyong iyon. Baka masagwaan nga si BK sa ayos niya. "Okay na! Doon ko na lang siguro susukatin-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si BK. Hindi pala niya na-ilock. "Can I see-" Napalunok siya nang mapatigil si BK. Hinagod din nito ang kabuohan niya. Siguradong napapangitan ito ngayon base sa reaksyon nito. Matagal bago nakahuma ang asawa niya. Kita pa niya ang pagpilig ng mukha nito. "Nice," ani lang nito bago tumalikod. "'Yon lang?" aniya sa sarili. Ang sagwa niya siguro tingnan nga kaya nagmadali na lang siya ng bihis saka lumabas. May iniinom na alak ang asawa niya nang madatnan ito. Malungkot na ibinalik niya ang mga pinamili ng ginang sa paper bag. Mukhang hindi nagustuhan ni BK, 'di na kasi siya nito pinansin. Naglatag siya ng extrang mat sa sahig para ayusin ang mga damit niya pati kay BK na dadalhin. Dumaan silang mag-asawa sa bahay nila ng kaibigan para kumuha ng ilang gamit niya kanina. Bukas na kasi ang flight nila papuntang Hawaii. Unang labas niya ito ng bansa kung sakali, kaya exciting. Pero honeymoon nila ito. Magiging masaya kaya? Ano kaya ang gagawin nila pagdating doon? Tapos two weeks? Ang tagal no'n! Nauna siyang matulog kay BK dahil lumabas pa ito kasama ang kaibigan nito. Hindi na niya alam kung anong oras itong nakauwi. Basta nagising siya na umaga na. Mahigit 12 hours ang ibiniyahe nila mula Moore Airport hanggang Honolulu. Mahigit kalahating oras din bago makarating ng hotel na tutuluyan. May chauffeur din namang nagsundo sa kanila na tauhan pala nila BK. Hindi niya akalaing pag-aari ng pamilya nito ang hotel na pupuntahan nila. So, ibig sabihin maraming mata nito kung sakali. "We need two rooms," bulong ni BK sa kan'ya na ikinatanga niya. "B-bakit?" “Marami akong lakad. Baka maistorbo lang kita. Kapag magkahiwalay tayo ng room, magagawa mo ang lahat ng gusto mo,” pandedemonyo nito sa kan’ya. Napaisip siya sa sinabi ni BK. Oo nga, noh? Paano kung magdala ito ng mga kakilala at babae nito, tapos nandoon siya? Eh ‘di, nakakailang. Nakakahiya pa. Kagaya ng napag-usapan nila ng asawa, bukod sila ng silid pagdating sa hotel. Magkatabi lang naman. Nakausap na rin ni BK ang ilang staff na ‘wag sanang makarating sa magulang nito ang set-up nilang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD