Chapter 5.1: His Parents

2143 Words
BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya. “Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit. Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila. Naiiling na lumapit siya sa may gate. “Hi,” aniya rito. “Is BK there?” “Yes, nasa loob ang asawa ko.” Medyo diniinan pa niya ang salitang asawa ko. Sana makiramdam, e. “Asawa,” ulit nito na ikinainis niya. Sabagay, ang lakas ng loob magdala ni BK sa bahay nila ng babae kaya ganon na lang siguro ito umasta. Kahit sino naman puwede na siyang bastusin dahil si BK nga mismo, ginagawa nito. Ang hindi lang niya alam, kung alam ba ng mga babae ni BK na kasunduan lamang ang namamagitan sa kanila. “Pasok ka. Hinihintay ka niya yata. Marami pang nakahain sa mesa,” sabi na lang niya kesa makigulo dito. “Talaga?” anitong parang kinikilig. Parang gusto niyang ngumiwi nang mga sandaling iyon. Nilakihan niya ang awang ng maliit na pintuan ng gate na kasya lang ang ang tao. Alanganing ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kan’ya nang lagpasan siya nito. Hinatid pa niya ito ng tanaw. Pagkasara ay nagmadali siyang pumasok. Inunahan niya ito dahil tumingala pa ito pagdating sa sala. Bungol siguro ito. Kakasabi lang niya na nasa kusina si BK tapos titingin sa taas? Wow. Bungol nga talaga— este bingi. Dire-diretso siyang naglakad sa komedor. “Sino ‘yon?” tanong ni BK nang pumasok siya. “Si Cecilia. ‘Yong girlfriend mo. Hhanap ka. Sabi ko pumunta rito dahil pinaghanda mo siya. Ayon, kinilig.” “F*ck!” Tumayo ito kapagkuwan sabay punas ng bibig. Kinuha niya ang plato niyang may pagkain pa at inilagay sa sink. Balikan na lang niya siguro ‘pag wala na sa kusina sila BK. Hindi pa man nakakalabas ang asawa nang sumulpot na si Cecelia. “Hi, babe!” nakangiting sabi ng bisita ng asawa. Tumingin si BK sa kan’ya saglit bago nito hinawakan si Cecila. “Anong ginagawa mo dito? Wala naman akong sinabing—” “Akala ko kasi ngayon, e,” sagot naman ng babae. Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa. Binilisan na niya ang lakad paalis doon. Nagdahan-dahan lang siya nang makarating ng hagdanan. Nilingon niya pa ang komedor, hindi lumabas ang mga ito. Marahil, nag-uusap pa. O ‘do kaya, pinapakain si Cecelia. Naupo lang siya sa kama pagpasok ng silid niya. Bahagya niyang inawang ang pintuan para marinig ang mga ito kung umakyat na, dahil ay babalikan siyang hugasin. Nasayang ‘yong pagkain na kinakain niya, sana ‘wag siyang gabaan. Nilibang niya ang sarili sa laro mayamaya. Tumigil lang siya nang marinig ang boses ng babae. Tumayo siya at bahagyang sinilip ang mga ito. Papasok yata ng sili. Mabuti iyon para makakilos na siya. Nang masigurong pumasok na ang mga ito ay lumabas na siya ng silid niya at bumaba. Napangiwi siya nang makita ang hugasin. Talagang kumain ang babae ng asawa niya, tatlo na ang plato na nasa sink, e. Naiiling na nagsimula siya. Nasa kalagitnaan siya ng paghuhugas nang maalalang may pasok siya bukas. Iniisip niya, kung dito siya manggagaling, baka ma-late siya ng pasok. Straight pa naman siya bukas. Kaya, nagdesisyon siyang aalis pagkatapos maghugas. Bago siya umakyat ng silid ay sumilip siya sa garahe nila, naroon ang dalawang sasakyan ng asawa. Mukhang nasa taas pa rin ang mga ito. Mabilis na nag-ayos siya ng mga gamit na dadalhin. Baka, lingguhan na lang siya siguro uuwi. Hindi naman siguro bibisita ang magulang ng asawa. Dinala niya rin ang kulang na requirements na isa-submit sa opisina nila. Hindi na siya nagpaalam kay BK dahil baka masitorbo niya ang mga ito. Ite-text na lang siguro niya pagdating sa inuukupang bahay nila ng kaibigan. Saktong paglabas niya ay kakarating lang din ng sasakyan na sasakyan niya. Nilingon pa niya ang bahay bago sumakay ng sasakyan. Alanganing oras na kaya nag-book na lang siya, at least deretso na. Hindi naman ganoon katagal ang biyahe nila dahil hindi na ganoon ka-traffic. Binaba lang siya ng driver sa kanto dahil ayaw nitong pumasok, masyado raw delikado ang lugar nila. Naiiling na nagbayad siya rito. Mas gugustuhin yata ni Manong na siya mapahamak kung sakali. Isang kanto pa ang nilakad niya bago nakarating ng bahay. Nagtatakang mukha ni Amelie ang nabungaran niya. Tuwalya lang ang nakatapis dito. Alanganin ang ngiti nito. Nahulaan niyakaagad. May kasamang lalaki ito sa kuwarto. Parang gusto niyang magsisi ng mga sandaling ‘yon. Hindi pa niya nailalapag ang gamit sa maliit na higaan niya nang marinig ang ungol ni Amelie. Napatakip siya sa tainga niya. Hinanap niya ang headset at sinalpak iyon sa tainga niya. Kagaya ng dati, nagpapatugtog siya kapag may kababalaghang nangyayari sa kabilang kuwarto. Pati ang hinihigaan niya noon ay gumagalaw. Hindi niya alam kung higit pa sa iniisip niya ang ginagawa ng mga ito noon. Napatakip siya ng unan sa magkabilaang tainga ng unan. Partida, may nakasalpak pang headset sa tainga niya. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa ingay ng lampungan sa kabilang silid. Ganoon nga rin ang inalisan niya sa malaking bahay nila tapos ganito rin pala ang madadatnan niya dito. Hindi niya namalayan kung anong oras siya nakatulog. Siguro, sibrang late na iyon dahil late siyang nagising. Buti na lang malapit. Kakamulat lang niya nang tumunog ang telepono niya. Pangala ng asawa ang nakarehistro. Iniisip pa niya kung sasagutin niya ito. “Saan ka natulog?” bungad ni BK sa kan’ya nang sagutin niya ang tawag nito. Napahilot pa siya sa sintido matapos marinig ang tanong nito. “Dito sa bahay namin. May kasama ka naman na kako kaya umalis na lang ako. Isa pa, maaga ang pasok ko ngayon—” “Dapat nagpaalam ka sa akin para naihatid kita.” “Okay lang, ligtas naman ako. At heto nga, kausap mo pa. Ibaba ko na kasi maliligo na ako.” Saglit na natahimik ito sa kabilang linya. “Okay.” Matapos sabihin iyon ni BK ay pinatayan niya ito ng linya. Tumingin siya sa maliit na salamin niya bago lumabas ng silid. Naabutan niyang nagkakape si Amelie kasama ang boyfriend—- mali, manliligaw pala nito pero nagchuchukchakan na. Kilala na niya ang lalaking iyon dahil madalas itong dumalaw noon. Hate kasi ng kaibigan ang commitment, kaya ayon, ganoon ang set-up ng mga ito. Nagkape lang siya bago naligo. Sa karinderya siya kumakai ng almusal na malapit sa pinapasukang supermarket. Mamaya pang hapon ang pasok ng kaibigan kaya siya lang ang pumasok ng umaga. Bukas naman balik sa dating eskedyul siya. Nasa trickle siya nang sipatin ang mukha sa salamin. Hindi na halata ang noo na nagkulay ube na. Kinapalan niya ng foundation doon banda para hindi mahalata ng iba. Inabala niya ang sarili sa trabaho ng mga sumunod na araw. KAGAYA NG SABI ni Daphne sa sarili, isang linggo siya bago uuwi. Wala naman siyang narinig mula kay BK, mukhang nagustuhan nga nito. Kakababa lang niya ng trickle nang mapansin ang isang sasakyan sa harap ng bahay nila ni BK. Bigla siyang kinabahan. Baka magulang ng asawa ang bisita nila. Mabilis na hinanap niya ang telepono niya. Napaawang siya ng labi nang mapansing 35 missed calls mula sa asawa. “Patay,” naisatinig niya. Tumingin din siya sa mensahe kapagkuwan. Nasa 20 namang text ang natanggap niya na mensahe mula dito. Hinanap nga raw siya ng ginang, ang sabi lang daw nito nagbakasyon siya sa kaibigan niya at pauwi na nga siya. Buti na lang sumakto ang uwi niya. Ba’t ‘di kasi nagsabi ang asawa niya ng maaga? Hindi niya maiwasang mapalunok ng laway habang papasok ng bahay nila. Kinakabahan din siya dahil hindi siya handa. Dinig niya ang asawa at ang ama nito na nagkukuwentuhan. Hindi niya marinig ang ina nito. Doon lang siya kabado sa ina nito, magaling kasi bumasa ng tao. Titingin lang sa mata iyon, alam na nito kung nagsisinungaling ang isang tao. Sabi ‘yon ng asawa. Kaya nga hindi siya tumitingin dito mata sa mata. Malapit na siya sa sala nila nang lumabas naman sa komedor ang ginang. Napangiti ito nang makita siya. “O, nandito na pala si Daphne, anak!” ani ng ginang na ikinalingon ng asawa sa gawi niya. Ngumiti ito kaya gumanti rin siya. “I’m sorry, baby, hindi kita nasundo. Hindi ko akalaing darating sila Mama, e.” Hinapit ng asawa ang beywang niya sabay bulong, “Kanina pa kita tinatawagan.” Tumingin sa labi niya si BK bago iyon hinalikan. Para siyang nakuryente sa ginawa nito kaya napabitiw siya kaagad. Ngumiti na lang siya dito at tumingin sa mag-asawang nakaupo na sa sala. Prutas pala ang dala nito mula sa kusina. Siya ang naiilang nang mga sumunod na sandali. Panay kasi ang halík ng asawa sa balikat niya may maipakita lang sa magulang nito na namiss nila ang isa’t isa. Dalawang araw lang pala ang sinabi ng asawa sa ina nito. “Kumusta naman sinapupunan mo, hija? May laman na ba?” Nagkatinginan silang mag-asawa sa tanong ng ginang. Parang gusto niyang sumagot. Paano ba sila magkaka-anak ni BK kung iba ang kasiping ng huli. Assorted pa na babae ang dala nito kamo. “Ho? W-wala pa po, e.” Naramdaman niya ang pagpisil ni BK ng palad niya. Dapat ito ang sumagot, e. Malay ba niya sa s*x. Wala pa siyang karanasan. “‘Ma, ibabalita naman po agad namin kapag mayroon na po,” anang asawa niya. “‘Di ba, baby?” “O-opo,” sagot naman niya. Tumingin ang ginang sa asawa pagkuwa’y sa kan’ya. “O baka naman wala pa kayong balak na magkaanak kaya walang mabubuo,” anito sabay tingin sa tiyan niya. “Oo nga anak. Ako nga mabilis lang nakabuo, kahit ang dalawang kapatid mo. Imposibleng mahina ang semilya mo, BK.” Napalunok siya sa deretsahang sabi ng ama ng asawa. “‘Yan nga rin iniisip ko, husbie. Kung hindi ka lang nag-control baka sunod-sunod ang mga anak natin.” “Dapat siguro anak, magpahinga ka muna. ‘Wag ka munang pumasok sa opisina,” ani ng ina ng asawa. “I agree, wifey. Dapat parehas kayong hindi stress. Siguradong, makakabuo kaagad kayo niyan. Akala pa naman namin, may good news kayo.” Nakaawang lang ang labi niya sa palitan ng salita ng mag-asawa. Hindi rin makasagot si BK, kagaya niya. Mabilis na umakyat sila sa kuwarto at nag-usap nang sabihin ng magulang nito mag-stay ang mga ito sa bahay nila ng tatlong araw. Hinatid pa nilang mag-asawa ang mga ito silid na gagamiti ng mga ito. ‘Yong silid niya sana ang gusto ng mga ito pero sinabi ni BK na ginagawa nitong opisina. Kaagad namang naniwala ang mga ito. “Dito ka matutulog,” ani ng asawa nang makapasok sila sa silid nito. “Ano? Bakit naman? Puwede namang dumaan sa adjacent door kung sakaling bumista ang ina mo dito sa kuwarto mo.” “Hindi ipinanganak si Mama kahapon, Daph.” Halata ang gigil sa boses nito. “Hindi siya tanga,” “Okay. Kukunin ko lang ang ibang gamit ko at dito ko ilalagay.” Wala siyang nagawa nang gabing iyon. Magkatabi na nahiga sila pero may unan sa gitna. Tumagilid siya para hindi ito makita. Hindi pa nag-iinit ang kamang hinhigaan niya nang biglang may kumatok. Boses iyon ng ina ni BK. “Anak, papasok ako. May itatanong pala ako—” Hindi na pinatapos ni BK ang sasabihin ng ina nang bigla siyang kubabawan ng asawa at siniil ng halík. Tulalang nakatitig siya sa mukha ng asawa habang hinahalikan siya nito. Parehas kamo silang mulat ang mata. Kakaiba ang mga titig nito. Parang mapupungay na rin ang mga mata nito. Napapikit siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng silid ni BK. “Ay, sorry, mga anak. Sige lan,g ipagpatuloy niyo! Sasabihin ko lang naman na may chocolate sa ref. Baka kasi magustuhan niyo. ” ‘Yon lang at mabilis na isinara ng ginang ang pintuan. Sabay silang napabitiw nang marinig ang pagsara ng pintuan. Mukhang nakalabas na ito. Nagpatihulog naman ang asawa sa gilid niya at napatitig sa kisame. Hingal na hingal ang asawa dahil sa kapusukang ginawa nila. Hindi niya maiwasang mapamura sa loob-loob. Mukhang mapipilitan yata ang asawa na angkinin siya nito ‘pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD