"May problema ba kayo sa akin?"mahinahong tanong ni Liza sa mga ito.
Napaangat ng kilay si Janet..Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Hindi mo alam ang problema?"tanong nito sa kaniya.."Ang problema yung nagpapapel ka sa mga guro para makilala ka at mapabilang sa mga katulad namen."
"Ako?bat ko naman gagawin yun?hindi man lang sumagi sa isip ko na mahanay sa mga tulad ninyo.."sagot ni Liza..
"Huwag ka ngang painosente...halata naman na gusto mong malipat talaga sa section-A para umangat din ang tingin sayo."
Natawa si Liza...saan naman kaya kinukuha ng babaeng ito ang mga ganung haka-haka..Akala mo naman ay may alam na agad sa kaniyang pagkatao..nakakatawa naman ito mabilis gumana ang imahinasyon nito...
"Pinagtatawanan mo ba ako?"tanong nitong may pagkairita ang tinig.
Umiling si Liza,nasulyapan niyang paparating na si Fia may dalang pagkain agad na isinukbit ang bag at iniwan ang mga ito at sinalubong si Fia..
"Sa ibang table nalang tayo,baka hindi tayo mabusog.."aniya na naunawaan naman nito ang kaniyang ibig sabihin ng makita ang grupo ni Janet.
"Sigurado yan,baka nga hindi pa natin malunok ang ating kinakain..sayang naman para pa namang masarap."
Bahagyang natawa si Liza sa tinuran ni Fia.Lumipat na lang sila ng ibang table na medyo malayo sa mga ito..hanggang kaya niyang huwag patulan ang mga ito,at hanggan kaya niyang umiwas gagawin niya,ayaw niyang masangkot sa gulo sa unang araw niya sa Section-A..Sawa na siya sa gulo akala pa naman niya kapag nakalipat na siya sa Section-A makakatakas na siya sa gulo hindi pa pala...
"Mabuti nalang hindi na tayo sinundan.."wika ni Fia.
"Mabuti na lang nga"sagot niya.dahil kung sinundan pa siya ng mga ito baka hindi na talaga siya makapagtimpi at mapatulan na niya ang mga ito lalo na at matatalas ang mga dila,sarap putulin..
"so,simula ngayon friend's na tayo,huh!'nakangiting wika ni Fia
"Oo ba!"sagot naman niyang ngumiti rin.
Dahil matagal pa naman ang oras ng sunod nilang klase kaya minabuti nila ni Fia na tumambay muna sa plaza ng school,marami din naman mga estudyanteng nakatambay,yung iba nga yung mga nakakilala sa kaniya ang mga naroroon.
"Liza,nalipat kana pala,congrat's!Bilib na talaga ako sa talino mo."wika ni Luis ang lalakeng katabing room lang niya sa dating kaniyang SEction kaya madalas na nagkikita sila,at saka nagtangkaa rin itong manligaw sa kaniya ngunit binasted agad niya ang lalake..wala pa kasi sa isip niya ang magboyfriend,hindi sa ngayon dahil wala pa siyang time para pasukin ang lovelife.
Ngiti lang ang isinagot niya sa lalake.
"Buti nga yun,wala ng pabida sa room"nakaismid naman sabad ni Rona ang kaniyang dating kaklase na may gusto kay luis kaya inis na inis sa kaniya..agad na nilapitan nito si Luis at nag-abresyete sa braso nito.Napaangat ang isang kilay ni Liza..Whoa..mukhang may something na sa dalawang ito ah!Well,mabuuti naman para tigilan na rin siya nito ni Luis dahil makulit din naman ito kahit binasted na niya patuloy pa rin ang palipad hangin sa kaniya.Napansin naman niya na tila nailang si Luis sa ginawa ni Rona at pasimpleng binaklas nito ang kamay sa braso nito.
"Panu Liza,maiwan ko na kayo"agad na paalam nito,siguro para makaiwas na rin at baka kung anong eskandalo naman ang gawin ni Rona,mahilig pa namang magdrama ang babaeng ito na hindi naman niya pinapatulan at puro kaartehan lang naman sa katawan ang alam.
"Dati mo silang kaklase?"tanong ni Fia.
"Yung babae 'oo'pero yung lalake katabing room lang"
"Ah!parang sa tingin ko pinagseselosan ka nung babae,lumapit kasi kaagad ng makitang kinausap ka nung guy"
Natawa lang si Liza,dati pa naman talaga pinagseselosan na siya ni Rona hindi nga lamang niya ito pinapatulan dahil wala naman siyang gusto kay Luis.
"Liza..liza"
Napalingon si Liza sa pinanggalingan ng sigaw..nakita niya ang mga kaibigan papalapit sa kanila.
"Mariel,Dina..Kumusta kayo?"
"heto!nalungkot ng malaman namen hindi ka na pala namen kaklase."sagot ni Mariel
"Oo nga eh!"wala na kaming tagapagtanggol..."
"AsUS!kahit naman hindi ninyo ako kaklase puwede pa naman tayong magkitakitaa at saka puwede nyo naman akong puntahan.."sagot niya sa mga ito.
"Pero hind na katulad ng dati,magkakameron kana rin dun bagong kaibigan"
Oh saka naalala ni Liza si Fia,oo nga pala nakalimutan na niya kasama pala niya ito..Nahihiyang bumaling siya kay Fia.
"Si fia nga pala new friend and new Classmate.'pakilala niya kay Fia.
"Hello!"nakangiting bati ni Fia sa dalawang kaibigan ni Liza.
"Hi!"panabay na wika ng mga ito.
"Kita muna nakakuha ka kaagad ng bagong kaibigan."wika ni mariel na walang pakialam kung marinig man ito ni fia..
"Uy!nakakahiya kay Fia ang inaasal mo,"saway ni Liza kay Mariel.."puwede nyo rin naman siyang maging kaibigan,mabait si Fia katulad nyo,kaya wag ka ng magdrama pa diyan"
"Sesnsya na Fia sa nasabi ko,"hinging paumanhin ni Mariel.
"Ok lang,tama si Liza pwede naman tayong maging magkakaibigan."nakangiting wika ni Fia."Let"s friend's"ani Fia na inilahad ang kamay.
"Friend's.."wika ng dalawa na tinanggap naman ang kamay ni Fia na nakalahad.
Mabilis namang nagkasundo ang mga ito,nauwi sa kuwentuhan at tawanan,masaya si Liza na nadagdagan na naman ang kaniyang kaibigan at sa kaniyang palagay makakasundo niya si Fia katulad ng dalawa niyang kaibiga na sina mariel at Dina.Masarap ding kausap si Fia may pagkakalog rin ito kaya madaling makagaanan ng loob.kaya nakakapagtaka naman kung wala itong kaibigan sa kanilang Room kung tutuusin hindi naman mahirap pakisamahan,mabait nga eh!kahit una pa lamang niyang nakakasama alam niyang may mabuti na itong kalooban at saka may pagkamahinhin ang dating nito hindi katulad niya hindi uso ang kilos pagkamayumi..minsan nga parang brusko siyang tingnan kapag nakasuot ng denim pants at shirt's pero minsan naman mga hanging blouses or sleveless naman ang kaniyang pang-itaas na pinapatungan lamang niya ng leather Jacket.Hindi katulad ng mga kaibigan niya na kung hindi mga nakabestida,mga na ka skirt ang mga ito or maiikling shorts..Nagsusuot naman siya ngunit pambihirang mangyari mas komportable kasi siya sa leggings,denim pants,kasi nga nagmomotorsiklo siya pagpasok ng school..at saka naiirita siya sa mga lalakeng sumisipol kapag nakakakita ng mga babaeng maiikli ang suot,na halos lumuwa na ang mga mata..haisst ang sarap tusukin ng mga mata at sarap paputukin ang mga bibig,mabuti na lang hindi pa naman nangyayari ang ganun sa kaniya.