Am I a Bad Girl

Am I a Bad Girl

book_age18+
95
FOLLOW
1.7K
READ
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Siya si Liza Belgica,palaban at walang inuurungan..Maraming kaibigan at marami ring kaaway sa kanilang Campus ng malipat siya sa ibang section ay nakilala niya si Denver Clarkson ang lalakeng simula't sapul na nagtagpo ang kanilang mga landas ay naging kontrabida na sa kaniyang buhay .pero sa hindi inaasahang pagkakataon ito pala an vug magsasalba sa kaniyang buhay ng malagay sa kapahamakan ang kaniyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Alas sais palang ng umaga,sumisikat pa lamang si Haring Araw ay tumataginting na sigawan na ang naririnig ni Liza sa loob ng kabahayan,pakiramdam niya sa halos bawat sulok ng kanilang bahay ay eme-echo ang palitan ng sagutan ng mga ito,maaanghang na mga salita na kasing anghang ng siling labuyo at hindi na bago sa kaniya ang eksenang iyun ,tila musika na nga sa kaniyang tenga ang halos araw-araw na bangayan ng kaniyang mga magulang..at kung siguro magaling siyang isang composer sa kanta,aba!baka nakabuo na siya ng isang kanta mula sa palitan ng masasakit at maaanghang na salita ng mga ito ,Oh kaya naman sana isa na lamang siyang magaling na director para nagawan niya ng pelikula ang mga ito tiyak na baka pumatok pa ito sa blockbuster,at kung mapagkikitaan lamang sa araw-araw ang pag-aaaway ng mga ito tiyak milyonarya na sila.Ang kaso hindi eh!at iyun ang masakit sa parte ng kaniyang buhay ang kaniyang mga magulang na walang ibang iniisip kundi ang mga sarili lang nila,ang mga sariling kapakanan at kaligayahan,may naturingan nga naman siyang may mga magulang subalit daig pa niya ang isang naulila dahil sa kawalan ng oras ng mga ito sa kaniya,hindi man lang nga siya nakukumusta ng mga ito kung okay ba siya?kumakain pa ba siya?kung humihinga pa ba siya?Nakakalungkot isipin na isa siya sa pinakamalas na nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw Hays!kahit tinatamad pa na bumangon ay nagpasiya na siyang tumayo at niligpit ang pinaghigaan,tumuloy sa kusina binuksan ang refrigerator at naghalungkat ng makakain,mga pagkaing tira-tira ang karamihang nasa loob ng ref.pumili ng maiinit na pagkain may mailaman lang sa kaniyang tiyan na kanina pa nga-aalboroto,hindi na siya nakakain kagabi dahil sa sobrang antok.inuna pa kasi niya ang paggawa ng homework at nakalimutan na niyang kumain.Simple lang ang kanilang pamumuhay hindi naman mahirap at hindi rin mayaman kumbaga ika nga ay nasa middle class,sakto lang.Ang kaniyang ama ay isang sundalo at ang kaniyang ina naman ay isang suprvisor sa isang banko na pinagtratrabahuhan nito,at siya ang nag-iisang unica hija nang mga ito na pakiramdam naman niya ay hindi siya nag-eexist sa mundo ng mga ito.Babaero kasi ang kaniyang ama,madalas na nga lang ang pag-uwi nito sa kanila kasi nga kung saan san nadedestino,bunganga pa ng kaniyang ina ang sasalubong rito na talo pa ang sirena ng truck ng bumbero kung makabulyaw at makapagbunganga ito..kung may award nga ang pagiging bungangera aba!bakahakot awards ang kaniyang ina,Tsk!Tsk!ito ang kaniyang buhay,ang mamuhay mag-isa dahil wala naman pakialam sa kaniya ang mga magulang,minsan nga pakiramdam niya nagiging invisible siya sa bahay na iyun para lang siyang hangin na dinadaandaanan,hindi nakikita..hahahha.Pagkatapos kumain ay naligo na siya at nag-ayos ng sarili para pumasok na sa eskwelahan.,nasa ikaapat na taon na siya sa kolehiyo,kaunting kembot nalang matatapos na siya sa kursong civil engineering..Aalis na lamang siya ng bahay subalit kahit isa man lang sa kaniyang mga magulang ay walang nag-abala na pansinin man lang siya,pagkatapos mag-away ng mga ito ay kaniya-kaniyang siksik na sa isang sulok at magiging busy sa paghawak ng cellphone.Naiiling na kinuha ang helmet na nakapatong sa ibabaw ng shoerack at pagkuwa'y,isinuot iyun saka sumakay na sa kaniyang motorsport yzf-R1,agad na pinaharurot ang motorsiklo patungong school. Mabuti na lamang maaga siyang nakarating ng school kailangan pa niyang pumunta ng Principal Office because the Principal wanted to talked to her,She suddenly felt nervous,bakit kaya siya pinatawag? wala naman siyang alam na nagawang kasalanan,wala naman siyang naalala na may kaaway, Rona was the only one she could think of who was mad at her since Luis started courting with her lagi nang mainit ang dugo nito sa kaniya,Besides,its too much if just becasuse she's angry with her,she'll complain..Naku!huwag naman! baka mawala sa kaniya ang kaniyang scholarship pagnagkataon..sayang naman ang kaniyang pinaghirapan. Kinakabahan na pumasok si Liza sa opisina...huwag naman sana!piping dasal ng dalaga. "Sir!"mahinang tawag niya sa lalakeng nakasuot ng salamin at nakaupo sa swivel chair,mukhang abala ito sa mga papeles na nakapatong sa mesa nito kaya hindi agad siya napansin. "Sir"pag-uulit niya,saka lamang umangat ang ulo nito,bahagyang inalis ang suot na salamin at tiningnan siya,sinisino pa kung sino ang kaharap. Hays!ano ba naman itong principal na ito,makapal na nga ang suot na salamin ay halos nagkakapa-kapa pa kung sino ang kaharap. "Liza Belgica ho Sir,"pakilala niya sa principal ng makita niya sa mukha nito ang pagkunot-noo na tila iniisip pa kung sino ang estudyanteng kaharap. "Oh!Ms.Belgica,I'm sorry I can't recognize you right away.."wika nito."you may sit down."pormal na paunlak nito ng paupuin siya. "Thank you,Sir!" "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Ms.Belgica kaya kita ipinatawag because of your high grades ,the committtee discussed moving you to a different section." "Ho?"nagulat si Liza sa sinabi ng Principal, akala pa naman talaga niya si Rona talaga ang nagcompalin sa kaniya,napagbintangan pa niya ang babae.Sorry naman!"Eh!Sir,ba..bakit kailangan ko pa naman ho na malipat sa ibang section."tanong niya. "Are you complaining,Ms.Belgica?"napakunot-noong tanong nito na muling ibinaba ng bahagya ang salamin at tiningnan siya. "Hi..hindi ho!"sagot ni Liza na naisiper bigla ang bibig baka magalit pa ito at bawiin ang kaniyang scholarship.Hindi naman kasi sa nagrereklamo siya para nagtatanong lang naman dati naman kasi na matataas ang kaniyang nakukuhang grades eh!Kaya bakit naman kailangan pa siyang ilipat ng ibang section. "Good!Starting today you will be there in Section A."sagot nito. "Oho,Sir!"sagot ng dalaga. "Ok you can leave now!" Yun lang?wala na ba itong ibang sasabihin?napakaiksi naman,talaga bang sasabihin lang nito na nalipat siya ng ibang section at pagkatapos tapos na. "May sasabihin ka Ms.Belgica?"muling kumunot ang noo na tanong nito sa kaniya. "Wa..wala na ho Sir!" "Kung wala na bakit nakatayo ka pa diyan?"pagsusungit na tanong nito. "Ah!Sir,san ho banda yung Section A?" "Miss Belgica!.."anito na may diin sa pagkakasambit ng kaniyang apelyido,halos lumaki ang butas ng ilong nito"Sayang naman ang talino mo kung hindi mo gagamitin." Napakamot ng ulo si Liza para naman nagtatanong lang high blood agad. "Sige ho! Thank you ,Sir!"paalam niya sa principal."Sungit naman nito"bulong ng dalaga. Then she left the principal office para hanapin ang Room ng Section A

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
88.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
149.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
197.3K
bc

His Obsession

read
95.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook