Finally!nahanap rin niya ang Section-A.Liza took a deep breath before she entering the room medyo nahihiya pa siya ng pumasok ,lalo na at kahit isa sa mga ito ay wala pa siyang kakilala..Iisa nalang ang bakanteng upuan..everyone's seat is occupied,.Medyo nakaramdam tuloy ng pagkailang si Liza ng mapako sa kaniya ang lahat ng tingin ng mga bagong kaklase when she entered the room..
"Hi!"nakangiting bati ni Liza sa mga kaklaseng makikita ang pagtataka sa mga mukha, saka tinungo ang bakanteng upuan.
"Hello!I'm Fia.."bati nito agad sa kaniya.
"I'm Liza Belgica pero tawagin muna lang akong Liz."aniya sa katabi.
Tumango ito...
"Unique naman ng pangalan mo."
Ngiti lamang ang sinagot ni Liza.hindi pa man lamang umiinit ang puwetan ni Blu sa kaniyang kinauupuan ng biglang may lumanding na gusot-gusot na papel sa kaniyang mukha..wala sa loob na binuklat iyun.
' a new loser'napakunot -noo si Liza para sa kaniya ba ang mensaheng iyun? napalingon siya sa likuran upang tingnan kung sino ang nagtapon ng papel na iyun sa kaniya.
Nalingunan niya ang babaeng nakatingin sa kaniya na nakaangat pa ang isang kilay,may hawak itong ballpen habang nilalaro ito paikot-ikot.Kaya hindi man ito magsalita ay alam na niyang sa babae galing ang sulat..Naiiling na binawi na lamang ni Liza ang tingin mula rito.
"Siya si Janet,yan ang bida-bida dito sa loob ng classroom."bulong sa kaniya ni Fia.
"Huh?"kaya naman pala malakas ang loob na batuhin siya dahil to pala ang pabida sa loob ng classroom.
"Wala naman nagkakalakas loob na kalabanin siya dito "
Napatango-tango si Liza..itong ginawa sa kaniya ni Janet ngayon ay palalampasin niya tutal hindi naman siya nasaktan..hindi siya kaagad pumapatol sa mga ganitong sitwasyon,hanggat hindi siya nasasaktan pisikal at emotional,hindi siya papalag..pero kapag nasaktan siya magpapisikal man o emotional ah ibang usapan na yun..
"May kasabay ka na bang kakain mamaya?"tanong nito
Umiling si Liza.
"Sabay na tayo"
"Sige.."tipid na sagot ni Liza..Mabuti na lang at mabait at palakausap ang katabi niya sa palagay niya makakasundo niya ito saka ito lang naman ang pumansin sa kaniya pagpasok niya ng room..
"Hello class!come here, Ms.Belgica.."tawag sa kaniya ng gurong si Mrs.Luisa Abad.
"Class,ito ang bago ninyong kaklase si Ms.Liza Belgica galing siya sa Section SP.."pagpapakilala sa kaniya ng kanilang guro."
"Hello!"
"Hi!Liza."sigaw ng isang lalakeng sa hitsura palang nito ay parang siyang pinakakalog sa kanilang room..
"Ok go ba to your seat,okupahin mo muna ang upuan ni Mr.denver habang wala pa siya."
"Yes mam!"
"Ang ganda naman ni Liza."wika ng isa niyang kaklaseng lalake..
Ngiti lamang din ang kaniyang isinagot at muli ng bumalik sa kinauupuan'
"It's so ewww ang porma....."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Liza ang pasaring na iyun..Ngunit ipinagkibit balikat na lamang niya ito..at muling itinutok ang atensyon kay Mrs.Abad na nagsisimula ng maglesson.hindi naman kasi siya mahilig magpaapekto sa mga ganung bagay..wag lang talaga siyang kantiin..at kaya pa niyang palagpasin ang ganung mga pasaring,huwag lang ba masaling ang kaniyang ego dahil hindi kasi siya yung tipong basta na lang manunugod...maliit na bagay lang yun na,hindi pa dapat patulan..
"Huwag muna lang pansinin ."bulong sa kaniya ni Fia
Tumango siya rito.
Matapos magturo ni Mrs Abad ay umalis na rin ito agad at may meeting pa raw ito..kaya hindi na rin nito natapos ang oras sa kanila.
"Sa canteen tayo,"yaya sa kaniya ni Fia.
"Ok!"
"Sana itong araw na ito magsimula ang ating pagkakaibigan.wala kasi akong kaibigan sa mga kaklase natin."
"Huh!bakit naman?"kaniyang naitanong..Boring naman ang buhay nito kung wala itong kaibigan..Siya naman maraming kaibigan at marami rin kaaway,pero hindi siya ang nang-aaway siya ang inaayaw..ewan ba niya kung bakit may mga taong nagagalit sa kaniya samantalang wala naman siyang ginagawa..Haisst..akala siguro ng iba wala siyang iniindang problema,akala siguro ng mga ito ayos lang siya!Hello!magaling lang siyang magdala ng problema,di lang talaga halata pero parang isang tonelada na kabigat ang kaniyang dibdib sa problema sa mga magulang..At pagkatapos pagdating pa dito sa school madami rin pangpadagdag pa sa kaniyang mga alalahanin na pilit niya isinasantabi..ayaw kasi niyang makaapekto pa iyun sa kaniyang pag-aaral..Ito na lamang ang maaari niyang maipagmalaki ang makapagtapos at makakuha ng magandang trabaho...para suportahan ang sarili dahil baka isang araw sa kaniyang paggising wala na sa tabi niya ang mga magulang dahil habang tumatagal sa kaniyang nakikita lalong lumalala ang away ng mga ito.Lihim na napabuntong hiniga ang dalaga.
"Ako na mag-,oorder ng pagkain natin treat kita.."wika ni Fia ng makarating na sila sa canteen
"naku! huwag na.."pagtanggi ni Liza nakakahiya naman dito nagkakakilala pa lang naman nila.
"Sige na para na rin pasasalamat ko ngayong araw dahil may kaibigan na ako"wika nito na mababakas sa mukha ang kasiyahan.
"Sige,bahala ka hintayin nalang kita rito.."
"Ok"
Habang hinihintay niya si Fia ay kinuha ang notebook sa bag at nagbasa basa ng mga lessons.
"Yan lang naman ang magagawa mong paraan para makabilang ka sa mga rich students sa campus na ito pero hindi pa rin iyun mababago na isa ka pa ring hampas-lupa na nagpupumilit makadikit sa mayayaman,"
Napaangat ng mukha si Liza mula sa pagkakayuko na abala sa pagababasa ng lesson sa notebook..Si Janet,ang babaeng bumato sa kaniya na bago niyang kaklase
"At kung hindi ka lang scholar hindi ka makakapag-aral sa school na ito"sabad naman ng isa pa na hindi niya kilala.at ang Janet na ito ang nasa kaniyang harapan na akala mo kung sinong umasta na maganda eh balikwas naman ang bibig...bagay talaga rito ang bibig..kasi puro hindi magagandang salita ang lumalabas ,sarap tahiin.
Anu naman kaya ang problema nito sa kaniya at kabago-bago pa lamang niya ay pinag-iinitan na siya nito..gayung hindi pa man lamang nangangalahating araw eh!banas na banas na ito sa kaniyang pagmumukha..At saka hindi naman niya ginustong malipat sa section-A kung saan nabibilang ang mga estudyanteng mayayaman at siguro nga bukod tanging siya lamang ang gusgusin sa kanilang section..Wala naman siyang pakialam kung ganito lang ang estado niya sa buhay at hindi siya nahihiya kung hindi siya mayaman katulad ng mga ito..Ang mahalaga sa kaniya ay ang makatapos ng pag-aaral at hindi makipagkumpetensya sa mga ito..