Chapter 3
Halos matumba na si Emerald sa taas ng takong niya habang nagpa-practice siya ng tamang paglalakad sa harap ng salamin.Pakiramdam niya ay kasingtaas iyon ng poste ng Meralco and it's red in color pairing her red lippie.
Practice siya nang practice. Practice sa paglakad at jusmiyo…! Di na halos siya makahakbang.
“Hindi ko alam kung bakit ganito naman kataas ang takong na ipinasuot niyo sa akin. Kaibigan ko ba talaga kayo o mga kaaway? Baka naman matumba pa ako, eh di napahiya ako." aniya habang binabalanse ang katawan at mga braso.
Humagikhik ang dalawa. "Sanayan lang yan, Emm." sagot ni Eden habang isinisiksik ang sariling buhok sa iron curler.
"Sanayan nga, eh alam niyo naman na hindi ako sanay mag suot ng stiletto." naiinis na napalabi siya.
"Si Eden naman kasi ang may dala niyan. Eh iyang dress, love mo ba? Yan lang ang nahiram ko sa pinsan ko." sabi naman ni Trina at inalalayan siya sa paglakad.
Sinipat niya ang damit na suot sa salamin. It was a black spaghetti strapped cocktail dress na tama lang matakpan ang pwet niya at ukab ang kanyang dibdib, na katatamtaman ang laki pero ubod ng puti. She looks so brilliant, hindi naman sa pag-aangat ng sariling upuan. Hindi naman siya kahiya-hiya bilang isang usher kahit na mukhang mapupulmonya na siya sa pagkakalabas ng kanyang likod.
"Maganda." nakangiti siya.
"Talagang maganda kasi maganda ang may suot." sabi ni Trina na gayak na gayak na.
Pakiramdam lang niya ay masisilipan siya kasi wala na siyang bra. Foam lang ng dress ang pantakip sa dibdib niya. Ang talagang problema niya ang ang takong ng sapatos na suot niya na hindi pa man lang ay parang bumubusa na ang paa niya sa kalyo.
"Kulutin kita." sabi ni Eden sa kanya.
Sumagot kaagad si Trina. "Wag! Pinlantsa ko na eh, kukulutin mo pa. Di bagay kay Emm ang kulot, tatanda sya. Baka di sya makakuha ng mayamang bf!"
"Ay oo!" nag high-five ang dalawa.
Napamaang siya sa mga ito. "Mayamang bf talaga?!"
"Oo! Para makatakas ka na doon sa mga mukhang reypist mong steps."
Umiling siya. "Hay naku, kung magkaka-bf lang din ako para lang gamitin na makatakas ako do'n. Wag na lang."
"Ang kj mo talaga." tinulak ni Eden ang ulo niya.
"Aray!" sigaw niya, habang si Trina naman ay pinagmamasdan ang kabuuan niya.
"Emm, parang dapat red ang lipstick mo." sabi nito.
"Baka naman magmukha akong GRO niyan."
Humagikhik lang si Trina. "Hindi! Elegant to. Try natin."
"Okay." go siya.
Kahit anong gawin naman ng mga ito sa kanya, go lang sya. Malaki naman ang tiwala niya sa mga ito pagdating sa ganoong mga bagay.
Though marunong naman siyang mag-ayos ng kanyang sarili, it's better to let them do it this time.
And when she looked at the mirror, bagay nga. She looks so elegant though the truth is she is really not. Kasi di naman talaga siya isang socialite. Simple lang siya.
Walang tigil ang hagikhikan ng dalawa sa loob ng van habang papunta sila sa Airway, sakay ng van nina Trina. Kilig to the bones ang mga gaga at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ng may-ari na si Heaven Javier Elizares. Hanggang sa mga oras palang iyon ay ang lalaki pa rin ang pinupuntiryang makita ng mga baliw niyang kaibigan.
"Sana ligawan ako. One night stand lang papayag ako." parang kinikiliting sabi ni Eden sabay hawal sa magkabilang pisngi.
Baliw talaga ang bruha! Siya ay pakinig kinig lang.
"Anong ikaw? Ako na muna!" sabi naman ni Trina.
"Ikaw Emm sali ka?" tanog ni Eden.
"Hindi." halos patirikin niya ang mga mata. "Inyo na lang dalawa. Yung professor na kapatid niya ang crush ko. Serious type."
Umismid si Eden." Hmp! Tuod naman ‘yon. Di man lang ngumiti. Gwapo nga, parang sambakol naman ang mukha. Parang laging maninigaw."
"Hoy! Walang pakialaman ng crush! Yan ngang Heaven mo eh laspag na." pamemersonal niya.
"Hoy hindi ‘yon laspag. Hot kasi, kaya gano’n. Saka malaki ‘yon..." parang kinilig pa ito lalo sabay hawak sa mukha na naman at parang nag-iimagine ng kung ano.
"Nakita mong malaki? Mamaya kasing laki lang ‘yon ng saging na senyorita." sabay tawa niya.
Saging na senyorita. Sobrang liit.
"Hoy hindi! Kahit na ‘di ko nakita alam ko na ‘di maliit. Hahabulin ba ‘yon ng babae kung maliit?" depensa pa ni Eden.
"Eh kung magaling lang, paano ka?" sabi naman niya.
"Tama na nga kayo." saway ni Trina sa kanila.
Alam niya na di maka react ang kaibigan dahil sa family driver nito na nagmamaneho ng sasakyan. Baka kung ano pang kabaliwan ang sabihin nito ay isumbong pa sa mommy at daddy nito. But knowing Trina, baliw na baliw din sa playboy na ‘yon ang kaibigan niya.
"Basta alternate ang pag assist ha. Kahit na makita niyo ‘yong playboy niyong crush, huwag kayong makikipag-unahan sa pag-assist. Remember na mas importante ang manners this time para sa internship." Paalala niya. Para na siyang matanda sa palagiang pagpapaalala.
Sang-ayon naman ang dalawa sa sinabi niya.
"Yes Mada’am." sabi pa ni Eden.
Hoo! She felt so very nervous. Sana nga ay huwag makalimot ang dalawa kapag nakita ang mala delubyong kagwapuhan ni Heaven Elizares. Baka kasi mamaya ay hindi lang magtitili ang dalawa, baka kamo tumambling tumbling pa.
"Mommy sasabay ka ba sakin or kay Dad?" tanong ni HJ sa ina habang bumababa siya ng hagdan at inaayos ang bow sa kanyang kwelyo. He hates this but he doesn’t have a choice. Does he?
"Of course sa Daddy mo. Mamaya may babae ka pang sakay sa kotse mo, eh di paano na ako?" the old woman leers.
Tumawa lang siya. " Single ako tonight, Mom.”
“Single, single. Maanong tumino ka nga. Hindi ka na nagbago. Wala kang kadala-dala." Sermon pa nito kaya napakamot siya ng ulo.
Inayos nito ang kwelyo nya. Ngumisi siya. "It won't happen again, Mom. Trust me." paniniyak niya sa Mommy niya. Ang tinutukoy niya ay ang scandal niya. He's much wiser this time, way much wiser.
"Bahala ka nga sa buhay mo." tinampal nito ang dibdib niya kaya tumawa siya.
"I'm leaving Mom. Mauna na ako sa inyo." hinalikan niya ang ina sa noo. "Manchi- chicks muna ako." biro niya sa ina nang makatalikod siya.
"Heaven Javier!" saway nito sa kanya.
"Bye Mommy, I love you." Pare parehas naman silang palaging pinag titripan ang kanilang ina. Ito ba naman ang magkaanak ng tatlong barako, kung di sumakit talaga ang ulo sa kunsumisyon?
Lambing na lang naman nila iyon. Kakaiba nga lang.
Lights start to flash when HJ went out of his car. He’s smiling playfully and seductively charming. He fixes his coat and walks heading toward the entrance of the building after some few poses. Mukha siyang Hollywood actor na aattend ng Oscars Red Carpet award dahil kagwapuhan niya.
Pagpasok niya sa main entrace ng building na pansamantalang pinaliit gamit ang plyboards ay tiningnan niya ang kabuaan ng lugar. Amazed siya sa galing ng coordinator niya. It seems like it's a different place now. Tapos tiningnan niya ang women in blacks na nakahilera sa kanang gilid sa may entrance.
OH ushers...
Tapos sa kabila na naman siya tumingin. Napangiti siya sa babaeng nagmamadaling magsuot ng pulang sapatos.
"Anyone who wants to assist me?" tanong niya kasunod ay ang kanyang ngiti at paglahad papabukas ng kanyang mga kamay. Parang lahat kasi napanganga sa kanya kaya walang nakakilos kaagad, kaya nagtanong na siya.
"BILIS!" halos itulak na si Emerald ni Eden matapos niyang maisuot ang sapatos. Tinanggal kasi niya kasi masakit ang mga kuko niya iyon pala ay nagkanda putol na.
Lintik!
“Ay!” mahinang tili niya sabay tukod ng dalawang braso sa may tyan ng bagong dating na lalaki.
Gusto niyang sapakin si Eden nang parang sumalpok pa siya nang kaunti sa katawan ng lalaki, na narinig niyang tumawa nang pukulin niya niya ng masamang tingin ang kanyang kaibigan. Bakit sa dami ng pwedeng pumasok ay ito pa?
Si Heaven Javier Elizares! Nagkataon pa naman na siya na ang dapat mag-asiste sa lalaki. Alangan naman tumanggi siya ay siya ang pangaral nang pangaral na trabaho lang walang personalan.
Kaya kahit ayaw niya dahil playboy ito, walang magagawa! Saka feeling naman niya ay gugustuhin siya ng lalaking haliparot na si Heaven Elizares ay hindi namam siya mukhang diyosa na dinamitan.
"G-Good evening S-sir." bahagya siyang tumingala para tingnan ang lalaki. Wearing heels, abot baba lang siya? Jusko, ang tangkad nito at gwapo pala talaga. Sobra. Mukha itong anghel na bumaba galing sa langit. He’s wearing a black tuxedo and a shimmering black leather shoes. Ang pagkaputi-puti nito at mamula-mula ang kutis. Mahihiya ang mga lumaklak ng glutathione sa natural na hitsura ng playboy. Wala itong ngiti pero nakatingin sa mukha niya hanggang Ibinigay nito ang sariling braso sa kanya.
Pero biglang pumasok sa utak niya ang mga kalokohang pinag-gagagawa nito sa video na pinanood ng mga kaibigan niya, kaya parang nag-atubili pa siyang humawak sa braso nito. Nilingon niya ang mga kaibigan na parang lumilipad sa alapaap sa pagkakita sa lalaking tinaguriang Playboy in Heaven. Hindi niya magawang ikawit ang kamay sa braso ng lalaki. Paano naman kasi naalala niyang ito ang pinaka dangerous guy sa balat ng lupa. Dangerous charm and irresistible looks.
Feeling naman niya pati siya ay magkakaroon din ng scandal sa lalaki. Napilitan na rin siyang gawin ‘yon dahil parang puputok na ang mga sentido ng kaibigan niya sa kakasenyas sa kanya na tanggapin ‘yon.
Until HJ softly chuckles. "Why do I feel that you're badly aghast?" titig na titig ito sa labi niyang mapupula.
Napalunok siya. No one stared at her the way he does. Iba naman kasi ang titig ng mga steps niya kesa sa paraan ng pagtitig nito. Ang kuya Travis niya at kanyang stepfather ay nakakaimbeyerna, ang kay Heaven ay hindi – nakakaakit.
At naaakit ba siya?
Napakurap siya. "H-Hindi po." pinilit niyang ibalik sa huwisyo ang sarili. May gayuma yata ang lalaking ito sa katawan.
"Relax, I don't bite hard, just a little." Gusto pa niyang panlakihan ng mga mata sa biro nito pero humakbang na ito. Napilitan siyang makisabay. Ang lalaki ng hakbang nito na pilit niyang sinabayan. Halos ang isang hakbang nito ay dalawa na niya. Omg! Ang bilis niya.
"S-sir can we take it slow?" pakiusap niya. Baka kasi madapa siya. Halos di na nga niya maiangat ang mga paa sa paghakbang.
“Oh, slowly. Inexperienced?” the corner of his lips tip. Ewan niya pero nangaligkig siya sa tanong na iyon at pinamulahan ng mukha. Bastos talaga.
Bago pa man lang tumigil si Heaven ay tumabingi na nga ang masasakit niyang paa. "Ay!" mahinang usal niya. Lumabas ang paa niya sa stiletto kaya napahigpit ang hawak niya sa braso ng binata.
HJ immediately refrained from walking. "careful." ika nito sa napakalambing na tono.
Parang umecho-echo ‘yon sa utak ni Emerald. Ang sweet naman ng boses niyo pero takti naman oh! Napahiya pa yata siya nang tingnan nito ang paa niya na wala na sa sapatos.
"Wait s-sir, please." Aayusin lang niya ang sapatos. Papayuko na sana siya nang pigilan siya nito.
"Let me." anang binata.
"P-Po?" she was stunned when he kneels on one knee. Mariin siyang napapikit lalo na nang mapatingin siya sa nag flash na camera.
Sus! Kinokodakan sila! History ito. History. Nakakahiya at baka may namumuo na siyang kalyo sa hinliliit niya. Tapos putol pa ang mga kuko niya. Parang natilihan si HJ nang makita ang paa niya. Nakaarko ang kilay nito na tumingala sa kanya. She clasps her hands on hem of her
cocktail dress.
Baka kasi masilipan siya nito. Ang buka pa naman ng laylayan ng damit niya. “What happened to your foot?" Kunot noong tanong nito sa kanya.
Omg! Pahiyang-pahiya na siya.
Napangiwi siya. "Na-Naputol sir ‘yong mga kuko kasi masikip po ‘yong sapatos na hiniram ko." pilit siyang ngumiti. "Saka sir may kalyo kaya masakit... saka ano – kasi masikip."
Ewan niya kung bakit ngumisi ito. At mukhang hindi kaaya-aya ang ngisi nito.
"Masikip ba ‘yan, eh lumabas nga ang paa mo?” anito na isinusuot na ang paa niya sa sapatos. "kapag masikip hindi dapat lumabas." sabay tawa nito ng mahina kaya nahila niya ang sariling paa na hawak nito.
Ewan niya kung green minded lang siya o sadyang bastos ang kausap niya sa ligtas na paraan. He gawks at her thighs down to her feet. He smiled devilishly. Ibig sabihin iba talaga ang pakahulugan nito sa masikip. Bastos ang walangya! Kung di lang masama pukpukin niya ito sa ulo ay ginawa na niya. Tapos kinuha nito ulit ang paa niya at isinuot ang sapatos. Tumayo ito at ngumiti sa photographers. Pa PR ang bwisit. Kaya pala feeling gentleman dahil gusto lang makodakan. Publicity nga naman. Isip niya. Para malamang sabihin na ang may ari ng airways ay gentleman kuno. Gentleman na medyo bastos!
"Salamat—po." aniya at nginitian nang buong puso ang lalaki. Totoo naman ang ngiti niya kasi naisalba siya nito sa tiyak na kahihiyan kahit fake ang acting nito.
HEAVEN blinks twice. He's staring at the most beautiful smile in its simplest way. May dimples pala ang bata. Isip niya.
Bata? Bata talaga? Estudyante ang kaharap niya, di bata.
He holds her arm firmly, just enough to assist her. Nakakatawang usher ito. Sa halip na siya ang alalayan and lead his way, siya pa ang gagawa noon.
The young lady is pretty rather than beautiful. She's bewitching and charming. Hindi siya mahilig sa bata pero nakuha nito ang atensyon niya and enough to say na gusto niyang testingin kung bibigay din ito sa kanya tulad ng ibang babae. Kasi mukhang walang interes sa kanya ang estudyanteng ito. Ni hindi man lang nga parang nilalabasan ng bulati sa pwet nang makita siya. Samantalang ang mga kasamahan nito ay halos pigilan ang tili nang pumasok siya
sa hall.
Modern Maria Clara malamang ito. From her arm, he put his hand on her back, just enough to touch her skin. Bareback kasi ang suot ng dalagang – bata. At masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigil niya. He’s truly amazed by her facial expressions showing how irritable he is, and it builds eagerness for him to really try her. She's quite different.
When she's about to leave him dahil naihatid na siya nito sa presidential table, hinila niya ang kamay ng dalaga.
"Name, my baby?" hindi na niya napigil na itanong. First time in his life he had been taken forgranted as if he were not the same old kind of gorgeous guy.
"Sofia Emerald Arguelles – Sir." simpleng tugon nito kasunod ang isang kiming ngiti.
Oh man! Ang ganda ng ngiti niya! Inosenteng-inosente na parang hindi alam ang salitang o****m.
"Will I see you around?" his playboy lopsided killer smile which she pay no attention to.
"Uhm – I believe po, Sir. Di po kami aalis hangga't hindi tapos ang event." sagot ulit nito na parang pormal lang sa kanya. He can’t even see the glistening of her eyes. Hindi yata ito kinikilig sa kagwapuhan niya.
"ASL?" age, s*x, location.
Wow! Pang-chatty conversation lang ang style niya.
Tumukhim ang dalaga. "23, female sir of course... As you can see." She even raised her brow.
Napangiti siya. "Paano mapapatunayan na female talaga?" namimilyo ang ngisi niya habang napapasulyap siya sa dibdib nitong katatamtaman na laki.
Gustong sapakin ni Emerald si Heaven Javier Elizares. Talaga bang ito ang President ng Aviation at ng Airway? Aba kung haliparot ang tawag sa babaeng malandi, eh anong pwedeng itawag niya sa lakaking ito? Tama na nga ang naisip niya kanina. Maginoong Bastos!
"Lie detector test, Sir." parang masungit na sagot niya.
"When?" tanong nito habang nakatitig sa mukha niya. Anong when? Ipapa-lie detector talaga siya nito?
"Excuse me?” Di niya makuha ang ibig nitong sabihin.
He didn't answer but instead he lifted her hand and bit her forefinger tenderly.
SUS GINOO! sus maryosep! Sta maria, santa barbaro! santa barbara! Ina ng awa!
Kulang na lang banggitin niya ang lahat ng santo at santa at dasalin ang lahat ng dasal na alam niya dahil sa ginawa ng binata. Kinilabutan siya nang husto at parang pinagpawisan ang singit niya.
Manyakis din ang walangya! Nahila niya ang kamay na ikinatawa nito. At grabe ang epekto noon sa kanya. She roamed her eyes around the entire hall to make sure there's no media men who captured that sensuality. Mabilis siyang tumalikod para takasan ito pero nagpahabol pa ito.
"I'll see you during your internship."
Lumingon siya, tigalgal. Ano raw?
The President winked at her and seductively grinned. Wala siyang naisagot kundi paglunok ng laway.
Kahit paltos ang paa ay binilisan niya ang paglalakad kahit patabi-tabingi ang mga paa niya, at maya’t mayang lumalabas sa sapatos na suot.