2

1933 Words
Chapter 2 Balot na balot si Emerald kahit mainit ang panahon. Hindi pwedeng magsuot siya ng maiikli kapag mananatili siya sa bahay. Mahirap na baka mabigyan pa niya ng masamang motibo ang mga mukang reypist doon. "Emerald linisin mo nga yung kwarto ko." marahang utos ng Kuya niya sa kanya. "Ngayon na ha, sumunod ka na sa akin." pahabol nito. Napatingin siya sa kanilang Manang Fe na tumingin rin naman sa kanya. Hindi naman siya katulong doon kung tutuusin pero syempre kailangan niyang kumilos naman dapat dahil doon sya nakikitira. Umiling siya sa matandang mayor doma. Tinanguan naman siya nito. "ako na ang bahala. " anang matanda sa kanya nang makitang nakapanhik na ang step brother niya. Ayaw niyang pumasok sa kwarto nito. Hindi naman siya malisyosa pero natatakot siya. Natatakot siya na baka kung anong masamang gawin nito sa kanya. O mas maganda nga mag working student na lang siya para matapos na ang problema niya. Hahanap siya ng bahay na pwede niyang tirhan kung saan kahit maglakad siya ng hubad ay wala siyang pangamba, hindi tulad dito na mahi heat stroke na siya sa init dahil nakapajama siya at long sleeves ay feeling niya hindi pa rin siya safe. They're prapering their sash to be used at the grand opening night of G. Airways. Malapit na ‘yon kaya hindi sila pwedeng magpabaya. Nakakahiya kung darating sila doon na hindi prepared at mga mukhang dugyot. And she as the president of their class organization, kailangan niyang maging responsable. "Gusto kong magtrabho. Wala ba kayong alam na sideline?" Napatigin sa kanya ang dalawa. "hindi mo na mapagsasabay yan friend. Malapit na ang internship." sabi sa kanya ni Trina. "bakit? Nagpaparamdam na naman ang mga mukhang reypist mong papa papahan at kuya kuyahan?" irap naman ni Eden. As usual napa buntong hininga siya. "May bago pa ba?" Kahit pilitin man nga niya ang sarili, tama ang kaibigan niya. Di na talaga niya kakayanin pa. Saka parang may mali siyang nararamdaman sa loob ng bahay na ‘yon. Kaya walang magagawa kundi ang magtiis doon at mag-ingat. Kunot ang noo ni HJ nang may unknown number na rumehistro sa celphone niya habang nagpi fit siya ng damit na susuotin sa grand opening. Sumandal siya sa hamba ng fitting room at muka siyang model na nagpo photo shoot dahil sa ganda ng posing niya at nakalantad niyang katawan. Buong katawan! Take note. Ang suot niya ay ang kanyang boxers lang at bakat na bakat ang kwan pero wala siyang pakialam. Sa maikling salita. Haliparot siya! Wala man lang ni gatuldok na bahid ng lahi ni maria clara sa kanyang katawan. "hello!" kunot noong sagot ni HJ sa tumatawag sa kanya. "Hi HJ! Can we meet tonight?" ang maarteng tinig sa kabilang linya. "Who's this?" Diretsong tanong niya. "Georgina." sagot sa kanya. Lalong nangunot ang noo niya. "Georgina who?" di talaga niya maalala. Pagkakatapos kasi ng night stands niya nagkaka memory gap na siya. Daig pa niya ang may Alzheimer's disease. At habang busy siya ay busy rin ang mga mata ng mga nag aassist sa kanya sa pag fit. Kipkip ng mga ito ang ibat ibang design ng Amerikana na isusukat niya. Pero lumuluwa ang mga matang napapa wow sa hitsura niya. Sino bang hindi na halos hubad na siya sa harapan ng mga ito. "Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos mong makuha ang gusto mo nakakalimot ka?" parang nabubwisit na sabi sa kanya ng babae sa kabilang linya. Tumawa siya. "Miss, Maraming Georgina sa mundo. Now if you'll excuse me. I still have matters to do. Bye!" he ended the call at iiling iling. Well di niya talaga matandaan. Minsan tatlong Georgina ang nakikilala niya sa isang araw. Malay ba niya kung sino sa kanila ‘yon. "Okay pretty ladies, let's get back to business. Sinong mauuna?" nakangisi niyang sabi. Mauuna sa pag fit sa kanya kung mauwag ba o masikip. Haha! Ang damit. Lahat ng iyon ay nagsipag-unahan sa paglapit sa kanya. Para siyang may magnet sa katawan na humihila ng tone-toneladang babae sa araw araw pero di naman sumasakit ang ulo niya. At ilang beses na rin siyang nasampal dahil sa kapilyuhan niya. Wala naman siyang problema sa buhay. Galing siya sa magandang pamilya at mababait ang mga magulang niya. Sadyang sariling patubo lang niya ang taglay niyang karisma sa babae. Bukod doon ay wala namang pintas sa kanya. Mabait naman at friendly and most of the time, with benefits of course. "Tito... " tawag ni Emerald sa bigotilyong gorilya na nagkakape sa mesita sa may dining. Tumingin sa kanya ang gorilya." Yes?" Siguro ang layo niya sa lalaki ay mga 5 metro. Ayaw kasi niyang lumapit sa lalaki. Baka hilahin siya at kung anong gawin sa kanya. Hindi siya malisyosa. Talagang hindi lang mapagkakatiwalaan ang mukha ng stepfather niya. Lalo ang mala don romantiko nitong bigote parang sungay ni satanas na napaskil sa nguso nitong singkapal ng yellow pages ng PLDT. "Magpapaalam po sana ako na matutulog kina Eden bukas." "Bakit? Lumapit ka nga di kita masyadong maintindihan." Lumapit siya ng isang hakbang. "kasi tito, mag a usher po kami sa opening no’ng Airways." "Bakit doon pa? Pwede naman sila ang matulog dito." Oh my lord! Baka gahasain mo ang mag kaibigan ko. "eh, malapit sa kanila tito eh." alibi niya pero ang totoo mas malayo pa nga. "walang date pagkatapos." paniniyak nito sabay higop ng kape. "Wala po, Tito." sabi niya. Bahagya siyang yumuko. "sige." anito. Mabilis siyang tumalikod at nilayasan ang lalaking gorilya. At nang lingunin niya ito ay nakahabol tingin ito. Binilisan pa niya ang pagkalakad para makarating kaagad sa maid's quarter nang mabunggo niya sa may labahan si Manang Fe. "Ay!" nasapo niya ang dibdib sa sobrang nerbyos. Ewan kapag naroon siya ay parang laging nakabitin sa ere ang hininga niya. Feeling niya nasu suffocate siya. Pakiramdam niya hindi normal ang lahat ng kilos niya at lagi siyang takot. "Magdahan ka ngang bata ka. Para ka namang hinahabol ng reypist." anang matanda sa kanya. "Emerald!" boses ng kuya Travis niya. Hayan ang reypist! "manang sabihin mo tulog na ako." sabay takbo niya na parang isang kabayo. Hahangos hangos siyang inilock ang pinto ng kwarto nila ng mga maid. Ganoon palagi ang buhay niya at pagod na siya. Gusto na niyang makapagtapos ng pag-aaral at makapag trabaho para makaalis na siya roon. Minsan naiiyak na lang siya kapag mag-isa siya. Parang ang saklap naman kasi ng buhay niya at kung di nga lang siya mag i intern ay naghanap na siya ng sideline. Kaya ngayon habang nandito pa siya ay tago lang siya nang tago. Takbo rito, takbo roon, makaiwas lang sa mga mukhang reypist. Takot kasi siya sa kuya Travis niya. Nang minsan kasi na palinisin siya nito noong 16 pa lang siya ay hinipuan siya ng pwet kaya boses pa lang ang marinig niya, karipas na kaagad siya. "How's the president of the Aviation?" ngingisi ngising tapik ni Erwan sa balikat ni Heaven. Nilinga niya ang bagong dating. "hi bro!" bati niya sa kaibigan. They're spending their night at his favorite bar kung saan tag sa kanya ay playboy in Heaven. Palibhasa palagi na lang kapag naroon siya ay ang daming babaeng nagpi flirt sa kanya. Well, dahil flirt din sya. Actually not, sila ang lumalapit at hindi siya. Laman na siya ng bar na iyon ng pinsan ng kaibigan niyang si Zyban, who is also his friend. Siya ba naman ang halos gabi gabi na naroon, hindi ba niya maging kaibigan ang may-ari? "Are you coming tomorrow night, Bro?" tanong niya kay Erwan, ang tinutukoy niya ang opening. "Sure why not. Maraming chikas." He chuckled. "i hope so, dahil ang rinig ko sa ES University kumuha ng chikas. Tweetums. Usherettes." Kibit balikat niya na parang wala siyang interes sa mga bata. "Bata. Makakasuhan tayo ng theft. Theft of virginity." sabi ni Zyban saka ito humalakhak. "Actually, no." ika naman niya pagkatapos sumimsim ng alak. "i tried many of them. Hindi na sila mga virgin." What else is new? Nothing. Baka nga lahat ng nationality na try na rin niya. "Ohh! So we can try the ushers." biro ni Erwan. Napa react siya kaagad. "Oh, not them! Mapapagalitan ako ni Daddy. Baka makadali kayo ng isip bata kasuhan pa kayo ng r**e. Ligaw muna bago testing." tapos tumawa siya. He absolutely knows none of the two will try. Parehas niya ang mga ito na mga wala sa vocabulary words ang salitang seriousness. "And you, when do you plan to settle down?" tanong ni Zyban sa kanya. Gusto niyang masamid sa tanong ng kaibigan. "Are you sure you're really asking me that?" he grinned. "Kapag namroblema na ako sa babae, magpamisa na kayo." Isang babe ang lumapit sa may tagiliran niya. "Date handsome?" tanong niyon. He looked at her. Just the way how he looks at other women. "Hindi pa pinanganganak ang babaeng magpapatuliro sa akin." he stood up and put his arms around the woman. “I doubt if there’ll be.” "Let's go honey." aniya at ni hindi man lang pinagkaabalahang tanungin ang pangalan ng babae. Habol tingin na napailing ang mga best buddies niya sa kanya pero ni minsan ba talaga ay hindi pa nagseryoso si Heaven sa isang babae? The answer is, never. Kaya inaabangan siya ng mga kaibigan na mabaliw dahil sa isang babae. He has this kind of unbeatable ego when it comes to girls. Hindi naman sa mayabang siya pero totoo naman kasi na gano’n kalakas ang s*x appeal niya sa opposite s*x. Kaya nasasabi niya na hindi pa pinanganak ang babaeng magpapanganga sa kanya. And again, maybe that woman will no longer be born in this world. Nagbibihis si Emerald nang may kumatok sa pinto nila. Hindi siya umimik. Nakiramdam siya. Baka ang Kuya Travis niya. "Emerald, are you there?" OMG! sigaw ng isip niya. Ito nga. D’yos ko baka pasukin siyang pilit ng lalaki. Ano bang kailangan nito sa kanya? Dapat makaalis na siya dahil baka malate na siya sa pupuntahan na event. Di pwede silang magkulang, nakakahiya kapag di sya nakarating at isa pa ay kailangan niya iyon sa internship niya. She could easily pass and be counted as one of those few persons who will undergo the OJT at the EG Airways. Sabi kasi ng professora nila ay dadaan sa matindig interview ang mag tatanggapin. Others thought it would be as easy as abc. Thinking that ESU and EG Airways are under the same company. But it's not as easy as that. Babalasahin daw nang husto ang gustong mag ojt doon at hindi porket sa ESU nag-aaral ay tanggap kaagad. It seems like a qualifying exam, the president himself would be the interviewer kaya nga nagayon pa lang din ay todo practice na siya. "Emerald, open the door." anito sabay katok na naman. Sana po dumating ang kahit na sino para lang lumayas ang lalaki sa pintuan ko. Parang gusto niyang umiyak sa kaba. Baka makapasok ito at reypin siya. Wag naman sana Lord. Please help me. Hindi talaga siya sumasagot hanggang sa may marinig siya na nagsasalitang iba pang tao sa labas kaya nabuhayan siya ng loob. Nang kumatok ang mga kasamahan niyang katulong ay saka siya mabilis na nagbukas ng pintuan at tumakas na rin para makapunta na siya sa bahay nina Eden para magbihis at ayusan. Tila excited din siya sa opening na iyon. Todo ang ngiti niya habang sakay na ng jeepney. Nakatakas siya at nakahinga na ng maluwag. She's now relaxed and happy. Global Airways, your future senior flight stewardess will come your way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD