4
HEAVEN's eyes keep on following the black lady in red shoes.
What's her name again?
Oh! Sofia Emerald Arguelles.
Hallelujah!
Praise the roof!
Amen!
First time sa history na maka memorize siya ng pangalan ng babae.
Yung iba nga naikama na niya, di man lang niya alam ni simulang letra ng pangalan. Naghiwalay na sila at nagkabanggaan di niya nalaman man lang.
Well, he's not interested.
Pero ngayon interesado talaga siya sa babae, di niya alam kung bakit, siguro dahil sa naapakan niyang yabang, saka Pakialam niya kung bata ito. Kukunin niya ito sa lalong madaling panahon and count her as one of his pasts.
He wants her naked on his bed, making intimate moments, asap! After the event or asap! As in asap!
At mas lalo siyang nabubuhayan ng loob na testengin kung hanggang saan nito kayang umiwas sa kanya because as what he can barely see now, she's keeping herself away from him. Panay ang libot nito ng wine pero di siya inaalok. Ni halos di siya tingnan.
Parang gusto niyang mainis dahil parang tingin nito sa kanya ay isa siyang tao na may nakahahawang sakit. Na para bang isang tingin lang ay lilipat na ang epidemya sa taong tumingin sa kanya.
"Can i drive you home tonight?" his sensual voice near her ear.
Goosebumps na naman si Emerald. Gusto pa niyang mapatalon nang mapagsino ang lalaki nang lingunin niya.
Ano bang kailangan ng lalaking ito sa kanya?
"Sir, kasi ho may sasakyan yung friend ko." magalang na sagot niya sa rito.
Namulsahan ang lalaki at sumandal sa mesang punung puno ng pagkain.
"are you saying no to the President, Miss Sofia Emerald?" nakatitig ito sa mga mata niya.
"Ahm... Di naman sir sa gano’n po. Kaya lang para di na rin po kayo maabala. Saka okay lang po ako."
"Sa’n mo nga pala balak mag intern?" tanong nito.
Bigla naman yatang nalihis sa usapan ang topic nito.
"D-Dito po s-sir sa G-Global." Hala. Kinakabahan siya.
Ano bang ibig sabihin ng tanong nito sa kanya?
"I see." he nodded.
"So, can I drive for you tonight?" tanong ulit nito.
Nakuha na niya.
Kapag di niya ito pinayagan na ipagmaneho siya pauwi, di siya nito ipapasa sa interview para makapag OJT.
Binilisan niya ang pag-iisip.
Pero di pa man niya napa finalize ay napatango na siya.
"Good girl." hinawakan nito ang baba niya at inilapit ang mukha nang kaunti sa mukha niya.
Iniatras ni Emerald ang sariling ulo at lumaki ang mga mata niya sa pag-aakalang hahalikan siya nito.
"I'll see you later, baby." nakangisi ito.
Diyos mio!
Tumatakas nga siya sa mga mala reypist niyang steps pero bakit parang kumukurap kurap ngayon sa utak nita ang salitang 'danger'?
Bakit naman siya pa sa dami nilang babae roo ang pinagtripan nito?
At naman, ginagamit ng lalaki ang internship niya. Patas ba iyon?
Kung my pera siya ay magbabayad na lang siya sa ibang airlines para doon mag ojt kaysa naman sa ganito na parang mali man sabihin na may interes sa kanya si Mr. Playboy, ay mukhang gano’n naman ang ipinakikita.
And learning from what she heard about him he only plays with women, just to bed them.
Mahabaging langit! Ibi bed siya ni playboy?
Natampal niya ang dalawang pisngi, and she dramatically shakes her head. "Noo... wag ako please."
"Yess... ako na lang please..."
Napatingin siya sa nagsalita. Ang nakabungisngis na si Eden.
"Mukhang ikaw ang nakakuha ng trophy friend ah." tukso nito sa kanya.
"A-Anong trophy?"
"Trophy ng kagandahan. Kitang kita ang interes sa’yo ng tinatawag mong playboy." sabi nito sabay linga sa paligid at kinamay ang lechon, sabay subo ng malaki.
Natawa siya. Parang hindi ito may kayang kumilos.
"Ihahatid daw ako?" aniya.
Patanong talaga ang pagkakasabi niya sa kaibigan. Nabilaukan si Eden at naghahanap ng tubig kaya agad niyang binigyan ng wine.
"Sinabi nya talaga ‘yon?" parang hindi pa ito makapaniwala.
Kahit naman siya ay hindi makapaniwala.
"Oo nga sabi. Tingin mo magsisinungaling ako? Alam mo naman na di ko gusto ‘yang crush niyo na playboy na ‘yan." humalukipkip siya.
"Eh di anong sabi mo?"
"Ikaw anong isasagot mo kung sabihin na di ka makakapag ojt dito kapag di ka pumayag?"
"Aba gora na! Pahatid ka na gurl! Gusto mo pa kamo sunduin mo pa ako?" sabay hagikhik nito.
Siya ang hindi natawa. Natatakot siya.
"Uy!" siniko siya nito nang matahimik siya ilang segundo.
Emerald looked at her friend.
"Wag ka ngang matakot. Iba ang playboy sa reypist gurl. Iba si Heaven my luvs..." parang kinikiliting sabi nito. "Ay, your luvs pala. Ikaw pala ang type." sabay hagikhik ulit.
Pinandilatan niya ang kaibigan.
"Ano ka ba. Relax ka lang. Di ka naman n’yan aanuhin. Kung ako ng ikaw baka sumirko pa ako sa tuwa. Relax okay. Breathe in..." utos nito sa kanya na sumunod naman siya.
"Breathe out." anito na sinunod pa rin niya.
Para naman siyang tanga.
But it did help. Medyo na relieved siya. Luminga siya sa paligid para hanapin kung nasaan ang pinag-uusapan nila.
Oh! There he is, may kausap na babae. Lima!
Babaerong lantaran talaga.
Heaven is having a good time. Masaya siya sa successful na opening ng kanilang negosyo. Kahit na pa parang sala salabat ang mga bisitang babae na dumaan sa kan’yang mga kamay ang naroon. Wala ‘yon para sa kanya. He sees them. They see him. He smiles at them, if they don't it's not his fault anymore.
Para sa kanya ay wala namang kaso ang lahat ng mga nangyayari sa kanya at sa mga babae niya.
Kaya lang, there are times na mas gusto ng babae na mag dive sila sa mas malalim na relasyon which is not written in his system. Ayaw niya ng relationship responsibilities and goals.
As much as possible he doesn't want to fail or worse fail the woman involved in that realtionship.
Mahirap na hindi makatupad sa mga binitawang pangako. Mai stress na sya, makakasakit pa. So it's better to be a freelance bachelor. May magalit man sa kanya, at least parehas naman silang nag-enjoy.
"Bro!" tapik ni Zyban sa kanya.
"Bro!" aniya sa lalaking kaibigan. Kasama nito si Erwan.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong niya sa mga ito.
"We don't wanna hear your speech." biro ni Erwan.
He laughed. "So makikikain lang kayo? Eh kung palayasin ko ngayon din?"
Tumawa din ang mga ito.
"Busy lang bro." seryoso nang sagot ni Erwan.
"Daming chicks bro." dugtong pa nito matapos ilibot ang mga mata sa paligid.
"Oo nga, ‘yong mga ushers ang gaganda."
"Black lady in red shoes reserved." he said.
Tumigin sa kanya si Erwan. "to whom? Samin—sakin?"
"Mine!" he said right away.
"Oh! I found her." ngingisi ngisi si Erwan. "Let me try." lumakad ito papalayo.
"f*****g s**t! No." gusto niyang habulin ang kaibigan pero nakalayo na ito. "Trust me bro." Erwan chuckled.
Bwisit! Baka pintasan lang ng kaibigan niya si Sofia Emerald. Bilang kaibigan alam nito ang mga tipo niyang babae at lahat ng ‘yon wala sa tourism student na ‘yon.
Well sa ganda meron, sexy naman pero walang boobs. Medyo kulang din sa height. And, masyadong bata. Di niya gusto ang gano’n pero talagang nati trigger siya sa babae. At habang tumititig siya nang tumititig kanina rito ay mas lalong nabubuo ang plano niya. Mukhang wala kasi siyang kadating dating dito.
At naiinis siyang tanggapin iyon sa sarili niya.
Nobody says no to him. Siya ang tumatanggi sa babae at di siya ang tinatanggihan.
After a while bumalik na si Erwan sa pwesto nila.
Pangiti ngiti ang lalaki.
Heaven's following his friend’s every move and reading his thoughts.
"She's great." simpleng sabi nito.
"Great in what way?" tanong niya habang nakaarko ang mga kilay.
"in every way. Di ko lang sure kung lalaban sa’yo sa kama." sabay tawa nito.
Ganoon talaga silang mag-usap. Bulgar kung bulgar. They're men so there's nothing wrong about talking things frankly.
Sanay na sila na mag-asaran at magbigay ng komento sa bawat isa.
"So, magpapamisa na ba ako?" tanong naman ni Zyban.
"In your ass!" he exclaimed.
"I'll get her and I will not fall for her. Sabi ko sa inyo di na ipanganganak ang babaeng magpapatino sakin." aniya pa.
Kumunot ang noo ni Erwan. "She's great but she's not your type." nilingon nito si Emm.
Heaven also looked at the young lady. "Yes. Nainis ako kasi parang nandidiri siya sa’kin." nabubugnot na sagot niya.
At malaking apak iyon sa ego niya bilang pantasya ng mga kababaihan.
Pinagtawanan siya ng dalawa at nag high five na ang mga ito.
“Tatawag na ako ng pari ngayon na ngayon na!" bulalas ni Zyban.
"Asan na ba ang pari na nag blessed nito?" lilinga linga ito.
"Wala na! Umalis na kanina pa." naiinis pa rin na sagot niya.
Tawa pa rin naman nang tawa ang dalawa na parang mga nalipasan ng gutom kaya mas lalo siyang napipikon.
Napagtatawanan tuloy siya dahil sa babaeng bata na iyon.
"Pag um-oo ‘yan ikukulong ko yan ng one week. Tapos iiwanan kong luhaan."
"Owwws?!" sabay tawa ni Erwan.
"Baka ikaw ang maluha bro pag iniwan ka!" salo pa ni Zyban at nag high five na naman ang dalawa.
Pinagtutulungan na siya ng mga kaibigan niya. Hindi pwedeng ganoon. Mukhang nawawala na ang bilib niya sa sarili.
So ano iyon? Dahil sa ego lang? Yes it does. Hindi niya matatanggap kailan man na tatanggihan siya ng babae dahil siya ang inaalok at sanay siya ng ganoon sa simula pa lang.
At kailangan magpatuloy iyon hangga’t di pa siya tumatanda at pumuputi ang buhok.
Inisang lagok niya ang alak at iniwan ang mga kaibigan.
"Can I have more, baby?" parang asong bubuntot si Heaven kay Emerald.
Pumihit siya para ibigay dito ang alak na nasa tray niya at para lubayan na siya nito. Nakakapaso kasi ang dating ng lalaki. Papatalikod na siya nang yakapin siya nito sa baywang niya.
Buti na lang wala ng laman ang tray na hawak niya kung hindi siguradong matatapon na, mababasag pa.
Halos ipagtulakan niya si Heave Javier para lang makawala siya rito pero lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanya.
Pulang pula ang mukha niya. Mabuti na lang at halos wala ng tao roon, mga anagsisiinuman na lang at karamihan ay nasa mesa ng pamilya ng Elizares na lang.
"Bakit parang takot na takot ka sakin?"
Dahil malandi ka! Gusto niyang isagot.
"Sir... Lasing na po kayo." pinilit pa rin niyang maging magalang.
Ngayon alam na niya kung bakit ito naeeskandalo. Dahil wala itong pinipiling lugar kung saan at kailang magpapakita ng interes sa isang babae.
Pinilit niyang kumawala at lumuwag naman ang hawak nito sa kanya kaya mabilis siyang umalis.
My Lord. Gusto niyang itanong kung safe ba talaga siyang magpahatid sa babaerong iyon?
Pagkatapos na pagkatapos ng event mag aala una ng madaling araw ay hinubad kaagad ni Emerald ang suot na sapatos at nagmamadali na tumakbo papalabas.
Alam niya na naghihintay na ang mga kaibigan niya. Nag cr pa kasi siya kaya siya nahuli.
"Emm! Sunod ka na lang sa bahay! May hahatid naman sa’yo!" paalam ni Eden sa kanya habang papalayo na ang van.
"Sandaliiii!" sigaw niya habang bitbit ang sapatos.
Bakit iniwan siya? Ayaw nga niyang sumabay sa Heaven na ‘yon.
Naiiyak na napapadyak padyak siya habang walang pangyapak.
"Bakit ba kasi ayaw mong sumabay sa’kin? Di naman kita rereypin." his tender seductive voice again behind her.
Napapikit siya. Nilingon niya ito.
"Halika na ihahatid na kita." he said with finality.
Wala siyang nasabi na ano pa man. Saan pa nga naman siya sasakay ngayon?
Wala na mana siyang choice kindi magpahatid na nga lang. Tingin niya mas safe naman itong kasama kesa sa isang taxi driver. Hindi naman siguro nito sisirain ang pangalang Elizares dahil lang sa isang hamak na katulad niya.
Talamak pa naman ngayon ang kaso ng holdap, r**e and murder kung magko-commute siya.
Heaven even opened the passenger's door for Emerald. Hindi siya kumilos. Nakamaang siya.
So? Gentleman pala talaga ito? Walang flashes ng camera pero ipinagbukas pa rin siya ng pinto.
Maya maya ay umarko ang kilay nito. "Come on." anyaya nito sa kanya.
Wala na siyang nagawa. Lumakad siya papalapit dito. Para siyang pusang takot sa isang among may hawak na pamitpit.
"Good girl." anito nang pumasok siya.
"Now you're mine." he grinned.
Iyon ang bagay na ikinalaki ng mata niya. All of a sudden she wanted to go out of the car and ask for help but the door was locked.