5

2185 Words
Chapter 5 NANGINGINIG ang kamay ni Emerald habang ikinakabit niya ang seat belt. Walang humpay ang hila niya dito pero nalalock dahil binibigla niya. Nagmamadali siya para makalarga na sila at baka mamaya kung ano pang maisip ng abnormal na si Heaven Javier. Nahigit pa niya ang paghinga nang dumukwang ito sa kanya at kinuha mula sa mga kamay niya ang uluhan ng belt na hawak hawak niya. "MY GOD, you're so harsh baby. Dahan dahan ang hila para hindi mabigla." Oh lord. Napapikit siya sa tila makahulugan na naman na salita ng lalaki. Bastos talaga! "kapag nabibigla kasi di na lumalabas oh." sabi pa nito na pangiti ngiti. Hanggang di natatapos na maikabit ang pesteng seat belt ay hindi rin siya humihinga. Malamang kung magtagal pa iyon ay baka mamatay na siya sa kawalan ng hangin sa baga niya. Nang matapos ay bahagya pa siya nitong tiningnan sa malapitan. Napalunok siya nang wala sa panahon. Noon niya nakita sa malapitan ang blue eyes nito na hindi naman kakikitaan ng mala reypist na tingin. His eyes are really beautiful. Malamlam ang mga iyon. At sadya sigurong may iba’t ibang tingin lang ito sa babae kaya minsan ay nagmumukhang bastos. Salamat sa Diyos inilayo na nito ang mukha sa mukha niya. He started the engine. "Where again?" tanong nito sa kanya. Habol tingin na pala niya ito di pa niya namamalayan. Gusto pa niyang titigan ang mata nito dahil ang gandang tingnan sa malapitan. Kanina, halos hindi niya maappreciate ang lamlam ng mga mata nito pero ngayon ay oo. Kahit paano medyo nawala ang takot niya sa playboy. Natauhan siya nang ngumiti na naman ito nang makalaglag panty smile o MLLPS. "I'm gorgeous, I know." tila puno ng kayabangang sabi nito. Wala sa loob na napaismid siya sabay alis ng tingin sa binata. Pahiya siya, ay ano naman? Masama bang kumilatis? "May uling ka ho kasi sa noo." kunwari sabi niya sabay halukipkip. Tumawa ito. "Yan ang palusot ng mga babaeng ayaw umamin na nagugwapuhan sakin. It's okay. Your eyes say it better than your mouth." Di siya umimik. Ang yabang talaga! Typhoon signal number 200 sa kayabangan at earthquake magnitude 1000.1 sa kabastusan. "Where to, baby?" tanong ulit nito sa kanya. "Veverde Hights po. And please stop calling me baby, sir." He shrugged. "okay. Babe na lang." Parang sumakit ang ulo niya. Ang kulit pala nito. Malamang. Haliparot kasi ito. "Can I invite you for a coffee?" tanong ni Heaven habang umaandar na sila. "Thank you sir but no. Inaantok na po kasi ako." tanggi nito. Grabe talaga ang kawalang dating niya sa babaeng ito. Kung iba iba lang sigurado wala na sila sa kotse ngayon, malamang nasa condo niya o sa hotel. O baka nga nasa kotse naman pero may ginagawa. Pero ito, wala man lang yatang kakati kati sa katawan. Baka naman gustong magmadre. Sabi ng isip niya. Napipikon siya na kada alok niya ay tumatanggi ang dalaga. Parang iwas na iwas pa ito sa kanya. Mukha siyang garapatang may alipunga at hadhad sa kinikilos nito sa harap niya, na isang dikit lang ay makakahawa siya. Feeling tuloy niya mabantot na sya. Pasimpleng inamoy niya ang sarili. Hmmmn... Mabango pa naman siya. "some other time? " alok ulit niya tapos sumulyap siya sa dalaga. Ni hindi man lang ito sumusulyap sa kanya. "Sorry sir busy na po ako some other time." tanggi na naman nito. Naramdaman niyang nanigas ang panga niya. Kapag siya nabwisit baka talagang reypin na lang niya ang Maria Clara na ito. He calmed himself. "the day you're not busy." he tried again. He's fouled. "Busy na ho ako sir sa buong buhay ko. Ako ho kasi si kuracha, ang babaeng walang pahinga." alibi nito. Halata namang ayaw talagang sumama nito sa kanya. Damn! Nauubos na ang pasensya niya. Pangit na ba siya ngayon para tanggihan ng isang average woman na tulad nito? Nakakainis. Himutok niya. "If that's the case baka busy na rin ang Airways kapag mag o ojt ka na." tingnan niya kung makatanggi pa ito. He will do whatever it takes just to get her. What Heaven wants, Heaven gets. That's the time her eyes flew to him. She looks so alarmed and frightened. I got you! Ngising satanas ang isip niya. "Actually may vacant naman po ako, sir." mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Emerald. He grinned devilishly. Naisahan na rin niya. Gusto ni Emerald tanungin ang sarili niya kung may sira ba sa utak o kulang ng isang turnilyo ang Elizares na ito? Para kasi itong baliw mag-isip. Daig pa ang isang spoiled na bata na kapag may gustong makuha dapat makuha at kapag hindi ay biglang ngangawa. Well,at least now she thinks he's not that scary afterall. Tama nga si Eden na hindi naman siya nito rereypin. Tumunog ang celphone niya habang nanahimik siya. Ang kan’yang stepfather ang tumatawag. Bigla niyang nasenyasan si Heaven na wag magsasalita. "H-hello t-tito..."aniya. Naiinis siya bakit kailangan pa naman na i check siya nito pero pinilit niyang itago ang inis. "Nasa’n ka na? Tapos na ba ang event?" Tanong ng gorilyang bigoltilyo ala don romantiko de satanas y yellow pages de pldt. "Opo tito. Pauwi na po kina eden." "Sinong kasama mo?" chismoso talaga kahit kailan. "Sina e-eden at Trina po." pagsisinungaling niya. "Vakit di ko sila marinig?" kapag nainis siya ay bababaan na niya ito ng cellphone. Daig pa nito ang asawa niya kung makatanong. Pasalamat ito dahil may kaunting respeto pa siyang natitira dahil sa pagpapa-aral nito sa kanya na alam niyang may kapalit sa takdang panahon. "T-tulog na ho Tito dito sa van. Napagod kasi sila." napangiwi siya sa sariling kasinungalingan. Hindi siya pinanaganak na sinungaling pero kailangan niya this time. Baka lalong bumusa ang nguso ng gorilya at magmukhang popcorn sa galit kapag nalaman na lalaki ang naghatid sa kanya. Ayaw kasi no’n na may nanliligaw sa kanya. Isang beses may umakyat sa kanya ng ligaw at gustung gusto niya ang lalaki pero pinakitaan ng stepfather niya ng armalite. Wala na, hindi na bumalik ang manliligaw niya. Isang beses naman, ang manliligaw niya naagaw ng stepsister niya. Dinalaw daw siya at wala siya sabi ni Manang. Nang marinig niya ayo'n nagbubuntisan na ang dalawa sa kwarto ni Margaret. "Baka naman kasama mo ang boyfriend mo? At kung saan ka na dinala." sabi pa nito. "Di po tito. Wala naman po akong boyfriend di ba. Wag ka ng mag-alala tito. Okay lang po ako." pwede na siyang sumobra sa langit sa pag aala santa niya. Grabeng galang niya kahit na bwisit na bwisit siya rito. "Sige. Ayaw ko lang na mapariwara ka." sabi pa nito. Ganoon naman palagi ang sinasabi nito. Di lang nito alam na iba na ang iniisip niya sa pagiging over protective nito. Baka gusto pa siyang gawing asawa ng lalaki. Kung makabantay ito sa kanya daig pa ang gwardya sibil ni Duterte sa Malacañang Palace. "Sige po tito. Bye." hooo! Salamat natapos din ang tawag. Kung ang katabi niya iyon ay nakakainis. Di hamak naman na milyun milyong milya ang inis niya sa step father niya kaysa sa kung sinong pilato. Napasimangot siya tapos ay tumingin siya sa rearview ng sasakyan. Nagkatinginan sila ni Heaven. She averted her eyes. "Your dad?" usyoso nito. "Step father ho." malungkot na sagot niya. Pagkatapos kasi ng gabing iyon, balik na naman siya sa dating buhay niya na mala preso sa loob ng mansion ng mga Altameo. Bukod sa mala preso siya, todo nerbyos na naman siya. Baka isang araw ma heart attack na lang siya sa sobrang kaba sa mga lalaking kasama niya. Wala sa loob na napabuntong hininga si Emerald. Bigla niyang nakalimutan ang takot niya kay Heaven. Mas inaalala na naman niya ngayon ang kuya Travis niyang bait baitan na may hidden desire sa kanya. Ewan niya kung bakit ang dami ng tao na naglipana na gano’n ngayon, mga ugaling Satanas. Baka singaw ng lupa na parang mga tungaw. "Why do you have to lie that you're with your friends?" usyoso ulit ni Heaven nang mapansin niya na tila nawala ang saya sa mukha ng dalaga. "Papagalitan ho ako no'n kapag sinabi ko na lalaki ang naghatid sa akin. Noong isang araw pa ho iyon paulit ulit na wag akong makikipag date at ‘wag sasama sa lalaki." wala pa ring sigla na sabi nito. "Why?" "Baka raw mabuntis ako nang wala sa panahon." Tumawa si Heaven "Sabihin mo pwede naman mag condom." Parang madre na nagrorosaryo si Emerald na napaantanda ng krus Dahil sa sinabi niya, kaya parang natawa siya lalo. "Are you sure he's really concerned? Baka naman virginity mo ang ayaw niyang mawala dahil gusto niya sya ang mauna." Hah! Manigas sya! Ako muna ang mauuna! Hindi sumagot si Emerald. Parehas pala sila ng iniisip nito. Gustuhin man niya na sumagot. Hindi siya ang tipo ng babae na gagawing diary ang kausap na buong buhay niya ay ikukwento na rito. Isa pa di siya nagkukwento sa hindi pa niya gaanong kakilala. Kahit pa sabihin na kautlad ni Heaven na sobrang yaman at dapat igalang ang kaharap niya. Dahil haliparot din ito. Hmp! Pag siya mainis pamigay na lang niya kung sakali ang virnity n’ya. Kung hindi lang ba mahirap ipamigay ay di pinamigay na niya, baka sakaling tumigil ng kakapantasya sa kanya ang mga steps niya. Malamang nga talagang ganoon kasi alam ng mga ito na di pa siya nagka boyfriend. "Pag ako mainis pamigay ko na lang ‘yong inaasam niya. Gorilya kasi siya." di na rin niya napigilan ang sariling inis. "Hindi ako tatanggi d’yan." mabilis na sagot nito tapos tumingin sa kanya. Bigla siyang nag blush. Inaay! Interesado pala talaga sa kanya ang lalaki. Ano bang nakita nito sa kanya? Nainlove ba ito sa putul putol niyang kuko na parang nilagari, at sa mga kalyo niya sa daliri sa paa? "I changed my mind." tila mataray na sagot niya tapos ay umiwas ng tingin sa lalaki. Tumawa naman ito. Kumbaga sa sasakyan si Heaven para sa kanya ay hindi lang second hand, pang junk shop na. At kung sa bunga naman ay over ripe na, malapit nang magkaluray luray. Di maiwasan na napangiti siya sa kapilyahan ng isip niya pero naman kahit pang junk shop, sobrang gwapo talaga. At kung di lang ito playboy baka crush na rin niya ito. Ninakawan niya ito ng tingin. Eksaktong binasa nito ng dila ang mga labi na parang dumidila ng ice cream. Napakurap kurap siya. Whoa! Baka kung si Eden at Trina siya ay tumabling sabay kandirit na siya sa kilig. Walang duda na nababaliw dito ang mga kababaihan sa isip isip niya. Talaga palang napakagwapo nitosa malapitan,at bukod sa gwapo ay masyadong mapang-akit ang haliparot. Ang pink pink nitong labi na parang nilagyan ng lipstick ay mai insecure ang kababaihan na parang ipinaglihi sa plum ang labi. Kahit s’ya insecure, kasi hindi rin naman mapula ang labi niya dahil sa kakalipstick araw araw. Unlike this man, who has all the guts naturally. Parang gusto na rin niyang magka crush sa lalaki. Kagat labi siya ngayon. He looked at her. She immediately twisted her head. Pasimple kumamot sa batok niya. Kunwari di niya ito tiningnan. "Nagugwapuhan ka talaga sakin ano?" ngingisi ngisi na naman ang delubyo. Oo! Pero haliparot ka. Isa kang babaeng maria magdalena. Ikaw si mario magdaleno kaya di ako pwedeng magka crush sa iyo kasi dangerous ka. Di siya umimik. Kunwari di niya narinig ang sinabi ni Heaven Javier. Salamat naman sa lahat ng santo at nakarating na sila sa Veverde. Now it's time to say goodbye to the most controvercial businessman in the universe. "Salamat ho sir." sinukbit ni Emerald ang bag at dinampot ang dalawang sapatos. Then she unlocked the seat belt. Kita niya na pamasid masid lang si Heaven sa kanya. Looks like the man was out of energy. Mala battery ito ng cp na nalowbat at malapit nang ma drain. Binuksan na niya ang pinto para bumaba nang hawakan na naman nito ang braso niya. Diyos ko! Nagulat siya. Di pa pala lowbat ang lalaki. Nilingon niya ito. “Will I see you again?" Kilig to the bones sana siya pero hindi. Playboy kasi ito at alam niya na hindi ito titino kahit na kanino. "Sabi niyo sir sa internship ho." Tumango ito. Wala siyang nagawa nang kabigin nito ang ulo niya at napapikit siya ng mariin na halos madurog na ang eye balls niya, sa buong pag-aakala niya na hahalikan na talaga siya nito sa labi pero hinalikan siya nito ay sa tainga sabay bulong. "I'll screw you then, means see you then." then he chuckled Gusto niyang himatayin ng isandaang beses. Walang kaduda duda na nilalandi siya ng lalaki. "Bastos!" sigaw niya dito na ikinatuwa pa ni Heaven. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking tinawag ng bastos ay tuwang tuwa pa na parang gusto pang magpa misa. Kabaliktaran talaga ito ng lahat ng lalaki sa mundo. At sino bang maiinlove rito na wala yatang ibang alam sa mundo kundi mang trip ng babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD