6

2082 Words
Chapter 6 Hindi na dinalaw si Heaven ng antok. Nag-uumapaw sa utak niya ang nangyari halos buong gabi. He's overwhelmed. Masaya siya na ngayon ay mag-ooperate na ang business na pinaghirapan niyang mabuksan kung saan ginawa niya ang lahat para lang hindi masayang ang effort ng pamilya niya roon, na kamuntik ng masira ng kontrobersya niya. Pero maya’t maya ay pumapasok sa isip niya si Sofia Emerald, and her beautiful smile. Kahit bwisit siya roon dahil sa harapang pag papakita sa kanya ng pagka diagusto ay naalala niya, and he wants her now. "Ano bang meron sa’yong bwisit na babae ka at parang mabaliw baliw na ako makuha ka lang?" inis na kausap niya sa sarili habang palakad lakad siya sa loob ng kwarto niya. Talagang mababaliw sya yata. Hindi naman siya manyak. Pero bakit ngayon parang init na init sya? He's starting imagining things about her. He wants to taste her from the start, pero di umubra ang pagka playboy niya sa dalaga. Halos lantaran na siyang nagpapakita ng motibo ay wala man lang iyon ni katiting na interes sa kanya. "The hell! Kala mo naman kung sinong kagandahan, average woman lang naman!" naiinis pa rin na kausap niya sa kan’yang sarili. That's the problem. He never tried in his damn whole life to show interest on a woman and get disappointed. Gano’n pala ang pakiramdam ng lalaking tanggihan ng isang babae na simpleng pagkape na nga lang ay tinanggihan pa siya. As if naman nagkakape siya. Di siya umiinom ng kape naman talaga. Mas mabuti pang uminom siya ng tubig kaysa sa kape. Nagkaka insomnia kasi siya kapag lumalaklak siya ng kape. Pero palusot na nga lang sana iyon para maisama ang dalaga pero matigas pa yata ang katawan at paninindigan niyon sa estatwa sa University of the Philippines, na nakadipa at nakahubad habang nakatingala sa kalangitan, that UP Oblation. O baka naman kapag nakisali siya sa oblation run na iyon kung saan makikihubo at hubad siya, saka lang iyon sumama sa kanya, kapag nakita niyon ang kan’yang ipinagmamalaki. Pero di iyon makukuha doon lang. Alam niya iyon. Halata niya saa ugali ni Emerald na hindi iyon tulad ng mga babae wala pa siyang sinasabi ay nakabukaka na. Sumasakit ang ulo niya. He shouldn't be paying attention to her rejections anymore but he's really disgusted. The nerve! Hindi tulad ni Emerald ang basta tatanggi sa kanya! "Once I get you I'm gonna make love to you and leave you begging for more!" kulang na lang sumigaw siya sa inis. Pero tama ba ang term na make love sa gusto niya? There's no love involve so how come he called it that way? Bumukas ang pinto niya. Sumilip doon ang ulo ng kuya Santi niya. "It's late and still I hear you talking to yourself. I think your going crazy bro. What is it all about this time?" Tuluyan itong pumasok. Halatang nagising. Ganoon ba kalakas ang boses niya para marinig siya nito sa kabilang kwarto kahit ang kapal kapal ng pader na nag di devide sa kwarto nila? He stood still and stared at his brother. Kilala niya ito. Pagtatawanan siya kapag sinabi niya na ang ipinagpuputok ng butsi niya ay isang babae. Tiyak iyon. Baka di lang siya pagtawanan, kakantyawan pa siya. But in the end he chose to. "Naiinis lang ako dun sa b-babaeng nag assist sakin." nag isang linya ang mga kilay niya. Umarko ang kilay ni Santi. "Babae ang ipinagpuputok ng p*********i mo? Prank ba ‘yan?" Pumameywang siya. Nag ala modelo na naman. "No. Kung makaiwas kasi kala mo naman mala dyosa ang kagandahan, eh hindi naman." "So, anong ikinagagalit mo?" di pa rin makuha ni Santi ang punto niya. "hindi ako papayag na katulad niya ang magda dump sakin kuya, babawian ko s’ya. I have to make her fall for me then I'll leave her crying and let her beg me to stay." Napamaang ito sa kanya. "I think you do need a Psychiatrist. Hindi na normal ang takbo ng pag-iisip mo, bro." "Hindi ako baliw kuya." nabubugnot na sabi niya. "So ano lang? Naapakan ang pride ng isang playboy in heaven that's why you're acting strange right now? Nasanay ka kasi na hinahabol habol ka ng babae and seeing them drool like wild dogs made your ego grew big like a f*****g tornado." Hindi siya umimik pero mukhang tama ang kuya niya. Mukhang nawalan na siya ng control sa sarili niya at nasanay siya na nasa tuktok ng isang bundok habang ang mga kababaihan ay nasa paanan at naghihintay para bumaba siya. And now what? That tourism student hit his head that's why he rolled over from the top going down? Well at least may plano pa siya para makabawi sa babaeng ‘yon. Hindi pwedeng maging talunan ang isang katulad niya. Baliw na kung baliw sya. Wala siyang pakialam. "I'll get her as soon as I can." matigas na sabi niya. "And if not? Baka naman next time ang kasong kaharapin mo na ay r**e?" tawa ng kuya Santi niya. Nadagdagan ang gatla sa noo niya. "of course not. Maraming paraan para makuha ko sya and I'll make her pay." Umiling si Santi sa kanya ang grinned. "well then good luck to you, Mr. Playboy. Looks like your karma has gotten your way, smashing your eggs and eggplant like it never existed." asar nito sa kanya tapos tumawa pa. "You're not being funny kuya! Leave me alone." galit na asik niya sa kapatid. Hindi na nga nakakatulong, iniinis pa siya lalo. "Good luck to your plan Mr. Playboy in heaven. Looks like that woman is dragging you in hell and I'm loving it." kasunod ay ang malakas na tawa na parang nakakainsulto nang lalo sa kanya. Yes. Dragging me in hell because I'm feeling so hot right now and i have to release it. f**k s**t! Nagmadali siyang magsuot ng pantalon. Pupunta siya sa bar ng kaibigan para doon magpalipas ng inis at magpalipas na rin sa isang babaeng lalapit at magpapaalala sa kanya na hindi siya pangit at malakas pa rin ang kan’yang s*x appeal. Kailangang matanggal sa utak niya ang babaeng iyon dahil darating ang araw na iyon ang hahabol sa kanya, and he will make her life miserable. Kung mas magulo pa sa buhulbuhol na sinulid ang utak ni Heaven at hindi makatulog, kabaligtaran siya ni Emerald na pati puwit ay humihilik. Sarap na sarap sa pagtulog kahit mukhang almeres ang mga paa. Libtok dito, libtok doon. Mukhang libtok na tinubuan ng paa ang paa niya. Nagmulat siya ng mata ay ang dalawang baliw na kaibigan ang namulatan niya. Para itong mga anatomist na kung anu anong dinuduklit sa katawan niya. "Hoy! Ano bang tinitingnan niyo sakin?" Napaupo siya sa kama at ibinaba ang laylayan ng blouse na suot. Tinaas kasi iyon ng dalawa na parang may kukunin na garapata sa balat niya. Ngumisi si Eden. "tinitingnan namin kung may kiss mark ka." Nangunot ang noo niya. "Anong kiss mark? Bakit ako magkaka kiss mark? Libtok, meron ako!" nabubwisit na sabi niya. Natutulog pa siya ay inistorbo na kaagad siya. "Di ba hinatid ka ni Mr. Playboy? Saan ka niya dinala bago ka hinatid dito?" parang hito na kkiwal kiwal si Eden sa kilig. Mukha itong isda ini-epilepsy. "Sinala ka ba sa heaven?" Nakiusyoso rin naman si Trina. Isa pang parang tanga. Oh lord! Bakit naman siya nagkaroon ng mga kaibigan na ganito? Mas baliw pa yata ang mga ito sa Elizares na iyon. "Anong heaven-heaven kayo d’yan?! Tingin niyo talaga uubra sa akin ang Crush niyong playboy na ‘yon na parang nalaglagan ng turnilyo sa utak?" Parang nadismaya si Eden. "Ay, walang intimate moment?" "Sayang." hirit pa naman ni Trina na para bang sa pakiwari niya ay kasalanan niyang malaki sa mundo ang hindi magkaroon ng intimate, intimate moment sa barakuda na iyon. Kawalan ba talaga ng isang babae ang hindi mapadaan sa kamay ng Heaven Javier na iyon? "Eh ano namang pinagmumukmok niyo? Buti nga ‘yon na preserved ang virginity ko." sabay irap niya sa dalawa. Palibhasa kasi parehas ng hindi mga birhen ang mga ito. But it's not a big deal for her. Kaibigan niya ang mga ito kaya kahit anong pinaggagawa ng mga ito ay nakaalalay lang siya. Payo rito, payo roon. Kapag nagpapabebe kasi iniiwan ng mga boyfriend, siya ang taga alo. "At kanino naman naka preserve? Sa hudiyo mong step dad and brother?" Napatahimik siya. Oo nga. Tiyak kasi na kapag nasalisihan siya nga siya ng mag-amang balasubas ay talo na sya, pandidirihan pa niya ang sarili niya. Haka-haka lang naman niya iyon pero mas mabuti na rin na mag-ingat siya nang husto. Napayuko si Emerald. Tama si Eden. Pero anong magagawa niya? Wala pa siyang boyfriend na pwedeng pakasalan. Nag-aaral pa siya at doon siya iniwan ng namatay niyang Mama. Saka para sa kanya hindi naman iyon basta boyfriend na niya ay bibigay na siya kaagad. Mahal niya ang sarili niya at gusto niya na irespeto siya ng lalaki. Iyon na nga lang pwede niyang ipagmalaki sa mapapangasawa niya, aalisin pa ba niya? Sabihin man na makaluma siya ay ano naman? "Uy." sikwil ni Trina sa kanya nang manahimik sya. "Sorry." sabi ni Eden. Bumuntong hininga siya. "Tama naman kayo. Ano nga bang pinaglalaanan ko?" Sana nga binigay na lang niya kay Heaven Elizares, gwapo na, mabango pa, mayaman pa. Kung ganoon nga lang sana kadali, pero hindi. "Sana di ka naoffend." ani Trina. Umiling siya. "Sus! Parang di niyo naman ako kilala. Kayo na nga lang ang meron ako pati ba sa inyo magagalit pa rin ako?" Tiningnan niya ang mga ito. "Nalungkot lang ako kasi uuwi na naman ako maya-maya. Tago to the max na naman ako." Nagkibit balikat si Trina. "Well, sanay ka na namang tumago kaya for sure keribels mo na yan. All your life natatakbuhan mo naman sila. Saka nando’n naman si Manang. May sasaklolo naman sa’yo kung sakali. At nasa emergency calls naman kaming dalawa ni Eden." Ngumiti siya. Hanggang kelan pa nga ba niya kaya? Nagtitiis lang naman siya para sa pag-aaral niya. Kasi gusto niyang magkaroon ng magandang buhay, hindi sya kundi ang mga magiging anak niya. Ayaw niyang matulad sa kanya. "Pa-hug na nga!" sabi niya sa mga ito. Uuwi na naman siya. Ibang personalidad na naman ang magiging siya. Di tulad nang kapag nasa labas siya sa hawla ng mga Altameo na malaya siya at masayahin, lumalabas ang pagiging bata niya na hindi niya naranasan kailanman. Ang akala lang siguro ng Elizares na iyon ay tulad siya ng mga babae no'n na happy go lucky and easy to get. Di niyon alam na marami siyang pinagdadaanan sa buhay at bakit kailangan pang dagdagan ng lalaki ang takot niya, at bastusin pa siya nang harap harapan? Sadya ba talagang ganoon ang mga tao sa mundo? Kapag di makuntento sa sarili nila ay maghahanap pa ng ibang tao na idadamay sa lahat? Maghahanap ng tao na pwedeng paglaruan at pagkatapos iiwan na luhaan? Tulad ng Mama niya na iniwan rin siya? Iniwan siya sa mga tao na hindi mapagkakatiwalaan. Minsan nasasabi na niya na madaya ang Mama niya. Patay na iyon at tahimik na. Hindi na iyon makakaranas ng hirap sa mundo, hindi tulad niya na di na alam kung saan isisiksik ang sarili para makaahon na sa lahat ng hirap niya. Hirap na mabuhay sa pangamba na dulot ng mga taong nakapalibot sa kanya. Na kahit wala sa kanya ang problema ay di maalis na mamomroblema rin siya dahil mismong siya ang napagti tripan. Mabuti ang mga iyon mayayaman na, hindi tulad niya na maraming iniingatan dahil iyon lang ang meron siya. "Bababa na ako." Malungkot na paalam niya kay Trina nang ihatid siya ng van nito. Parehas silang nag sleep over sa condo nina Eden at nagpasundo na lang si Trina sa driver ng mga ito kaya isinabay na rin siya. Niyakap siya ng kaibigan. "Wag ka ng malungkot. Araw araw ka naman papasok, lagi ka rin aalis d’yan sa mansyon niyo." "Nila. Mansion nila." niyakap rin niya ito. Her friends are the two least people who give her comfort everytime she feels so down and sometimes she feels like giving up. Na sana nga kahit sabado at linggo may pasok na lang para lagi siyang wala sa bahay na ni minsan di niya naramdaman na safe siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD