"Grocery store ito diba pero bakit may kriminal?" Napayuko ako ng marinig ko ang sinabi ng ginang sa likuran ko. Malakas ang pag kakasabi nito kaya lahat ng tao doon ay nakatingin sa pwesto namin.
"Sinong kriminal?" Mabilis na nilingon ni mama ang babae na hindi ko na nagawang pang pigilan. Nag simula ng magbulugan ang mga tao sa paligid.
"Ma, hayaan mo na sya." Bulong ko dito pero para itong walang narinig at patuloy na tinapunan ng masamang tingin ang babae. Iginala ko naman ang mata ko at hinanap si manang Remy, ng makita ko ito ay kinawayan ko ito na lumapit sa pwesto namin.
"Sino pa ba? Edi yang anak mo!" Malakas na sigaw ng babae na lalo pang kinagalit ni mama. Buti nalang ay dumating na si manang remy.
"Ma, ako na ang bahala dito." pigil ko kay mama ng tangka pa itong makikipag bangayan sa babae.
"Sige na manang, sa kotse nyo nalang po ako hintayin. Painomin nyo po ng tubig si mama." Bilin ko pa dito. Nakahinga ako ng malaluwag ng makalabas ng Grocery ang dalawa. Bumaling naman ako sa babae at nginitian ito.
"Pasensya na po, lilipat nalang po ako ng counter" May pag galang ng wika ko dito, wala na akong nakuha pang sagot mula dito kaya hinila ko na ang cart ko na puno ng mga pinamili namin. Mahirap na itong hilahin dahil sa bigat mabuti nalang ay may nag assess saking staff.
"Doktora pasensya na po kayo sa nanyari naereport ko na naman po sa office." May kirot akong naramdaman ng tawagin ako nito sa posisyon ko dati.
"Nako. Molina nalang po." Pag tatama ko sa pag tawag nito sakin. Lahat ng madaanan naming tao ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, pero hindi ko na silang pinag aksiyahan pa na bigyang pansin.
Dinala ako nito sa counter na walang pila. Kaya naging madali ang pag babayad ko. Ito na din ang nag hatid sakin sa parking lot.
"Salamat" Akmang aabutan ko ito ng tip ng mabilis ito tumangi.
"Naku wag na po, malaki po ang utang na loob ko at ng pamilya ko sayo. Ang pag bubuhat ng mga minamili mo ay hindi magiging sapat para mabayaran ka" Para namang kinurot ang puso ko sa sinabi nito. Hindi ko matandaan kong saan at paano ko ito natulugan kaya tiningnan ko ito ng may pag tataka.
"Marahil hindi nyo na po ako matandaan. Tatay po ako ni jushua yung batang lalaki na naabutan nyo sa labas ng ospital dahil pinalabas na kami kahit nasa kritikal pang kondesyon ang anak ko dahil sa wala na kaming pang bayad sa hospital bill. Nagalit po kayo sa buong staff ng hospital dahil sa pag papalabas sa amin. Kayo na din po ang sumagot nun sa kailangan ng anak ko. Kaya hindi po akong magsasawang mag pasalamat sa inyo. Doktora. " - Naluluhang kwento nito sa akin na nag paramdam sakin ng kirot sa puso. Ngumiti ako dito at tinapik ang balikad ito.
"Wag mo ng isipin yun. Wala kang utang ng loob sakin, ang gusto ko ngayon mag ingat kayo ng buong pamilya mo at manatiling ligtas. Mauna na ako" Palaam ko dito. Ngumiti ito sakin ng pag kalaki laki. Masaya ako na sakabila ng mga nanyari noon ay may natitira paring nakakaalala na may ginawa din akong mabuti.
Pag ka pasok ko ng kotse ay ang mausisang mukha ni mama ang bumungad sakin. Bibuhay ko muna ang makina ng sasakyan bago nakinig sa sermon nito.
"Anak, kung hinayaan mo sana ako kanina edi sana nakatikim ng suntok ang babae na yun" - Pag yayabang pa nito na kinangiti ko.
"Apaka galing ko kayang manuntok diba remy?" bumaling ito kay manang remy para humingin ng pag sang ayon.
"Ma, sa susunod wag ka na ulit sasama pag mag grocery. Alam mo naman ma na bawal kang napapagod at na isstress diba" Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
"Pero anak ayoko lang naman na...." - hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito.
"Ma, hindi natin kailangan laging sumagot sa sinasabi ng iba. Hayaan nalang natin para iwas g**o hayaan nalang natin na mag sawa sila" - Hindi nalang ako pinansin ni mama at tinuon nalang sa labas ng bintana ang pansin. Kaya ayoko na mag kasama kaming lalabas ni mama dahil palaging ganito ang nanyayari, umuuwi kaming may samaan ng loob.
Nang marating na namin ang aming tahanan ay pinag buksan kami ng gate manong melvin. At ang matapang na ekpresyon ni ate anne ang sumalubong samin.
"Ano na naman bang nanyari?!" agad nitong nilapitan si mama at tumingin sakin. Panigurado na naireport na agad ni Manang remy kay ate Anne ang nanyari.
"Gaya ng dati" Maiksing sagot ko dito.
"Sabi ko naman kasi sa inyo, wag na kayong labas ng labas ng bahay! Lalo kana molina, sinama mo pa talaga si mama! Paano kong may nanyari kay mama, malilintikan ka talaga sakin" - wika ni ate na nagpayuko sakin. Mabilis naman sinuway ito ni mama.
"Pasensya na" - Pag hingi ko ng paumanhin dito. At sinimulan ng ilabas sa sasakyan ang mga pinamili.
" Anjan naman si manang Remy, sya na ang bahala, nag mamagaling ka na naman kasi!" malakas na wika pa nito bago inalalayan si mama pumasok sa bahay. Napangiti naman ako ng mapakla.
"Manang tara na. Tulungan mo akong mag luto" Masigla namang pag baling ko ay manang at hindi na pinasin pa ang sinabi ni ate. Sa tagal ay unti unti na akong nasanay sa pag trato nito sa akin.