" Okay ka lang ba?" - Mahinang tanong ko sa taong kaharap ko ngayon. Masusing pinag masdan ko ang itsura nito.
Naka suot ito ng isang maluwag na bestida na umabot hanggang kalahati ng hita.Hindi naka ayus ang mahaba nitong itim na buhok na wari mo'y ilang araw na hindi nadadampian ng suklay.
Wala na din sa ayus ang dalawa nitong kilay, maputla at nakaimpis ang mga labi nito, bahagyang naka kunot ang baba nito dahil sa pag hikbi. Pansin mo din sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nararamdaman, patuloy ang pag agos ng luha nito na parang hindi napapagod sa pag iyak.
Nadako naman ang tingin ko sa braso nitong inaagusan ng pulang likido.
"Tama lang na hindi ka pinili ni Conrad!" - Sigaw ko
"Mahina ka kasi!" - Bulyaw ko pa at malakas na inihampas ko ang vase na hawak ko sa salamin na nasa harapan ko sanhi para mabasag ito. Nadako ang tingin ko sa mga papel at litrato sa ibabaw ng kama na nag pangiti sakin ng mapait.
"Sikat na doctora inakusang pumatay" - Umiling ako ng mabasa ko ang headlines ng dyaryo.
"Hindi ako pumayag. Hindi" - Mahina at ulit ulit kong sambit habang umiiling ang ulo. Nilapitan ko ang dyaryo at pinag punit punit. Nadako naman ang tingin ko sa litrato namin ni conrad nung araw na inalok nya akong maging girlfriend na nag pangiti sakin ng mapakla.
"Ginawa ko lahat, pina ikot ko ang mundo ko sayo! Binigay ko lahat sayo, wala na akong tinira sa sarili ko pero bakit kulang parin? Bakit di mo parin ako nagawang mahalin?" Nanlalambot na ang tuhod ko dahil sa pag iyak, kaya natumba ako at bumagsak sa basag na salamin, na nag paramdaman natin ng haptid.
Pero di pa dun na tatapos dahil kasama sa pag bagsak ko ang pag pag bagsak din ng family Picture namin ng pamilya ko. Wala paring tigil ang pag agos ng luha ko.
"Pasensya na kayo. Hindi nyo na ako maipag malaki. Pasensya na kayo dahil sakin nadudungisan ang pangalan nyo. Sorry"