EPILOGE

493 Words
" Okay ka lang ba?" - Mahinang tanong ko sa taong kaharap ko ngayon. Masusing pinag masdan ko ang itsura nito. Naka suot ito ng isang maluwag na bestida na umabot hanggang kalahati ng hita.Hindi naka ayus ang mahaba nitong itim na buhok na wari mo'y ilang araw na hindi nadadampian ng suklay. Wala na din sa ayus ang dalawa nitong kilay, maputla at nakaimpis ang mga labi nito, bahagyang naka kunot ang baba nito dahil sa pag hikbi. Pansin mo din sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nararamdaman, patuloy ang pag agos ng luha nito na parang hindi napapagod sa pag iyak. Nadako naman ang tingin ko sa braso nitong inaagusan ng pulang likido. "Tama lang na hindi ka pinili ni Conrad!" - Sigaw ko "Mahina ka kasi!" - Bulyaw ko pa at malakas na inihampas ko ang vase na hawak ko sa salamin na nasa harapan ko sanhi para mabasag ito. Nadako ang tingin ko sa mga papel at litrato sa ibabaw ng kama na nag pangiti sakin ng mapait. "Sikat na doctora inakusang pumatay" - Umiling ako ng mabasa ko ang headlines ng dyaryo. "Hindi ako pumayag. Hindi" - Mahina at ulit ulit kong sambit habang umiiling ang ulo. Nilapitan ko ang dyaryo at pinag punit punit. Nadako naman ang tingin ko sa litrato namin ni conrad nung araw na inalok nya akong maging girlfriend na nag pangiti sakin ng mapakla. "Ginawa ko lahat, pina ikot ko ang mundo ko sayo! Binigay ko lahat sayo, wala na akong tinira sa sarili ko pero bakit kulang parin? Bakit di mo parin ako nagawang mahalin?" Nanlalambot na ang tuhod ko dahil sa pag iyak, kaya natumba ako at bumagsak sa basag na salamin, na nag paramdaman natin ng haptid. Pero di pa dun na tatapos dahil kasama sa pag bagsak ko ang pag pag bagsak din ng family Picture namin ng pamilya ko. Wala paring tigil ang pag agos ng luha ko. "Pasensya na kayo. Hindi nyo na ako maipag malaki. Pasensya na kayo dahil sakin nadudungisan ang pangalan nyo. Sorry" Nakakaramdaman na ako nag pag hihilo marahil dahil sa mga sugat na natamo at sa pag iyak. Kaya kahit na hihirapan ay pinilit kong makatayo at makalapit sa kulay puting bote sa ibabaw ng kama. "Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Pagod na ako, gusto ko na mag pahinga" - mahina pero sobrang sakit na salitang binitawan ko habang malakas na pag suntok ko sa sarili kong dibdib. Ayaw ko na makaramdam ng sakit. Pagod na ako. "Please ayoko ko na."- agad kong binuksan ang bote at diretsong ininom ang mga tabletas. Inihiga ko ang katawan ko sa malambot na kama at hinintay ang sandaling hindi na ako makakaramdaman ng sakit.  "Molina" - Pero bago pa akong tuluyang kainin ng dilim ay narinig ko pa ang patawag sa pangalan ko. "owen sorry" Huling salitang binitawan ko bago ako dalhin ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD