Chapter 5

1622 Words
Alistair Point of view “Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko. “Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor. “Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room. Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano ko na gawin ang aking trabaho sa ancestral house ng mga Hernandez upang makasama ko si Thalia. Nang sumagi sa aking isipan ang mukha ng dalaga ay bigla akong napangiti, nagmukha tuloy akong isang teenager na labis na umiibig sa kanyang crush. Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa alapaap sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang maganda at inosenti nitong mukha. Siya na ang pinakamagandang babae na nasilayan ko sa buong buhay ko, at mas pabor sa akin ng itinago ito ng kanyang mga magulang. Sa ganda ni Thalia kahit na sinong lalaki ay siguradong pagnanasaan ito, napaka delikado talaga para sa dalaga ang maexpose sa publiko lalo na at may kapansanan ito. Pagkarating sa aking opisina ay mabilis na inayos ang aking mga gamit, nasasabik na ako na muling makita ang dalaga. Nahinto ako sa aking ginagawa ng tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon, mabilis ko itong dinukot at sinagot ang tawag. “Yes, Mama?” Bungad ko sa tumawag ng makita ko sa screen ng cellphone ang pangalan ng aking Ina. “Iho, Kailangan mong pumunta ng hospital, dahil nadisgrasya si Melissa, bukas pa darating ang mga magulang niya, kaya pakiusap ikaw na muna ang mag-asikaso sa pinsan mo.” Pakiusap ng aking Ina, bigla ang dagsa ng matinding pag-aalala para sa aking pinsan na si Melissa kaya mabilis na ibinaba ang aking mga gamit sa ibabaw ng lamesa at kaagad na lumabas ng aking opisina. Si Melissa ay ang nakababata kong pinsan, matanda lang ako sa kanya ng isang taon at para na kaming magkapatid. Isang taon pa lamang ang lumipas nang ikasal ito sa anak ng kaibigan ng kanyang mga magulang. Tulad ko ay biktima din si Melissa ng isang arranged marriage, kaya hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang pagsasama dahil hindi sila magkasundo ng lalaking pinakasalan nito. Ngayong nakilala ko si Thalia ay hindi ako papayag na makasal kay Ashley dahil tanging si Thalia lang ang nais kong pakasalan. Oo, simula ng makilala ko ang dalaga ay labis na akong humanga sa kanya at nahulog na ang loob ko sa kanya. Sa isang araw na nakasama ko ito ay napagtanto ko na hindi lahat ng mga babae manloloko na tulad ng ginawa sa akin ng ex-girlfriend ko. Minsan lang ako nagmahal at ibinigay ko sa kanya ang lahat, ngunit natuklasan ko na may kinakasama pala ito at halos ako na pala ang bumubuhay sa kanila ng lalaki nito. Nang matuklasan ko na pineperahan lang pala ako ng babaeng iyon ay muntik na akong makapatay. Mula noon ay naging aral na sa akin ang mga nangyari, kaya sagad sa buto ang galit ko sa mga babaeng mukhang pera. Nabalik ako sa reyalidad ng nasa tapat na ako ng kwarto na inuukupa ni Melissa, kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay bumungad sa akin ang pinsan kong nakaupo sa kama. Nakasandal ito sa headboard habang nakatulala sa kawalan halatang malalim ang iniisip nito. Naka bandage ang kaliwang braso nito at kapansin-pansin ang malaking pasâ sa kan’yang balikat. “What happened Melissa?” Nag-aalala kong tanong sa kanya habang naglalakad palapit sa kama nito. “Huh? Ikaw pala Alistair, pasensya na hindi ko kaagad napansin ang presensya mo.” Pabigla niyang sambit halatang nagulat siya sa pagsulpot ko sa kanyang tabi. Isang tipid na ngiti ang lumitaw sa namumutla niyang mga labi. Nahabag ako sa aking pinsan na itinuring ko na ring kaibigan. Napakalayo na ng hitsura nito sa dating maganda at masayahing si Melissa dahil ang nasa harapan ko ngayon ay isang matamlay at walang buhay na babae. “Nahulog ako sa hagdan, medyo mataas din ang binagsakan ko kaya nawalan ako ng malay at ang kanang braso ko ang napinsala.” Paliwanag niya sa akin sa mahinhin nitong tinig. “Nasaan ang magaling mong asawa? Talaga bang wala man lang siyang malasakit sayo? kahit bilang isang ina ng kanyang anak?” Seryoso kong tanong na siyang kinatahimik nito, lumipat ang mga mata niya sa sahig at ilang segundo ang lumipas na nanatili siya sa ganoong posisyon. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago lumapit sa kanya, kinabig ko ang ulo nito sa aking dibdib at kalaunan ay hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Dahil bigla itong humagulgol ng iyak kaya binalot ng matinding awa ang puso ko dahil sa sinapit nito. Marahan kong hinaplos ang maikli niyang buhok pati ang kanyang likod, sa ganitong paraan man lang ay maipadama ko sa kanya ang buong suporta ko. “Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maisalba ang pamilya ko, pero wala, eh, tuluyan na kaming naghiwalay ni Arthur. At ang masaklap ay mahal ko na ang asawa ko. Anong gagawin ko ngayon Alistair?” Umiiyak niyang tanong sa akin na tila nawawalan na ng pag-asa. Bigla akong natahimik dahil maging ako ay hindi alam kung ano ang maaari kong sasabihin sa kanya. Hindi ko rin naman masisisi ang asawa nito dahil batid ng lahat na ito ang kauna-unahang tumutol sa kanilang kasal dahil sa nobya nito. Ngunit hindi gusto ng pamilya ng lalaki ang kanyang nobya kaya sapilitan nilang ipinakasal ang anak sa aking pinsan. Wala namang lakas ng loob si Melissa na tutulan ang desisyon ng kanyang mga magulang kaya tahimik niyang sinunod ang nais ng kanyang mga magulang. “Sshhh... calm down, don’t worry magiging maayos din ang lahat.” Pang-aalo ko sa kanya na sinisikap na pakalmahin ito. Imbes na tumahan ay lalong lumakas ang kanyang iyak habang panay ang iling ng ulo nito. Nagtataka na inilayo ko siya sa aking katawan bago nagtatanong tumitig sa mukha nito. “B-buntis ako at isa’t kalahating buwan na ang nasa sinapupunan ko,” humihikbi niyang wika bago pinunasan ang kanyang mga luha, mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay. Ang walanghiyang lalaki na ‘yun! Kung hindi niya mahal ang pinsan ko dapat ay hindi na lang niya binuntis. Parang gusto kong patayin ang asawa nito sa bugbog. “Don’t worry gagawa ako ng paraan para matulungan kita sa problema mo.” Naninigurado kong wika habang inaayos ang magulo niyang buhok. Tanging si Melissa lang ang malapit sa akin, siya lang din ang nakakaalam ng totoo kong ugali. Sa estado kasi ng aming pamumuhay ay mahirap magtiwala sa iba, marami na rin kasi ang nagtraydor sa pamilya namin ng dahil sa pera at sa kasalukyang posisyon ko sa kumpanya. Bukod pa doon ay makailang ulit na may nagtangkang pikutin ako para lang makaambon sa yaman ng aking pamilya. Kaya hindi ako basta lumalapit sa mga babae dahil alam ko na tanging yaman ko lang ang pakay ng mga ito sa akin at hindi ako. Saglit ko munang iniwan si Melissa at lumabas ng kwarto nito upang tawagan ang kanyang asawa. Makailang beses ko itong tinawagan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sinubukan ko ring tawagan ang mga magulang nito at tanging ang katulong lang ang sumagot, at ayon dito ay nasa labas ng bansa ang mga amô nito. “Sinusubukan talaga ng lalaking ito ang pasensya ko.” Ani ko sa aking isipan, minsan ko na siyang binalaan na huwag lang ma agrabyado ang pinsan ko ay talagang makikialam ako sa kanila. Sunod kong tinawagan ang aking Secretary na kaagad naman itong sumagot. “Good morning, Sir.” Narinig kong bungad nito. “Stop all projects in the Forbis family and inform them, that I want to pull out all my share's in their company .” Matigas kong utos sa kanya. “SIR?” Hindi makapaniwala na naibulalas ng aking Sekretarya, marahil ay labis itong nagulat sa naging desisyon ko dahil ang kumpanya ko ang number one na supplier ng kanilang mga negosyo kaya sigurado ako na malaking problema ang haharapin ng pamilyang Forbis. “Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?” Bulyaw ko sa aking Sekretarya. “R-right away, Sir!” Mabilis na sagot niya sa akin halatang nasindak ito sa pagtaas ng boses ko. Sa totoo lang ay ika-limang Sekretarya ko na ito dahil madalas akong magsisante ng mga empleyado lalo na kapag tatanga-tanga. Isang matalim na ngiti ang sumilay sa bibig ko dahil sigurado ako na mamaya lang ay ang pamilyang Forbis mismo ang haharap sa akin. Isinilid ko na sa bulsa ang aking cellphone bago bumalik sa loob ng kwarto ni Melissa. Kailangan ko munang damayan ito dahil sigurado ako na labis itong nasasaktan emotionally. Natigilan ako ng maalala ko si Thalia, dahil nangako ako sa kanya na babalik ngayong araw saka ko na lang siguro iisipin kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD