bc

Love Between The Words

book_age18+
333
FOLLOW
2.3K
READ
billionaire
HE
age gap
fated
arrogant
heir/heiress
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?

chap-preview
Free preview
Chapter one
Thalia’s Point of view “ta·ká·tak. png...” (Tunog ng makinilya). Mula sa mapanglaw na dilim Puso ko’y nangangapa Tanging sa simoy ng hangin, umaasa itong abang lingkod. Tila buhay ko’y nawawalan ng pag-asa Mundo ko’y umiikot sa apat na sulok ng silid Tanging karamay, isang munting makinilya Kaulayaw sa kalungkutan, Itong aking munting Talento. Sa mundo ng mga tula, kalungkuta’y napapawi Tanging pangarap ay masilayan ang mundo Ngunit sadyang ipinagkait sa kaawa-awang nilalang “Saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri mula sa makinilya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Ang amo’y na iyon, hindi pa man siya nagsasalita ay kilala ko na kung sino ang pumasok sa aking silid. “Ipagpaumanhin mo Señor ngunit hindi yata’t, nahuli ka sa pagbisita mo sa akin?” Anya sa aking bisita habang nakataas ang kaliwang kilay na wari mo’y nagtataray ngunit ang mga ngiti sa labi ay hindi nawawala. Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang ng isang hakbang pakaliwa, sunod ay tatlong hakbang pauna, pumihit ako paharap sa kaliwang direksyon at sinimulan ang sampung hakbang tungo sa direksyon ng pintuan. Huminto ako sa mismong harapan ng taong ngayon ay may kalahating hakbang ang layo mula sa akin. Umangat ang aking mga kamay at mula sa ulo nito ay nagsimulang kumapa ang aking mga palad. “Mula sa manipis na buhok, malapad na noo Mga kilay na di masyadong makapal Ilong na matangos at pisnging matambok Sadyang pinagpala, sapagkat ako’y nabiyayaan ng isang amang walang kasing gwapo.” Nakangiti kong pahayag habang kinakapa isa-isa ang lahat ng nabanggit. Sa isang iglap ang kwarto ko ay napuno ng halakhak kasunod ang nanggigigil na halik na lumapat sa aking noo bago ako niyakap ng mahigpit ng aking Ama. “Oh, anak ko, labis mo akong pinapasaya dahil sa iyong pagiging makata.” Narinig kong pahayag nito na tila kay laki ng naging impluwensya ko sa kanya sapagkat maging ito ay nagagaya ang tono ng aking pagbigkas. “Puso ko’y nagagalak na muling marinig ang iyong halakhak sapagkat pinapawing lubos ang lahat ng kalungkutan. Di yata’t Papa ika’y may nakalimutan? Sayang ang pagiging gwapo naten kung ang ating utak ay pumupurol dala ng katandaan.” Nang-aasar kong wika na sinundan ng isang mabining pagtawa. “Hahaha, Sweetheart of course not, bakit ko naman makakalimutan ang kaarawan ng aming Prinsesa.” Nakangiting sagot ng aking Ama. “Happy birthday, mahal ko.” Narinig kong bati sa akin ni Mama kaya lalong lumapad ang aking mga ngiti. Mula sa harapan ay naramdaman ko ang mainit na simoy ng hangin kaya alam ko na nasa tapat ng aking mukha ang kandila. Pumikit ako upang humiling bago hinipan ang kandila. Ako si Thalia Hernandez ang bunsong anak ni Cong. Hector Hernandez at ni Esperanza Hernandez. Walang nakakaalam na may isa pang anak ang congressman ng Santa Lourdes. Tanging si Ate Ashley lang ang kilalang anak ng mga ito, nauunawaan ko ang aking mga magulang kung bakit kailangan nila akong itago sa publiko. Sadyang magulo ang pulitika at ito ang naisip nilang paraan upang ako ay protektahan mula sa mga kalaban nila sa pulitika. Ngayong araw ang ika-labing siyam ng aking kaarawan, at nineteen years na akong nakakulong sa loob ng aking silid. Ayon kay mama ay isinilang naman akong normal ngunit sa pagtunton ko ng ikalimang buwan ay saka lang natuklasan na ako pala ay bulag. Matagal na panahon na rin kaming naghihintay na makahanap ng donor ngunit sa tuwina ay lagi kaming bigo. Naramdaman ko ang braso ni Papa na pumulupot sa baywang ko at inalalayan ako nito tungo sa lamesa. Sadyang matalas ang aking pakiramdam, maging ang aking pang-amoy dahil hindi rin nakaligtas sa aking pakiramdam ang presensya ng Yaya Lani ko kahit na hindi ito nagsasalita. “Yaya, maaari mo bang tawagin ang iba upang ating pagsaluhan ang munting biyaya sa lamesa.” Magalang kong utos at dinig ko ang mga yabag niya patungo sa pintuan. Hindi na iba sa akin sina yaya Lani at ang dalawa pa nitong kapatid na siyang nag-aalaga sa akin sa loob ng labing siyam na taon. Ang dalawa sa kanila ay nanatiling dalaga habang ang isa ay may sariling pamilya ngunit mas pinili nila ang magtrabaho dito upang ako ay alagaan. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanila dahil ni minsan ay hindi nila ako iniwan. “Mama, hindi ba makakarating si Ate Ashley ngayon sa aking kaarawan?” Seryoso kong tanong habang isa-isang hinahawakan ng aking kamay ang ilang silya na nakapalibot sa lamesa at mula sa aking isipan ay binibilang ang bawat mahawakan. Kung akoy pagmamasdan wari mo’y isang normal na tao kung kumilos, dahil hindi ako tulad ng ilang bulag na umaasa sa tungkod. “Huwag ka sanang magtampo sa iyong kapatid, Anak, alam mo naman na ngayon palang siya nagsisimula sa kanyang career. Batid ko na nauunawaan mo ang iyong kapatid.” Malumanay na sagot ng aking ina. “Nauunawaan ko, Mama, at pakisabi sa kanya na hangad ko ay ang kanyang tagumpay.” Ani ko bago matamis na ngumiti sa kanila.” Nakangiti ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang kanilang magandang anak, kung nakikita lang sana ni Thalia ang kanyang itsura marahil ay labis siyang mamamangha. “Ano ang kahilingan ng aming Prinsesa para sa kanyang kaarawan?” Ang tanong ni Cong. Hector sa pinakamamahal na anak. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapulang labi ng dalaga bago ito sumagot. “Mula sa mapagmahal na mga magulang at mga taong nakapaligid sa akin na wala ng ibang iniisip kung hindi ang aking kapakanan, kalusugan at pagpapala para sa inyong lahat na mga mahal ko sa buhay.” Masayang sagot ng dalaga habang maayos na umuupo sa isang silya, sa likuran nito ay naka-alalay ang ina. Ang lahat ay nakamasid habang pinagmamasdan ang dalaga na inaayos ang kanyang mga kubyertos sa ibabaw ng kanyang pinggan. Hindi sanay ang dalaga na siya ay pinagsisilbihan mas gusto niya ang siya mismo ang kumikilos para sa sarili. Sa paraan man lang nito ay maranasan niya kung paano kumilos ang isang normal na tao. Naupo ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto habang masayang nagkukwentuhan na wari mo ay isang malaking pamilya. Nakalulungkot mang isipin ang kalagayan ng dalaga ngunit para sa kanila ay walang puwang ang kalungkutan sa loob ng kanilang tahanan. Pagkatapos kumain ay nagkaroon pa ng kasiyahan, isinayaw ni Cong. Hector ang kanyang anak na si Thalia. Kung iyong pagmasdan ang kabuuan ng kwarto ay para kang nasa panahon ng mga kastila, maaliwalas ang buong paligid at kay gandang pagmasdan ang mga sinaunang mga gamit na napanatili nilang maayos. Organisado ang lahat na naaayon sa klase ng pagkatao ng dalaga. “Konting tiis na lang anak, nakahanda na ang lahat at sa oras na makahanap tayo ng donor ay kaagad kang sasailalim sa isang operasyon kaya darating ang panahon na makakakita kang muli.” Malumanay na pahayag ni Esperanza sa anak, isang matipid na ngiti ang ginawa ng dalaga bago ito nagsalita. “Kailanman ay hindi ako nawalan ng pag-asa Mama, ika nga hanggat may hininga may pag-asa.” Mula sa inosenteng mukha ng dalaga ay makikita ang katatagân nito sa kinakaharap na pagsubok. Napangiti ang mag-asawa at kapwa niyakap ang pinakamamahal nilang anak. Si Thalia ay isang magandang halimbawa sa lahat, ni minsan ay hindi ito pinanghinaan ng loob bagkus ay ginamit niya ang pagiging bulag upang maging inspirasyon sa natatangi niyang talento. Napakaganda ni Thalia kaya labis itong iniingatan ng mag-asawa dahil ayaw nilang mapahamak ito sa labas kaya mas pinili nila ang itago ito sa lahat upang magkaroon ng kapayapaan ang buhay nito. Pagkatapos ng kasiyahan ay maagang nagpahinga ang dalaga, iniwan ito ng mag-asawa na nakahiga sa kanyang kama habang mahimbing na natutulog. Tahimik na lumabas ng kwarto ang mag-asawa at tumungo sa kanilang silid upang magpahinga. Nandito sila ngayon sa kanilang ancestral house, sagrado ang bahay na ito at ni isa ay walang nakakaalam kaya napaka payapa ng buong paligid. Hindi tulad ng bahay nila sa Santa Lourdes na madalas ay puno ng tao dahil sa mga kababayan nilang humihingi ng tulong. At hindi rin nawawala ang mga media sa paligid na pawang mga nakabantay sa bawat kilos ng Congressman. Mainit ang mata ng lahat kay Cong. Hernandez dahil sa napipinto nitong pagtakbo bilang Governor. Malakas kasi ang hatak niya sa mga tao kaya malaki ang hinala ng lahat na ito ang mananalo sa susunod na halalan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na madalas na makatanggap ng death threats ang mag-asawa kaya napakahigpit ng kanilang seguridad. Ginagawa ng mag-asawa ang lahat upang makatulong sa kanilang mga kababayan at alam nila sa kanilang sarili na wala silang bahid corruption. Kaya marami na ang sumubok na siraan si Cong. Hector ngunit sa tuwina ay nauuwi lang sa wala ang lahat. “Hector, labis akong nag-aalala para sa ating anak paano kung dumating ang panahon na mawala tayo sa mundo, paano si Thalia?” Nag-aalala na tanong ng ginang sa kanyang esposo. “Huwag kang mag-isip ng ano pa man, mahal ko, mabait ang anak natin at alam ko na hindi siya pababayaan ng Diyos, nandiyan din si Ashley at alam ko na hindi niya pababayaan ang kanyang kapatid. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban.”kalmadong pahayag ni Hector sa asawa bago niya ito niyakap. ———————————- “Iha, aalis na kami ng Papa mo, baka dalawang araw kaming hindi makakauwi dahil magiging abala kami sa pangangampanya.” Paliwanag ni Esperanza sa anak. “Nauunawaan ko, Mama, basta lagi n’yong tatandaan na mag-ingat kayo ni Papa, at alam ko rin naman na gagabayan kayo ng Diyos.” Nakangiting wika ni Thalia, mahigpit na nagyakap ang mag-ina bago mariing hinalikan sa pisngi ang dalaga. Sunod na lumapit ay si Cong. Hector at mahigpit na niyakap ang anak saka hinalikan sa noo. “Iyong pakatandaan, anak, na mahal na mahal kita.” Malambing na pahayag ng kanyang ama kaya labis na kaligayahan ang nararamdaman ng dalaga. “Lani, kayo na ang bahala kay Thalia, ang mga bilin ko, huwag ninyong kakalimutan, salamat.” Ani ni Hector sa pinagkakatiwalaan na tatlong katulong. “Parang anak ko na si Thalia kaya huwag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa kanya.” Nakangiting sagot ni Lani. Samantala, mula sa kanyang silid ay hindi mapakali si Thalia at bigla siyang napahawak sa kan’yang dibdib. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib at nahihirapan din siyang huminga. “Y-yaya, yaya...” nahihirapang bigkas ng dalaga na bahagya pa itong hinihingal. “Thalia, anong nangyayari sayo?” Nag-aalala na tanong ni Lani sa alaga. “A-anong nangyayari? Kay lakas ng kabog ng aking dibdib, bakit ako kinakabahan ng sobra? Hindi kaya may nangyayaring hindi maganda?” Naguguluhan na tanong ng dalaga sa kanyang yaya. Hindi nakasagot ang matanda dahil maging ito ay naguguluhan sa kung ano ang nangyari kay Thalia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook