Tatlong linggo na mula nang mag umpisa ang klase. Pakiramdam ko tatlong dekada na akong nag-aaral sa SPIA. Araw-araw na lang akong naiinis at nababadtrip sa paligid ko sa tuwing papasok ako sa school ay magugulo at maiingay ang mga kaklase ko.
"Girl, may bagong labas ang chanel ngayon na bag. Nakita ko sa mall kahapon. Tara bumili tayo!" usal ni girl #1
"Talaga, girl? Puntahan natin mamaya," tugon ni girl #2
Tinakpan ko ang tenga ko. Oras ng klase pero ang pinag-uusapan nila puro kaartehan. Napalingon ako sa likuran ko, at umiling-iling ako. Wala roon ang limang sikat na casanova sa school. Sayang sila matatalino pa naman sila kaya lang tamad pumasok sa mga subjects. Muli kong tinuon ang pansin ko sa pagbabasa ng libro. Umarko ang kanang kilay ko nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko. Inangat ko ang mukha ko upang malaman kung sino ang tumatawag sa pangalan sa akin.
"What?"
"Hi, Mhady. I'm Tristan."
"Alam ko?"sagot ko.
"Ahh– K-Kasi A-Ano.. M-May––
"Bulol ka ba? Pautal-utal ka kasi eh, look Tristan, wala akong panahon para kausapin ka. Hindi mo ba nakikita? nagbabasa ako ng libro?" diretsong sabi ko.
Alam na alam ko na kasi ang gusto niyang mangyari. Gusto nila akong ligawan. Anong akala nila sa akin easy to get? Hindi nila alam na narinig ko ang usapan nila noong isang araw.
Mag isa akong kumakain sa cafeteria. Alone ako. Mas gusto kong kumain mag-isa mas tahimik. Madalas akong kumain sa puno ng narra sa likod ng school namin tuwing oras ng breaktime. Dahil ayokong makipagplastikan. Nagkataon na walang gaanong kumakain ngayon sa cafeteria kaya narito ako ngayon. Nakalagay sa tenga ko ang bluetooth headset ko upang wala akong ibang marinih kung hindi ang pinakikinggam ko lang na paboritong kanta.
"Miss. President!"
Narinig kong tawag sa akin. Ngunit hindi ko ito pinag-aksayahan ng oras para lingunin. Who the hell I care.
"Brad, hindi ka niya naririnig! Nakaheadset sya," ani boy#2
"Brad, Nakikita niyo ba si Miss President? Ang ilap niya sa mga lalaki dito sa school na 'to, " sabi ng kaklase niya.
"Oo nga! Alam mo bang nagbigay ng pabuya si Xenon kung sino man ang lalaking magpapaibig kay Miss President," sagot pa ng isa.
"Mukhang ang hirap niyang suyuin. May pagkatigre,"sagot pa ni boy #3
"Gamitin niyo ang charm at the moves niyo, para mahulog sa inyo. Alam niyo bang two million ang makukuha niyo." Boy#1
"Susubukan namin."
Gustong-gusto kong ibuhos sa kanila ang iniinom kong juice at ihampas sa kanila ang tray na nasa harapan ko. Sino kayang Xenon 'yon? Wala naman akong classmate na ganun ang pangalan. Asa sila! hindi ako mahuhulog sa bitag nila.
"Ang sungit mo naman, hindi ka naman maganda." Sagot sa akin ni Tristan.
Bigla akong bumalik sa realidad. At gigil na gigil sa kaharap ko ngayon. "Yon naman pala eh, hindi naman pala ako maganda bakit ka lumalapit sa akin? Lumayas ka sa harapan ko! Kung ayaw mong ihampas ko sa mukha mo ang librong hawak ko."
"Psh! Sungit mo!" habol nitong sigaw.
Umiling na lang ako nang ibaling ko ang tingin sa librong binabasa ko. Pang-sampung lalaki na yata ang nagtangkang mambwiset sa akin. Ano bang akala nila sa akin tanga?"
"Hey, Miss."
Napaangat muli ang mukha ko. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Grabe ang isang ito sobrang ganda, para siyang angel. Sobrang puti at maganda ang katawan.
"Bakit?" tanong ko.
"Hinahanap ko kasi Frits Santiago. Nakita mo ba?"
Frits Santiago. yung anak ni Simang?
"Hindi ko pa siya nakikita. Hindi siya pumapasok dito."sagot ko
"Ganon' ba? Sige, bye!"tapos tumalikod na ito at umalis.
Nakataas ang kilay ko habang tinatanaw ko siya. Ang ganda pa na naman niya kaya lang walang modo. Hindi man lang nagpasalamat. Sabagay halos lahat yata ng estudyante rito bagsak sa GMRC noong nasa elementary pa sila.
"Hindi ba? Si Allyson Ramirez 'yon?" narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase kong babae.
"Siya nga! Hinahanap siguro si Frits, patay na patay 'yon kay Frits."
Narinig kong pinag-uusap ng dalawa kong kaklase ang babae na ang pangalan ay Allyson.
Si Allyson Ramirez ay mukhang angel, pero ubod ng maldita. Bagay nga sila ng anak ni Simang. Suplado at maldita.
Muli kong tinuon ang oras ko sa pag-aaral. Nakikinig akong mabuti sa mga professor ko. Hindi ako nagpapa-apekto sa mga ingay ng mga classmate ko during lecture hours. Naka-mind set na sa akin na nandito ako para mag-aral at matuto.
"Good bye, Class, see you tomorrow."
Nang marinig ko ang huling salita ng huling professor namin, pakiramdam ko ay nakawala ako sa kulungan. Makakahinga na rin ako ng maluwag. mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Taas noo akong naglakad palabas ng school at nakataas ang kilay sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Sa loob ng tatlong linggo na pag-aaral ko sa SPIA. Isa lang ang dapat kong tandaan. Huwg akong magpapa-api. Saksi ako sa maraming estudyante na binu-bully sa school. Ang iba tatlong araw palang hindi na pumapasok at nagpapalipat ng ibang school, pero ibahin nila ako. Hindi ako makakapayag na api-apihin nila, at gawing katatawanan. Lalaban ako, kahit ma-kick out pa ako sa school.
"Ang tagal naman ni Kuya Melo!" Nakatayo ako sa labas ng gate ng school at naghihintay sa kapatid ko para sunduin ako, ngunit isang oras na akong naghihintay sa kanya hindi pa rin siya dumarating.
Nang marinig kong tumunog ang cellphone ko ay agad kong sinagot ito. Pangalan ng Kuya ko ang nakarehistro sa screen ng phone ko.
"Kuya! Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Ang tagal mo, inuugatan na ako rito!" Inis kong sabi sa kanya. Halos marinig na yata ako sa kabilang kalye dahil sa lakas ng boses ko sa inis.
'Teka lang, Mhady. Ang bilis mo namang magsalita. Sorry, hindi kita masusundo. Napilay ang paa ko kanina nang maglaro kami ng basketball."
"What! Bakit ngayon mo lang sinabi? Kainis ka naman Kuya!" Halos sigawan ko na si kuya sa sobrang inis ko.
"Sorry na nga! Nakatulog ako, eh, may mga taxi naman diyan sumakay ka na. Tatawag ulit ako sa iyo mamaya. Bye!"
Gigil na gigil kong binababa ang cellphone ko. Bwiset na 'yan! Dapat kanina pa ako nakaalis dito. Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Kailangan kong maging kalmado. Asar na nga ako sa loob ng school. Nakisali pa si Kuya s**t! Tatanda ako ng maaga nito. Grabe!
Labing libang minuto na akong nakatayo sa labas ng school, ngunit napansin kong wala ni isang taxi ang dumadaan, kung kaya't naisipan kong magtanong sa guard ng school.
"Manong guard, bakit po walang taxi na dumaraan?" tanong ko.
"Naku! Ineng wala talagang darating na taxi kasi strike sila ngayon. Hindi mo ba alam?"
Gusto kong barahin ang guard. Tatanungin ko ba? Kung alam ko? Tao nga naman!
Sinubukan kong tawagan si Kuya pero nakatakda yata akong malasin ngayon dahi na-lowbat ang cellphone ko. "Damn it!"
Gusto kong maiyak sa sobrang asar. Paano ako makakauwi nito. Umupo ako sa gilid at nagdasal. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpatak ng ulan.
Napaiyak ako sa inis. Umuulan pa. Wala akong payong. Malayo ang highway sa school. Madilim na rin ang paligid. Sana maalala ako rito ni Kuya.
"You need help?"
Napaangat ang mukha ko. Nakatayo sa harapan ko ang isa sa sikat na casanova si Troy Luis Perkins. Nakasuot ito ng basketball uniform, pawisan din ito. Nakangiti siya sa akin. Ewan ko ba biglang naging angel siya sa paningin ko.
Tumango ako. "Pwede mo ba akong ihatid kahit hanggang highway lang. Hindi kasi ako nasundo ng Kuya ko. Tapos strike pala ngayon ng mga taxi." paliwanag ko.
Hindi na ako nag-inarte. Kailangan kong umuwi ng bahay ayokong mag-isa sa school.
In-extend niya ang kamay niya at ngumiti sa akin. "Let's go, Miss President."
Hinawakan ko ang kamay niya at sumakay kami sa loob ng kotse niya. "Doon ka sa unahan," sabi niya sa akin?"
Umangat ang kanang kilay ako. Katabi ako ng driver? Sino ang magda-drive?
"Sige, salamat."
Sumakay na ako sa unahan. Mayamaya lang biglang may pumasok sa kotse niya. Nanlaki ang mata ko. Sa pagkakaalam ko siya si...
"Hi. Miss President. Luke at your service." Ngumit pa siya sa akin.
Oh–my– sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. At pakiramdam ko pinagpawisan ako nang malapot. Naka-boxer short lang kasi ito, at walang pang itaas na damit. nakalantad tuloy sa mga mata ko ang 6packs abs niya. Napangiwi ako ng makita ko ang kalat-kalat ng lipstick sa dibdib nito at sa pisngi niya. Napatingin ako sa pinanggalingan niya sa loob ng school. Don't tell me nag-doo siya doon.
"Miss. President."
"Don't touch me!"
Isang malakas na suntok ang ginawa ko sa kaniya nang tangkain niyang hawakan ako.
Sumiksik ako sa gilid, at ingat na ingat akong wag niyang mahawakan. Malay ko ba kung naghugas siya ng kamay. Kadiri!
"Ouch! Fuckin hell!" sigaw nito sa akin. Habang sapo-sapo ang mukha.
Tumawa ng malakas si Troy. "Luke, naman kasi, bakit ganyan ang itsura mo? Natatakot tuloy sa iyo si Miss. President."
Inis na tinapunan ako ng tingin ni Luke. Kinuha niya ang tshirt na nasa likuran ni Troy. Sinuot niya iyon. At nagsimula ng paandarin ang sasakyan.
"Si Amara kasi, hindi makapaghintay sabi ko bukas na lang. Ayun! Mas masarap daw doon, kasi malamig." Sabay tawa niya ng malakas.
Napapangiwi ako sa naririnig ko. Grabe, pakiramdam ko. Ang dumi-dumi ng tenga ko sa naririnig ko. Kaya nilagay ko ang earphone ko sa tenga ko. Nilakasan ko para hindi ko marinig ang nakakadiring pinagsasabi ng p*****t na katabi ko.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Dali-dali akong bumaba ng kotse, parang bigla kong na-miss ang bahay namin.
"Salamat Mr. Perkins."
"Walang anuman Miss. Presiden,"sagot niya.
Hindi ko na pinag-aksayahan na tanawin si Luke. Dahil ayokong makita siya. Kapag naalala ko ang itsura niya kanina. Napapangiwi ako dahil Iniisip ko ang ginagawa niya. Ang bastos talaga!
Sinalubong ako ni Mqma na alalang-alala sa akin. Si Kuya hindi ko siya kinausap dahil sa inis ko sa kaniya. Mamaya bago matulog ay kakausapin ko na talaga si Ate Madilyn. Ayoko na talaga sa Saint Paul Academy. Ayoko na!