Nakatingala ako sa habang binabasa ko ang arko ng school ng Saint Paul International academy. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng papasok ng school. Lahat sila excited na pumasok, Maraming sasakyan ang pumapasok roon, habang ako nanatiling nakatayo sa labas,
"This is it! Mhady this is you're a stressful year, you can do it mhady," bulong ko pa, huminga ako ng ilang beses, "1..2..3.. aja!"
Taas noo akong pumasok sa loob ng school, nag-swipe ako ng I.D bongga 'di ba? Sosy ang I. d parang empleyado lang. Pagpasok ko sa loob napansin ko ang mga estudyante na nagkukumpulan malapit sa entrance ng school.
Nakakunot ang noo ko? "Anong meron dito? Dito ba ang flag ceremony?" Why so dami ng tao?" bulong ko.
"Kyah!"
"Ay palakang hubad!" gulat kong sigaw.
Umatras ako nang makita kong nagtatakbo ang mga estudyante.
"Kyah! Ang limang casanova andyan na!" tling sigaw ng isang babae.
"Aray!" sabi ko nang mabangga ako nila ako, pero mukhang walang pakialam ang mga estudyante kahit na may naapakan pa sila o kaya may mabunggo pa sila. Umatras ako ng malayo sa mga nagsisitakbuhan at inis ko silang pinapanood na lumabas.
"Aish! Parang mga engot! Ano ba'ng pinagkakaguluhan nila sa labas? Tss! Parang Yamato Nadeshiko lang ang peg."
Pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ako interesado sa mga gusto nilang habulin dahil para silang mga bata. Hinanap ko ang section A
"Ayun"sambit ko ng makita ko ang room. Nagmamadali akong naglakad at sinipat ko ang wrist watch ko Past seven a.m na, so it means late na ako, pero nang matapat ako sa pintuan ng section A, tumaas ang kilay ko. Tatlong estudyante lang ang naroon at ang professor na nakaupo sa tapat ng table niya.
"Ehem! Ehem!" basag ko sa pananahimik nila at para mapandako na rin ang tingin nila sa 'kin.
"I'm a new student here in Saint Paul International Academy. May I ask you guys, If this is a section A classroom?"
"Yes, Miss," sagot ng isang estudyante na nasa loob.
"Ah, okay, thank you!" Tapos pumasok na ako sa loob ng room, pumili ako ng upuan na nasa tapat ng table ng professor namin. Kung ang ibang estudyante takot umupo sa unahan. Ako, gustong-gusto ko ang umupo sa unahan. Dahil ayokong ma-distract during lecture hours.
"What is your name miss?" tanong ng professor ko.
"I'm Mhady Ferrer,"
"Okay." Hinahanap niya ang pangalan ko attendance book nya.
"Excuse me, Sir, wala po ba talagang pumasok na estudyante maliban sa aming tatlo?" tanong ko.
"Mamaya lang makokompleto na kayong lahat. Masanay ka na Miss Ferrer, ganito dito every mag-start ng panibagong klase," sabi ng professor namin.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko pa rin maintindihan, tumahimik na lang ako. mayamaya bigla siyang nakarinig ng hiyawan malapit sa labas ng room nila. Tapos biglang may pumasok ng mga lalaki.
"Andyan na ang limang casanova!" sabi ng estudyante sa likuran ko.
Huh?limang casanova?
"Good Morning, Suir, bati ng isang guwapong lalaki, may dala-dala pa itong guitara. Isa-isa silang pumasok sa loob ng school, saglit akong napatingin sa kanila, pero umiwas din agad ako ng tingin sa kanila. Hindi naman kasi sila ang dahilan kaya ako pumasok sa school na 'to.
Kaya nang makapasok ang limang guwapong classmate ko. Nai-angat ko ang pwet ko sa gulat dahil sa tilian ng mga kaklase kong babae
"Section A sila!" sigaw nila.
"Kung uso sa Taiwan, Kapan, Korea ang iba't-ibang version ng F4 dito sa Pilipinas may version din sila, kaya lang lima sila."
Nonsense people
"Kami ba ang tinutukoy mo?"
"Ay, palakang hubad!" Halos muntik ng malaglag ang hawak ko ang ballpen dahil sa gulat. Lumingon ako sa may likuran ko.
"Sino ka?" inis kong tanong.
Ngumiti ito, pati ang mga mata nito ay nakangiti na rin.
"I'm Troy Luis Perkins. You're a new student here?" tanong niya.
Tiningnan ko siya. Guwapo nga siya, pero mas gwapo yung crush ko na kpop kaya walang spark akong naramdaman para maging crush ko siya.
"Ah, okay." Yumuko ko at hindi ko na siya pinansin.
"Miss anong name mo?" tanong niya sa 'kin.
"Mr Perkins, go to your sit!" Ani ng Professor namin.
Kakamot-kamot na bumalik si Troy sa puwesto niya.
"Ano Troy Luis walang epekto ang sexy eyes mo?" Naririnig ko ang pangangatyaw ng kasama nito.
Pailing-iling ako. Sigurado ba talaga si Ate na magtatapos ako rito ng pag-aaral? Mukhang hindi ako matuto rito.
"Miss. Ferrer, ikaw ang nanalo sa class President ng school, kaya lahat ng mga gagawing activities na mangyayari sa buong taon ikaw ang kauna-unahang makaka-alam. Yung mga bagong ipapa-implement ng school ikaw dapat ang unang makakaalam at magpapatupad." mahabang paliwanag ng Professor namin.
"Pero sir—"
"No but's. No If's, just do your obligation, bye Miss Ferrer." Pagkatapos lumabas na ito ng classroom.
Huminga ako ng malalim habang tinatanaw ko ang Professor namin.
"Bakit ako? Hindi ko man lang nalaman na may nomination ng class President."
Lumapit ako sa kaklase ko na abalang-abala sa dala nitong laptop. Tumayo ako sa harapan ng classmate kong babae na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Hi! Alam mo ba kung paano ako naging class President ng school?" tanong ko sa kanya.
"Simple lang, lahat ng transferee sa classroom na ito sila 'yung binibigyan ng posisyon. Ang mga pioneer student ayaw nilang mapagod, kaya lahat ng mga nakakapagod na position sa klase burden ng new student," paliwanag nito. Hindi man lang ito tumingin sa akin habang kinakausap ako.
Gusto kong mag wala sa galit. "Ano bang klaseng patakaran ang meron dito!" inis kong sabi.
"Kung hindi mo kayang tagalan dito you rather to quit or drop, kung ayaw mong ma-bully sa school na ito."
Tinitigan ko ang babae. Hindi pa rin ito nakatingin sa 'kin. Kung tutuusin nakakabastos na ang pakikipag-usap niya sa 'kin dahil hindi siya tumitingin sa akin, pero mas mabuti na iyon kesa hindi ako sagutin.
"Ganon ba? Sige salamat!" Tapos bumalik ako sa inupuan ko.
"I'm gonna die. Anong klaseng school ba ito, kinakawawa ang new student, parang hindi nagkakaiba sa palabas na meteor garden ang sistema, kapag mayaman pa easy-easy lang."
Pagkatapos ng mahabang oras sa school. finally makakauwi na rin ako, paglabas ko ng classroom may humarang sa akin na limang estudyanteng babae, para silang may sayaw. Pare-pareho ang kulay at itsura ng ipit nila, at lahat sila naka-cross arm at nakataas ang kilay nila.
"Huh? anong meron?"
"Bakit?" Tanong ko.
"Kabago-bago mo palang dito sa school, ang landi-landi mo na!" ani ng babaeng parang leader sa kanila.
"Malandi? Bakit sino ang nilandi ko?"Inis kong tanong.
"Si Troy my love! Nilalandi mo siya, kaya ka nilapitan kanina!"
"Ako nagpa-cute sa kanya? Tss. Pwede ba? Wala akong pakialam sa Troy niyo!" Humakbang ako para makaalis na, pero hinarang pa rin nila ako.
Tumaas ang kilay ko. "Hindi niyo ba ako titigilan?" iritado kong sabi. Mukhang sa unang araw pa lang makakahanap na ako ng kaaway.
"Girls, stop it!"
Napalingon ako. At nakita ko ang si Troy nakapamulsa ito habang nakangiti. Kasama ang apat nitong kaibigan.
Inirapan ko ang mga babaeng nangharang sa 'kin, para silang maamong tupa sa itsura nila.
"Papa Troy, k-kasi.. Kinakausap lang namin si Mhady." Tumingin pa ito sa 'kin at ngumiti, "Right, Mhady?"
"So kilala agad nila ako?"
Umirap ako sa kanila. "Uso pala rito ang Sinungaling." sabay tingin ko sa mga babae," hinaharangan niyo ang dinadaanan ko kanina. Ang akala ko nga mga security guard kayo." Sabay irap ko sa kanila.
Gusto kong matawa sa pag-ikot ng eyeballs nila sa 'kin.
Bakit ko sila pagtatakpan close ba kami?
"Pero papa Tro—
"Tigilan n'yo na ang pambu-bullya mga new student dito. Kung ayaw niyong mapatalsik kayo rito. 'di ba, Frits?" Lumingon pa ito sa kasama niyang lalaki na may dalawang cute na dimple pero anak ni Simang. Simangot.
Tumango lang ang anak ni Simang.
"Sorry!" sabi nila sa 'kin.
Totoo ba 'yan nagsosorry sila?
"Fine!" Tipid kong sagot, at nauna na ako ang umalis sa kanila, hindi ko na inantay ang mga senaryo nila, paglabas ko ng gate ng Saint Paul naroon na si Kuya Melo.
"Kamusta ang first day of school bunso?" Tanong niya.
Sumakay muna ako sa loob ng kotse. 'Hindi maganda! Kakausapin ko talaga si Ate Madily. Ayoko sa Saint Paul International Academy." Nakasimangot pa ako.
"Kaya mo 'yan bunso." Ngumiti pa si kuya.
"Hindi ko kaya doon," tapos nilagay ko ang bluetooth headset ko, at nag-soundtrip na lang ako. Ilang oras pa lang ako ang nasa school na 'yon, pero pakiramdam ko,l buong pagkatao, spirito ko, sobrang stress.