Pwede nang sabitan ng kaldero ang nguso ko habang nakatingin ako sa bwisitang dalawang lalaking nambwiset ng beauty sleep ko. Araw ng Sabado ngayon at ito dapat ang Araw kung saan malaya ang utak ko. Mata ko at kilos ko sa kasumpa-sumpang pinapasukan kong school. Sabado at linggo ang Araw ng pag-iipon ko ng Ganda. Dahil pagdating ng lunes hanggang biyernes. Hindi ko naman magagawang ibaba ang kilay kong nagsisitaasan dahil sa mga stupidents kong nakakasalamuha, pero ngayon! Sinira pa nila dahil maaga silang nambulahaw. Grrr!
"Anong Kailangan n'yo, bakit ang aga niyong mambwiset?" prangka kong sagot, habang nakatayo ako sa harapan nila Troy at Luke.
"Anak, 'wag mo namang bastusin ang bisita mo. Hindi kita pinalaking bastos,"sabat ni Mama habang naghahanda ng almusal.
I rolled my eyes. "Mama, walang bisita na alas-sais pa lang ng umaga nambubulahaw ng tulog."
"Hay, naku! Pagpasensyahan n'yo na si Mhady. Masungit talaga yan. kumain muna kayo bago umalis." Pinaglagay pa sila ng plato sa lamesa ni Mama.
"Ahh- Hindi na po, sinadya lang po namin ang school I.d niya na naiwan sa kotse ko. Baka hindi po siya makapasok sa school sa Monday," ani Troy.
"Naibigay niyo na! Makakaalis na kayo!" inis kong sagot.
"Mhady, gisingin mo na ang kapatid mo at kumain muna tayo ng almusal. Mga iho umupo na kayo, sige na."
"Pero Mama! Si Kuya Melo, tanghali iyon nagigising tuwing araw ng sabado," maktol ko.
"At sino nagsabi sa iyo bunso?"tinig iyon ni Kuya Melo.
"Himala ang aga mong nagising?" sabi ko.
"Wow! May bisita ka pala bunso." Lumapit ito kay Troy. "Kilala kita, ah! Nakalaro na kita sa basketball dati. Anong ginagawa niyo sa bahay namin? dinadalaw n'yo ba ang kapatid kong masungit?" nakangisi pa itong Tumingin sa akin.
Tinapunan ko ng masama si Kuya Melo. Kainis! May dumagdag pang nakaka-asar sa umaga. "Mama, mamaya na lang po ako kakain. Maiwan ko na kayo." Tatalikod na sana ako, kaya lang bigla akong tinawag ni Mama.
"Mhady!"
Simpleng tawag lang sa akin ni Mama. pero ang itsura ng mukha niya kulang na lang sabihin niya. Kukurutin ko ang singit mo!
Inis kong hinila ang upuan at nagsimula na akong kumain. Hindi ko inalok ang dalawa.
"Mga Brad, kumain muna kayo bago umalis," sabat ni Kuya Melo.
"Troy, kumain muna tayo. Nakakahiya naman silang tanggihan ang babait pa naman ni Nanay at ni Brad," sabat ni Luke.
"Sige na nga," sagot ni Troy.
Wala akong pakialam kung hindi ako mabait sa inyo. Hindi naman tayo close.
Nakataas ang kanang kilay ko sa kanila. Hinila nama nila ang upuan at nag-umpisa na silang kumain dalawa.
Pasimple ko silang tinitingnan habang kumakain kami. Naiinis ako sa nakikita ko. Feeling close kasi sila sa Mama ko at Kuya ko habang kumakain kami ng almusal. Feeling ko ang lumalabas na hindi member ng pamilya, sila kasi yung walang patid kung mag- usap. Samantalang ako. Tahimik na kumakain at nakikinig sa kanila, kaya naman bago tuluyang masira ang sabado beauty day ko. Tumayo na ako. "Mama, Kuya. Tapos na akong kumain, mauna na ako." sabi ko.
Sa gilid ng mga mata ko napansin kong nakatingin si Troy at Luke. Kaya naman kahit ayokong makipag plastikan sa kanila. Humarap ako sa kanila. "Salamat sa paghatid sa I.d ko. Mauna na ako sa inyo," plastik kong sabi.
Hindi ko alam kung anong ngiti ang ginawa ko dahil sa pilit na pilit talaga iyon.
"It's Okay!"tipid na sagot ni Luke." He winked nang magtama ang paningin namin.
Napangiwi ako. As if naman madadala niya ako sa pagpapa-cute niya.
"Okay, sige anak," sagot ni Mama.
Nagmamadali akong umalis ng kusina at nagtungo ako sa silid ko. Nagpatugtog ako ng music at nagbasa ng mga libro ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na ako.
"Hanep! Ang galing!"
"Ang galing talaga ni Lebron James!"
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa bab,a, doon sa may salas namin. Kakamot-kamot ako sa ulo ko at lumabas na hindi man lang ako tumingin sa salamin. "Kuya ano ba yang pinapanood n'yo ni Mama ang ingay n'yo, eh." sabi ko.
Sumalampak ako sa mahabang sofa at humiga habang ang mga mata ko ay nakatuon sa tv.
"Finals na ngayon ng Miami Heat vs San Antonio Spurs," sagot ni Kuya Melo, na hindi man lang ako tiningnan.
Kumuha ako ng pizza na nasa lamesa na katapat ko. "Ang sosyal ng pizza na 'to ang sarap. Nagpadala ba si Ate kaya bumili kayo ng mamahaling pizza?" tanong ko.
"Puwede ba, Mhady, kumain ka na lang diyan, 'wag mo akong guluhin." inis na sagot ni Kuya Melo.
"Tss. Ang sungit mo naman." sagot ko. Kinain ko ang tatlong pizza na natitira habang nakatuon ang pansin ko sa Tv.
"Melo, ang galing talaga ni Lebron James."
Teka, boses iyon ni Luke Perez. Wag nilang sabihin na—?"
Nang lumingon ako sa kaliwa nakita ko si Troy at Luke na nakatutok ang mga mata sa Telebisyon. sinilip ko ang wristwatch ko. Alas-onse na ng tanghali. Bakit narito pa sila? sinilip ko ang sarili ko. Oh, my gosh!" Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko at tumakbo ako patungo sa silid ko. Sumigaw ako sa sobrang inis ko sa sarili ko nang makapasok ako sa loob ng silid. Humarap ako sa salamin. Wala akong suot na bra, naka-boyleg lang ako, spaghetti-shirt at higit sa lahat wala akong suklay-suklay. May morning star pa ako. Inis kong nilamukos ang sarili ko. Siguradong bubulihin ako sa Monday ng mga hudas na iyon. Baka may picture ako sa dalawang iyon lagot na. Naligo ako at nagbihis bago muling bumaba. Akala ko naka-alis na sila, ngunit sumimangot ako nang makita ko ang bwisita kong gusto na yatang tumira sa bahay namin.
"Hindi pa rin kayo umuuwi?"prangka kong sabi sa kanila.
"Uuwi na rin kami mayamaya lang. Tatapusin lang namin ang pinapanood naming basketball," sagot ni Troy.
"Wala ba kayong telebisyon sa bahay n'yo at gusto n'yo pa rito manood?"
"Mhady!"saway sa akin ni Mama.
Umingos lang ako sa kanila at tinuon ko na lang ang tingin ko sa telebisyon. Ayoko silang tingnan nakakaramdam ako ng inis lalo na kapag tumatawa sila.
"Mas maganda dito manonood masaya kahit na nga ayaw mo sa amin."sagot din ni Troy. Umiwas ako ng tingin nang nagkatinginan kami. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa ugali ko.
"Oo, nga Miss. President, 'wag kang mainis sa amin mabait naman kami," sabat ni Luke.
"Oo, nga naman, anak. Akala ko ba puro masasama ang ugali ng mga estudyante sa school n'yo? Mabait naman sila." ani ni Mama.
"Akala n'yo lang 'yon, Mama. pag naka-pasok kayo do'n. Ewan ko lang kung masasabi n'yo pa 'yan," sagot ko pa.
"Tama po si Miss. President, maraming bully sa school namin, ,pero 'wag po kayong mag-alala dahil hindi po siya mabu-bully do'n, kasi nandito kami sagot namin siya 'di ba? Troy?" ani Luke.
"Opo!" sagot ni Troy.
"Iyon naman pala, bunso 'wag ka ng magpalipat ng school may mga kaibigan ka naman pala do'n," sabat ni Kuya Melo.
"Tss. Kuya Melo, ayoko sa Saint Paul. Basta sasabihin ko kay Ate na magpapalipat ako ng school."
"Sa Saint Paul ka na lang Miss President, mabait naman kami "ani Luke.
Sinulyapan ko siya sabay irap ko nang magsalubong kami ng tingin. Grabe! Sa mukha niya pa ako maniniwala. jusko! Gasgas na yata ang hotdog nya dahil sa dami ng babae. Eww!
"Bakit ganyan ang itsura mo Anak?" tanong ni Mama. Napansin siguro na nakangiwi ako.
Umiling-iling ako. "Wala Mama. naiisip ko kasi yung kadiri kong kaklase pudpud na kasi ang hotdog niya."
"Anong sinasabi mo anak hotdog?"
"Ahh— Y-Yung Lapis ng kaklase ko na hugis hotdog pudpod na," allibay ko.
"Mayayaman naman yata sila, kaya nilang bumili ng ibat-ibang lapis,"sagot ni Mama.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang na-iraos ko ang alibi kong iyon kay Mama. Hindi ko na muling pinansin si Troy at Luke. nilibang ko na lang di nan ang sarili ko sa panonood ng NBA. Crush ko kasi si James Lebron ng Miami Heat. kaya naman super sigaw at tili ko kapag nakaka-score sila. Last game na kasi at kung sino ang manalo sila ang tatanghaling champion ngayong taon. Kaya naman nang Manalo ang Miami Heat. Napalundag ako sa tuwa.
"Talo tayo!" ani Luke.
"Magkano ang pustahan natin?"nakangising tanong ni Troy kay Luke.
"Twenty thousand pesos." Tumayo si Luke. "Alis na po kami, salamat po. Aalis na kami Miss President," baling niya sa akin.
"Buti naman! Kanina ko pa nga hinihinintay na umalis ka— Aray!" nilingon ko si Mama. Binatukan ako. "Mama naman, bakit mo ako binatukan?" Inis kong tanong sa kanya.
"Wala ka ng galang sa bisita mo." Yumuko ako.
Nakita ko kasing galit na si Mama. "Pagpasensyahan n'yo na si Mhady ha. Wala lang 'yan sa mood ngayon pero mabait naman siya," ani Mama.
Ngumiti si Troy at Luke kay Mama. "Wala po 'yon., alamat po talaga. Brad, alis na kami, salamat!"baling ni Luke kay Kuya Melo.
"Sige, mag-ingat kayo. Salamat din sa merienda."
Meryenda? Ibig sabihin sila ang bumili ng pizza. Kaya pala ang sosyal ng pizza mamahalin. Sila pala ang bumili. Gustuhin ko mang isuka ang kinain ko. O.A na masyado dahil Nagiling na siya sa loob ng tummy ko.
"Mhady, ihatid mo sila sa labas," ani Mama.
"Ho? bakit po ako?"
"kaninong bisita ba 'yan?" Pinanlakihan pa ako ng mata ni Mama.
"Sabi ko nga po ako ang maghahatid. Tara na!"
"Mabait pala ang Kuya at Mama mo, ikaw lang ang hindi," ani Luke. Habang palabas kami.
"Oo nga, mabait sila."sabat pa ni Troy.
"Miss. President, 'wag kang masyadong masungit enjoy-in mo ang buhay," ani Luke.
"Tss. Ang dadal n'yo! Wala kayong pakialam kung masungit ako. Hindi naman kayo ang tatanda ng maaga."
"I like you," sabay na sabi ni Troy at Luke.
Nagkatinginan pa silang dalawa.
Taas ang kanang kilay kong tumingin silang dalawa. "Puwede ba? kung gusto ninyong mang-trip, 'wag ako. Sumakay na kayo ng kotse n'yo baka batuhin ko pa kayo ng tsinelas ko."inis kong sabi sa kanya.
Gusto pa yata akong isama sa listahan ng mga pinaikot at niloko nila. pwes! never na mangyayari iyon. Itaga nila sa bato!
"Bye, Miss. President! I love you," nakangising sabi ni Luke.
"I labyuhin mo mukha mo!" sigaw ko.
Kinindatan ako ni Luke bago sila tuluyang umalis. "Psh! Buwiset!"sabi ko, tapos pumasok na ako sa loob ng bahay namin.