Chapter 1
"Ate! Bakit ba doon mo ako gustong pag-aralin sa Saint Paul International Academy! Eh, wala namang maganda do’n, puro mga pa-famous ang mga nag-aaral do’n," inis kong sabi Ate kong si Madilyn.
Sa skype kami nag-uusap ni ate dahil nakatira siya sa Canada kasama ang napangasawa niyang Canadian businessman. Siya kasi ang magpapaaral sa ’kin sa kolehiyo at ang Saint Paul International ang gusto niyang pasukan kong school.
"Mhady, Saint Paul is the best for you. Nag-research ako about Saint Paul. Lahat ng mga pumapasok do'n puro mga anak ng businessman, mga anak ng pulitiko at mga sikat na artista. I think your beauty is suit for that school. Malay mo makahanap ka ng mapapangasawang mayaman do'n, di hindi ka na kailangan mag pakahirap sa pagtatrabaho katulad ko."
Iyon na nga ba ang sinasabi ko, eh, gusto lang niya akong pag-aralin sa school na iyon para makahanap ng mayamang lalaki na magpapayaman sa ’min. Gusto pa yata niyang gumaya ako sa kanya na sinuwerte sa napangasawa niya ngayon, pero ako ayokong umasa sa iba. Ayokong ang pag-asenso ko ay iaasa ko sa iba. Nakakawa ang gano'n. May utak at katawan ako naman puwede paganahin para maabot mo ang dream ko. Hindi na kailangan ng apat M.
"Ayoko doon mag-aral ate."
"You have no choice little sister, I already enrolled you in that school. No refundable sila. So, kung gusto mo sa ibang school mag-aral, gastos mo lahat I will not help you.”
"Ate naman eh!"
"I'm sorry little sis, but this is all for you, makakahanap ka do’n ng apat na M, Mayaman, Macho,Mabait, Mapagmahal."
"Akala ko matandang mayaman madaling mamatay."
"Nagkakaintindihan na ba tayo?"
"Ate please!"
"Bye, Mhady!" Sabay offline ng ate niya.
Inis kong ni-logout ang skype ko, ilang beses kong pinipilit na wag akong mag-aral sa SPIA Dahil hindi naman ako magiging komportable sa school na 'yon.
"Haist! Kainis talaga si Ate!"
Agad kong pinatay ang laptop ko wala na akong ganang magbukas pa ng internet. lumabas ng kwarto at pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Kuya Melo, tampulan ng tukso ang pangalan ni Kuya Melo sound like Melon daw ayon sa mga taong nambu-bully sa kanya, kaya maging siya ay ayaw niya ang pangalan niya. Ako ang bunso sa magkakapatid. Si ate Madilyn ang panganay at si kuya Melo ang sumunod.
Nakasimangot ako nang makita ko si kuya na nanonood ng anime movie.
Umupo ako sa tabi niya at sumimangot.
"Oh- bunso bakit nakasimangot ka diyan?"
"Akala ko ba ibibigay mo na sa akin yang varsity t'shirt mo?" tanong ko.
"Ah, eto ba? eh, kasi kapag ito ang suot ko maraming chikababe ang tumitili sa 'kin."
Umikot ang mata ko. "Lalaki talaga babaero, puro ka babae, mag-aral ka kayang mabuti ng hindi nasasayang ang pinapa-aral sa ’yo ni Ate.”
Pinisil niya ang pisngi ko at ngumisi, "Nag-aaral naman akong mabuti. Ayoko lang maging manang na katulad mo." Sabay tawa
"Hindi ako manang!" Inis ko'ng sabi.
"Hahaha! Eto anong tawag sa 'yo? modernong Maria Clara? Wala ka lang makapal na salamin, pero manang ka pa rin.”
"Mama! Si Kuya Melo!" Tawag ko kay Mama. Naroon kasi si Mama sa kusina nagluluto ng meryenda.
"Nagsumbong na naman ang bata." Sabay tawa niya ng malakas.
Nakakainis si kuya. Walang araw na hindi ako inaasar niyan, palagi na lang ako naiinis sa kanya.
"Bakit anong ginawa sa iyo ng kuya mo?"
"Ina-aasar po ako Mama."
"Eh, Mama, manang naman po talaga yan."
Lumapit si Mama kay Kuya. Natuwa ako sa ginawa ni Mama kay Kuya dahil piningot niya ito sa tenga siyempre bunso ako. Ako ang kakampihan ako favorite eh,
"Aray! Mama, naman!"sigaw ni Kuya habang pinipingot.
"Huwag mong aawayin si bunso, dapat ikaw ang nagbabantay sa kanya kasi ikaw ang nakakatanda," sermon ni Mama,
"Bata ba yan? Damulag na 'yan,"Inis na sabi ni Kuya Melo.
Pangisi-ngisi ako. "BLeehh!" Sabi ko kay kuya.
"Halina nga kayo at magmeryenda. Nagluto ako ng spaghetti,"
"Spaghetti Mama! Wow ang sarap naman.” Sabi ni kuya.
Si Kuya Melo, ay palagi akong inaasar niyan pero pagdating sa pagkain, at panonood ng movies ay nagkakasundo kami kaming dalawa.
"Tara na bunso." Inakbayan pa ako ni kuya, oh 'di ba? parang walang nangyari.
****
NAKAUPO ako sa may sofa habang naglalaro ng xbox, wala akong date ngayon, ilang gabi na rin kasi akong may iba't-ibang dini-date.
Lumapit sa 'kin si Mommy.
"Luke, anak, napapansin ko laging madaling araw ka nang umuuwi, napapadalas na yata 'yan anak."
"Mom, gano'n po talaga kapag guwapo ang anak niyo marami kasing nagyaya sa 'kin ng date, pinagbibigyan ko lang," sabi ko ng hindi man lang tiningnan si Mommy.
Binatukan ako ni Mommy.
"Kahit kailan talaga! Umayos ka ngang bata ka!"
"Mom, naman masakit po iyon, masanay na po kayo kasi ang anak niyo heartthrob,"
"Baka mayabang! Luke, sinasabi ko sa 'yo tigil-tigilan mo na ang pagiging babaero mo baka makarma ka ha!"
Hininto ko ang nilalaro ko. Tapos inakbayan ko si Mommy. "Mom, wag po kayong mag-alala kapag nakita ko na ang babaing mamahalin ko stick to one na ako."
Tinitigan ako ni Mommy, parang gustong malaman kung totoo ang sinasabi ko, "Bahala ka na nga!"
Nginitian ko na lang si Mommy,
Ang totoo may babaing mahal ako, kaya lang ganito kami; mahal ko siya pero may mahal na siyang iba, ang masakit pa no'n matalik kong kaibigan ang mahal nang mahal ko. Ang masaklap, hindi siya mahal nang mahal niya, oh, 'di ba? Ang gulo, gano'n yata ang love, magulo.
Mayamaya biglang tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko mula sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Patrick isa sa mga kaibigan ko.
"Oh, bakit napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya.
"Sabay-sabay tayong papasok sa school sa monday para yung mga bagong enroll makita tayo. Alam mo na baka maraming magaganda."
Tumawa ako, kahit kailan talaga si Patrick napaka-chickboy,
"Oo, na!" Sagot ko.
"Good, teka, kumusta pala yung date niyo kagabi ni Ara, nakarating ba kayo ng langit?" narinig ko pa ang tawa niya.
"Ugok! Hindi, noh! Ayoko sa kanya pocahontas iyon, balita ko marami ng lalaki ang dinala niya sa langit kaya ayoko na."
"Hahaha! Akalain mo nga naman choosy ka rin pala. Ang akala ko basta may palay na lumapit sa 'yo tuka ka nang tuka."
Huwag mo akong itulad sa 'yo."
"Hahaha! Playboy ako, pero never pa akong pumunta ng langit."
"Ulol! Wag ako sa itsura mong 'yan!"
"Hahaha! Oh, sige na, bye!" Sabay patay nito sa tawag.
Nagulat ako nang lumingon ako dahil nasa tabi ko pala si Mommy at nakikinig sa usapan namin. Gusto ko sana siyang komprontahin sa pakikinig niya sa usapan, ngunit mas lumamang ang galit niya sa 'kin dahil sa narinig niya ang pinag-uusapan namin. Agad kong pinatay ang nilalaro ko at nagmadali akong umalis.
"Ahh- Mom ,may gagawin po pala ako." Sabay takbo ko papunta ng kuwarto ko.
"Luke!"sigaw ni Mommy sa 'kin.
"Joke lang iyon Mommy!"
"Luke!!" Buksan mo ito!"
"Sorry, Mom, matutulog na ako."
Napilitan tuloy akong matulog upang iwasan ang sermon ni Mommy.