Chapter 4

1714 Words
Harper   Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa bahay ni Greg at parehas pa kaming nakayuko para hindi kami makita ng mga security cameras. Nagtinginan kaming dalawa ni Sir Allan sa isa’t isa bago kami naghiwalay. Pumunta ako sa likuran ng bahay ni Greg at katulad nga sa aming plano ay nakita kong madilim nga sa parte na iyon ng bahay ni Greg. Hindi na kasi ito masyadong nasisinagan ng ilaw na nanggagaling mula sa buwan. Tumingin ako sa CCTV camera na nandoon at tinignan ko ang aking relo at nagbilang ng isa hanggang sampu. Pagkatapos kong magbilang ng sampu ay nakayuko akong tumakbo papunta sa bentilasyon at mabilis na binuksan ang pinto papasok rito. Nang makapasok ako ay tamang-tama naman na nag-on na nga ang night vision ng camera.   “Silencer, I’m inside the ventilation,” balita ko kay Sir Allan.   “Okay. Keep it up. Just be careful though. I feel something’s not right here.” Pagtataka niya at tinanong ko naman sa kanya kung bakit niya ito nasabi. “The moment I entered the premises I haven’t seen a single person yet. Anyway, once you’re in danger, don’t hesitate to call for help.”   “Copy that.”   Tinuloy ko ang paggapang hanggang sa makakita ako ng daanan palabas. Binuksan ko ng dahan-dahan ang grill ng vent at saka isinilip ang aking ulo sa kanan at kaliwa. Nang makita ko na walang nakabantay ay agad akong lumabas ng dahan-dahan. Maluwang ang kwarto na linabasan ko at sigurado ako na ito na nga iyong kwarto ni Greg. Sa sobrang luwang nito ay parang iisang apartment na ito dahil may kusina, banyo at salas na ang buong kwarto. May isang pinto pa na kung saan ay nandito nakapaloob ang tinutulugang kama ni Greg. Dahan-dahan akong naglakad at pinihit ang busol ng pinto papasok sa kanyang kwarto. Nakita kong may nakahiga nga sa kamang iyon at mahimbing siyang natutulog. Kinabitan ko ng silencer ang aking baril at itinutok ito sa natutulog na lalaki. Hinila ko ng dahan-dahan ang kanyang kumot nang mapansin ko na parang isang mannequin lamang ang nakalagay dito. Kunot-noo akong napatitig dito at dito ko lang napagtanto na wala si Greg sa kanyang kama. Akmang tatalikod na ako nang marinig ko ang kalabit ng baril mula sa aking likuran.   “Drop your gun and show me your hands,” rinig kong utos ng isang lalaki mula sa aking likuran. “Slowly.”   Napalunok ako at linapag ko sa sahig ang aking baril at saka itinaas ang dalawa kong kamay sa ere.   “Now, slowly turn around and don’t make any stupid movements or else I will shoot that beautiful head of yours,” utos niya ulit sa akin na akin namang ginawa.   Pagharap ko ay nakita ko ang isang matangkad at maskuladong lalaki na nakasuot ng isang itim na sando at pants. Nagtagisan kami ng titig at kita ko ang mapang-asar niyang ngiti na sinasabing nautakan niya ako dahil hindi ko siya nagawang patayin.   Ngumisi siya at umiling ng dahan-dahan. “Did OA send you to kill me?”   “Tss, if you know it then why are you still asking?” mataray kong tanong.   Tumawa siya ng mahina at biglang nagpaputok sa kisame at saka muling itinutok ang kanyang baril sa akin.   “I don’t like women who talks disrespectfully to me. Answer me correctly if you don’t want to die yet.” Pananakot niya sa akin nang marinig ko mula sa aking ear piece si Allan na papunta na raw siya.   “If you think OA sent me then you may think that, but let me tell you that I am not afraid of you. I am not afraid to die either.” Nginitian ko siya at nakita kong gumalaw ang kanyang panga. “Why do you want to destroy OA and the Dominus?”   Tumawa siya ng parang sa demonyo. “Its such a waste that a beauty like you is working in that crappy organization. Now you act and talk like crap as well.”   “Save your insults Greg. I don’t care if I’m crappy or not because I’m looking at one crappy asshole right now.” Napaaray ako nang bigla niya akong suntukin sa aking mukha dahilan para dumugo ang aking labi.   “Fine! I’ll tell you the reason why, and I’ll enjoy killing you later, you b***h!” sigaw niya sa akin. “That hellish organization stole something important from me. They brainwashed my one and only child. I’ve never seen him ever since that day my child joined your stupid organization. I wanted to take revenge for a very long time. Now that I have the chance, I will surely burn that organization of yours into ashes.”   Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Sino ang tinutukoy niyang anak na kinuha ng OA sa kanya? Sa pagkakaalam ko naman hindi naman namimilit na magpasali ang OA ng kahit na sino. They make sure that all the employees there have their own freewill to decide for their selves.   “What child are you talking about? Who is it?” tanong ko sa kagustuhan kong malaman kung sino ito.   Sasagot na sana siya nang bigla na lang siyang bumulagta sa sahig. Nang matumba siya ay nakita ko si Sir Allan na masama ang kanyang mukha. Since when did he get here? Hindi ko man lang naramdaman ang kanyang prisensya at hindi ko man lang siya nakita o narinig na lumapit. Napalunok ako dahil ganito kagaling ang isa sa mga Manus Dextra ng Dominus.   “S-Silencer. Saan ka dumaan?” Napatingin siya sa pinto at nakita kong nakabukas na ito. Don’t tell me he killed everyone outside?   “Raven, are you okay?” tanong niya sa akin at agad na tinignan ang aking labi na dumudugo.   Biglang nag-init ang aking pisngi nang maramdaman ko ang mga daliri niya sa aking baba. Ano ba iyan Harper? Nasa kalagitnaan ka ng misyon at nagawa mo pa talagang kiligin sa mga ganitong oras? Pagkausap ko sa aking sarili.   Iniiwas ko ang aking mukha sa kanya at tinignan ang nakabulagtang katawan ni Greg sa sahig.   “Wait, is he dead?” tanong ko sa kanya.   “Not yet, but he will.” Liningon niya ito. “Pinatulog ko lang siya dahil baka bigla niyang kalabitin iyong hawak niyang baril. Now that he’s out, we can already kill him.”   Itinutok niya ang kanyang baril kay Greg at akmang kakalabitin na ito nang makarinig kami ng maraming yabag na papalapit na sa kwarto ni Greg. Sabay kaming napalingon at tumingin kay Greg. Napamura naman ng mahina si Sir Allan at hinila na lang ako palabas sa bintana.   “We need to leave.” Hila niya sa akin at agad kaming lumabas sa bintana.   Pagtalon namin ay nakita ko ang mga nakabulagtang mga kalalakihan sa damuhan na wala nang mga buhay. Agad kaming tumakbo palabas kung saan kami nanggaling at tumakbo kung saan namin ipinarada ang aming mga motor. Mabilis kaming sumakay at saka agad na pinaandar ang aming motor bago pa kami maabutan ng mga tauhan ni Greg.   Habang nasa kahabaan kami ng daan ay hindi maalis-alis sa isip ko ang sinabi ni Greg. Sino ang tinutukoy niyang anak niya na kinuha mula sa kanya ng OA? Kung sakaling kinuha nga ng OA ang anak na iyon ni Greg ay ano ang kanilang motibo kung bakit nila gagawin iyon?   Pagbalik namin sa HQ ng OA ay walang imik na nagpatiunang maglakad si Sir Allan. Ni hindi man lang niya ako liningon at sumakay na sa elevator. Bigla akong nakaramdam ng kaba at guilt dahil hindi namin nagawa ng maayos ang aming plano ng dahil sa akin. Siguro kung siya iyong pumunta sa loob para patayin si Greg ay tapos na itong trabaho namin. Sabi ko naman kasi kay Dominus hindi na ako kailangan sa misyong ito e.   Nakatungo akong sumunod sa elevator at pinindot ko ang eight floor. Sumandal ako sa malamig na metal ng elevator habang paakyat kami ni Sir Allan. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya pero pakiramdam ko ay dismayado siyang hindi namin nagawa ng tama ang aming misyon. Pagtingin ko sa floor kung nasaan kami ay tatlong palapag pa bago ako lumabas. Kaya linakasan ko ang aking loob at humingi ng tawad sa kanya.   “Sir Allan, I apologize,” simula ko. “Nang dahil sa akin ay hindi natin nagawa ng maayos ang misyon natin. If not because of me Greg is supposed to be dead.”   Hinintay ko na magsalita siya o mag-comment man lang sa aking sinabi pero nanatili lang siyang nakatayo at tahimik. Napatungo ako at hindi ko kayang tumagal sa isang elevator na kasama siya sa sobrang guilt at hiya na aking nararamdaman ngayon. Nang tumigil ang elevator ay lalabas na sana ako nang iharang niya ang kanyang kamay sa pintuan ng elevator.   “You did a good job, Harper. Wala kang dapat na ihingi ng tawad dahil ginawa mo ang trabaho mo. Nagkataon lang kasi na matalino si Greg at alam na niya ang binabalak natin. Kung meron mang dapat sisihin dito ay ako. I should have known that this would happen. Kung na-late ako ng dating kanina baka sakaling hindi na kita naabutang buhay pa. I hate myself for that, so please don’t blame yourself.” Halata ko ang pagkadismaya sa kanyang boses.   Gusto kong magsalita pero noong mga panahong iyon ay walang lumabas ni isa sa aking bibig. Nang wala na siyang sinabi ay ibinaba niya ang kanyang kamay.   “Sorry. Have a good night’s rest, Harper. We’ll continue planning about this mission tomorrow,” sabi niya na hindi man lang ako linilingon.   Lumabas na lang ako at nag-good night na lang din sa kanya. I wanted to say that it’s not his fault either. Gusto ko ring magpasalamat sa kanya dahil linigtas niya ang aking buhay kanina. Bukas na bukas ay gagalingan ko na talaga at sisiguraduhin ko na hindi na mauulit ang pagkakamali na aking ginawa kahit kasalanan ko man ito o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD