Harper
Maaga akong nagising dahil kailangan kong i-meet si Sir Allan ng alas-siyete sa meeting room para sa misyon na aming gagawin. Pagtingin ko sa orasan ay alas singko na ng umaga kaya binilisan ko ang aking mga galaw dahil ayaw kong ma-late ako sa unang araw ng trabaho ko.
Nang matapos akong magpalit at handa na ang mga ilang gamit na aking kailangan ay agad na akong lumabas sa aking kwarto. Habang naglalakad ako ay napansin ko na kahit sobrang aga pa lang ay makikita na buhay na buhay ang dorm ng OA. Marami na kasing mga assassin ang nag-e-ehersisyo at iyong iba naman ay siguro naghahanda na rin sa kanilang mga misyon na gagawin.
Pagliko ko sa aking kanan ay nakita ko na ang meeting room. Nakita ko na bukas na ang ilaw dito kaya agad kong isinilip ang aking ulo at nakita kong nandito na si Sir Allan. Kumatok naman ako at agad siyang napalingon sa akin.
“Come in, Raven.” Pumasok ako at nakita kong madami nang mga papel ang nakakalat sa ibabaw ng mesa. Grabe ano’ng oras pa siya nandito?
“Sir—”
“Silencer,” sabi niya at bigla akong natigilan. “Call me Silencer.” Tumango naman ako.
“S-Silencer, good morning. Ahm, ano po ang pwede kong maitulong?” tanong ko.
Pinaabot niya sa akin ang isang blueprint ng isang bahay saka idinikit ito sa whiteboard. He looked at this blueprint seriously like he’s searching for something. Nakatayo lang ako sa gilid at hinihintay ang susunod na iuutos niya sa akin. Pinagdikit ko ang aking mga labi ng mariin nang lumipas siguro ang dalawang minuto na hindi siya nagsasalita. I need to do something useful because I feel like I am not doing anything.
I cleared my throat before I started asking. “Silencer?” Napatingin siya sa akin. “Sorry, but may I ask what is that blueprint?”
“It’s the blueprint of Greg’s house.” Tumango naman ako. Hinihintay ko na ipaliwanag niya sa akin kung ano’ng gagawin sa blueprint na iyon pero ang sinagot lang niya ay iyong tanong ko.
“Ahm, may plano ka na ho ba kung paano natin papasukin iyong bahay niya?” Tumango naman siya.
“Kinda, but not yet sure how we are going to do it. Kaya pinag-aaralan ko ng mabuti ang blueprint para makahanap tayo ng pwedeng pasukan na hindi tayo makikita.” Tumabi naman ako sa kanya at tinitigan din ang blueprint.
Kung tama ang pagkakaalala ko ay ayon doon sa impormasyon na binigay sa amin ni Dominus ay mahigpit ang sekyuridad ni Greg. Kaliwa’t kanan ang mga gwardya niya at hindi basta-basta ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay magaling sa martial arts at panay black belter pa ang ilan. Ang bahay niya rin ay napapalibutan din ng mga CCTV cameras pero imposibleng wala siyang bind spot kahit ni isa. Hindi rin siya masyadong lumalabas ng kanyang bahay at tanging ang sekretarya niya lang ang tanging naglalabas-masok sa kanyang bahay.
Pinakatitigan ko ng mabuti ang blueprint ng bahay niya at napansin ko na parang similar ito noon sa bahay ni Knoxx. The house of Knoxx is so guarded as well that he has a lot of guards from the inside out. Ilinibot ko rin ang aking mata nang may mapansin ako.
“Ano ito?” tanong ko kay Sir Allan sabay may tinuro sa blueprint.
“That is one of the ventilations of his house,” sagot niya. Napakurap-kurap siya at lumiwanag ang kanyang mukha na parang may napagtanto siya. “Hang-on. According from the information that we have, all of his CCTV cameras can check every surrounding except one. I mean there’s a CCTV camera there, but during at night that part is really dark. Pwede tayong pumasok diyan pero ilang segundo lang dahil nagau-automatic na nagtu-turn on ang night vision ng camera na iyan.”
“Where does it lead to?” tanong ko.
“Hmm, kung susundan natin ay didiretso ka mismo sa kwarto niya.” Nagkatinginan kami sa isa’t isa at agad na naming alam na may plano na nga kami. “Good job, Raven.” Namula ako sa sinabi niya.
“Thanks. Wala ho iyon. Kayo naman ho ang nakaisip pa rin ng plano kung paano natin mapapasok iyong bahay ni Greg.” Umiling siya ng dahan-dahan habang nakangiti.
“Not really. Hindi ako magkakaroon ng ganoong ideya kung hindi mo napansin iyon.” Napangiti ako at nahihiyang napatungo.
“Nagkataon lang ho kasi na iyong bahay ni Greg ay halos kapareha ng bahay ng dati kong boss kaya madali ko hong napansin iyong blind spot na iyon,” sagot ko. “Maybe I’m just lucky.”
Napagkasunduan na rin namin na ako ang papasok sa bentilasyon na iyan para pumasok sa kwarto niya. Siya na ang bahala sa mga taong nasa labas para sa kanya mapunta ang atensyon at madali kong makitil ang buhay ni Greg. Ngayong gabi na kami susugod para matapos na ito. Bago kami sumugod mamayang gabi ay sinigurado na muna namin ng mabuti kung maganda ang plano namin at walang mapapahamak sa aming dalawa. Sinigurado na rin namin na may plan a, plan b at plan c na rin kami sakaling hindi kami makapasok sa bahay ni Greg.
Pagsapit ng gabi ay inihanda ko na lahat ng mga kailangan ko. Sinigurado ko na rin na may dala akong mga ekstrang baril at bala para kung sakaling may mangyaring masama ay may back-up akong panangga sa aking sarili. Naglagay na rin ako ng ear piece sa aking tenga para nagkakarinigan din kami ni Sir Allan kahit malayo kami sa isa’t isa. Nang handa na ako ay pumunta na ako sa parking lot at nakita kong nandoon na si Sir Allan at nakasuot ng purong itim. Abala siyang pinapainit ang gagamitin niyang motor.
Geez, why is this guy so handsome? Mukha tuloy siyang fictional character na linabas lang sa isang libro sa sobrang gwapo niya. Umiling ako at mamaya ko na itutuloy ang pagpapantasya ko sa kanya dahil may misyon pa kami. Lumapit ako sa nakaparadang Ducati ko at agad na sinuot ang aking helmet. When he saw me getting ready as well, he saluted at me then drove his motor. Ngumiti ako sabay pinaandar na rin ang aking motor at sumunod na sa kanya.
Habang nasa kahabaan ng daan ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang likuran dahil mas nauuna siya sa akin. Hindi ko mapigilang mag-imagine paano kaya kung ako ang nakasakay sa likuran niya sabay nakayakap sa kanya. Damn. I can already feel those hard abs of his. I bit my lower lip unconsciously. I laughed silently at myself because of my own silliness. Nagiging manyak na ako dahil sa lalaking ito.
Maya-maya ay medyo bumagal na ang aming takbo tanda na malapit na kaming dumating sa bahay ni Greg. Pagdating ay ipinarada namin ang aming motor sa isang lugar na tago at malayo sa bahay ni Greg pero hindi rin masyadong malayo para makatakas kami agad oras na magawa na namin ang aming misyon. Pagbaba ay chineck ko kung may bala ang aking baril saka ito kinasa. Napatingin ako kay Sir Allan at saka tinanguhan namin ang isa’t isa.
“Ready?” tanong niya sa akin.
“Always,” sagot ko naman.
Let the action begins.