Chapter 5

1774 Words
Harper   Pagkatapos kong kumain ng almusal ay sinabi sa akin ni Sir Allan na dumiretso na raw ako sa kanyang opisina at doon daw namin pag-uusapan ang sunod naming hakbang. Tumango naman ako at nagsipilyo lang muna ako ng mabilis bago ako pumunta sa opisina niya. Hinanap ko pa ang kanyang opisina na nasa labas lang pala ng opisina ng Dominus. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang kanyang opisina dahil may nakalagay na pangalan sa pinto nito. Magkatabi lang sila ng opisina ni Sir Vincent na isa rin sa mga Manus Dextra. Kinatok ko ang pinto niya at agad niya itong binuksan sabay pinapasok ako.   Pag-upo ko pa lang ay bigla kong naalala ang mga kaganapan kagabi. Kailangan kong sabihin sa kanya ang sinabi ni Greg dahil maaaring i-report namin ito kay Dominus.   “Sir Allan,” pukaw ko sa kanya. “Tungkol sa sinabi ni Greg sa akin ay may nalaman akong impormasyon na maaari nating sabihin kay Dominus.”   “What is that?” tanong niya.   “Sinabi ni Greg sa akin na kaya gusto niyang maghiganti sa OA ay dahil may kinuha raw sa kanya na isang importanteng tao sa buhay niya. He told me that OA brainwashed his child. Noong sasabihin na niya sa akin kung sino ang tinutukoy niyang anak niya ay iyon naman iyong panahon na dumating ka kaya hindi na niya nasabi sa akin.” Huminga ako ng malalim. “Nagtataka lang ako kung sino itong sinasabi niyang anak niya.”   Pagkatapos kong sabihin ito ay nanatili nanamang tahimik si Sir Allan. Pero sa pagkakataong ito ay may napansin akong ekspresyon sa kanyang mukha na hindi ko mawari kung galit, pagkasuklam o ano. Malayo ang tingin niya at natutulala pa siya.   “Sir?” pukaw ko sa kanya.   “Yes?” Hindi ako nagsalita dahil ang haba ng sinabi ko at alangan naman na ulitin ko iyon lahat. “Sorry, I think Greg is being delusional. OA is not that kind of organization. Hindi ugali ng OA ang mang-brainwashed ng mga empleyado niya para lang sa pansarili nitong kapakanan. Isa pa kilala ko si Dominus at hinding-hindi niya gagawin ang pinaparatang ni Greg.” Halata ang pagkairita sa kanyang mga boses.   Bakit parang galit siya na ganoon ang sinabi ko? May nasabi ba akong mali? Hindi ko ba dapat sinabi sa kanya ang nalaman ko kay Greg? Nagtataka akong napatingin sa kanya dahil parang may tinatago siya na hindi ko alam. Bakit parang pakiramdam ko na kilala ni Sir Allan ang tinutukoy na anak ni Greg?   “Sir? Huwag niyo ho sanang mamasamain ang aking itatanong sa inyo pero hindi ko mapigilang tanungin, may alam po ba kayo sa sinasabi ni Greg? Kilala niyo po ba ang anak na tinutukoy niya?” Napalunok ako nang makita kong nag-iba ang kanyang ekspresyon.   “What are you saying Harper? Pinaghihinalaan mo ba ako na maaaring kasabwat ako ni Greg?” Napamaang ako bigla sa kanyang sinabi.   “H-Hindi ho. H-Hindi ho iyon ang ibig kong sabihin sa aking tanong. Naisip ko lang ho kasi na baka lang naman ho may alam ho kayo sa tinutukoy niyang anak.” Malalim ang kunot sa kanyang noo at masama na rin ang timpla ng kanyang mukha.   “No,” pinal niyang sagot.   Nang matapos naming pag-aralan at pag-usapan ng mabuti ang aming gagawin ay bagsak ang aking balikat na lumabas ng kanyang opisina. Simula kasi ng tanungin ko sa kanya kung may alam ba siya ay nanatiling masama ang mood niya. Ni hindi man lang siya naging komportable habang naroon ako sa loob kanina.   Naihilamos ko ang aking kamay at gustong sabunutan ang aking sarili. Ang ganda na nga ng mood kanina tapos sinira ko nanaman. Hindi ko naman kasi mapigilang maghinala lalo na at ganoon ang pinapakita niyang ekspresyon. Kaya ko lang naman nagawa iyon ay noong kabataan ko ay may mga pagkakataon noon na parang nababasa ko ang iniisip ng isang tao. Hindi naman ako manghuhula pero malakas lang ang aking pakiramdam na iyong iniisip ko tungkol sa isang tao ay kadalasang tama.   Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad nang may mabangga ako. Nahulog niya ang hawak niyang mga libro kaya madali ko siyang tinulungan. Ibinigay ko sa kanya ang mga napulot kong libro.   “Pasensya ka na. Hindi ko kasi tinitignan ang dinaraanan ko,” hinging paumanhin ko sa isang babae na may mahaba at straight na buhok.   Ngumiti siya at umiling. “It’s okay. Ako rin naman hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko. Isa pa mabigat din kasi ang mga libro na dala-dala ko.”   Pinakita niya sa akin ang mga makakapal na libro na buhat niya at nakita ko na puro history books ito tungkol sa OA.   “Saan mo ba dadalhin iyan? Kung gusto mo tulungan na kita para hindi ka masyadong mahirapan.” Alok ko ng tulong sa kanya.   “Sigurado ka ba? Hindi ba kita naaabala?” Pagkukumpirma niya. Umiling ako at kinuha ko ang ibang libro na dala niya.   Agad naman siyang nagpasalamat at pumunta kami sa katabing opisina ni Sir Allan. Hala kay Sir Vincent pala ang punta niya. Hindi na siya kumatok na aking ipinagtaka at agad na lang siyang pumasok. Ibinagsak niya ang mga libro sa mesa ni Sir Vincent na aking ikinagulat.   “O mahal na prinsipe. Ayan na iyong mga pinapakuha mo. Pasalamat ka may tumulong sa akin kundi baka putol na itong mga braso ko ngayon,” reklamo niya at halos mapatingin ako sa kanya.   Hinintay ko ang magiging reaksyon ng lalaking nakatayo na nakatalikod sa amin. Nang humarap siya ay literal akong napasinghap ng sobrang lakas dahil sobrang gwapo ng lalaking ito na halos namumula pa ang kanyang mga pisngi.   “Tsk! Please don’t tell me nagwagwapuhan ka sa tukmol na ito?” tanong sa akin ng babae.   Gulat akong napatingin sa kanya dahil sinabihan niya na tukmol si Sir Vincent.   “Hays, pwede ba Alessia huwag mong takutin ang bagong salta at baka sabihin nila na masamang tao ako,” sita ni Sir Vincent sa kanya.   “Tss, ang sabihin mo gustong-gusto mo na kinikilig ang mga babae sa iyo. Alam mo kung minsan talaga nagtataka ako kung bakit ka kinuha ni Dominus na isa ka sa mga Manus Dextra niya e isa ka namang super playboy.” Nakita kong sumimangot si Sir Vincent na parang bata.   “Why are you like that with your own boyfriend?” Napamaang ako sa sinabi ni Sir Vincent. “Minsan hindi ko alam kung mahal mo ba talaga ako o napilitan ka lang sagutin ako e.”   “Tse! Suntok gusto mo?” singhal ng babae sa kanya na nagngangalang Alessia. “Ang arte mo. O ano may kailangan ka pa ba? Kasi kung wala na ay nagugutom na ako at hindi na muna kita sasamahan ngayong kumain. I found a new friend.” Tumingin si Alessia sa akin at isinukbit niya ang kanyang braso sa akin.   “What?”   “O bakit may reklamo ka?” mataray na tanong ni Alessia sa kanya.   “Sabi ko nga wala e.” Pinipigilan kong huwag matawa sa kanilang dalawa. Ang cute nilang mag-away.   “Kung wala na ay aalis na kami ng bago kong friend at kakain na kami. Bye!” Paalam niya kay Sir Vincent.   “Teka,” pigil niya kay Alessia.   “Ano nanaman?” tanong niya.   “Wala ba akong...” Nginuso niya ang kanyang bibig kay Alessia at hindi ko na napigilan ang matawa.   Pinanlakihan ni Alessia ng mga mata si Sir Vincent at hindi ko mapigilan ang matawa. “Nakakahiya ka talaga kahit kailan Vincent. Seriously, you are asking a kiss in front of someone you just met.”   “Bakit? Hindi na nga tayo magsasabay kumain ayaw mo pa akong bigyan ng halik?” pagtatampong sabi ni Sir Vincent.   Huminga ng malalim si Alessia at sinabi na hintayin ko na lang daw siya sa labas. Ngumiti naman ako sa kanya at lumabas na ng opisina ni Sir Vincent. Paglabas ko sa opisina ay iyon din iyong paglabas ni Sir Allan sa kanyang opisina. Nang makita niya akong lumabas galing sa opisina ni Sir Vincent ay napatitig siya sa akin sabay napakunot ng noo. Kahit na ganoon ang ekspresyon niya ay wala naman siyang sinabi at hindi man lang ako pinansin. Naglakad na siya palayo at napabuntong hininga na lang ako. Habang nakasunod ang aking mga mata sa kanya ay lumabas naman si Alessia na ina-applyan ng lip gloss ang kanyang bibig.   “Pagpasensyahan mo na si Vincent. Malandi lang talaga ang taong iyon.” Natawa naman ako ng mahina.   “Hindi ko alam na boyfriend mo pala si Sir Vincent.” Tumango naman siya at hinila na ako papunta sa dining hall ng OA.   “Unfortunately, yes.” Natawa naman ako sa sagot niya. “Huwag na nga nating pag-usapan ang tukmol na iyon. Hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan mo at sinabi ko na kay tukmol na friend kita.”   “Harper, my name is Harper,” pagpapakilala ko sa aking sarili.   “Hmm, now that I think about it, you’re just new here, aren’t you? Ngayon lang kasi kita nakita.” Tumango naman ako.   “Oo bago nga ako. Ahm, si Zhea ang nag-recommend sa akin dito.” Tumango-tango naman siya.   “Ahh, naaalala ko na. Ikaw iyong kapalit ni Zhea na sinasabi ni Ms. Thorn. Iyong linigtas daw ni Zhea mula sa gago niyang boss?” tanong niya.   Nagugulat ako kay Alessia dahil palakaibigan naman siya pero iyong paraan ng pagsasalita niya ay parang siya ang nasusunod palagi. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi maka-hindi si Sir Vincent sa kanya. Nakatutuwa lang ako kasi pakiramdam ko ay may kilala na rin akong assassin bukod kay Zhea at Sir Allan.   Tulad nga ng sinabi ni Alessia ay sabay kaming kumain ng pananghalian at hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi siya nawalan ng istorya. Natutuwa ako sa mga kwento niya tungkol ka Sir Vincent dahil hindi katulad ni Sir Allan ay palabiro si Sir Vincent at madaling lapitan. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam kami sa isa’t isa dahil may trabaho pa raw siyang gagawin.   “See you around, Harper. Sana magsabay tayo ulit kumain ng pananghalian dahil na-enjoy ko talaga ang makausap ka.” Kininditan niya ako sabay kinawayan ako bago siya naglakad palayo.   Maganda ang buong araw ko ng dahil kay Alessia. Pagtingin ko ng oras sa aking bisig ay nakita kong ala-una na. Wala naman na kaming gagawin ni Sir Allan at maluwag pa ang oras ko kaya naman napagdesisyonan kong mamasyal na lang muna. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD