Chapter 2

1638 Words
Harper   Lumipas ang isang linggo kong pananatali sa dorm ng OA ay nagtataka ako kung bakit wala pang misyon na ibinibigay sa akin. Hindi naman sa nagmamadali ako pero sobrang nababagot na kasi ako at wala akong magawa.  Kaya naman habang wala pa akong tawag ay pumunta na muna ako sa gym para mag-ehersisyo. Pumunta ako sa treadmill at sinaksak ang aking bluetooth earphones sabay finull volume ang paborito kong pop music na 16 shots. Music sometimes calms me. Ilang minuto pa ay nakita kong dumarami na ang mga taong nag-e-ehersisyo sa gym.   Nagsimula akong pagpawisan at hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong nandito sa gym. Kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata para hindi ako ma-distract sa mga tao sa aking paligid. Habang nagjo-jogging ako sa treadmill ay napamulat ako ng wala sa oras nang may kumalabit sa akin at sinabing may naghahanap sa akin. Inalis ko ang aking bluetooth earphones at nakita kong isang babae na nakasuot ng casual na damit ang nasa labas ng gym. Agad akong lumapit sa kanya at sinabi niyang mag-report daw ako sa opisina ng Dominus. Natuwa ako dahil maaaring bibigyan na niya ako ng misyon.   Agad naman akong bumalik sa aking kwarto upang mag-shower at magpalit ng aking damit bago ako pumunta sa opisina ng Dominus. Pagkatapos kong magpalit ay lakad-takbo akong pumunta sa opisina ng Dominus. Pagdating ko ay kumatok ako nang marinig ko na pinapapasok ako ni Dominus. Pagpasok ko ay napatigil ako bigla nang makita kong nakaupo sa harapan ng mesa ng Dominus iyong gwapong lalaki na nakipag-usap sa akin noong inagurasyon.   “Harper,” tawag ng Dominus sa akin. “Good timing. Please have a seat.”   Agad naman akong tumango at nahihiyang umupo sa tabi ng gwapong lalaki. Hindi ko magawang tumingin sa aking tabi dahil pakiramdam ko ay gagawa nanaman ako ng katangahan. Amoy na amoy ko rin ang malakas niyang pabango pero ito iyong klase ng pabango na hindi masakit sa ilong. Kung tutuusin pa nga ay amoy malinis siya. Mukha tuloy akong estatwa rito sa tabi niya dahil ramdam ko ang superiority niya kaysa sa akin. Grabe kahit hindi nagsasalita ang lalaking ito ay sobrang lakas ng presensya niya at nakahihiya tuloy na kausapin siya.   “Okay,” simula ni Dominus. “Both of you are here already, so before I give you guys your missions, Harper, welcome again in Order of Assassins.” Baling sa akin ng Dominus. “Kumusta naman ang pag-i-stay mo sa dorm ng OA?”   I cleared my throat before I started speaking. “Ahm, a-ayos lang naman Dominus,” sabi ko sabay ngiti sa kanya at tumango-tango lang siya.   “Great! You’ve met Allan already, right?” Binalingan ko lang saglit si Allan at hindi ko tinagalan na tignan siya dahil makikita ko nanaman ang gwapo niyang mukha.   “Yes, Dominus.”   “Mabuti kung ganoon dahil mas magiging madali kung unang araw pa lang ay magkakapalagayan na kayo ng loob. You guys are going to have a joint mission.” Halos lumaki ang aking mga mata sa sinabi ni Dominus.   Joint mission? OMG! With him? Hala. Diyos ko ano’ng gagawin ko? Hindi nga ako sanay na may ka-partner sa trabaho tapos kasama pa ang isa sa mga Manus Dextra ng Dominus ang makakasama ko? Isali pa na isa siya sa mga respetado at kinatatakutang assassin sa OA. He’s second best after Dominus, so why does he need some partner if he can do it alone?   “Here’s your mission.” May inabot na folder sa amin si Dominus at agad ko naman itong tinanggap. “The mission that you guys are going to have will be with the Mafia’s. Particularly with Greg Greco, one of the most powerful and respected Mafia leaders.”   Binuksan ko ang folder at sinimulang basahin ang nakapaloob na impormasyon tungkol sa kanya. Tumayo si Dominus at pumunta sa harapan ng kanyang lamesa sabay sumandal dito.   “I want you guys to kill him. He’s a threat to OA.” Nagtataka akong napatingin kay Dominus.   “Pwede ko ho bang malaman kung bakit niyo ho nasabi na isang threat si Greg sa OA?” tanong ko.   “I received a letter from him declaring a war to OA. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko ay may kaalaman siya tungkol sa tunay kong pagkatao. You guys know that my identity to the public is a secret for security purposes.” Tumango naman ako. “At kung tama nga ang hinala ko na alam niya ang katauhan ko ay maaari niya itong gamitin sa OA. We need to act fast before he uses that to destroy OA. One more thing, I want you to investigate him. Ayon sa reports ng mga pulis ay mukhang may kinalaman din siya sa pagpatay ng big boss ng Mafia. The police are a hundred percent that he’s the person behind this killing, but they don’t have enough evidence. It looks like Greg used his power and position to erase any evidence that would point to him.”   “Copy,” rinig kong sagot ni Allan.   “Good. Any questions?” Umiling kami pareho ni Sir Allan. “Kung wala na that’s all. You are free to go.”   Sir Allan came out first from the Dominus’ office. When I was about to go out, I stopped on my tracks and went back to ask Dominus a few questions. Nang makita niya ako na hindi pa lumalabas ay nagtaka siyang napatingin sa akin.   “Yes Harper?” tanong niya pero nag-alangan akong magsalita at mukhang napansin niya na medyo hindi ako komportable. “Let me guess. You are wondering why you are paired with Allan with your mission. Am I correct?”   Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya. “Pakiramdam ko kasi Dominus kaya na ni Sir Allan iyong misyon kahit mag-isa niya. I just feel like I am not already needed in this mission.”   Ngumiti siya at saka pinagsaklop ang kanyang mga kamay bago niya ako pinakiusapan na umupo na muna.   “You are right. Allan can actually do this alone because he’s very capable and talented, and he can finish every mission silently. Kaya nga binigay ko ang code name niyang Silencer.” Napatungo naman ako dahil mas lalo akong nanliit sa mga sinabi ni Dominus. “But the reason why I asked you to do this mission with him is because I know that you guys might find the answers that you are looking for.”   Kunot-noo akong nagtatakang napatingin sa kanya. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?”   Ngumiti lang si Dominus at wala nang sagot na sinabi pa. Hindi ko na siya pinilit pa na sabihin sa akin kung ano’ng gusto niyang ipahiwatig at malugod na tinanggap na lang ang aking misyon. Agad na akong nagpaalam sa kanya at humingi ng pasasalamat sa pagtanggap sa akin ng OA bilang isa sa mga assassins nila. Lumabas na ako sa opisina ng Dominus at huminga ng malalim dahil hindi pa lang nagsisimula ang aking aktwal na misyon ay pakiramdam ko drain na ang utak ko. Ipinagdarasal ko na lang na sana ay maging matagumpay ang unang misyon ko sa OA.   Nang gabi na iyon ay pumunta ako sa dining hall ng OA upang kumain ng hapunan. Kailangan kong bawiin ang lakas ko dahil sa mga naganap ngayong araw. Agad akong kumuha ng pinggan dahil buffet style naman ang hapunan at want to sawa ang mga pagkain dito. Habang kumukuha ako ng pagkain ay natakam ako roon sa nagiisang Korean Toast. Akmang kukunin ko ito ay nanlumo at nainis ako nang may kumuha nito at agad akong napatingin sa taong kumuha nito. Kaso nawala ang aking inis nang makita ko si Sir Allan na siyang kumuha ng Korean Toast na huli. Nagtama ang aming mga mata kaya bigla ko tuloy nabitawan ang hawak kong tongs. Pinulot ko ito at agad na binalik sa lalagyan nito.   “Sorry do you want it?” tanong niya sa akin.   Ako ay umiling naman agad sa kanyang tanong. “A-Ayos lang. Sa iyo na lang iyan total marami pa namang klase ng pagkain dito.”   “Sigurado ka?” Tumango na lang ako.   Pagkatapos ay bumalik na ako sa pagkuha pa ng iba pang pagkain. Nang makakuha ng pagkain ay naghanap ako ng bakanteng upuan na malapit sa may pinto. Agad akong umupo at linantakan ang kinuha kong mga pagkain. Nang susubo na ako ay nakita kong may humila ng upuan sa aking harapan at napamaang akong napatingin sa umupo sa upuan. Ito ay walang iba kundi si Sir Allan.   “Wala nang ibang bakante. You don’t mind if I sit here, right?” Umiling ako bilang pagsagot.   Nagsimula na siyang kumain at hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Para siyang royalty kung kumain dahil kahit mabilis siyang ngumuya at sumubo ay wala man lang marinig na tunog galing sa kanyang bibig. Maya-maya ay nagulat na lang ako nang ilagay niya sa aking pinggan ang kalahati ng Korean Toast na kinuha niya kanina.   “Wha—”   “I saw you eyeing at it a while ago. We can share, right?” Pagkasabi niya ay tumayo na siya at nakita kong tapos na siyang kumain samantalang ako ay hindi pa nakapagsimula. “By the way, meet me seven o’clock sharp in the meeting room tomorrow.”   Sinundan ko na lang siya ng tingin at bumaling ako sa aking pinggan na may kalahating Korean Toast. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang kilig at masayang kumain. I saved the best for the last, which is the Korean Toast. Kung pwede ko nga lang ipa-frame ito ay gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD