Chapter 6

2121 Words
Allan   Abala akong nag-e-ehersisyo sa gym at rinig ko ang mga nagbubulungang mga kababaihan sa aking paligid. I really don’t mind the attention, but there are times that I want to be alone. Habang nagbubuhat ako ng weights at nakaharap sa salamin ay bigla akong linapitan ni Vincent na mukhang kararating lang sa gym.   “Hey asshole,” tawag niya sa akin.   “What’s up dumbass?” bawi ko naman sa kanya.   This asshole and dumbass endearment that we have with each other is already normal to us. Hindi kami sanay na magtawagan sa sarili naming mga pangalan at ayaw din naming tawagin ang isa’t isa ng dude, bro or tol. It sounds boring. Kaya naman naisipan naming gawing mas harsh. A lot of people who hears us are sometimes shocked that we have this kind of calling to each other. I like it.   “You look happy?” tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.   “Yup! I just had a date with Alessia.” Napailing naman ako at pinagpatuloy ko ang pagbubuhat ng weights. “You should try dating as well. Ang dami namang mga babae ang nagkakandarapa sa iyo pero nagtataka ako kung bakit wala ka pang pinapatulan ni isa sa kanila?”   “I just don’t like the whole point of dating, and you know that. I’m the kind of guy who doesn’t like sweet stuff.” Napabuntong-hininga naman siya at kumuha ng isang medium size na barbel.   “I know that, but we don’t get young. Are you worried about our job as assassins and Manus Dextra? Alam mo naman na mismong si Dominus pa ang namimilit sa iyong magkarelasyon.” Mahina siyang nagbilang habang fline-flex ang hawak niyang barbel.   Nanatili akong tahimik at ibinaba ko ang hawak kong barbel sa kanang kamay upang ilipat sa aking kaliwang kamay nang may masagi ang aking mga mata. Noong una ay hindi ko siya mamukhaan dahil nakatali ang kanyang maikling buhok. Nakasuot siya ng tight na leggings at isang maiksi na blouse na hapit sa kanyang katawan. Kapansin-pansin ang matambok na pwet niya at ang bilogang mga dibdib niya. Dumiretso siya sa treadmill at saka isinuot ang kanyang bluetooth earphones at nagsimulang mag-jogging sa treadmill. The weird thing is that she started to close her eyes and just be lost in her own world. She’s almost the same like me.   Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagsiko at nakita kong nang-aasar na nakangisi si Vincent sa akin sabay may nginunguso na hindi ko alam kung sino ang kanyang tinutukoy.   “Oh please!” Nagtataka akong napatingin sa kanya at natawa naman siya ng mahina. “Come on asshole. Don’t tell me you don’t have any idea about whom I’m talking about? You are definitely eyeing on that woman over there.” Inikotan ko lang siya ng aking mga mata at ipinagpatuloy ang aking pagbubuhat.   “I don’t have any idea what you are talking about.”   “Geez, you like her.” Napakunot ang aking noo.   “Paano mo naman nasabi iyan? I just looked at her because I saw her entering the gym. What’s the issue there?” sarcastic kong tanong.   “Sus! Imposibleng hindi ka attracted sa ganyang ka-sexy na babae. Ni minsan hindi pa kita nakitang tumitig sa isang babae tulad ng pagtitig mo kani-kanina lang.” Umiling ako. “Asshole, you like her.”   “Isipin mo na ang gusto mong isipin pero maling-mali ang hinala mo. I don’t like her in that way. Besides we are just partners for our mission, so I just know her. I noticed her, stared at her, saw that she’s sexy and all, but it doesn’t mean that I like her. I’m a guy after all, and it’s natural for me to appreciate such beauty, dumbass,” mahabang paliwanag ko.   “Ang dami mong sinabi asshole. Napaghahalataan ka tuloy na indenial ka. Makikipagpustahan pa ako sa iyo. You will fall for that woman no matter what. At sigurado akong ikaw ang unang aamin ng nararamdaman mo.” Hindi na lang ako muling nagsalita dahil hindi ko naman na mapipilit na maniwala sa akin si Vincent.   I never tried falling in love with a woman before, and I never was the one who confesses his love with any woman. Hindi pa ito sumagi sa isip ko ni minsan at hinding-hindi mangyayari iyon. Itinuloy ko na lang ang pag-e-ehersisyo at hindi na lang pinansin si Vincent dahil alam ko na wala namang patutunguhan ang usapang ito. Nang matapos na akong mag-exercise ay kinuha ko ang aking towel sabay pinunasan ang aking pawis. Paalis na sana ako pero hindi ko napigilang mapalingon kung nasaan si Harper kanina at nakita kong wala na siya. Maybe she’s already done. Naglakad na ako palabas nang bigla akong may mabunggo at bigla na lang siyang napaupo. Agad ko naman siyang tinulungan at nakita kong si Harper ito.   “Are you okay?” tanong ko naman sa kanya.   Napaangat naman siya ng kanyang mukha at halos magulat siya nang makita niya ako. Bakit ba palagi ko na lang siya nakikitang nagugulat kapag nakikita niya ako? Am I that scary to her?   “S-Sir Allan, pasensya na ho. Hindi ko ho kayo napansin.” Tinulungan ko siyang tumayo at tumango naman ako.   “Just be careful next time,” paalala ko sa kanya at saka naglakad na ako paalis.   Nang gabi na iyon ay pilit kong pinag-aralan ng mag-isa ang misyon namin tungkol kay Greg. Habang pinagmamasdan ko ang blueprint ng bahay ni Greg ay bigla kong naalala iyong mga naganap noong gabing iyon kung saan ay rinig na rinig ko ang putok ng baril sa aking earpiece. My heart was beating so fast at that time because one of my inferiors was almost killed. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong ayos lang si Harper pero nakatutok sa kanya ang baril kaya hindi pa rin nawala ang aking kaba. Buti na lang at mabilis akong nakarating sa kwarto ni Greg dahil hindi ko alam kung ano’ng pwedeng gawin niya noong mga panahong iyon.   A while ago as well, it looks like she was so scared to me. Napahinga naman ako ng malalim at napagdesisyonan ko na huwag na lang siya masyadong kausapin lalo na kung hindi naman importante ang gagawin namin. I will just talk to her if it’s about the mission.   Kinabukasan ay lumabas ako ng aking opisina at hinilot ang aking noo dahil sumasakit na ito kaiisip kung ano’ng plano ang gagawin namin para tuluyang makapasok sa bahay ni Greg at mapatay siya. Lalo na ngayon na buhay pa siya at alam na niya ang plano naming pagpatay sa kanya ay mas lalong hihigpit ang sekyuridad niya. Lahat ng mga butas na pwede niyang makita ay gagawan niya ng paraan para matakpan ito lahat.   I need some air that’s why I decided to go outside for the meantime. Habang papunta ako sa hardin ay nakita ko si Harper na masayang kausap ang nobya ni Vincent na si Alessia. Hindi ko alam na close ang dalawa dahil hindi ko naman sila nakitang nag-uusap noon. Masaya silang nag-uusap nang biglang mapatingin si Harper sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay ako na ang unang umiwas dahil sigurado akong matatakot nanaman siya sa akin. Agad akong tumalikod at pumunta sa resting area ng OA para doon magpahinga.   Umupo ako sa isang inclined sit at ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko na may isang presensya ang tumabi sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong si Dominus ito. Agad naman akong napaupo ng maayos at akmang tatayo upang yumuko ay pinigilan niya ako.   “Just stay in your seat. You don’t need to be so formal and respectful to me if you are resting.” Nginitian niya ako kaya bumalik ako sa aking pagkakaupo.   Napatingin ako sa kanya at huminga rin siya ng malalim sabay pinagmasdan ang mga assassin na nagpapahinga sa resting area na iyon.   “Look at all of these people resting and sleeping. Alam mo ba na ang tingin ko sa kanila ay para ko na silang pamilya? All of you are like my brothers, sisters, aunts, uncles, fathers and mothers, but at the same time you guys are also like my children that I need to look after to.” Napangiti ako. “And a parent does is to ask how are their children doing, right?” Napatingin siya sa akin at tumango naman ako bilang sagot. “You never rest in the resting area before, and this is the first time I saw you here. Why?”   Napatungo ako sabay iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “I was just asking myself if why did you pair me with a junior assassin. I am not good at socializing, so why did you pair me with a junior assassin that I don’t know if I can protect or not?” Huminga ako ng malalim. “That night, if I didn’t arrive on time, she would have died. Minsan iniisip ko kung hindi ko maproprotektahan ang mga inferiors ko ay bakit mo ako ginawang isang Manus Dextra?”   Tipid na napangiti si Dominus sa akin. “My father once told me before that the life of those people who are important to you are in your hands, and you must do anything for them to protect them. Noon liniteral ko ang paalalang iyon ng aking ama at katulad mo ay kwinestyon ko rin siya noon, ‘bakit ako ang Dominus?’, ‘tama ba na ibigay sa akin ang ganitong posisyon?’ There are a lot of questions running in my mind at that time. I learned that the meaning of that advice is not to be always there to protect those people around you, but that is to be the best person as possible whom they can always count on and trust. Na kahit malayo ka ay sa iyo sila kukuha ng lakas ng loob para mabuhay at sa paraang ganoon ay maliligtas mo sila kahit wala ka sa tabi nila.”   Napatingin ako sa Dominus at napaisip ako bigla. “Dominus you are the kind of person whom we can follow. Sumali ako sa OA dahil alam ko na mapagkakatiwalaan ka namin pero hindi ko alam kung magiging katulad mo ako na maaasahan o mapagkakatiwalaan ng lahat. People look up to me because they think that I am second best to you, but is that even true?”   “You know the reason why I promoted you to be one of my Manus Dextras?” Umiling ako. “Because you can lead your people well without you knowing it. Hindi mo ba nahahalata na tuwing nakikita kayo ng mga ibang assassin ay takot sila sa inyo at rinirespeto nila kayo? You give them the perfect model that they wanted to follow. They don’t see just the outside, but they see a potential in you guys, and they wanted to become like you. Doon pa lang ay binibigyan mo na sila ng rason para mabuhay at mailigtas ang kanilang sarili.”   Natahimik ako at napatingin ako sa aming paligid nang makita ko ang mga iba pang assassin na nakatingin sa amin ni Dominus na nag-uusap. The moment they saw me looking at them they immediately bowed down and smiled at me. Nagulat ako dahil ni hindi ko man lang napansin na ganito pala ang pakikitungo nila sa amin. All along I tried avoiding them because I think that they were scared of me. Napangiti ako at napatingin kay Dominus.   “Thank you, Dominus. You really are a great leader, and I will follow you wherever you go and do my job as one of your Manus Dextras.” Ngumiti sa akin si Dominus at saka tumayo.   “That’s my boy. You’ll be fine, Allan.” Tinapik niya ako sa aking balikat sabay lumakad palayo.   Nawala ang sakit sa aking ulo at handa na ako ulit na magtrabaho. Naglakad ako pabalik sa aking opisina at lahat ng mga nakakasalubong ko ay binibigyan ko ng ngiti. Ang iba ay nagugulat at natutulala pero ang iba ay umaayon lang sa daloy.   Narinig ko pa ang isang lalaki na aking nakasalubong na sinabi sa kanyang kasama, “I want to be like him, bro. He looks so reliable.” Napangiti na lang ako saka ako pumasok sa aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD