Harper
Napapansin ko na ilang araw na akong hindi pinapansin ni Sir Allan. Tuwing magkakasalubong kami ay palagi niyang iniiwas ang kanyang mga mata sa akin at hindi man lang niya ako kayang tignan kahit saglit man lang. Nagsimula iyon noong tinanong ko siya tungkol sa sinabi ni Greg sa akin noong gabing pinasok namin ang bahay niya. Hindi ko naman siya pinaparatangan na kilala nga niya iyong tinutukoy na anak ni Greg pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pakiramdam ko na kilala niya ito.
Kasama ko ngayon si Alessia sa magandang hardin ng OA dahil wala raw si Sir Vincent at super busy daw nito. Habang nag-uusap kami ay napatingin ako sa aking likuran dahil pakiramdam ko ay parang may nagmamasid sa amin. Paglingon ko nga ay nakita ko si Sir Allan na nakatingin sa amin. Kaso nang magtama ang aming mga mata ay agad niya itong iniwas na aking ulit na ipinagtaka. Sinundan ko siya at mukhang pumasok siya sa resting area ng OA. Siniko naman ako bigla ni Alessia at tinignan kung ano ang pinagmamasdan ko.
“Who are you staring at?” tanong niya pero umiling lang ako.
“Nothing. I thought I saw someone pero iba pala. Kamukha lang pala niya. Ano na nga ulit iyong sinasabi mo?” tanong ko sa kanya pero itinaas niya ang hintuturo niya sa akin at ginalawa niya ito sa kanan at kaliwa.
“Ah-uh, huwag mong ibahin ang usapan dahil nakita ko na sinundan mo ng tingin si Sir Allan kanina. Tell me, do you like him?” Hindi ako sumagot agad pero tumango na lang ako na kanyang ikinatili ng mahina.
“Why is it that you call Sir Allan, Sir, but you don’t call your boyfriend like that?” Nag-isip naman siya ng kanyang isasagot.
“Hmm, kasi— Teka, iniiba mo nanaman iyong usapan e. Sorry girl pero hindi uobra sa akin iyang ganiyang taktika. That’s old school.” Umiiling naman akong natawa sa kanya. “So, bakit mo gusto si Sir Allan? Gwapo kasi noh?”
“Oo,” sagot ko at nag-apir kami sa isa’t isa at nagtawanan. “Pero hindi lang naman sa gwapo siya kaya ko siya nagustuhan e. He’s like that guy who is so full of mystery, you know? Iyong parang—”
“Iyong parang gusto mong malaman lahat ng tungkol sa kanya at kung ano iyong mga iniisip niya. Bakit hindi siya sociable? Bakit hindi siya palangiti? Bakit wala siyang kaibigan bukod kay Vincent at Dominus? At bakit wala siyang girlfriend?” Napatingin ako sa kanya.
“Wait, wala pang girlfriend si Sir Allan?” tanong ko sa kanya.
“Nope. Kaya pwedeng-pwede mo na siyang landiin.” Tinaas-baba niya iyong kilay niya sa akin at inikotan ko naman siya ng aking mga mata.
“Baliw. Ni makausap nga hindi ko na masyadong magawa landiin pa kaya siya? Hayaan mo na okay naman na sa akin na nakikita ko siya every day.” Huminga ng malalim si Alessia.
“Hay naku. Alam mo ba sabi ni Vincent na kaya raw walang girlfriend iyang si Sir Allan kasi wala raw siyang interes sa date at hindi raw siya mahilig sa sweet na mga bagay. Hindi ko tuloy malaman kung straight ba siya o bakla.” Lumabi naman ako at tinawanan ako ni Alessia.
“Hindi naman siguro siya bakla. Baka iyon lang at hindi siguro talaga siya sociable.” Napailing naman si Alessia.
“Ang lakas din ng tama mo kay Sir Allan. Oh well, kung hindi ko lang boyfriend si Vincent ay baka may kaagaw ka na kay Sir Allan.”
“Ehem. Ano iyon?” Napalingon kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Sir Vincent. “What are you two taking about?” tanong niya at kita ko na may bahid ng inis sa kanyang mukha.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alessia at nakita kong napalunok siya. Bigla siyang napatayo at nahihiyang lumapit kay Sir Vincent. “Ahm, pinag-uusapan lang kasi namin si Sir Allan pero iyong narinig mo joke ko lang naman iyon. Hindi iyon totoo, promise,” sabi ni Alessia.
Tinakpan ko ang aking bibig ng aking kamay dahil pinipigilan ko ang mapangiti. Paano kasi akala ko under si Sir Vincent kay Alessia pero hindi naman pala. Alessia looks like a sad puppy wagging her tail to Sir Vincent.
“Yeah, right. Explain that to my office,” sabi ni Sir Vincent na mukhang hindi naniniwala kay Alessia.
Nauna nang maglakad si Sir Vincent at napalingon naman si Alessia sa akin at kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. Pero imbes na mag-alala ako sa kanya ay hindi ko mapigilang matawa ng mahina.
“Girl, takot ako kay Vincent kapag galit siya,” reklamo niya.
“Pumunta ka na lang at mag-sorry. Ikaw naman kasi kung anu-anong sinasabi mo e.” Napakamot si Alessia sa kanyang ulo. “Bakit mo naman kasi ginawang joke iyon kung hindi naman totoo?”
“Ikaw naman kasi,” sisi niya sa akin.
“Aba’t tignan mo ito at ako pa talaga ang sinisi mo.”
“Alessia!” rinig naming sigaw ni Sir Vincent sa kanya.
“Tinatawag ka na ng mahal mong prinsipe. Sa kanya mo na lang gawin iyong advice mo sa akin na panglalandi.” Nagdabog siyang parang bata at tinawag ulit siya ni Sir Vincent kaya wala na siyang nagawa at sumunod na lang kay Sir Vincent.
Naiwan akong mag-isa na nakaupo sa bench sa may hardin. Nakita ko naman na kunti na ang tao dahil hapon na at siesta time kaya karamihan siguro sa kanila ay tulog. Wala na rin naman na akong gagawin dito dahil iniwan na ako ni Alessia kaya napagdesisyonan kong bisitahin si Sir Allan para tanungin siya sa aming misyon.
Habang papunta ako sa opisina niya ay napadaan ako sa resting area at nakita kong mataman na nag-uusap sina Dominus at Sir Allan. Mukha silang seryoso at mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan. Maya-maya ay mukhang natapos na silang mag-usap dahil tumayo na si Dominus at tinapik ang balikat ni Sir Allan. Agad akong nagtago sa pader at nakita kong lumabas na si Dominus. Ilang minuto lamang ay sumunod na si Sir Allan at sinundan ko siya ng tingin. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Dominus? Alam din kaya ni Dominus ang tinutukoy na anak ni Greg?
Sinundan ko si Sir Allan sa kanyang opisina at akmang kakatokin ko na ang pinto ng kanyang opisina nang mapatingin ako sa pinto ni Sir Vincent. Nakita ko ang isang Alessia na parang maiiyak na. Nang makita niya ako ay agad niya akong tinakbo ng yakap. Umiyak siya ng pagkalakas-lakas pero wala naman siyang luha.
“Hoy, ang OA mo,” sabi ko sa kanya at tumigil naman siya sa kunyaring pag-iyak niya. “Ano’ng nangyari sa iyo? Ano nalandi mo na ba iyong boyfriend mo?”
Umiling siya at lumabi siya na parang bata. “Vincent hates me. Nagselos kasi siya sa narinig niya kanina kaya hindi ko na tuloy siya masuyo. Ang sabi niya hindi niya raw ako papansinin ng isang linggo dahil galit pa siya sa akin.”
Tinaasan ko siya ng aking kilay. “Grabe ang hirap pa lang magalit ni Sir Vincent.”
“Sabi ko sa iyo ayoko siya kapag galit siya kasi ganyan siya e,” reklamo ni Alessia. “Hindi effective sa kanya kahit maghubad ako sa harapan niya. I need to wait for him to cool down before we’ll be okay after a week.”
“Well, it’s really your fault.” Napahalukipkip siya.
“I hate you. Akala ko ba friend kita?” Natawa naman ako ng mahina.
“I am,” sabi ko naman. “Since I am your friend, I will tell you the truth and not tell you a lie. Kaya sinasabi ko sa iyo na kasalanan mo dahil alam mo na ngang ganoon iyong ugali ng boyfriend mo pinagselos mo pa. Kaya imbes na magmukmok ka sa isang tabi ay landiin mo na lang siya. Are you going to wait one week before you guys will be back together? Kung ako sa iyo ay hindi ako papayag.”
Tumango-tango naman siya at napalitan ng pagkadesidio ang kanyang ekspresyon. “You’re right. I’m his girlfriend, so I will do anything for him to forgive me. Hindi ako maghihintay ng isang linggo bago niya ako pansinin.”
Tumango naman ako. Napatingin siya sa akin at agad akong binigyan ng yakap.
“Thank you! Now if you’ll excuse me, I will plan how I will seduce him.” Umalis na siya at natatawa akong sinundan siya ng aking tingin.
Huminga ako ng malalim at bumalik sa orihinal kong plano kanina. Kinatok ko ang pinto ni Sir Allan at narinig ko ang mahina niyang boses sa loob. Binuksan ko ang kanyang pinto at nakita kong abala siyang may ginagawa sa kanyang computer.
“Tamang-tama ipapatawag na sana kita pero nandito ka na rin lang naman ay planuhin na natin kung ano’ng gagawin natin kay Greg.” Tumango naman ako at dahan-dahan kong sinara ang kanyang pinto.
“Okay, uhm about that... Sir Allan, I want to ask you something, and it’s been bothering me for days.” Tumango naman siya at pinaupo niya ako.
“Sure. What is it?” Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ng kanyang mesa.
“I can’t help to notice that you are actually avoiding me for days now.” Sumeryoso siya ng tingin at tinigil ang kanyang ginagawa at diretsong napatingin sa akin. “At alam ko na nangyari iyon noong tinatanong kita tungkol sa sinabi ni Greg sa akin tungkol sa kanyang anak. You have the right to avoid me because I am thinking that you are hiding something that I don’t know.”
“And what is that?” tanong niya.
“You know the identity of the child of Greg that he was talking about. Hindi lang basta identity ang alam mo dahil pakiramdam ko ay personal na kilala mo rin siya.” Pagkasabi ko nun ay napatungo ako at iniwas ang aking tingin sa kanya.
Nagkaroon ng kunting katahimikan sa pagitan naming dalawa at nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat ba na sinabi ko ang mga iyon sa kanya. Hindi ko na muli pang inangat ang aking mukha dahil dama ko ang mga titig niya sa akin at hindi ko siya kayang titigan.
“Harper,” tawag niya sa akin. “Please lift up your head.”
Agad ko naman itong ginawa at nakita kong nginitian niya ako na aking ipinagtaka. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at saka tumango-tango.
“Okay, first of all, you are right that I am avoiding you for days now. Pero hindi dahil sa tanong mo kung bakit kita iniiwasan. I was avoiding you because I thought that you are scared of me. I thought that if I will avoid you then you will not be scared of me anymore.” Napamaang ako sa kanya.
“H-Hindi ko po magagawa iyon. I am just shy. That’s all.”
“I know. And you are also right that I know the identity of Greg’s child, and I personally know his child.” Napalunok ako at may kinuha siya sa drawer niya na isang litrato at saka ito ibinigay sa akin. “But before I tell you who is that child, how did you know that I am keeping it as a secret?”
“A-Ahm, instinct? Hindi ko po alam. Malakas lang po talaga iyong pakiramdam ko na may alam po kayo eh.” Tumango siya ulit.
“I am impressed, but next time please don’t do that. What if mali iyong hinala mo at pinagbintangan mo ang ibang assassin dito? That is actually ground for punishment, Harper. Lalo na ayaw na ayaw ni Dominus ang mga speculation dahil gusto niya ay proofs. Palalampasin ko itong ginawa mo dahil tama ka ng hula, but don’t do it again. Being an assassin is not about fortune telling and speculations. Is that clear?” Tumango naman ako.
“Yes, Sir Allan,” sagot ko sa kanya.
Agad na tinignan ko ang hawak kong litrato at dito ay si Greg noong medyo bata pa siya at katabi niya ay isang bata na nasa edad sampu siguro. Tinignan ko ang likuran ng litrato at binasa ko ang pangalan na nandito at halos lumaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni Greg na anak niya. Napatingin ako kay Sir Allan at tumango naman siya. Napamaang ako at hindi makapaniwala sa aking nakikita ngayon.