Part 4: Sagradong Sayaw

2072 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 12, 2019   "Masakit na ang tuhod ng lola mo. Sasayaw ka lang, didikdikin ang prutas at gagawin alak ang katas nito. Madali lang naman iyon. Siguradong matutuwa ang iyong ina dahil noong kasing edad mo siya ay siya ang nag sasayaw doon sa altar. Gawin mo ito para kalugdan ka ng ating mga ninuno at hindi puro kamalignuhan ang nakikita mo." ang tugon rin ni Lolo sabay hampas ng kahoy sa aking ulo. "Arekup." reklamo ko naman. Hindi ako makapaniwala na ang sayaw na pinag tatawanan ko noon ay ako mismo ang gagawa ngayon. Alam kong tradisyunal ito at sagrado ngunit hindi dapat ito ipag katiwala sa isang loko lokong katulad ko. Baka mapahiya lang sila o kaya ay baka sumablay pa ako at magalit yung espiritung nakabantay doon sa templo. Katulad dati, may isang ninuno kami na ang kamali ng pag riritwal doon sa altar, ang naging kapalit ay minalas siya habang buhay, sana ay hindi ko naman sapitin ang ganoong kalupit na kapalaran. Part 4: Sagradong Sayaw Kinabukasan, alas 10 ng umaga noong buksan ang tarangkahan ng templo para papasukin ang mga turista, katulad dati ay hindi tataas ng 20 ang kanilang bilang alinsunod sa alituntunin ng bundok dahil lubos na pinapangalagaan ang matandang templo, ang pag papa pasok ng maraming tao ay tiyak na ikasisira ng paligid. "Maligayang pag dating po sa templo ni Suyon." ang pag bati namin habang naka yuko. Suot ni Lolo at Lola ang kanilang tradisyunal na damit na pang monghe at ako naman ay ganoon rin. Iba nga lang ang kulay ng sa akin dahil kulay ginto ito at maraming burda. Samantalang kitang kita naman sa mukha ng mga bisita ang labis na pag kamangha. Lahat sila ay napa "wow" at napalanghap sa sariwang hangin na umiihip sa paligid. Ang iba ay parang nakaramdaman ng hindi maipaliwanag na lamig at ang iba naman ay kakaibang emosyon ang lumukob sa pag katao. Si Lola ang nag pasyal sa kanila sa buong paligid. Ang bawat detalye ay pinapaliwanag niya mula sa halaga ng haligi, mga ibig sabihin ng lumang desenyo sa harap ng templo at maging ang kulay nito ay may simbolismo rin kaya naman mas lalo pang namangha ang mga bisita sa yaman nito sa kasaysayan. "Ang templong ito ay sinasabing tahanan ng isang Diyos na nag mumula sa kalangitan. Bumaba siya rito sa lupa upang suyuin ang kanyang kasintahan. Dito sila nanirahan at nag sama ng maligaya. Iyon nga lang ay talagang isang malaking kasalanan ang pag iibigan ng isang Diyos at isang mortal kaya't gumawa ng paraan ang langit upang sila ay pag hiwalayin. Ang langit ay nagalit at nag padalang ng tatlong makapangyarihang anghel upang wasakin ang pag mamahalan ng dalawang nilalang. Iyon ang naging trahedya ng kanilang pag sasama." ang pag kkwento ni Lola. Damang dama ng mga bisita ang kanyang pag sasalaysay ang iba ay naiyak pa at nakaramdam ng awa. "Lola, anong nangyari sa dalawang nilalang na iyon? Nag kahiway ba sila?" ang tanong ng isang babae. "Lumaban ang Diyos sa kapwa niya ni Diyos kaya't siya ay pinarusahan. Gayon pa man ay mas pinili niyang sumama sa mortal na kanyang iniibig, maging hanggang kamatayan ay nangako sila na hindi mag hihiwalay kaya't ang kanilang espiritu ay bumaba dito sa templo at mag pasa hanggang ngayon marami pa rin ang nakaka kita ng kanilang aparisyon na lumalakad o nag yayakapan sa paligid ng lumang gusaling ito. Marahil ay sila na rin ang nangangalaga sa templo kaya hanggang ngayon ay maayos pa rin ito." ang wika ni Lola habang naka ngiti kaya naman lalong napahanga ang mga bisita at nag palakpakan pa ang mga ito. Matapos mag kwento ni Lola ay dinala naman ang mga bisita sa lumang groto na may altar kung saan ako nakatayo. Dito ay isasagawa ko ang ritwal na sayaw para sa mga Diyos at ang aking magiging taga panood ay ang mga bisita. Si Lolo at ang kanyang matatandang kaibigan ang may hawak ng mga instrumentong gawa sa kawayan at sa ibang uri ng dahon. Puro kalatok lamang ng kahoy ang maririnig sa paligid habang nakatayo ako sa altar. "Ang gwapong bata nito." ang wika ng mga dayuhan sa akin habang nag sisimula ako hawakan ang gintong palayok. Initaas ko ito at muling ibinaba para sambahin. Muli ko itong hinawakan at saka itinaas habang aking paa ay umiindak indak na parang isang igorot na ang sasayaw sa kanilang tribu. Ang tunog ng nag uumpugang kawayan at kahoy ang aking naging musika, kapag mabagal ito ay mabagal rin ang pag galaw at kapag naman mabilis ito ay ganoon rin ang aking mga paa. Inukutan ko ang palayok at muli akong lumuhod para idikit ang aking noo sa sahig ng altar tanda ng pag papakumbaba sa mga Diyos. Maya maya ay kinuha ko ang kumpol ng ubas sa gintong lamesa at sinumulan ko itong dikdikin ng paulit ulit hanggang sa mag karoon ng katas. Muli ako umindak at habang patuloy ako sa ganoong posisyon ay marahan kong isinasalin ang katas ng ubas sa palayok. At mula naman sa palayok at ililipat ko ito sa isang sagradong bote na iaalay ko sa atlar ng Diyos sa loob mismo ng templo. Natapos ang aking pag riritwal, lumuhod ako at nag bigay pugay sa lahat.. Isang masigabong palakpak naman ang iginawad nila sa akin, ang karamihan ay nag abot ng donasyon at suportang pinansiyal para sa pangangalaga ng templo. Napabuntong hininga ako noong matapos ang aking pag sasayaw, nakaramdam ako ng pag kahiya kaya para akong isang damong tumiklop mula sa aking kinatatayuan. "Suyon, ako na lamang ang may hahatid sa mga bisita palabas, kayo ng lalo mo ay dumiretso na sa altar ng Diyos sa loob ng templo at paki usap Suyon, huwag kang makiki alam ng kahit na anong bagay doon. Ilagay mo lamang ang boteng iyan sa altar at iwanan ito doon." ang paalala ni Lolo. "Eh ikaw nalang kaya ang mag lagay doon lolo? Kinakabahan ako e, ito ang unang beses kong papasok sa loob ng templo." ang wika ko na may halong pag aalala. "Ikaw ang nag ritwal kaya ikaw lamang ang maaaring mag dala ng bote sa altar. Sige lakad na at baka abutin pa tayo ng hapon dito sa pag lilinis." ang wika ni Lola sabay hatak sa akin sa pintuan ng templo "La, sasama ka ba sa akin sa loob?" tanong ko "Hindi maaari hijo, ikaw lamang mag isa ang papasok dito. Wala kang ibang gagawin ang kundi ang lumakad ng diretso sa altar at pag nailagay mo na ang bote ng alak ay mag bigay pugay ka sa Diyos at umalis na. Yung pag lalakad mo ay lagyan mo ng pag galang maliwanag ba? O siya, larga na." utos ni Lola sabay bukas sa pintuan ng templo. Tinapik niya ang aking balikat at marahan akong itinulak sa loob nito. Napa hinga ako ng malalim, pag pasok ko pa lamang dito ay kakaibang pakiramdam na ang lumukob sa aking pag katao. Hindi ko maunawaan ngunit para bang nag lakad na ako sa lugar na ito, parang matagal na akong bahagi ng templo. Ang bawat pag yapak na aking ginagawa ay masarap sa pakiramdam lalo na kapag napapatingin ako sa paligid nito. Punong puno ng gintong desenyo at sa gawing dingding ay may isang malaking larawan ng isang lalaking naka harap sa karagatan, ang kulay ng paligid sa larawan iyon ay dapit hapon, batid ko ito dahil sa malamlam na kalangitan. Patuloy akong nag lakad sa gitna ng altar at dito ay inilagay ko ang bote ng alak sa sentro nito at dito ay lumuhod ako para mag bigay pugay. Kasabay nito ang pag bigkas ko sa aking kahilingan. "Pag kalooban nyo po ng malusog na pangangatawan ang aking lolo at lola, gabayan nyo po sila at ilayo sa kapahamakan." ang wika ko habang naka luhod pa samba sa sahig. Tahimik. Nanatili ako ng ilang saglit sa ganoong posisyon noong maramdaman kong may lumakad sa aking harapan. Kitang kita ko ang kanyang paa at ang kumikinang na laylayan ng kanyang suot na pantalon. "Suyon.." ang pag tawag niya kaya naman nakaramdam ako ng takot, agad kong iniangat ang aking ulo ngunit walang tao dito maliban sa akin. "Salamat po sa biyaya! Salamat po!!" ang nag aapura kong salita sabay takbo palabas sa templo. Pakiwari ko ba ay minulto ako sa loob nito kaya ganoon na lamang ang aking kilabot. "Suyon, hindi ka dapat tumatakbo sa loob ng templo. Ano ka ba naman bata ka. Mag palit kana ng damit at baka masira mo pa iyang kasuotang pang templo." ang sermon ni Lola noong makita niya akong nag kakandarapa sa pag labas sa templo. "Hindi naman ako tatakbo kung hindi ako natakot doon sa loob, may multo doon sa altar. Tinawag pa niya ang pangalan ko." ang tugon ko "Walang multo doon Suyon, marahil ay dala naman iyan ng malikot mong imahinasyon. Ang mabuti pa ay hakutin mo itong mga gamit at uuwi na tayo. Naku bata ka, baka magalit ang Diyos sa pambabatos mo sa kanila." pananakot pa ni lola Wala naman akong nagawa kundi ang lumingon sa templo at dilaan ito. “Bleeehhh!” dahilan para katusan ako ni Lola. “Suyon, hindi mo dapat dinidilaan o ginagawang katkatwa ang templo. Larga na!” ang utos nito at hinampas pa ako ng tuyong kahoy sa likuran. Kung sa bagay ay wala namang maniniwala sa akin kahit sabihin kong paulit ulit ako nakaka kita ng kakatwang bagay doon sa templo. Sa labas pa nga lang ay parang ineengkanto na ako paano pa kaya doon sa loob, maging sa panaginip ko ay parati akong sinusundan ng mga ito. Kaya tuloy napapag sabihan akong wirdo ng mga kaklase ko dahil sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag ng maayos. Basta nakikita lang ito ng aking mga mata, hindi ko na alam kung paano ko ba ilalarawan. “Kumain ka ng marami hijo, alam mo ba na marami ang humanga sa pag sasayaw mo kanina? Lahat sila ay natameme sa gandang lalaki mo. Habang naka suot ng sagradong damit.” ang wika ni Lolo habang kumakain kami ng hapunan “Parang kayo lang naman ang nagandahan lolo, ang damit na iyon ay makati at may kakaibang amoy na parang hindi nilalabhan ng maayos. Pakiramdam ko ay nag karoon ako ng putok sa kili kili.” ang reklamo ko kaya kinatukan nanaman ako ni Lola ng sandok. “Suyon paminsan minsan ay mas mabubuting itikom mo nalang ang dila mo. Masyado kang madaldal at tuwid kung mag salita, basta nakita mo panget ang isang bagay ay sasabihin mong panget ito kahit alam mo makaka sakit ka. kung minsan ang pag sasabi ng katotohanan ay may pinipiling pag kakataon. Mali na sabihin mo amoy putok ang sagradong damit.” ang wika niya “Nag sasabi lang po ako ng totoo, mas mainam na sabihin ito para magawan agad ng paraan, kung sasabihin mo sa isang tao na maganda o gwapo siya pero hindi naman talaga ay iyon na ang paniniwalaan niya. Mabubuhay siya sa kasinungalingang dulot ng hindi pag sasabi ng totoo. Sa huli ay mamatay siyang pangit at kaawa awa nalang.” ang sagot ko naman. “Pero minsan ay dapat isa- alang alang mo rin ang damdamin ng iba Suyon.” Sagot ni Lola “Masakit ang katotohanan lalo na kung totoo talaga ito. Ang sabi niyo dati ay huwag akong mag sisinungaling, pero ngayong nag sasabi ako ng totoo ay nagagalit kayo. Hindi ko na po alam kung saan ako lulugar, kayo kasing matatanda ang gugulo ninyo at bago bago kayo ng mood.” ang hirit ko pa pero sa halip na magalit ay natawa na lamang ang mga ito. Hinaplos nila ang aking buhok at ginusot ito, alam kong masaya sina lolo at lola noong mga sandaling iyon dahil niyakap ko ng buo ang pag riritwal, bagamat ito talaga ang mga bagay na ayaw na ayaw kong gawin.  Alam nila na mula ngayon ay ako na gagawa nito at isasalin ko sa aking magiging anak hanggang sa maging pisi ng sagradong tradisyon doon sa templo.   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD