Part 5: Bakas ng Nakalipas

1816 Words
Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 13, 2019   Part 5: Bakas ng Nakalipas “Suyon, sigaan mo na yung mga kalat ng mga turista kahapon, nandoon sa sako ang mga basura, doon mo sunugin sa malayo at baka maamoy pa ng lolo mo ang usok ay lalo pa itong ubuhin.” ang utos ni Lola habang abala sa pag wawalis ng aming bakuran. “Bakit kailangan ay dito sa atin sunugin ang mga basura? Pwede naman doon sa mismo sa templo nalang.” ang pag tataka ko “Mahirap mag sindi ng apoy doon. Kahit buhusan mo pa ito ng gaas ay hindi basta basta nag liliyab. Masyadong malamig ang lupa doon kaya mahirap mag dingas ang basura.” ang wika ni Lola Wala naman akong nagawa kundi ang buhatin ang sako sa likod ng aming bahay at ipunin ito sa isang hukay kung saan ko sinusunog ang iba pang basura.  Dito ko halos sinunog ang mga lumang damit ni inay ayon na rin sa paniniwala ng mga matatanda sa kabundukang ito. Dapat raw ay sinusunog ang gamit ng pumanaw upang madala niya ito sa kanyang pag lalakbay. Tahimik.. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalaan habang pinag mamasdan ang usok na umaakyat patungo sa itaas. Ang iba ay sumasama sa hangin na wari’y nag sasayaw sa isang mahiwagang ritmo na sila lamang ang nakakarinig, bagamat masarap itong pag masdan at nakakalibang pa. Tumagal ako ng halos ilang minuto sa ganoong posisyon bago ako tuluyang tumayo at bumalik sa harap ng aming bakuran para hakutin naman ang mga kalat na nawalis ni lola mula sa mga tuyong dahong nalalagas sa mga puno. Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay hindi ko inaasahan ang aking susunod na masasaksihan, laking gulat ko noong makita ko ang isang lalaking pamilyar sa akin, nakatayo sa aming bakuran habang kausap sina lolo at lola. “Si Itay!” Ang kanyang mukha ay natatandaan ko pa rin kahit na mahabang panahon siyang hindi nag pakita sa amin. Hindi ko malaman kung ano ba ang aking dapat na madaramdaman kaya naman nag tago ako sa gilid ng aming bahay at nakinig nalang sa kanilang usapan. “Inay, Itay, matatanda na kayo. Nais kuhanin na si Suyon upang doon na lamang kami tumira sa siyudad.” ang wika ni Itay “Huwag mo kaming matawag tawag na “inay at itay” dahil hindi ka namin anak. Ang isang katulad mong lalaking makasalanan ay dapat parusahan ng panginoon! Hindi namin ibibigay sa iyo si Suyon dahil kami ang nag pakahirap para palakihin siya at kami ang bumusog sa pag mamahal sa kanya, mga bagay na hindi mo nagawa kailanman.” ang sagot ni lola “Ngunit ako pa rin ang ama ni Suyon, mas may karapatan ako sa kanya.  Gusto ko siyang isama doon sa siyudad upang makilala niya ang kanyang mga kapatid. Maganda ang buhay namin doon at nais ko iyong ibahagi sa kanya.” ang wika ni Itay “Hindi aalis si Suyon dito. Hindi mo siya makukuha sa amin! Umalis kana!” ang galit na sigaw ni lolo sabay tutok ng kanyang panabas sa harapan nito. Noong makita ko ang galit sa mukha ni Lolo ay dito na ako nag pasyang lumabas mula sa aking pag kukubli. Agad akong lumakap patungo sa mga matatanda at pinigil ko si Lolo mula sa kanyang pag tutok ng itak sa aking ama. "Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kanya "Suyon, ikaw ba iyan? Ang laki mo na pala." ang wika niya dahilan para matawa ako. "Bata palang ako noong umalis ka, anong gusto mo manatili ako sa ganoong edad? Mabuti naman at nakilala mo pa ako, ilang taon ka ring nag laho na parang isang bula." sagot ko naman. "Nag punta ako rito para kausapin ka anak, gusto kong isama ka doon siyudad, upang makilala mo na rin ang mga kapatid mo." ang wika niya "Sa tingin mo ba ay makukuha mo ako sa iyong mga salita? Kung tumalab sa aking ina ang mabulaklak mong dila sa akin ay hindi. Ang totoo noon ay matagal na kita ibinaon sa hukay kasama ng aking ina. Hindi mo alam kung paano siya nag hirap habang araw araw niyang hinihintay ang pag babalik mo, bawat minuto ay nangangarap siya na muling mabuo ang pamilya natin at maging sa huling hininga niya ay iyon pa rin ang inaasam niya. Nasaan ka noong mga oras na iyon? Nasaan ka noong nag hihirap siya? Nasaan ka noong mga oras na kailangan ko ng isang ama? Alam mo ba na parati akong napapa away doon sa eskuwelahan noon dahil lagi nila akong pinag tatampulan ng tuwa, sinasabi nila na ang aking ama ay isang engkanto doon sa templo. Masakit iyon para sa akin kaya halos makipag basagan ako ng mukha para maipag tanggol ka. Pero noong nag tagal, natanggap ko na rin na ang aking ama ay higit pa sa isang engkanto. Dahil isa ka palang halimaw na makasarili at walang puso. Mas nanaisin ko pang maging ama ang isang engkanto doon sa templo kaysa maging bahagi ng buhay mo." ang salita ko habang lumalakad palapit sa kanya, hindi ko maitago ang matinding galit at pag kamuhi noong mga sandaling iyon. Natahimik ang aking ama at napaatras ito mula sa kanyang kinatatayuan. Ang aking mata ay punong puno ng galit, nag uumapaw ito at hindi huhupa ng ganoon kadali. "Nakita mo ba ang kwintas na ito?" ang tanong ko habang hawak ko ang kwintas sa aking kamay. "Ito lang ang tanging kayamanan ko na iniwan sa akin ni Inay, ipapa alala raw sa akin nito ang masasayang sandali na kami ay mag kasama, NGUNIT bakit sa tuwing tumitingin ako dito ay mas lalo akong nalulungkot. Dahil sa halip na maalala ko ang masasayang araw na iyon ay sumasagi sa aking isipan ang kanyang pag hihirap, mga impit na daing habang winawasak ng karamdaman ang kanyang katawan. Titigan mo ang kwintas na ito, nakikita mo ba kung gaano siya nasaktan?!" ang salita ko habang ipinakikita sa kanyang mukha ang kwintas. Pumikit ang aking ama. "Ang kwintas na iyan ay hindi niya dapat ibinigay sa iyo. Akin na iyan Suyon." ang wika ng aking ama. "Kanino dapat ito ibinigay? Sa iyo?! Hanggang ngayon ay makasarili ka pa rin! Wala kang ibang iniisip kundi ang sariling kaligayahan mo! Namatay si inay dahil sa iyo! Ikaw ang dahilan kaya humina ng husto ang katawan niyaaaa!!" ang sigaw ko, mas lalo pa akong lumapit sa harap ng aking ama at pinag kadiinan sa kanyang mukha ang kanyang pag kukulang. Habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong may pumatak na kung anong bagay na malamig sa aking ulo. Ang kwintas na aking hawak ay unti unting lumalamig na animo nag yeyelo. Agad akong tumingala upang tingnan ang bagay na pumapatak mula sa itaas.. "Niyebe.." ang bulong ko at habang nasa ganoong pag kamangha ako ay bigla namang napasigaw si Lola dahilan para kapwa kami magulat ni itay. "Ang templo ay nag liliwanag!! Anong nangyayari sa templo?!" ang wika ni Lola at dito ay nga nakita namin na ang lalabas ng kakaibang kinang ang templo, parang binabalot ito ng kakaibang sinag. "Ang templo! Anong nangyayari dito?!" ang tanong rin ni lolo ngunit hindi na ako nag dalawang isip, nag tatakbo ako patungo doon. "Suyon! Bumalik ka dito!" ang sigaw ng aking ama at dito at hinabol na nila ako. "Baka may nasusunog doon sa templo kaya nag liliwanag ito ng husto. Titingnan ko lamang kung ano ang nangyayari." sagot ko naman. "Suyon, hintayin mo kami!" ang sigaw ni Lolo Noong makita namin ang malakas na liwanag ay agad rin kaming umakyat patungo sa tarangkahan ng templo. Pag dating ko rito ay normal naman ang lahat, walang kahit na anong liwanag o sunog na nakita. Iyon nga lang, ang nakapag tataka ay kahit mataas ang araw ay malamig at basa ang sahig na aking tinatapakan. At kada hakbang ng aking paa ay para bang dumidikit ito sa lupa at nag iiwan ng bakas o ukit na parang ako ay lumalakad sa isang nag yeyelong lugar. "Suyon, bumalik ka dito! Huwag kang papasok diyan!" ang sigaw ni Itay. Humarap ako sa kanya na may halong pag kainis. Ano pa ba ang nais mong marinig? Hindi pa ba malinaw sa iyo na hindi ako sasama? Hindi ako titira sa isang impyernong lugar kasama ka at ang pamilyang ipinalit mo sa amin!" "Kaya nga nandito ako anak, gusto kong itama ang pag kakamali ko. Paano ko makakabawi kung hindi mo ako bibigyan ng tiyansa?" "Babawi? 20 years? Paano? Wala na si Inay, patay na siya! Alam mo ba na pinandirihan siya ng buong baryo? Ni walang lumapit sa kanyang kabaong dahil kakaiba raw ang kanyang karamdaman at maaaring mag dala ito ng kamalasan. Noong ilibing siya ay WALA ni isang taong taga rito sa baryo ang nag lakas loob na hinatid siya, ang lahat ay naging malupit sa amin!" ang sigaw ko sabay takbo pa patungo sa likod ng templo kung saan naroon ang balon. "Suyon, hindi maaaring basta basta pumapasok sa templo. Bumalik ka rito!" ang pag pigil ni Lola "Tama na Suyon! Bumalik ka rito paki usap!" ang salita naman ni Itay "Mainam pang tumalon nalang ako sa luma at sirang balon na ito kaysa sumama dyan kay itay!" ang sigaw ko naman habang lumalapit sa balon. "Tama na! Suyon! Bumalik ka rito!" wika ni Itay habang lumalapit sa akin. "Argghh! Tama naaaa! Ang totoo nun ay ayaw mo naman talaga ng anak na lalaki diba? Ang gusto mo ay mag karoon ng ng isang babaeng anak! Hindi ka naibigay ni inay ang gusto mo kaya noong nag kasakit siya ay ginamit mo ang pag kakataong iyon para iwanan kami! Gusto kitang sisihin kung bakit nag hirap si inay! Kung bakit namatay siya! Daig mo pa ang isang kriminal! Hindi kita patatawarin!!! Hindeeeee!!!" ang sigaw at nasa ganoong pag kagalit ako noong biglang nag liwanag ang kwintas sa aking leeg at kasabay nito ang pag bagsak ng yelo sa mula sa itaas na ikinagulat nina itay, lolo at lola. Muli akong napatingala at pinag masdan ang kumikinang na butil nito na marahang bumabagsak sa aking ulo.. "S-Suyon... Lumayo ka sa balon paki usap." ang wika ni itay habang iniaabot ang kanyang kamay. Noong mga sandaling iyon ay hindi na ako naka galaw pa ngunit pinilit ko pa ring abutin ang mga kamay ni itay ng bigla na lamang may kung anong pwersa ang humigop sa akin mula sa nag liliwanag na balon at dito nilukuban ako kakaibang init sa aking katawan.. "Saklolo!! Tulong!" ang sigaw ko sa aking sarili at bago ako balutin ng kakaibang sinag ay narinig ko pang isinigaw ni itay ang aking pangalan "SUYON!!" Tuluyan akong nahulog sa balon at kasabay nito ang pag lalaho ng aking katawan sa nakakasisilaw na liwanag na nag mumula sa aking suot na kwintas. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD