Part 6: Ang Bayan ng Yelo

3247 Words
Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 13, 2019   "S-Suyon... Lumayo ka sa balon paki usap." ang wika ni itay habang iniaabot ang kanyang kamay. Noong mga sandaling iyon ay hindi na ako naka galaw pa ngunit pinilit ko pa ring abutin ang mga kamay ni itay ng bigla na lamang may kung anong pwersa ang humigop sa akin mula sa nag liliwanag na balon at dito nilukuban ako kakaibang init sa aking katawan.. "Saklolo!! Tulong!" ang sigaw ko sa aking sarili at bago ako balutin ng kakaibang sinag ay narinig ko pang isinigaw ni itay ang aking pangalan "SUYON!!" Tuluyan akong nahulog sa balon at kasabay nito ang pag lalaho ng aking katawan sa nakakasisilaw na liwanag na nag mumula sa aking suot na kwintas. Part 6: Ang Bayan ng Yelo Natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang malamig na lugar, isang bundok na kulay puti na babalutan ng kung anong malamig na bagay. "Yelo? nasa ibang bansa ba ako? O baka naman panaginip lang lahat ng ito?" ang tanong ko sa aking sarili habang tumatayo.   Nasa ganoon akong pag mumuni muni nang maisipan kong himay-himayin ang mga pangyayari, "Teka,kanina lang ay kaaway ko si itay, nakatayo ako sa  harap ng lumang balon sa likod ng templo, tapos bigla nag liwanag ito at nilukuban ang katawan ko, Ngayon nandito na ko sa isang di kilalang lugar. Baka naman panaginip lang ito? imposible!"   Pero bakit namamanhid na sa lamig ang aking katawan? Parang nag yeyelo ako na hindi ko malaman, Masakit, nakakapang hina ng katawan ang sobrang lamig pero pinilit ko pa rin ihakbang ang aking mga paa, alam kong nanaginip lang ako dahil walang ganito lugar sa amin.   Nagpatuloy ako sa pag lalakad..   Tahimik..   Umuugong ang hangin, parang umiiyak na lamang lupa ang tono nito kaya naman nakaramdaman ako ng matinding pangingilabot. Niyakap ko ang aking sarili dahil ilang sandali pa ay baka di ko na makayanan ang sobrang lamig. Paki wari ko tuloy ay wala nang dugong dumadaloy sa aking tuhod, gayon pa man ay pinilit ko pa ring mag lakad at makalayo sa lugar kung saan ko nag tagpuan ang aking sarili. Patuloy pa rin ako sa pag hakbang, halos malayo layo na rin ang aking nilakad buhat kanina. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may naaninag akong isang lalaking naka handusay sa gitna ang puting niyebe. Hindi na ako nag dalawang isip, agad ko siyang nilapitan at inuga ang kanyang matigas na katawan. “Ginoo, mawalang galang na po. Ginoo!” ang pag tawag ko pero wala akong sagot na nakuha mula sa kanya, kaya naman mula sa pagkakasubsob nito sa lupa ay minabuti kong ipagulong ang kanyang katawan upang makita ang kanyang mukha.   Tumihaya ang katawan ng lalaki at dito ay halos mapasaldak ako sa lupa noong makitang wala na itong buhay, naka mulagat ang mata, naka nga nga at ang leeg ay halos wakwak. Wala na ring siyang braso at dibdib, hindi lamang na agnas ang kanyang katawan dahil nandito siya sa yelo, hindi ito bumaho o nabulok.   Bukod sa lamig na aking nararamdaman ay binalot rin ako matinding kaba at takot noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay nangibabaw pa rin sa aking isipan ang kuhanin ang makapal na kausotan ng bangkay. Tiyak na makakatulong ito upang balutin ang aking katawan dahil kapag hindi ko ito ginawa ay baka ako naman ang mamatay sa matinding lamig.   Pilit ko hinubad ang panlamig na damit ng lalaki, makapal ito at hindi naman ganoon ka baho dahil balot ng yelo. Pinag pag ko muna ito ng maigi bago ko ilagay sa aking katawan na noon ay halos mamanhid na rin sa sobrang lamig. Maliwanag ang paligid ngunit walang init ang araw, wala akong makuhang init mula dito.   Dahil sa makapal na kasuotang naka balot sa aking katawan, kahit paano ay nag karoon ako ng panggalang sa lamig, pati ang sapatos ng bangkay ay nagawa ko na ring kuhanin dahil ang aking talampakan ay parang dudugo na sa matinding lamig, hindi kaya ng aking tsinelas ang temperatura kaya maaga itong nawasak. Bago ako mag pasyang lumakad muli ay nag desisyon akong mag alay ng isang taimtim na dasal para sa kaluluwa ng lalaki, ipinikit ko ang aking mata at binigkas ang mga dasal na itinuro sa akin sa templo. Kalakip nito ang pag papasalamat ko sa kanya dahil sa mga saplot na mag sasalba sa akin sa tiyak na kamatayan dulot ng lamig. Alam kong pag nanakaw ang aking ginawa ngunit ito lamang ang tanging paraan upang ako ay mabuhay. “Amen.” ang bulong ko at habang nasa ganoong pag pikit ako ay bigla na lamang may kung anong humablot sa aking katawan kaya naman agad kong iminulat ang aking mga mata. Dito ay nakita ko ang isang babae na nakahawak sa aking braso. “Sino ka?” ang tanong ko “Wala nang panahon para mag tanong. Nandyan na sila! Takbo naaaaa!” ang wika ng babae at dito ay nakita ko na isang grupo silang tumatakbo na para bang may kinatatakutan.  Lahat sila ay balot ng mga damit panlamig at mabilis na umuusad palayo. Pati ako nakaladkad na rin kaya naki takbo na rin ako kasabay nila. “Ano bang nangyayari?! Hindi ako taga rito! Kailangan ko nang maka uwi!” ang sigaw ko pero walang pumapansin sa akin. Lahat sila ay abala sa pag takbo ng mabilis. “Huwag ka mag sasalita! Tumakbo ka nalang! Kailangan natin makarating sa susunod na bayan! Delikado sa bundok ng yelong ito!” ang sigaw ng babae. “Unti unti nang nawawala ang araw! Babangon na sila!! Hindi tayo aabot sa kabilang bayan!” ang sigaw ng isang lalaki. “Sinong sila? Sandali! Hindi ko maunawaan ang inyong mga sinasabi!” sigaw ko naman “Sila ay ang mga nilalang na uhaw sa dugo. Kumakain ng mga sariwang lamang loob ng tao at walang patid ang kanilang pag kagutom.  Habang sila ay kumakain ay mas lalo pa silang nagugutom! Mga bloodsucker!!” ang sigaw babae at dito ay bigla na lamang nag dilim ang paligid. Ang araw sa kalangitan ay natabunan ng mas makapal na ulap, lahat kami ay napahinto sa aming pag takbo at ang ibang mga lalaki ay nag labas ng kani kanilang sandata, mayroong sibat, itak, espada at pana.  Lahat kami humihinga ng malalim, umuusok ang aming mga bibig at ilong dahil sa init na hanging lumalabas dito. Ang lahat ay nakatayo lang na para bang nag hihintay ng kung anong sasalakay.. Tahimik.. Ibayong kaba ang aking naramdaman, hindi ako alam kung ano ang sunod na mangyayari hanggang sa biglang may isang mabilis na hangin ang dumaan sa aming harapan at dito ay bigla na lamang bumulagta ang dalawang lalaki sa aking tabi. Wala na silang ulo! Dahilan para mapasigaw ako at dito ay nag tatakbo na kami lahat patungo kung saan! Hindi ko alam kung anong bagay na iyon, ngunit batid kong delikado ito. "Nais ko nang gumising! Isa na itong bangungot, isang masamang panaginip ayoko nang maulit kahit na kailan! Nanaginip lang ako! Hindi ito totoo!!! Hindi!!!" sigaw ko sa aking sarili habang tumaktabo ngunit kada hakba na aming ginagawa ay may nalalagas sa aming grupo, bigla na lamang silang tumutumba o bumubulagta sa lupa. At halos karamihan ay wala nang ulo, kitang kita ko kung paano humalo ang kanilang dugo sa kulay puting yelo sa paligid. Halos mabibilang na lamang daliri ang bilang ng mga buhay na tumatakbo at isa na ako rito. Sa mga pag kakataong ganito ay wala nang paki alamanan, ang bumabagsak at namamatay ay hindi na dapat linungin pa. Mahigpit rin ang hawak ko sa isang sibat na kahoy na nakuha ko mula sa isang taong bumagsak kanina sa lupa. Ito ang gagamitin ko upang maipag tanggol ang aking sarili. Mabibilis kumilos ang mga kalaban, parang mga tao rin ito katulad namin ngunit hindi sila ordinaryo. Tawanan sila ng tawanan, nagiging maitim na usok ang katawan na parang mga lumilipad at umaatake sa amin sa iba't ibang direksyon. Maya maya ay naramdaman kong may humablot sa aking likuran, may kumapit na kung anong matalim na bagay sa aking balikat, batid kong isa itong kuko na bumaon sa aking balat at kasabay nito ang pag angat ng aking paa sa ere. Pikit mata akong sumigaw at kasabay nito ang pag wasiwas ko ng aking hawak na sibat sa iba't ibang direksyon. Mabilis ang aking ginawang pag hampas hanggang sa maramdaman kong may tinamaan akong kung ano. Muling bumagsak sa lupa ang aking katawan. Nag pagulong gulong ako sa yelo hawak ang aking putol na sibat. Agad rin akong bumangon at nakita ko sa aking harapan ang isang babaeng naka suot ng magarbong damit, ang kanyang mukha ay putlang pula at namumula ang mata. Ang kanyang itim at mahabang buhok ay parang papel hinahangin sa ere. Naka ngiti ito at parang nang aakit na lumapit sa akin. "Kamusta ka? Amoy na amoy ko ang iyong dugo Ginoo. Maaari ko ba itong tikman? Kahit isang patak lang." ang malambing na pakiusap niya. Lumapit sa akin ang babae habang hinihalahod niya sa lupa ang kanyang mahabang damit. Agad ko naman pinulot ang nabaling sibat sa lupa at nag banta. "Huwag kang lalapit sa akin dahil papatayin kita! Hindi ako nag bibiro!" ang sigaw ko. Natawa lamang siya at pinulot ang isang pugot na ulo ng kanilang biktima. Isinahod niya ang kanyang dila sa tumutulong dugo nito at ninamnam ang katiting na patak na nag mumula rito. Halos maduwal ako sa aking nasaksihan, agad akong nag tatakbo para makahabol sa iba pang tumatakas mula sa kanilang mga kamay. Habang tumatagal ay pakapal ng pakapal ang yelo sa aking nilalakaran kaya talagang hirap na akong maka hakbang. Walang patid ang aking ginagawang pag takbo upang hanapin ang iba pa ngunit sa palagay ko ay bigo ako dahil nakasalubong ko na ang kanilang mga bangkay. Marahil noong inatake ako kanina ay ganoon rin sila at hindi sila naka ligtas, pati ang mga walang labang bata ay namatay rin at pinag gutay gutay ang katawan. Itinapon ko ang aking hawak na sibat at pinulot ko ang isang mas matalim. Nag patuloy ako sa pag takbo hanggang sa maya maya ay marinig nanaman akong mga taong nag tatawanan, parang mga galak na galak na hindi ko mawari at kasabay nito pag liliparan ng mga itim na usok sa aking paligid. Lahat sila ay pumalibot sa akin at paunti unting kinakalmot ang aking katawan. Para akong isang insekto na pinag lalaruan bago patayin. Tuklap ang aking kausotan, kahit makapal ito ay nasira pa rin at naalis ang manggas. Ang aking braso ay nag kasugat, tumagas ang dugo nito at pumapatak ng husto sa puting yelo sa lupa dahilan para mas lalo silang magalak. Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa isang kweba sa gitna ng kabundukang balot ng niyebe, ngunit nakasarado ito. May pintuan na napapalibutan ng maraming kadena. At dahil wala akong ibang pamimilian ay nag baka sakali akong mag punta dito, balak ko sanang sirain ang mga kadena upang makapasok at dito manatili sa loob, batid kong mas ligtas doon kaysa dito sa labas. Ang kweba ay mayroong maliit na bakod na may mga papel na hindi ko mawari kung ano, lumukso ako dito at nag tungo sa pintuan para pilitin itong buksan. Pinag hihitak ko ang mga kadena sa pintuan ngunit bale wala lamang. Habang nasa ganoong posisyon ako ay napalingon ako sa aking paligid. Dito ay laking takot ko noong makita ang maraming tao sa paligid ng bakod. Mga lalaki, babae na magaganda at gwapo ang itsura, mga magagarabo ang mga kasuotan at lahat sila ay naka abang sa akin. Marami sila, nasa kulang labing lima. Matatangkad, mga namumula ang mata, matutulis ang mga kuko at putla ang mga balat. Ang mga lalaki ay naka suot ng mga damit na pang maharlika, parang mga prinsipe ang datingan, ang mga babae ay naka gown na parang mga prinsesa sa mga pelikula. Ang kanilang mga tingin ay nakapako sa aking kilalagyan habang pilit kong winawasak ang kadena sa paligid ng pintuan ng kweba. "Ginoo, bakit kailangan mo pang wasakin ang kadena? Bakit ka na lamang lumabas dito at samahan kami?" ang wika ng isang lalaki. "Paano akong sasama sa inyo? Lahat kayo ay mga halimaw na nag tatago sa magagandang mga mukha!" sigaw ko dahilan para mag tawanan sila. "Kami ay nabibilang sa lahing blood sucker, natural lamang siguro na kami ay kumain ng sariwang laman at uminom ng mainit na dugo. Ito ang bumubuhay sa amin. Bakit hindi mo isuko ang iyong sarili sa amin? Pangako, wala kang mararamdaman." ang wika ng isa. "Akin siya, ako ang bahala sa kanya. Pinatakas ko lamang siya kanina dahil gusto ko sanang makipag laro pa. Mula dito ay amoy na amoy ko ang kanyang mabangong dugo, nakaka baliw ang simoy nito." ang wika ng babaeng dumagit sa akin kanina. “Kung nababaliw ka edi halika! Lumapit ka sa akin! Kainin mo ako!! Marami kayo diba?!” ang sigaw ko Lumapit ang babae sa bakod at maya maya ay umatras din ito. Kitang kita ko ang pag kagigil sa kanyang mukha habang naka tanaw sa tumutulong dugo na nag mumula sa aking natuklap na balat sa braso at balikat dulot ng kanilang pag kaka kalmot habang ako ay patuloy sa pag takbo. “Ano?! Hindi kayo makalapit? Hindi kayo makapasok sa bakod?!” ang sigaw ko pa Natahimik sila.. Ang ilan ay umatras palayo sa bakod na para bang may kinatatakutang kung ano. “Ano?! Pasok! Kainin niyo ako! Hindi kayo makalapit diba? Hindi kayo makapasok!” “OO! Hindi kami makakapasok! Pero wala ring paraan para makalabas ka! Ang kwebang iyan isinumpa at walang kahit na sino ang maaaring makapag bukas nito! Marami nang sumubok pero lahat sila ay namatay lamang sa gutom, sa lamig at sa pagod!” ang sigaw ng babae “Bakit? Siguro ay natatakot kayo sa kung anuman ang bagay na naka himlay sa loob nito!” ang sigaw ko sabay kuha ng isang tipak ng bato at pinag hahampas ko ang kadena nito pero wala pa rin. Ilang beses ko pang inulit ang pag hampas pero walang nangyayari.. Nag tawanan lamang ang mga kalaban sa paligid. “Mauubos ang iyong lakas ginoo, maya maya lamang ay ganap nang mawawala ang liwanag at ang buong paligid ay babalutin ng dilim. Mas lalakas ang aming kapangyarihan at makakapasok kami sa bakod na iyan.” ang naka ngising sagot ng isang lalaki Noong maraminig ko iyon ay napatingala ako, dito ay nakita kong unti unti nang nilalamon ang dilim ang paligid ng araw, wari’y nag kakaroon ng solar eclipse. Kung kanina ay parang ulap lamang ang naka tabing ngayon ay halos buong liwanag na ang nawawala at kasabay nito ang pag lakas ng hangin sa paligid na wari’y mga lamang lupa na umiiyak. Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon, pinag igihan ko pa ang mag pag hampas ng paulit ulit pero walang nangyari.. Matibay ang pag kakagawa ng kadena.. Nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong madilim na sa paligid. Mas lalo pang dumami ang mga kalaban na nakapalibot sa bakod kaya naman kawalan ng pag asa ang aking naramdaman. Nang hina ang aking tuhod at napa upo na lamang ako sa harap ng pintuan ng kweba.. “Ano ginoo? Pagod kana ba? Hayaan mong pauwiin namin ang iyong pagod. Mabilis lamang ito.” ang wika ng babae at dito ay muling lumutang kanilang katawan sa ere at naging mga usok na wari’y sumasayaw sa paligid. Ang mga usok na iyon ay sabay sabay na lumipad patungo sa bakod.. Pero bumabangga sila dito na parang may harang na kung ano.. Hindi sila tuwirang makapasok.. Habang nasa ganoong posisyon ako ng pag upo sa harap ng pintuan ay laking gulat ko nang may butas na sa ilalim ng lupa malapit sa akin. Mukhang matatalino talaga sila dahil sa hindi sila maka pasok ng tuwiran sa bakod ay nagawa nilang humukay sa lupa at dito mag daan. Matagumpay na nakadaan ang isang kalaban, nag lalaway siyang nag tatakbo patungo sa akin.. “Akin kaaaaa!!” ang sigaw niya sabay lundag sa aking kinalalagyan.. Wala akong nagawa kundi ang mapa pikit at kasabay nito ang pag liliwanag ng kwintas sa aking leeg. Ang liwanag rin ang kadenang ginto sa paligid ng pintuan ng kweba, pati ang mga papel sa bakod ay umiilaw rin dahilan para masilaw ang kalaban at bahagyang dumistansiya sa akin. Ang lalaking nakapasok sa bakod ay nabura at naging abo.. Patuloy na nag liwanag ang mga kadena at kasabay nito ang pag baklas nito, isa isang nalaglag sa lupa ang mga kandado at isa isa ring nasunog ang mga papel na naka sabit sa bakod. “Naalis ang selyo!” ang sigaw ng isang kalaban habang napapa atras. Nag patuloy na mabaklas ang kadena sa paligid ng kweba hanggang kusang bumukas ang pintuan nito.. Tahimik.. At dahil nga nawala ang kadena at isa isang nasunog ang mga selyong papel na nakasabit sa bakod ay nawalan na rin ng harang ang buong kweba kaya naman napangisi ang mga kalaban sa labas nito at lahat sila may marahang tumayo para atakihin ako. Lumakad ang babaeng aswang malapit sa bakod at iniumang niya ang kanyang kamay dito na para bang sinisiguradong wala nang harang na maaaring pumigil sa kanila. Walang nangyari sa kanyang kamay, ang ibig sabihin ay bukas na ang kweba kaya naman natawa siya ng malakas at mabilis na nag tatakbo patungo sa akin. Kasabay nito ang pag takbuhan rin ng iba pa, una-unahan ang mga ito. Kung sino mauna ay sa kanyang sa naka haing hapunan.. Dahil sa matinding takot ay mabilis akong nag tatakbo sa loob ng kweba, mag tatago sana ako sa sulok nito noong may makasalubong akong isang nag liliwanag na bagay palabas sa bunganga nito dahilan para tamaan ang mga kalaban na papasok pa lamang. Ang liwanag na iyon ay kulay asul, kumikinang na wari'y isang malaking bola ng niyebe. Bumalandra ito sa mga katawan ng mga kalaban at maya maya ay bigla na lamang lumapag sa lupa. Ang liwanag ay nanatiling naka lutang sa lupa na parang isang bolang kumikinang kaya naman agad itong pinalibutan ng mga kalaban. Para bang tinatantiya nila kung lalapitan ba ito o iiwasan.. Maya maya ay kusang lumalakas ang liwanag nito hanggang sa sumabog dahilan para masilaw ang lahat. Binalot ng kulay asul na liwanag ang buong paligid, maging ako na nasa loob ng kweba at naka kubli sa isang batuhan ay napa pikit nalang sa tindi ng pag sabog. Masyado itong nakakasilaw at masakit sa mata.. Makalipas ang ilang sandali ay nag laho ang liwanag sa buong paligid at dito ay tumambad sa paningin ng lahat ang isang lalaking nakatalikod, naka suot ng itim na pajama, walang pang itaas na damit. Kahit nakatalikod ay halatang matipuno ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok ay kulay itim na hinahangin.. Noong makita siya ng mga kaaway ay hindi na nag dalawang isip ang mga ito. Lahat sila ay lumundag at sumunggab sa nakatayong binata.. Samantalang ang binata naman ay nanatili lamang nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Hindi alintana ang nag babadyang panganib na maaaring tumapos sa kanyang buhay. Itutuloy.. ********* Author’s Note:   Nais kong makuha ang saloobin mo sa “all new remake” na ito. Ang ibang scenes dito ay hindi mababasa sa lumang aklat.   Bigyan mo ako ng komento kung nagustuhan mo ang bagong version ng SPNL. Salamat!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD