"Mayu..." Nagising ako sa mahihinang tapik. Agad akong napadilat at napaayos ng upo nang marealize na hindi na umaandar ang van. "Stop over, Mayu. Baka mag-si-cr ka?" dinig kong sabi ni Bae. Nilingon ko siya ng mapansin na kami na lang ang tao dito sa loob. Huminga ako ng malalim saka tinanggal ang neck pillow sa leeg ko. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Bigla akong may naalala. Wala sa sariling napahawak ako sa laylayan ng shirt ni Bae at mataman siyang tinignan. "Pwede mo ba akong samahan?" hindi nagdalawang-isip na tumango siya. Nauna siyang bumaba at inalalayan ako pababa ng van. Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad kami sa papasok sa isang fast food chain hanggang sa makarating kami sa cr. "D’yan ka lang ha, baka bigla niyo na naman akong iwan,” sabi ko