"Guys, malapit na tayo,” Dexter announced. Nakita kong gumalaw si Den na mukhang kakagising lang. Humiwalay ako kay Bae at tumingin sa bintana. Medyo malapit na kami sa dagat. Nakikita ko na din ang montero na sinakyan nila Mama mula sa malayo. Nanatili akong nakatingin sa bintana, naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Bae mula sa likuran. "Thank you so much, Mayu.” Pagkababa namin sa van ay naghihintay na nga samin doon sila Mama. Kinumusta lang kami at nagtanong ng kung anu-ano habang hinihintay ang malaking bangka na magdadala samin sa resort kung nasaan ang beach house na minana ni Mama. Ilang sandali pa ay dumating na ang bangka. Lahat kami ay pinagsuot ng life vest saka isa-isa na inalalayan sumakay. Agad akong naupo sa gilid ng makaramdam ako ng hilo. Naramdaman kong