Chapter - 40

1120 Words
“Nag-aalala ako saiyo.” Mahinang sambit nang dalaga habang nakatingin sa mata ni Drake, Maniniwala kaya ito sa sinabi niya? O magagalit sa kanya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito. Simula nang lumabas siya sa hospital hindi na sila nakapag-usap. Aminado naman siyang niwasan niya ang binata dahil takot siya tanungin nito kung anong sakit niya o kung may sakit ba siya. Natatakot siyang sagutin ang tanong nito. “Nag-aalala ka sa akin? Bakit?” Sakristong tanong nito sa kanya. “Bakit? Dahil A----” natigilang wika nang dalaga. “Pamilya tayo.” Mahinang sambit nang dalaga saka iniyuko ang ulo niya. “Pamilya.” Napangising wika ng binata. “Sabihin mo, ganito ba ang naging plano nang lolo at nang assistant niya nang pagbintangan nila nang Fraud ang papa ko? Gusto nilang gawin sa kin ngayon ang ginawa nila sa papa ko? Gusto ba nilang makita kung anong gagawin ko? Gaya ba nang papa ko, magpapakamatay din ako? Iyon ba ang gustong mangyari nang pamilya mo?” Asik ni Drake sa dalaga. Napaangat naman nang tingin ang dalaga at napatingin sa binata dahil sa sinabi nito. “Ganyan ba ang paniniwala mo? Sa palagay mo ba ang lolo ko at si Lee ang dahilan nang nangyayari?” tanong nang binata. “Bakit hindi ba?” “Hindi.” maagap na sagot nang dalaga. “Bakit nila gagawin iyon? Kanino bang project to? Sino ba ang nag approve nang project nang hindi manlang pinakikinggan ang dahilan kung bakit sa una palang hindi na dapat inilabas ang project na iyon?” bulalas nang dalaga. “Sinasabi mo bang kasalanan ko? Kasalanan nang tito ko?” napakuyom ng kamao si Samantha. “Akala ko nasasaktan ka lang sa nangyari sa papa mo kaya ayaw mong makita ang mga nangyayari sa paligid mo. Hindi ko akalain, tanga ka rin pala.” Mahinang wika ni Samantha. “Anong sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ng binata dahil sa narinig mula sa dalaga. “Mamaya ka na magalit sa ‘kin, kumain kana muna. May dala akong pagkain.” Ani Samantha saka lumapit sa dala niyang pagkain at inilabas ang pagkaing dala niya. “Huwag ka nang mag-abala pa. Wala akong ganang kumain.” Wika ng binata saka tumalikod. “Hindi na ako nagpaghanda nang pagkain kaya bumili nalang ako sa labas.” Anang dalaga na hindi pinansin ang sinabi nang binata at patuloy na inilabas sa bag na dalaga niya ang pagkain dala. Nang marinig iyon ni Drake napatingin ang binata sa dalaga. Nang makita niyang hindi parin nito sinusunod ang gusto niya. Nakakuyom siya nang kamao saka lumapit sa dalaga. “Tumigil kana. Sabi ko hindi----” wika ng binata na naputol dahil naramdaman niya ang panginginig nang kamay nang dalaga. Taka siyang napatingin sa dalaga. Bakit ito nangingig? Nang mapatingin siya sa dalaga napansin niya ang nangingilid na luha sa mga mata nito. “Kung ayaw mong makita ako dito. Aalis na ako. Pero pwede bang kumain ka? Ayokong mag-alala saiyo.” Anang dalaga saka tumingin sa binata saka binawi ang kamay niya sa dalaga. Nakatingin lang ang binata sa mukha nang dalaga. Nakikita niya ang pagpipigil nito sa mga luha na huwag tumulo. “Ah, Aalis na ako.” Anang dalaga nang hindi magsalita si Drake. Alam naman niyang hindi siya ang taong gusto nitong makita kung si Nancy siguro ang nandoon baka hindi ganoong galit ang ipinakita nito. Baka ipinakita nitong nahihirapan din siya at gusto nang taong masasandalan niya. Nakakapanghinayang na hindi magiging siya ang taong yun kahit na anong gawin niya. Akmang tatalikod sana ang dalaga para iwan ang binata nang biglang siya nitong kabigin paharap sa kanya saka walang pasabing niyakap siya. Napamulagat pa ang dalaga dahil sa gulat. “Sinong may sabing maawa ka sa tulad ko. Pinipigilan mo pa ang luha mo. Hindi ka dapat maawa sa ‘kin. Nakita mong-----” “Wala akong magawa para saiyo. Hindi ako si Nancy kaya kahit-----” “Hindi mo kailangang maging ibang tao.” Agaw nang binata sa ibang sasabihin ng dalaga. “Pwede bang huwag mo akong pigilang mag-alala para saiyo?” tanong ng dalaga sa binata. “Kahit galit ka sa amin. Please huwag mo akong pigilang mag-alala saiyo.” Dagdag pa nito habang nakahawak nang mahigpit sa damit nang binata. Ito lang pwede niyang gawin para sa binata. ***** "Mag-asawa kayo?” Tanong nang isang pulis kay Samantha nang tanungin nito kung bakit hindi pa umuuwi ang dalaga at kung nandoon pa ito sa presinto at gumagabi na. Sinabi niya sa pulis na hindi siya pwedeng umalis dahil gusto niyang Samahan si Drake. Sinabi din nito sa pulis na mag-asawa sila dahilan para magulat ang mga pulis nandoon. Maging si Drake na nasa loob nang selda ay napatingin sa dalaga. Akala niya, matapos niyang pagbigyan ang dalaga na Samahan siyang kumain aalis na ito pero matigas ang ulo nang dalaga hindi pa rin ito umuwi. Sinabi nitong sasamahan siya nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa niyakap niya ito kanina kaya ang tigas nang ulo nito ngayon? O talagang nag-aalala lang ito sa kanya. Kung nagkataon pangalawang gabi na niya ito sa kukulungan pero hindi parin dumarating ang tito niya. Impossible namang walang itong alam sa nangyari. Nasa balita na ang tungkol sa kaso laban sa factory nila. “Nakakagulat ba?” Tanong ni Samantha sa pulis. “Oo.” Sabay-sabay na wika nang mga ito. “Pumayag ang mga magulang niyo na magpakasal kayo? Eh mukhang nag-aaral pa kayo ah.” Komento nang isa. “Tama, nag-aaral pa nga kami. Pero hindi naman iyon---” “Umuwi kana.” Biglang agaw ni Drake sa iba pang sasabihin nang dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa binata. Hindi niya alam kung bakit pero masaya siya dahil sa ginawa ni Drake kanina. Siguro nahalata nito ang takot niya at pag-aalala kaya niyakap siya nito. Gusto marahil nang binata na pagaanin ang loob niya. Kahit pinagsusungitan siya nito. Hindi parin nito maitanggi na mabuting puso ang binata. “Pinauuwi kana nang asawa mo. Alam sa tingin ko, para naman kayong hindi mag-asawa ni hindi nga kayo naglalambingan.” Wika pa nang pulis. “Hindi naman kailangan parati kaming magkadikit para matawag na mag-asawa hindi ba.” Wika nang dalaga sa mga pulis. Natawa lang ang mga ito sa dalaga. Napapailing lang si Drake habang nakatingin sa dalaga habang nakikipag-usap ito sa mga pulis. Habang nakatingin siya sa dalaga at sa nakangiti nitong mukha, pakiramdam niya gumagaan ang loob niya habang nakikita ang mga ngiting iyon. At sa kabilang banda, may tila inis sa loob niya dahil may ibang taong nakakakita nang mga ngiting iyon. Mga ngiting gusto niyang siya lang ang nakakakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD