“Lee!” masiglang wika ni Samantha nang makitang dumating ang binata. Nang marinig ni Drake ang pangalang binanggit ni Samantha bigla siyang napatingin sa may pinto. Dumating doon ang assistant nang matandang si Leandro.
“Lee, ilalabas mo na ba si Drake dito?” tanong ni Samantha saka lumapit sa bagong dating. Napatingin naman si Lee sa Binatang nasa loob nang selda. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.
“Not today.” Wika ni Lee saka tumingin kay Samantha.
“Bakit?” tanong nang dalaga.
“Lee, iuwi mo na ang isang yan. Masyadong matigas ang ulo at ayaw makinig.” Wika ni Drake at tumalikod. Napatingin naman si Samantha sa binata. Papayag nalang ito na matulog ulit sa loob nang selda.
“Lee-----”
“I’ll handle this.” Agaw ni Lee sa iba pang sasabihin nang dalaga. “Nasa labas ang kotse ko doon mo nalang ako hintayin.” Anang binata sa dalaga.
“Pero---” nag-aalangan na wika ng dalaga.
“Just listen to what I say. Ilalabas ko siya dito. But not today.” Wika ni Lee saka inilagay ang kamay sa balikat nang dalaga. “Alam mong tinutupad ko ang lahat nang ipinangako ko.” Wika pa nito. Simpleng tumingin si Samantha sa Binatang nakatalikod.
“Kakausapin ko muna siya. Doon kana muna sa sasakyan.” Wika pa ni lee sa dalaga.
“Okay.” Mahinang wika nang dalaga. Wala naman siyang magagawa nang mga sandaling iyon. At isa pa Malaki din naman ang tiwala niya kay Lee. Alam niyang alam nito kung anong ginagawa nito.
“Nakalabas na siya.” Wika ni Lee nang makalapit sa selda kung nasaan si Drake. Nang marinig ng binata ang sinabi ni Lee napatingin siya dito saka tumingin sa kung saan nakatayo ang dalaga kanina.
“Anong gusto mong pag-usapan? Ngayon mo na ba ipapamukha sa akin na mali ang naging desisyon ko?” anang binata kay Lee. Hindi naman agad na sumagot si Lee nakatitig lang ito sa binata.
“Kung wala kang sasabihin umalis ka na.” wika ng binata at akmang tatalikod.
“It’s like you have an idea sa mga nangyari.” Wika ni Lee.
“Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kung anong ginawa niyo sa ama ko. Ganoon din ang gusto niyong gawin sa ‘kin.” Wika ni Drake habang nakatingin nang derecho sa Binatang assistant nang lolo ni Samantha.
“Until this point, you blindly believe, we are the reason for your dad, ill fate. Pathetic.” Wika ni Lee,
“Anong sab imo?” hindi makapaniwalang wika ni Drake sa sinabi ni Lee.
“Think about this. Bakit sa tingin mo, gugustuhin ni Sir Leandro na ibalik saiyo ang kompanya niyo after your wedding contract kay Samantha? When we he can just pay you a handsome amount of money. No need to involve the company. Bakit siya mag-aabalang ibangon ang kompanya niyo gayong wala siyang pakiaalam sa inyo. He was even a victim of that company’s fraud act.” Wika pa nito.
“And your point is?” tanong ni Drake.
“Hindi mo siguro paniniwalaan ang sasabihin ko. But we had nothing to do with what happen. Kahit ayaw mong maniwala. Matalino ka, by now, you can already connect the dots to what is happening.” Wika pa ni Lee. Lalo namang nagulahan si Drake sa mga sinabi ni Lee. Alam niyang may gusto itong pahiwatig.
“Kaya kitang ilabas dito ngayon. Dahil alam kung wala kang kasalanan. But it will not do you any good kung babalik kang nagbubulag-bulagan pa rin sa mga nangyayari.” Wika ni Lee. “Taliwas ito sa gusto nang amo ko, Pero gagawin ko ito para tigilan mo na ang pagiging bulag mo sa katotohanan. Imulat mo ang mata mo. Kilalanin mo kung sino ang kalaban o kakampi mo.” Wika pa nito saka tumalikod.
“Babalikan kita dito bukas. I hope you already have the answer you seek. And then, I will help you clear your and your dad’s names.” Dagdag pa ni Lee.
“Bakit hindi mo ako deretsahin. Hindi ko gustong nanghuhula ako.” Inis na wika ni Drake.
“Hindi kita ginagawang manghuhula. I want you to use your brain and think. Sabi nila matalino ka. You can figure this out for yourself. Unless you are already blinded by your naivety.” Wika ni Lee saka walang paalam na umalis. Napatingin lang si Drake sa papalayong assistant. Naguguluhan siya sa sinabi nito. Pero alam niyang hindi naman nito ugaling manloko. He even explained to him na hindi pa handa ang kompanya nila na ilabas ang project na iyon. He was just Naïve to believe his tito Miguel.
*****
Were you able to solve the riddle that I gave you?” Tanong ni Lee kay Drake nang salubungin niya ang binata na lumabas sa presinto. Matapos ang dalawang gabing pananatili nito sa loob nang detention center pinalabas nang mga pulis ang binata matapos e-submit ni Lee ang mga katibayan na walang kinalaman si Drake sa Fraud case.
“Nice way to greet me. Ni hindi ka manlang nagdala nang makakain.” Wika nang binata kay Lee. Napatingin naman si Lee sa binata. Iniisip niya kung sa pananatili ba nito sa loob nang kulungan nagawa nitong timbangin ang mga nangyari at kung sino ang nasa likod nang mga nangyari o kung hanggang ngayon, pinipili pa rin nitong maging bulag sa mga nangyayari.
“Why are you looking at me like that?” tanong ni Drake nang mapansin ang tingin ni Lee sa kanya.
“Nothing. Tayo na. Hinihintay kana na Sam.” Wika ni Lee saka tumalikod at naglakad patungo sa Sasakyan.
“Mauna ka nang umuwi. May pupuntahan pa ako.” Wika nang binata. Bigla namang natigilan si Lee saka napatingin sa binata.
“Kalalabas mo lang. Di ba mas importanteng umuwi ka muna? Alam mong nag-aalala si---”
“I still have things to resolve.” Agaw nang binata. Lalo namang napatingin si Lee as binata. Alam na kaya nito ang gagawin niya? Iyon ang nasa isip ni Lee habang nakatingin sa binata. Did that stay sa loob nang kulungan help him to realize kung ano ang nangyayari.
“Spill it.” Wika ni Drake nang makita ang uri nang tingin ni Lee sa kanya. Nakikita niyang parang may gusto itong sabihin sa kanya.
“Malaki kana alam mo ang ginagawa mo.” Wika ni Lee saka tumalikod. “Once you’re done. Umuwi ka nang maaga. Samantha is worried sick about you.” Dagdag pa nito saka naglakad patungo sa sasakyan nito. Sinundan lang nang tingin ni Drake ang binata hanggang sa makaalis ito. Nang makalayo ang sinasakyan ni Lee. Napatingin siya sa police station saka napakuyom nang kamao. Nakatulong sa kanya ang pananatili sa loob nang kulungan. Ngayon ang kailangan nalang niyang gawin ay ang kausapin ang Tito niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya sumama kay Lee.