"Lolo! Lee!” tawag ni Samantha habang nagmamadaling bumaba. Napatingin naman sa kanya ang mga kapatid nang lolo niya na nasa living room at kausap ang lolo niya. Maging si Lee ay napatingin din sa dalagang tumatakbo pababa nang hagdan.
“Samantha, bakit ka ba tumatakbo. Hindi Gawain nang babae yan.” Wika nang lola Leanne habang nakatingin sa kanya.
“Pasensya na po.” sambit ni Samantha nang makalapit sa kanila saa naglakad patungo sa kinaroroonan nang lolo niya. “Lolo napanood-----” anang dalaga saka patingin sa malaking TV sa living room kung saan ipinapakita ang isang balita. Natigilan ang dalaga.
“Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagmamadali?” tanong nang Lolo Lyndon niya.
“Kakaiba din itong napangasawa mo. Pareho sila nang papa niya.” Komento nang lola Leanne niya habang pinapanood ang balita tungkol kay Drake. Nasa balita ang tungkol sa Fraud case na isinampa nang ilan sa mga distributor na kinontrata nila para mag distribute nang bagong manufacture na laruan nang kompanya nila. Ito ang laruang nasa project ni Miguel. Dalawang linggo lang matapos ang launching. Sunod-sunod na ang mga nagsampa nang Kaso nang Fraud sa kompanya dahil sa pekeng laruang dinistribute nang kompanya nila. Bukod sa peke na mahinang klase din ang mga gawa. Taliwas sa marketing nito na high quality ang gawa nila.
“Kung ano ang puno siya rin ang bunga.” Komento ni Lyndon.
“Lolo, tulungan natin si Drake. Wala naman siyang kasalanan.” Ani Samantha sa lolo niya. Ngunit hindi kumibo ang lolo ni Samantha at napatingin lang sa monitor. “Lee.” Baling ng dalaga sa assistant nang lolo niya nang hindi sumagot ang matanda.
“Bakit mo ba gustong ipagtanggol ang asawa mo?” Tanong ni Leanne sa dalaga. “Nakita mo naman ang ginawa niya. Gusto mo bang sumama pa ang reputasyon natin dahil diyan sa pabaya mong asawa?” asik ni Leanne sa dalaga.
“Pero lola, wala naman siyang kasalanan. Alam naman-----”
“Huwag mo na siyang ipagtanggol Samantha!” saway nang lolo Lyndon niya sabay putol sa kung ano pang sasabihin niya. Natigilan naman ang dalaga sa sinabi nang lolo niya. Napakuyom nang kamao ang dalaga.
Nakatingin lang siya sa malaking monitor habang nasa balita ang pagdakip kay Drake dahil sa kasong Fraud. Nauulit lang sa binata ang ang nangyari sa papa nito. At wala man lang siyang magawa ngayon kundi manood nang balita.
“Samantha saan ka pupunta?” habol ni Lee sa dalaga nang bigla itong lumabas nang bahay nang hindi malang nagpapaalam sa kanila.
“Hayaan mo siya Lee.” Wika ni Leandro sa binata.
“Pero sir.” Nag-aalangang wika nang binata saka tumingin sa matanda.
“Alam mo kung saan siya pupunta.” Anang matanda. “Tiyak pupuntahan niya sa presinto ang asawa niya.” Dagdag pa nito. “Alamin mo kung anong nangyari.” Wika nito saka tumingin kay Lee.
“Gusto mo pang tulungan ang lalaking yun?” Di makapaniwalang wika ni Lyndon sa sinabi nang kapatid.
“Ano ka ba naman Leandro.” Angal ni Leanne sa kapatid.
“Walang kasalanan ang batang iyon. Gaya din siya nang ama niya. Kung hindi ako ang tutulong sa kanya. Sino sa palagay niyo ang gagawa?” wika nito saka tumayo. “Bukod doon, asawa siya ni Samantha hindi pwedeng wala akong gawin.” Dagdag pa nito.
“Kumilos kana Lee.” Baling nito sa assistant niya. “Saka--- Make sure that bastard will rot in jail.” Anang matanda saka naglakad patungo sa itaas. Napatingin lang ang dalawang matanda sa kapatid nila bago tumingin kay Lee.
“Ano bang alam niya sa mga nangyayari?” Tanong nito kay Lee.
“Aalis na ako. Kailangan ko pang tapusin ang utos ni Sir Leandro.” Wika ng binata saka umalis. Napaawang lang ang labi nang dalawang matanda.
“Ang daming itinatagong lihim nang kapatid nating yan.” Wika ni Leanne kay Lyndon.
“Simula pa nang una talagang mahilig na siyang maglihim.” Wika pa ni Lyndon.
“Mukhang mas nagiging malapit pa ang asawa ni Samantha sa kapatid nating yan kumpara sa mga apo natin. Anong gagawin mo kapag naisip ni Leandro na ibigay kay Drake ang ilan sa yaman niya.” Ani Leanne.
“Hindi naman siguro siya ganyan ka bobo para pagkatiwalaan ang lalaking galit sa kanya.” komento naman ni Lyndon.
*****
"Bakit ka nandito?” Tanong ni Drake sa dalaga. Sinabi nang isang pulis sa kanya na may dalaw siya. Iniisip niyang ang tito Miguel niya ang dadalaw sa kanya. Marami siyang tanong sa tito niya at kung bakit nagkaganoon ang project nila. Malaki ang tiwala niya sa Tito niya dahil sinabi nitong magiging matagumpay ang project na iyon. Kaya lang, simula nang mahuli siya hindi pa nagpapakita sa kanya ang tito niya. Kahit noong araw na may mga pulis na nagpunta sa factory nila hindi rin ito nagpakita. Sa dami nang tanong na isip niya para siyang mababaliw. Ganito din ba ang naramdaman nang papa niya nang mangyari dito ang pambibitintang tungkol sa kasong Fraud? Gusto niya ng kasagutan sa mga tanong niya. Kaya lang sino ang magbibigay sa kanya nang sagot? Ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya ay wala doon.
“Drake. Okay ka lang?” Sambit ni Samantha na tumayo nang makita ang binata nang lakad papalapit sa kanya. Buong magdamag na itong nanatili sa presinto. Hindi niya nalaman ang tungkol sa pagkakahuli nito hanggang sa mapanood niya ang balita sa TV. Parang normal lang sa kanya ang araw nang sabado dahil minsan hindi naman umuuwi sa mansion ang binata at sa dating apartment nito nagpapalipas nang gabi. Tuwing marami itong ginagawa sa factorty doon na ito natutulog sa apartment nito.
“Bakit ka nandito?” walang emosyon na tanong ni Drake habang nakatayo sa harap ni Samantha. Hindi niya maintindihan pero naiinis iyang makita siyang ganoon nang dalaga.
“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?” tanong ni Samantha na hindi binigyang pansin ang malamig na pikikitungo nang binata sa kanya saka lumapit dito at tiningnan kung may pasa ito. Hinawakan pa niya ang mukha nang binata.
“I’m okay. Ang tanong ko ang sagutin mo.” Asik ni Drake saka tinanggal ang kamay nang dalaga sa mukha niya.
“That’s a relief. Akala ko sinaktan ka na nila. Nakatulog ka ba dito nang maayos? Kumain ka na ba? May dala---” wika nang dalaga na akmang aakayin ang binata patungo sa mesa kung saan nakalagay ang dala niyang pagkain pero natigilan siya nang biglang marahas na bawiin ni Drake ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa niya. Taka namang siyang napatingin sa binata dahil sa naging reaksyon nito. Nakikita niya ang galit sa mga mata nang binata. Marahil dahil sa nangyari dito. Iniisip ni Samantha, iniisip kaya ni Drake na may kasalanan ang lolo niya o si Lee sa nangyari.